CHAPTER 15

661 36 9
                                    

Daig ko pa ang zombie kinabukasan. Ayaw ko sanang pumasok ngayong araw kaya lang inisip ko na baka may ipagawa sa amin tapos hindi ako makapagpasa.

"Blair." Napahinto naman ako sa paglalakad nang may tumawag sa 'kin at nakita ang humahangos na si Sam.

"Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako narinig?" Hinihingal niya pang tanong sa akin nang maabutan niya ako.

"Sorry, hindi talaga kita narinig eh."

Naglakad na kami papuntang classroom nang magtanong siya. "Bakit nga pala hindi ka sumipot sa org meeting natin kahapon?"

Isa pa yan sa nakalimutan ko, dahil nga sa nangyari kahapon nawala na din sa isip na may meeting pala kami. Napabuntong hininga na lang ako.

"Huy Blair, ayos ka lang?" Tanong niya pa. Kinapa niya naman ang noo ko. "Wala ka namang sakit."

"I'm sorry, may iniisip lang ako." Get yourself together, Blair! Kahit pa anong gawin mo hindi mo na mababago ang nangyari.

"Grabe ang aga-aga naglalandian." Napatingin naman ako kung saan nakatingin si Sam at wala sa sariling napatigil sa paglalakad.

It was Rogue kissing another girl in broad daylight. Wow, ibang klase! Mas lalo akong nandiri sa sarili ko dahil sa nakita. You're just a one-time fun for him, Blair.

"Halika na." Hila ko pa kay Sam at nagpatuloy sa paglalakad. Madadaanan namin sila dahil yun lang naman talaga ang daan papunta sa room namin.

Taas-noo lang akong naglakad at hindi sila pinansin. Nang makita ako ng mga kasama niyang papalapit bigla naman nilang binati.

"Good morning, Ms. Greco."

"Hi, Ms. Blair." Para ko silang mga fans. Kita ko naman na napatigil si Rogue sa milagrong ginagawa niya at tumingin din sa akin.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin bagkus ngumiti ako sa mga bumati sa akin. "Hello." Nagulat naman sila nang sabihin ko yun. Hindi ata sila makapaniwala na papansinin ko sila. Well, I just don't want to be rude to other people.

Kung kaya niyang kalimutan ang nangyari sa amin, I can do it as well. Nilagpasan na namin sila at dumiretso na sa classroom. I focus myself with our classes and activities. Wala naman akong mapapala kung magdadrama ako.

"Nakakaloka, ang sakit ng ulo ko sa mga discussion natin." Ungot pa ni Sam. Kakatapos pa lang ng panghuling subject namin sa umaga.

"Halika na. Nagugutom na 'ko." Naglakad na kami papuntang canteen at agad ko namang nakita ang mga pinsan ko.

"How are you, Blair?" Agad na tanong sa akin ni Kuya Axl.

"I'm okay now, Kuya." Nakangiting sabi ko pa sa kanya.

Nakita ko naman ang kapatid kong si Selena na tahimik lang. Hindi pa pala kami nakakapag-usap ulit. Hahanap na lang siguro ako ng tiyempo mamaya sa bahay.

"Guys, may gagawin ba kayo tonight?" Biglang tanong pa ni Ryder.

"Wala naman." Sagot pa ni Jax.

Nag-ilingan din kami. Wala naman kasi akong maalala na gagawin ko mamayang gabi.

"Why?" –Wyatt

"Well, a friend of mine who owns a bar invited us for his birthday. You all know Ground Zero, right? Siya ang may-ari nun." Sino ba namang hindi makakakilala sa bar na yun eh sobrang sikat nun sa buong Almeria.

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon