..
Ang Kidnapper kong GwapoChapter 44 ( Escape )
by: sha_sha0808Unedited...
"Magandang umaga po," bati ni Anndy at
humalik sa pisngi na ama na nakaupo sa
sala.
"Magandang umaga naman," sagot ni Dylan
at pinagmasdan ang anak. Napansin niyang
tumataba yata ito ngayon.
"Morning, Anndy," bati ni Erin na kakababa
lang at palapit sa kanila.
"Good morning po, Lola Erin!" masiglang
bati ni Anndy at humalik sa pisngi ng lola.
Nakita niya ang Lola Lulu niya na tumungo
sa kusina at nakikipag-usap sa Mommy Ann
niya.
"Ma'am? May bisita ho kayo," sabi ng
katulong na kakapasok lang. Kasunod nito
ang kambal na sina Jaffy at Jaff.
"Z-Zero..." bulong ng dalaga nang makitang
kasunod ng kambal si Zero. Gusto niyang
tumakbo palapit dito at yakapin ito pero
pinigilan niya ang sarili. Iniwasan din niyang
mapadako ang mga mata ng binata. Ang
guwapo kasi nito, bagong gupit kaya
maaliwalas tingnan lalo na't nakalabas na
ang tainga nito.
"Napadalaw yata ang kambal?" nakangiting
tanong ni Lulu na may bitbit na tasa ng
kape at napasulyap kay Zero, "Sino siya?"
Ngumiti si Jaff at ipinulupot ang mga kamay
sa braso ng binata, "Boyfriend ko po, si
Third."
"I see, guwapo siya," puri ni Lulu.
"Maupo muna kayo," sabi ni Dylan kaya
naupo ang tatlo sa harapan nila.
"May balita na ba kayo sa kidnapper ng anak
ko?"
"Ahm... Kaya po nandito kami. Puwede po
bang hiramin namin si Anndy para mai-
sketch namin ang mukha ni Zero?" tanong ni
Jaffy.
"Ngayon na ba?" seryosong tanong ni Erin
kaya nagkatitigan sina Anndy at Jaffy.
"Kung puwede lang naman po," kampanteng
sagot ni Jaff. Matalino ang mga ito kaya
isang pagkakamali lang, patay silang lahat.
"Kailangan ba talagang pumunta sa agency
ninyo?" tanong ni Erin.
"Yes po, kami ang may hawak ng kaso kaya
mahalaga sa amin ang impormasyong ibigay
ni Anndy," magalang na sagot ni Jaffy. They
can't do the face swapping. Mahahalata ng
tatlong matanda dahil gamay rin nila ito. So
the only way to escape ay ang mailabas si
Anndy sa mansion.
Mataman na tumingin si Lulu kay Anndy kaya
umarte si Anndy. Kunwari ay napipilitan lang
siya.
"K-Kapag makuha ninyo si Z-Zero, huwag
ninyong saktan ang taong mahal ko," naiiyak
na sabi ni Anndy para mas convincing.
"Umalis na kayo para makabalik ka kaagad,"
sabi ni Dylan kay Anndy. Hindi na nagsalita
pa sina Lulu at Erin pero nakatitig lang kay
Anndy.
"Sige ho, alis na po kami," paalam ni Jaffy at
tumayo na. Ganoon din ang ginawa nina
Zero at Jaff.
"Mommy? Saan ka po pupunta?" tanong ni
Dale at patakbong lumapit sa kaniya saka
niyakap ang mga paa niya. Pasimpleng
kinagat ni Anndy ang ibabang labi.
Nakokonsensiya siya.
Yumuko siya saka hinawakan sa magkabilang
balikat si Dale, "Aalid muna si Mommy,
sasama lang kina Tita Jaffy. Uuwi rin ako
mamaya," sabi niya. Babalikan nila si Dale.
Pinapangako niya.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Anndy?"
seryosong tanong ni Erin na hindi inaalis ang
mga mata sa mukha ng apo.
"O-Opo," kunwari ay napipilitang sagot ng
dalaga.
Biglang umusbong ang kaba sa dibdib niya
nang makitang pababa ng hagdan ang apat
na kapatid.
"At saan ka na naman pupunta, Anndy?"
tanong ni John Matthew at napasulyap kay
Jaffy.
"S-Sasama lang po kina Ate Jaffy," sagot ni
Anndy.
"Yes, isasama muna namin siya," nakangiting
sabat ni Jaffy, "Huwag kang mag-alala, kami
ang bahala sa kapatid mo."
"Siguraduhin mo lang na walang masamang
mangyari sa kapatid ko dahil ikaw ang
sisingilin ko," seryosong saad ni John
Matthew habang nakipagtitigan kay Jaffy.
"Okay, alis na po kami," sabat ni Jaff. Hindi
siya makakatagal sa mansion na ito lalo na't
kaharap niya ang dalawang matinik na
assasin ng mga Lacson. Ngayon lang siya
kinabahan ng ganito. Iba pa rin pala kapag
ito ang mga kalaban niya. Ang isipin pa lang
niyang linlangin ang mga ito ay nananayo na
ang balahibo niya pero wala siyang choice.
Kailangan ni Zero ang tulong nila.
Habang palabas, kinakabahan si Anndy.
Palakas naman nang palakas ang tibok ng
puso niya dahil nararamdaman niya ang titig
ng dalawang matanda sa kanila. Si Lola
Angel niya ay hindi niya mahanap. Wala ito.
Ang sabi ng mommy niya, umalis daw ito
kaya medyo nabawasan ang pangamba niya.
"Sandali!"
