PERO ang unang beses na yun na hindi niya nasagot ang tawag ko ay nagsunod-sunod. Noong una, iniisip ko na baka sobrang dami niyang ginagawa doon. Kapag tumatawag kasi ako sa kanya madalas na sekretarya niya ang nakakasagot sa mga tawag ko at sinasabing nasa meeting siya.
Ngunit iba na ngayon, halos isang buwan na ang lumilipas na hindi ko siya nakakausap. Pag tumatawag ako sa kanya, panay lang ring ang natatanggap ko. Ni minsan hindi siya sumagot.
Marami na din ang nangyari sa isang buwan na nagdaan. Naging malamig ang pakikitungo namin ni mommy sa isa't-isa. Kapag nasa bahay ako, para lang akong hangin para sa kanya at laging sila ni Selena lang ang magkasama, na hindi na nakapag pagulat sakin.
"Pansin ko kanina ka pa tingin ng tingin diyan sa cellphone mo. May inaantay ka bang tawag?" Napalingon naman ako nang marinig kong magsalita si Timothy. Andito kami ngayon sa may student longue nakatambay habang inaantay si Sam.
"Ah.. hindi. Tinitingan ko lang yung time." Inaamin ko umaasa ako na baka biglang tumawag si Rogue at baka hindi ko yun masagot kaya panay tingin ako sa screen ng phone ko.
"Okay ka lang ba, Blair?" Biglang tanong niya pa.
"Ha? Oo naman.. ba't mo naman natanong yan? Parang hindi tayo araw-araw na magkasama ah."
"Naisip ko kasi na baka hindi ka okay. Pansin ko kasi nitong nakaraang buwan na parang ang lalim lagi ng iniiisip mo tapos you've been performing poorly sa mga activities and quizzes natin. Are you really okay?" Nakagat ko naman ang labi ko sa sinabi niyang yun. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Sa nagdaang buwan, I've been very distracted sa dami ng iniisip kong problema kaya naman napapabayaan ko na din ang pag-aaral ko.
"Ayos lang ako, huwag kang mag-alala." Ngiti ko pa sa kanya.
"Kung kailangan mo ng makakausap, andito lang ako ah. Kung hindi mo natatanong, I'm a good listener." Pagyayabang niya pa. Natawa na lang ako sa kanya.
Hindi rin nagtagal dumating na rin si Sam na sa malayo pa lang mukhang imbyerna na.
"Hay naku, kairita ha... ang init." Unang-una niyang sabi pagkaupong-upo niya pa lang sa bench.
"Ano bang nangyari sayo at bakit ang tagal mo?" Takang tanong pa ni Timothy sa kanya.
"Hindi ko kasalanan kung bakit ako late, okay? Kairita kasi yung mga estudyante sa may parking lot, mga hassle sa buhay." Reklamo niya pa.
"Bakit, anong meron sa parking lot?" It was me who asked this time.
"Eh kasi yun mga haliparot nating mga schoolmates pinagkaguluhan si Rogue Montesilva kala mo naman—"
"—wait.." Natigilan ako sa sinabi niyang yun. "Pakiulit ng sinabi mo.."
"Ay, bingi lang friend? Sabi ko pinagkaguluhan nila si Rogue dun sa parking lot—"
"—Asan siya?"
"Aba malay ko, nakita ko na lang na paalis na siya ng university—hoy Blair, san ka pupunta?!" Rinig ko pang tinatawag ako nila Timothy pero hindi ko na sila magawang lingunin.
Mabilis akong tumakbo papuntang parking lot at agad na nilibot ang paningin ko pero hindi ko nakita ang sasakyan niya. Shit! Nakauwi na siya?! Bakit hindi ko alam?! Bakit hindi niya ako sinabihan na nakauwi na pala siya?!
Buti na lang nagdala ako ng sasakyan ngayon araw, dali-dali kong pinaandar ang sasakyan paalis ng university. Isang lugar lang ang pumapasok sa isip ko kung saan siya pwedeng pumunta.