CHAPTER 31

678 40 5
                                    

I WAS in the mood when I woke up the next day. Hindi ko mapigilan na mapangiti nang maalala ko ang nangyari kagabi. If you're wondering if ever we did it again—it's a no.


We just cuddled the whole night talking about random stuff. Hinintay niya lang ako na makatulog bago siya umalis ng kwarto ko. He obviously can't stay here at baka mahuli pa kami nila daddy. Wala sa sariling napahawak ako sa puso ko at dinama ang mabilis na tibok nito. Hindi malinaw kung anong meron kami but.. I'm happy.


I'm happy with Rogue and whatever we have.


I immediately went to my bathroom para makapagshower. After that, I prepare my bag and all the other things na dadalhin ko mamaya para sa paggawa ng research paper.


Abala ako sa paghahanda nang makarinig ako ng katok sa pinto, agad ko naman itong binuksan at nakita ang isa sa mga katulong namin.


"Maam, pinapatawag na po kayo ng mommy niyo at mag-aagahan na daw po."


Tumango lang ako sa kanya at tiningnan pa muli ang mukha ko sa salamin bago tuluyang bumaba.


PAGDATING ng dinig, nagsisimula ng kumain sila mommy. "Your mom and I will go to your grandfather's house after breakfast."


"Why so early, dad? Akala ko po ba eh mamayang lunch pa tayo." I asked.


"We're going to help in the preparation.. ganun din ang mga tito't tita ninyo. Sumunod na lang kayo don bago magtanghalian." Sagot niya pa sakin. Tumango naman kami ni Selena sa kanya.


"May isusuot na ba kayo para mamaya?" Mom inquired.


Lihim pa kaming nagtinginan at kita ko ang pagsimangot niya sakin.


"Yeah.. I just chose a simple dress for later." I told them.


Bumaling naman si mommy kay Selena. "How about you baby, may susuotin ka na ba para mamaya?"


"Yeah." Walang gana niyang sagot kay mommy. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa inaasta niya. Ganun ba talaga kabig deal sa kanya ang damit na susuotin at nakuha niyang mga umasta ng ganyan.


Mabilis lang din natapos ang agahan namin at nagbilin na agad si daddy sa amin.


"Your bodyguard, Max will be the one driving you and Sel later papunta sa bahay ng lolo mo. Huwag kayong malalate, okay?" Mahigpit na bilin niya sakin. Dad hates a person who's always late, nasasayang daw kasi ang oras kapag pinaghihintay mo ng matagal ang isang tao.


"Don't worry, dad."


Nang makaalis na sila ay pumasok na ako ulit ng bahay at naabutang paakyat ng hagdan si Selena.


"Selena, can we talk?"


ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon