Nanlalaki pa din ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Is this really true? Dumistansya na muna siya sa'kin bago tinanggal ang kamay niyang naktakip sa bibig ko.
"Surprised?" Ani niya pa na parang aliw na aliw siya sa mga nangyayari.
"What the—what the hell are you doing here?!" Asik ko pa sa kanya ngunit siniguro kong hindi masyadong malakas ang boses ko. Hndi pa naman sound proof 'tong kwarto ko, mahirap na.
"Di ba nga pinakilala na ako ng daddy mo sa'yo kanina. I'm your bodyguard." Nakangiti niya pang sabi.
"That's not what I meant. Ang ibig kong sabihin bakit mo ginagagawa 'to? And why do you look like that?" Turo ko pa sa mukha niya. I don't know what he did to his face pero talagang halos hindi ko na siya makilala kung hindi lang dahil sa mga mata niya.
"Oh this?..." Hawak niya pa sa mukha niya. "This is what you call disguise. Hindi mo ba alam yun?"
I just rolled my eyes at him. "Whatever. Pero bakit mo 'to ginagawa? Malalagot ka talaga kapag nalaman nila daddy kung sino ka talaga." Sabi ko pa sa kanya.
"Well, nabalitaan ko kasi na naghahanap kayo ng magiging bodyguard mo, so I applied. Isa pa.." Dahan-dahan pa siyang naglakad palapit sa'kin hangga't sa maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa pader. "..hindi naman nila malalaman kung sino ako kung hindi mo sasabihin eh." Sabi niya pa sa'kin using his husky voice. Ibang klase talaga 'tong lalaking to.
Tinulak ko naman siya agad palayo sa'kin para muling magkaraon ng distansya sa pagitan namin. Hindi ako makahinga ng maayos pag masyado siyang malapit.
Nakit ko naman siyang naglakad papunta sa kama ko at walang sabi-sabing umupo roon habang nakatingin pa rin sa'kin. "So, everything will be up to you, mi bella. Kung isusumbong mo'ko sa daddy mo o hahayaan mo akong maging bodyguard mo, ikaw ang magdedesisyon non." Sabi niya pa. Ha! Kinokonsensya niya ba'ko?
"You really think that my family is stupid para hindi ka nila makikilala? Kanina nga lang halos mamukhaan ka na ni Ate Claudia eh, na kakakita lang sayo. Pano pa kaya sa mga susunod na araw?" I arched my brow at him. Hindi man lang ba siya nag-iisip na baka mahuli siya ng mga pinsan ko?!
"Ako na ang mamomroblema pagdating sa bagay na yan. Hangga't sa wala kang sinasabihan kung sino ako, wala akong magiging problema." Sagot niya pa.
Wow, ayaw niya talagang patalo. I crossed my arms just below my chest. Nakita ko ang mata niyang bumaba ang tingin sa dibdib ko. His jaw clenched at the sight of that. "Paano naman ang pag-aaral mo sa university kung magpapanggap ka bilang bodyguard ko?"
Agad naman siyang tumingin ulit sa 'kin ng tanungin ko siya. "...Don't tell me papatayin mo'ko sa sandamakmak na projects mo. Kung ganun naman pala ang kalalabasan ng pagiging bodyguard mo, wag na lang." Pagmamaldita ko pang sabi sa kanya. Hindi pa nga ako totally nakakarecover tapos papatayin na niya sa mga projects niya.
Maswerte nga ako na hindi ako natuluyan sa mga manyakais na nagtangka sa'kin pero sa mga projects niya ata ako matutuluyan.