Unedited...
"Putang'ina!" isang malutong na pagmura ang pinakawalan ni Dylan at pinaghahagis ang lahat ng gamit na nasa sala.
"D-Dylan..." naiiyak na sabi ni Ann at niyakap ang asawang duguan ang kamay dahil sa nabasag na mga gamit, "t-tama na, m-mahahanap din natin siya.
"Nanghihinang naupo si Dylan sa sofa nang kumalas sa pagyakap ni Ann at napahilamos sa mukha.
"D-Dad? Sorry--"Lance"
Hindi ba't mahigpit na binilin ko sa inyong bantayan ninyo ang kapatid ninyo?" singhal niya sa quadruplets na kanina pa umiiyak.
Ngayon lang sila umiyak nang sabay-sabay. Ngayon lang din nilang nakita na nag-wild ang ama.
Lahat sila, basag ang babasaging gamit sa loob ng kuwarto.
Ang tanging hindi lang nagalaw sa mansion ay ang silid ng yumaong grandparents nila."O-Okay lang naman s-siguro ang baby ko," pabulong na sabi ni Ann. Kanina nang tumawag ang kidnapper, hinimatay siya.
Noong una, hindi pa sila naniwala pero nang pumasok sila sa kuwarto ni Anndy, unan ang natatakpan ng kumot.Puno ng CCTV ang bahay pero hindi nila alam kung paano niya natakasan ng bantay.
Hinihingal na pumasok ang isa nilang tauhan, "S-Sir, patay na po si Macario, nasa hardin namin siya nakita," pagbalita nito na ang tinutukoy ay ang nagmo-monitor ng CCTV.
"M-Mainit pa ba ang katawan niya?" nanghihinang tanong ni Dylan.
Ang quadruplets ay nakikinig lang sa kanila pero gusto na nilang sumabak sa laban at durugin ang bungo ng mga kumidnap kay Anndy."Hindi na ho. Ang tigas na rin ng katawan niya.
Mukhang pinatay na siya bago magtakip silim," sagot ni Ben na pinuno ng mga bantay nila.
Naikuyom ni Dylan ang kamao. Isa lang ang ibig sabihin, hindi na nila tauhan ang nakabantay kagabi."Sige, pakihigpitan ng security sa buong Villa," sabi ni Dylan at nagpaalam na si Ben."D-Dad? Ibigay na natin ang h-hinihingi nila, baka patayin nila si A-Anndy," pakiusap ni Lee Patrick na hilam sa luha.
"Hindi nila papatayin ang anak ko," sagot ni Dylan.
Ginagawa na nila ang lahat.
Kahit ang numher ng tumatawag, sinusubukan nilang i-trace pero nahihirapan sila.One trillion, isa sa quadruplets at ang sorority mask ang hinihingi nila, kapalit ng buhay ni Anndy.
"A-Ako na lang po ang ipalit ninyo, Daddy," pagboluntaryo ni John Matthew kaya napatingin sina LL at Jacob sa kaniya."Tama na!" saway ni Dylan, "walang papalit kay Anndy!
Kukunin natin siya na walang isa sa inyong apat na magsakripisyo!" determinadong wika ni Dylan at niyakap si Ann na hindi na makahinga dahil sa sobrang pag-iyak."D-Dylan, ang baby natin?" luhaang sabi ni Ann na tumingala sa asawa, "i-iligtas mo siya," pagmamakaawa niya. Si Anndy lang ang nakakausap niya palagi dahil silang dalawa lang ang babae sa pamilya.
Ito ang karamay niya sa usapang pambabae."I-Ililigtas namin siya kaya huwag kang mag-alala," sabi ni Dylan at pinahidan ang mga luha ng asawa, "magiging aayos din ang lahat."
-------------
"Mom? Si Tintin nasa labas," sabi ni Lance Leonard.
"Ako na po ang kakausap," sabi ni Lee Patrick at bumaba na.
Nasa library silang lahat at hinihintay ang tawag ng mga dumukot kay Anndy.Kahit ang mga pinagkatiwalaang NBI, tumutulong na rin sa kanila.
"T-Tin," sambit ni Lee Patrick nang pumasok ang dalaga kasama ang katulong."Good afternoon po, Kuya," mahinang bati ni Christine.
"May kailangan ka?" tanong ni Lee Patrick na namumula ang mga mata dahil kakatapos lang umiyak.
Hindi siya makatulog.
Hanggat wala sa tahanan nila si Anndy, hindi sila magiginv kampante. Bakit namumula ang mga mata mo?-umiyak ka po ba?" sa halip na sagutin, si Christine na ang nagtanong.
BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
ActionKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?