Pagkatapos ng tagpong yun sa restaurant, napagdesisyonan naman namin na umuwi dahil maggagabi na.Saktong pagkarating namin ng bahay, naabutan namin na naghahanda na ng dinner si Mommy.
"Mommy, we're home." Magiliw pa na sigaw ni Selana at agad na yumakap kay Mommy.
Napaharap naman siya samin. "San ba kayo nanggaling at ginabi na kayo ng uwi?"
"Namasyal lang po kami sa bayan Mom tapos kumain kami ng halo-halo nila Ryder sa restaurant nila."
Bigla naman pumasok si Dad ng dining are at gaya ni Mommy niyakap din ito ni Selena.
"Andito na pala kayo. Let's eat dinner now."
Habang kumakain, panay naman ang kwento ni Selena tungkol sa pinaggagawa namin kanina pati yung nangyari sa restaurant hindi niya pinalagpas.
"Is that true? You run in to them?" Tanong pa sakin ni Dad.
"Ahm yes dad. Nagkataon din po kasing andun din sila ng mga oras na yun." Paliwanag ko pa sa kanya.
"Did they do anything to you guys?" Mom asked.
Umiling naman ako sa kanya. "Wala naman po Mommy. Nag-usap lang naman sila."
"Why dad? Totoo po bang kaaway talaga natin yung mga Montesilva na yun?" Selena asked Dad. I'm also curious about it.
"Matagl na talaga ang hidwaang yan sa pagitan ng mga pamilya natin at ng mga Montesilva. Hindi pa nga ata ako pinapanganak nang nagsimula. Your grandfather Damian Greco and Gabriel Montesilva were very good friends before." Kwento pa ni Daddy.
"Eh kung good friends naman pala sila, bakit magkaaway na ngayon ang mga pamilya natin?" Tanong ko naman.
"Everything changed nung magkagusto sila sa iisang babae."
"You mean?..."
"Yup, it is what you think it is, Blair. They both fell in love with your Lola Athena." Wow. I didn't expect na dahil pala kay Lola kay nangyari to.