Dalawang araw rin akong namalagi sa ospital. Salitan lang sa pagbabantay sa'kin nila mommy pati ang mga pinsan ko. Gusto pa sana akong samahan ni Selena habang nakaconfine kaya lang hindi siya pinayagan dahil may klase siya kinabukasan.
"You ready?" Mom asked me as she's done checking for my things. Today is the day that I'll get discharge from the hospital. I'm actually feeling a little bit of anxiety with the thought of going out. Pakiramdam ko kasi bigla na lang may hahablot at mananakit sa'kin.
"Yeah." Alangan kong sabi sa kanya. Wala naman akong magagawa. Hindi naman ako pwedeng mamalagi dito ng matagal.
Lumapit naman siya sa'kin at niyakap ako. Nahalata niya siguro na kinakabahan ako. "Everything's gonna be fine, baby. I promise you wala ng makakalapit sa'yo ulit para saktan ka. Your dad and I made sure na hindi na ulit yun mangyayari." Kahit papano kumalma naman ako sa sinabi niyang yon.
Napalingon naman kami pareho nang bumukas ang pinto at pumasok si dad. "You ready, Blair?" Tanong niya pa sa'kin.
I nodded at him. Naalala ko pa nung una beses kaming mag-usap pagkatapos mangyari ang lahat. Noon ko lang siya nakitang galit na galit kaya naman natakot pa ako sa kanya.
He was always gentle and sweet towards me and Selena. Kahit may nagagawa kaming kasalanan, hindi namin siya nakitang nagalit samin. But that day, it was an exception. He could actually kill dahil sa sobrang galit niya.
Naglakad na kami palabas ng kwarto. Nakaupo ako sa wheelchair na tulak-tulak ni mommy. Pagkarating namin sa labas, sinalubong kami ng napakaraming lalaking nakasuot ng itim na suit. Kinabahan naman ako kaagad. "Relax, Blair. They're just our bodyguards." Sabi pa ni mommy.
Bodyguards? Kelan pa kami nagkaroon ng ganito kadaming bodyguards? Ito na ba yung sinasabi nila na wala ng makakalapit sa'kin?
Sumakay naman agad ako papasok sa van. "Makakasama mo sila pag bumalik ka na ng university. We can't risk na may mangyari na naman sa'yo." Sabi pa sa'kin ni daddy.
"Hindi ba mas lalo akong pag-uusapan ng mga tao sa university pag nakita nilang may mga nakasunod sa'king mga bodyguard, dad?" Baka sabihin nila nagpapa importante ako dahil kailangan may bodyguard pa talaga ako.
"Well then, I'll just assign one bodyguard na magbabantay sa'yo. Don't wory hindi ka naman guguluhin ng magiging bodyguard mo. Hindi lang talaga ako mapapalagay na hahayaan kang mag-isa na walang bantay." Hindi na ako kumontra sa gusto niya. One bodyguard won't hurt. Isa pa, I'm still having anxiety being alone in public kaya kahit papano mapapanatag din ako pag alam kong may nakabantay sa'kin.
Hindi naman naging matagal ang biyahe namin pauwi. Pagkababa ko ng van agad na din kaming pumasok ng bahay.
"WELCOME HOME!!"
Napahawak pa 'ko dibdib ko sa sobrang gulat nang sumigaw sila. Nakita ko ang mga nakangiting mukha ng mga pinsan ko, ng mga tito at tita ko pati ng kapatid kong si Selena. May hawak-hawak silang banner na may nakasulat na 'Welcome Home, Blair'
Hindi ko naman mapigilan na hindi mapangiti sa kanilang lahat. "Oh my god, muntik na akong atakihin sa puso." Sabi ko pa sa kanila.
"Ateeee!!" Nakita ko namang nagtatatakbong lumapit sa'kin si Selena tsaka ako niyakap ng mahigpit. "I'm so sorry I wasn't there, ate." Sabi niya pa.