PAGDATING ko sa may gazebo kung saan nakahanda ang magiging tanghalian, nakita ko ang mga pinsan kong masayang nagkukwentuhan. Pati sila mommy panay ang tawanan kasama sila tita.
How I love this sight.
"Oh, there you are, Blair.."
Agad naman akong naglakad palapit kay Tita Matilda, Wyatt and Seraphina's mom. Siya kasi ang unang nakapansin sakin. Bumeso ako sa kanya. "Hi Tita, It's been a long time."
"Truly.. lalo ka atang gumanda."
"Thank you po, tita. You look fresh as well." Napatawa naman siya ng malakas. She likes to be complimented most of the time. She's a beauty queen before kaya naman ganun na lang pagpapahalaga niya sa kanyang mukha at katawan.
"Andito ka na pala, my most favorite cousin.." Umikot naman ang mga mata ko sabay tawa at tiningnan si Ryder. He went for a hug, well we usually do that naman talaga.
Ilang beses na ba niya akong tinatawag ng ganyan, hindi ko na ata mabilang. Ako lang daw kasi ang nakakatiis sa kanya kaya ako daw ang pinaka paborito niyang pinsan sa lahat.
Nakipagkamustahan pa ako sa iba pa naming kamag-anak nang mamataan ko si Rogue, nakahilera siya kasama ng iba pang mga bodyguard at tahimik lang na nakamasid sakin. Pasimple siyang ngumiti sakin—telling me that I should continue what I'm doing.
"Papito!" Tumakbo ako palapit kay Lolo Damian. Kasulukayan niyang kausap sila mommy. Agad akong nagmano sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Sobrang tagal na ng huli ko siyang nakita.. I missed him so much.
'Papito'--- that's how I call him. Actually, ako ang nagpauso non. Mga bata pa lang kami yun na ang tawag ko sa kanya na siyang ginaya naman ng iba kong mga pinsan. I don't know but... I just find that word cute.
"I missed you, Papito."
Niyakap niya naman ako ng mahigpit. "I missed you too, my darling Xeb-xeb." Napanguso naman ako sa kanya ng tawagin niya ako sa palayaw kong yun. Gaya ko, pauso din siya ng tawag sakin. It obviously came from my name. Hinayaan ko na lang siya sa trip niya.
Sa aming mga magpinsan, ako ang pinaka maka-lolo sa lahat. Madalas kasing siya ang kasama ko noong bata pa ako kaya naman labis akong napalapit sa kanya but everything changed when we went to the States. Though we had constant communication over the years, iba pa rin talaga nakakasama ko siya.
"Hay naku, bini-baby mo na naman yang panganay ko, Papa." Natatawang sabi ni daddy sa kanya.
"Oh, let me.. alam mo naman na ito ang pinakadikit sakin simula pa noong bata." Napangiti naman ako sa sinabi niya at niyakap siya ng mahigpit.
"How was school, my darling Xeb-xeb?"
"It's so stressful, Papito but I can manage. Kahit papano naman ang-eenjoy ako."