Pasimpleng napahawak si Anndy sa dibdib
nang pigilan sila ni LL. Inayos muna niya ang
sarili bago humarap sa mga ito. Gusto
niyang hawakan ang kamay ni Zero para
humingi ng suporta pero natatakot siyang
baka mabuko sila.
"Bumalik ka kaagad, Anndy. Walang
magbabantay kay Dale," ani LL kaya
tumango si Anndy at lumabas na. Nakahinga
siya nang maluwag nang nasa parking area
na sila.
Pinagbuksan siya ni Zero ng pintuan sa
likuran at sila ni Jaff ang naupo sa harapan.
"Thanks God," bulong ni Anndy na pinahid
ang namamawis na kamay sa pantalon.
Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin siya
pero kaunti na lang. Bumusina si Zero kaya
binuksan ng dalawang guwardiya ang gate.
"Kinabahan ako, Ate Jaffy," sabi ni Anndy
pero masaya pa rin nang umusad ang
sasakyan. Sa wakas, makakatakas na sila.
Broooooom!
Nakalabas na ang head part ng sasakyan nila
nang tumigil ang isang itim na ducati sa
harapan ng gate kaya hindi sila makakadaan.
"S-Sino siya?" tanong ni Jaff habang
nakatingin sa may helmet na nagmamaneho.
"Oh shit! Yuko!" sigaw ni Zero kaya mabilis
na yumuko ang tatlong dalaga.
Bang! Bang! Bang!
Sunod-sunod na putok ang umalingawngaw
at biglang pumutok din ang unahang gulong
ng sasakyan nila. Binunot ni Zero ang
handgun niya.
"Baba!" sigaw ni Angel habang itinututok
ang baril sa loob ng sasakyan.
"Ano ang nangyayari?" patakbong tanong ni
Dylan kasama ang quadruets pero sina Erin
at Lulu ay kalmadong nakasunod sa likuran
nila.
Agad na binuksan ni Dylan ang backseat.
"Thanks God, Princess!" naiiyak ma sabi ni
Dylan saka niyakap ang anak na
nangangatog ang mga tuhod na bumaba.
"Bumaba kayong tatlo!" sigaw ni Angel at
sinenyasan ang mga guwardiya na isara ang
gate.
Kalmadong bumaba ang kambal habang
nakataas ang mga kamay pero si Zero,
hawak pa rin ang baril na nakatutok kay
Angel nang bumaba.
Bistado na sila. Naghahagilap ang mga mata
niya ng matatakasan pero sarado ang lahat
ng daanan. Nagsisulputan na lang bigla ang
mga assasin.
"Ano ang ibig sabihin nito, Lola?"
naguguluhang tanong ni Dylan.
"Ibaba mo ang baril mo, Zero!" utos ni
Angel.
"Z-Zero?" ulit ni Lee Patrick na nakatingin
kay Zero pero hindi pa rin ibinababa ng
binata ang hawak na baril.
"H-Huwag ka nang lumaban," umiiyak na
sabi ni Anndy at tumakbo kay Zero saka
niyakap ang binata. "Huwag ninyo siyang s-
saktan!"
"P-Pumasok ka sa loob, Anndy!" Utos ni
Zero pero mas lalo lang siyang niyakap ni
Anndy.
"Ano ang ibig sabihin nito? Ikaw si Zero?"
tanong ni Dylan at inagaw ang hawak na
baril ni Angel at itinutok kay Zero.
"Shit!" sambit ni Jaff nang mabilis ang pag-
agaw ni Dylan sa baril.
Binunot niya ang katana at iniharang ang
katawan kina Anndy at Zero at sinalubong
ng espada ang mga bala.
Bang! Bang! Bang! Bang!
Nakakangilo ang tunog na nilikha ng mga
balang lumalagating sa matibay na espada ni
Jaff hanggang sa tumigil ang putok.
"Jaff, watchout!" sigaw ni Jaffy at mabilis na
hinugot ang sinturong naging espada saka
sinalubong ang lumilipad na katanang hihiwa
sana sa katawan ng kakambal niya.
"A-Ano ang ibig sabihin nito, Jaffy?"
naguguluhang tanong ni JM. Isa lang ang
impormasyong pumasok sa utak niya,
kalaban nila si Jaffy.
"Oh, ang matapang na kambal ng mga
Garcia! Tingnan natin kung hanggang saan
ang kaya ninyo lalo na't ang lakas ng loob
ninyong kalabanin ang pamilya namin!"
Nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi
ni Erin. Matagal-tagal na rin siyang walang
matibay na nakakalaban.
Hindi makakilos si Zero, lahat ng assasin ay
nakatutok ang baril at espada sa kanila ni
Anndy.
"Hindi ko hahayaang may manakit sa
kakambal ko!" matapang na wika ni Jaffy
habang nakipagtitigan sa tatlong
matatandang babae na nakatayo sa hindi
kalayuan. Lalaban siya! Bahala na kung sino
ang tama o mali basta sa ngayon, si Jaff
muna ang protektahan niya.
"Fuck you, Jaffy!" sigaw ni JM pero
patakbong sumugod na ang kambal sa
tatlong matatandang may hawak din na
espada. Si Lulu ang sumalubong kay Jaffy at
si Erin naman ang kay Jaff.
"Traidor!" wika ni Erin habang nanggigigil na
sumusugod kay Jaff.
Sinalubong ng katana ni Jaffy ang espada ni
Erin. Ang bilis nito at sobrang liksi pa kaya
hindi niya mahugot ang dart na may lason
na nakatago sa bewang niya. Depensa lang
ang magagawa niya kaya nawawalan siya ng
porma. Hindi siya makahanap ng perfect
timing para pasukin ang galaw nito dahil
matindi ang opensa ng matandang kalaban.
BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
AksiKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?