CHAPTER 28

578 31 2
                                        

Maga ang mata ko ng gumising ako kinabukasan. Nakatulugan ko na ang pag-iyak. I force myself out from bed and went straight to my bathroom.


Nakatulala ako habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. My eyes are puffy because of too much crying. How funny to see a Greco like me crying over a Montesilva. Pag nalaman to ng mga pinsan ko paniguradong....gulo.


I immediately went under the shower and let the cold water make its way to my body. I was drowned with a lot of things in mind. "Paano ko siya pakikiharapan ngayon?" I whispered to myself.


Bahala na.


I finished my shower at agad na lumabas ng banyo. I went to my walk-in closet and chose a black summer dress to wear. Tamad na tamad na akong mag-isip ng susuotin.


I fix myself in front of my dresser and put some concealer para naman hindi masyadong halata ang pamamaga ng mata ko. Though it was less puffy after I showered pero mabuti na yung matakpan ko na lang.


PAGDATING ko sa dining area, bahagya pa akong natigilan nang makita ang mga pinsan ko sa hapag. "What the—"


Napatingin naman sakin si Wyatt. "Oh hey, Blair.. good morning."


Napalingon na din sakin ang iba pang nasa hapag. "Blair, take a seat para makakain ka na.." Ani mommy.


"What are you guys doing here? Wala bang breakfast sa mga bahay niyo at dito na naman kayo napadpad?.." Agarang tanong ko pagkaupo.


"We were out for a jog around the village nang maisipan nila na pumunta dito para makikain.." Sabi pa ni Ate Claudia.


Napailing naman ako sa sinabi niya. "Let me guess, it was Ryder's idea.." Nakita ko naman na natigilan si Ryder sa nilalantakan niyang fried rice at napatingin sakin.


"Grabe ka naman insan, bakit ako naman agad ang naisip mo?" Sabi niya pa at umaakto pa na nasasaktan sa sinabi ko.


"Ikaw daw kasi ang pinaka patay gutom sa ating lahat.. tama naman si Blair, ikaw naman talaga ang nag-aya.." Panlalaglag pa sa kanya ni Jax. Napuno naman ng tawanan ang buong mesa habang nagsalubong naman ang kilay ni Ryder.


"Parang hindi din kayo nakinabang sa naging ideya ko ah..." Pero tinawanan pa rin namin siya.


"Children, stop it.. ayos lang naman kung kumain kayo dito. Wala naman kaso yun.. in fact, this is actually good kasi nakakapag catch up tayo kahit papano. Masyado na din kayong busy sa school." Sabi pa ni mommy.


"See?.. buti pa si tita naiisip yun. Also tita, stop calling us children.. malalaki na kami. We can actually make our own children." Ani pa ni Ryder sabay nakipag apir kay Wyatt.


"Mga siraulo talaga kayo.. lalo ka na Kuya Ryder." Hindi na pigilang sabihin ni Selena.

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon