CHAPTER 18

642 36 4
                                        

Pagkatapos kong ihatid si Timothy sa office, dumiretso naman agad ako sa coffee shop kung saan kami magkikita-kita ng mga kagrupo ko. Kailangan na kasi naming tapusin ang mga project namin ngayon.


Pagkarating ko sa coffee shop, nakita ko naman agad ang mga kagrupo ko. They're all busy typing something on their laptop. Nakakahiya! Ako na lang pala ang hinihintay.


"I'm so sorry, I'm late." I told them pagkalapit ko sa table namin.


"Okay lang Blair, kakastart pa lang naman namin eh. Tama lang dating mo." Sabi pa sa'kin ng leader namin.


Umupo naman ako kaagad at nilabas ang macbook ko tsaka nagsimula na ding magresearch. Halos isang oras na din kaming tutok sa mga laptop namin nang magsabi ang leader namin na break muna.


Ramdam ko ang sakit ng likod ko at kamay ko. Tahimik lang akong umiinom ng kape nang mapag usapan nila ang eskandalong kinasangkutan ni Rogue kahapon.


"Nakakaloka nga eh, hindi man lang talaga nahiya yung si Stacy. Pumayag talaga siya na sa locker room nila gawin ni Rogue yun." Ani ng isa kong kagrupo.


"Ano ka ba, syempre Montesilva na yun. Aarte pa ba siya? Alam niyo naman na patay na patay ang mga babae dito sa bayan natin sa mga Montesilva na yun lalo na kay Rogue."


"Ang pinagkakalat pa nga daw na balita ni Stacy eh may relasyon daw talaga sila ni Rogue. Matagal na daw sila at tinatago lang nila para iwas chismis kaya lang nangyari nga yung sa locker room kahapon." Ani Bert. Nanlamig ako sa sinabi niyang yon. May relasyon sila? At matagal na? Ibig sabihin nung may nangyari samin.... Napahawak naman ako ng mahigpit sa tasang hawak ko. Ang tanga mo, Blair! You became someone's side chic!


"Hindi naman imposible yun kasi lagi daw nakikita ang dalawang yun na magkasama sa mga bar. Lagi nga daw naglalampungan ang mga yun kahit saan." Patuloy pa nila. Napatiim bagang na lang ako.


"Hindi na din naman lugi si Rogue kay Stacy, ang dami kayang may gusto sa babaeng yun kasi nga maganda na tapos sexy pa. Panalo na din siya don."


"Hay naku, hayaan niyo na nga yung buhay ng ibang tao at tapusin na lang natin 'tong project natin para makauwi na tayong lahat." Biglang sabat pa ng leader namin.


Balik na din kami agad sa mga ginagawa namin pero nawala na ata ako sa focus. Lumilipad ang isip ko at paulit-ulit na naaalala ang mga pinag-usapan ng mga kagrupo ko kanina.


"Blair." Napatingin naman ako sa leader namin nang tawagin niya 'ko.


"Yes, what is it?"


"Ayos ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang diyan. Masama ba pakiramdam mo?" Tanong niya pa sa 'kin. Shit! Ganun ba 'ko ka distracted?


"I'm sorry. Don't worry, I'm okay."


ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon