CHAPTER 7

664 45 1
                                    


Maaga akong nagising kinabukasan, naligo na agad at nagbihis. May morning class ako ngayon at bawal akong malate. Pagbaba ko ng kusina, naghahain na si manang ng agahan namin.

"Wala ho bang pasok si Selena ngayong umaga, manang?" Tanong ko pa sa kanya.

"Ang sabi ng mommy mo kagabi eh pagkatapos ng pananghalian pa daw ang pasok ng kapatid mo kaya ikaw lang pinaghanda ko ngayon. Panigurado at mamaya pa gigising yun." Napatango nalang ako sa kanya at mabilis na tinapos ang pagkain.

Nagpahatid ako sa driver namin papasok ng university. Pagbaba ko ng sasakyan, maingat naman akong pumasok ng campus. Mahirap na baka mamaya masalubong ko pa ang manyakis na yun. Mabilis akong naglakad papunta sa building namin habang palinga-linga sa paligid. Nakahinga nalang ako ng maluwag nang makarating na din ako sa classroom. At least dito hindi magkakasalubong ang landas naming dalawa. 

"Good morning, Mama Mary." Napalingon naman ako sa umupo sa bakanteng upuan katabi ng sakin at nakita ang nakangiting mukha ni Samantha.

"Bakit mo ba ako tinatawag na ganyan?" Nakangiwi kong sabi sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo kahapon na kamukha mo nga siya." Sabi pa niya. "At kagaya niya, for sure virgin ka pa. Yieee sana all." Ibang klase talaga ang bibig nito, walang filter.

"Stop it nga baka mamaya may makarinig pa sayo diyan." She acted like she was zippering her mouth at ngumiti sakin.

"Ang aga mo naman ata ngayon, Blair." Kausap niya ulit sakin.

May iniiwasan kasi ako, yun dapat ang gusto kong sabihin sa kanya. "Hmm, maaga kasi akong nagising kanina." Umayos naman agad kami ng dumating ang prof namin. Agad naman siyang naglesson and pareho lang kami ni Samantha na tutok sa sinasabi nya.

After the discussion, pakiramdam ko mabibiyak na yata ang ulo ko. Alam ko naman hindi magiging madali tong pinasok pero hindi ko naman inexpect na magiging ganito kahirap. 

"O Blair, tara na. Punta muna tayong canteen para makapag snacks. Natuyo ata lahat ng brain cells ko sa utak dahil sa malupet na discussion na yun." Niligpit ko naman agad ang gamit ko at sabay na kaming naglakad ni Sam papuntang canteen. 

Pagkapasok palang namin, nakita ko naman kaagad ang mga pinsan ko na nakatambay sa isa sa mga table. "Halika don tayo sa mga pinsan ko." Hila ko kay Sam palapit kina Ryder.

"Ha? Sigurado ka ba diyan? HIndi ba yun nakakahiya?" Tanong pa niya.

Ngumiti lang naman ako sa kanya. "Bakit ka naman mahihiya eh kasama mo naman ako." 

"Eh syempre mga Greco yan o tsaka ikaw din. Isa lang akong hamak na commoner kung ikukumpara sa inyo." Pagdadrama niya pa.

"Tigilan mo nga yan, Sam. Akala ko ba magkaibigan na tayo. Ba't may paganyan-ganyan ka pang nalalaman diyan." Ngumiti naman siya sakin bigla.

"Ikaw naman, sinusubukan ko lang naman kung effective ba akong artista. Hehe lika na, punta na tayo sa kanila." At siya pa ang humila sakin ngayon palapit sa table nila Ryder.

"Oh, there's Blair....with a friend." Dinig kong sabi Wyatt habang nakaturo samin. Naglingunan naman ang iba ko pang mga pinsan sa amin. Sabi pa ni Ate Claudia.

"Guys, this is Samantha. Friend ko at the same time classmate ko rin." Pakilala ko pa kay Sam sa kanila.

"Hello po." Nahihiyang bati pa ni Sam. Muntik na akong matawa. 

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon