3

3.5K 125 1
                                    


Ang Kidnapper Kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 3

Unedited...
"Kapag sinabi kong kumain ka, kumain ka!" nanggigil na sabi ng binata at hinawakan sa baba si Anndy.
"Ibuka mo!"
Umiling si Anndy kaya pinisil niya ang baba nito para bumuka ang bibig at nilagyan ng kanin ang bibig ng dalaga pero isinuka ni Anndy ang pagkain. Hindi niya kayang malunok.
Sinipa ng lalaki ang plato pero ne hindi man lang natinag ang dalaga. Sanay na siya sa ginagawa nila sa kaniya.

"Ano ang gusto mo?" seryosong tanong ng lalaki. Kahit naka ski mask ito, nakikita ni Anndy ang nanlilisik na mga mata ng binata.
"Gusto ko nang umuwi," usal ng dalaga at sumiksik sa dingding saka niyakap ang nga tuhod na para bang isang walang kamuwang-muwang na batang dinidisiplina ng malupit na mga magulang.

"Kailangan mo ng lakas para mamayang hating-gabi, kumain ka kahit ngayon lang!" pagpumilit ng binata.
"Bakit mo ba ako pinipilit?" nakayukong tanong ni Anndy. Gusto na niyang mamatay, hinang-hina na siya.

"Dahil kukunin ka na ng pamilya mo," malamig na sagot ng binata kaya umangat ang mukha ni Anndy. Kahit na nahihirapan, kitang-kita ng binata kung paano gumuhit ang kasiyahan at pag-asa sa mga mata nito.

"T-Talaga?" tumutulo ang luhang tanong ni Anndy, "u-uuwi na ako? Kukunin na ako nina D-Daddy?"
"Kaya kumain ka, kapag makita ka raw nilang mahina sa video mamaya, magkakagulo. And of course, lalaban kami kaya umasa kang dadanak ng dugo!" mahabang sagot ng binata.
"S-Sige, k-kakain na ako," naluluhang pagpayag ni Anndy. Ngayon, nagkaroon siya ng pag-asang mayakap ang mga kapatid, ama at lalo na ang Mommy Ann niya. Alam niyang nag-aalala na sila. Alam niyang hindi nakakatulog ang daddy niya at alam niyang walang humpay rin ang pagtulo ng mga luha ng iyakin niyang ina.

Nanginginig ang mga kamay na kumain siya kahit na walang kutsara. Pritong bangus ang ulam kaya pinagtiyagaan na niya.
Tumayo ang binata pero hinayaan lang niya. Ito ang palaging nakabantay sa kaniya kaya kabisado na niya ang pangangatawan at kilos nito kung ikumpara sa mga kasamahan nila. Suplado ito, seryoso ang boses at hindi marunong mag dirty talk.

Ilang sandali pa'y bumalik ito at inilapag sa sahig na nasa harapan niya ang mainit na sabaw.
"Ang kalat mong kumain, huwag mong sayangin ang kanin!" saway ng binata at napansin ang paghihirap nito sa pagkain gamit ang mga kamay, "humigop ka ng sabaw para manumbalik ang lakas mo!"
Nanginginig pa rin ang mga kamay na binuhat ni Anndy ang bowl pero muntik na niyang mabitawan dahil sa kawalan ng lakas. Mabuti na lang dahil maagap ang binata sa pagsalo kaya sa kamay nito tumilapon ang mainit na sabaw.
"Utang na loob, huwag mong sayangin ang pagkain!" galit na pakiusap ng binata.
"Concern ka sa pagkain pero masama kayong tao!" sumbat ni Anndy.
"Sa isang mahirap na kagaya ko, mahalaga ang bawat butil ng kanin! Hindi kagayan ninyo, kung makapagsalita sa mahihirap, akala mo kayo ang Diyos sa mundo!" Naikuyom ng binata ang kamao dahil sa inis kay Anndy.
"Masama talaga kayo! Naghihirap din ang mga magulang ko para maibigay ang gusto namin pero kayo, ayaw ninyong magbanat ng-- ouch!" daing ni Anndy nang nanginginig ang mga kamay ng binatang hinatak siya sa braso para tumayo.
"N-Nasasaktan ako!" wika niya na namimilipit sa sobrang sakit.
"Huwag mong sagarin ang pasensiya ko kung ayaw mong pugot na ang ulo mong isasauli kita sa mga magulang mo!"
Nakipagtitigan si Anndy sa nagbabagang mga mata nito. Nanlamig ang buong katawan niya dahil sa takot. Para itong demonyong namumugot ng ulo.
"Hey, ano ang nangyayari?" tanong ni Rolando nang pumasok ay nakahawak ang kanang kamay ng binata sa kaliwang braso ng dalaga.
"Ano ang kailangan mo?" malamig na tanong ng binata na ang mga mata ay nakipagsukatan pa rin kay Anndy.
"Tawag ka ni Boss. Ako muna ang magbabantay rito," sagot ni RRoland at napatingin sa wristwatch. Pasado alas otso na ng gabi. Malapit nang maganap ang pinakahinihintay nila.
"Lalabas lang ako, kainin mo ang pagkain, para magkaroon ng lakas ang tuhod mo!" bilin ng binata at patulak na binitiwan si Anndy saka lumabas na.
Kinuha ni Rolando ang nag-iisang silya sa kuwarto at naupo habang pinagmamasdan si Anndy na bumalik na sa paghigop sa sabaw.
"Ang ganda mo talaga, ang kinis pa!" nakangising sabi ni Rolanda, "sana ako ang mauna."
Ipinagpatuloy ni Anndy ang paghigop ng sabaw ng sinigang na bangus. Sanay na siya sa mga kamanyakan ng mga lalaking dumukot sa kaniya.
Minsan, naaamoy pa nga niya ang mabangong hininga at anghit ng mga ito.
Nang maubos niya ang kanin, nanumbalik ang kaunting lakas niya.
Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki at boss nila na kahit balat ng mga kamay, hindi niya nakikita dahil sa nakatakip.
"Nagbago na ang isip ko, huwag tayong mag-live! Video na lang," nakangising sabi ng boss nila at napatingin kay Anndy.
"N-Nandiyan na ho ba si Daddy?" kinakabahang tanong ng dalaga bt somehow, excited na siyang makita ang pamilya. Sa halip na sagutin, inumpisahan ng tatlo kasama si Rolando na maghubad ng mga damit kaya bumulaga sa kaniya ang mga tattoo nila sa likod na pareho lang ang desinyo, puting dragon.
"A-Ano ang gagawin ninyo?" natarantang tanong niya habang paatras. Hindi maganda ang kutob niya sa mangyayari.
"Mabuti naman at naubos mo ang pagkain," nakangising wika ni Rolando na nakahubad na rin, "siguro naman, may lakas ka na para sa aming apat?"
"H-Hindi ko kayo maintindihan..." kinakabahang wika ni Anndy at natigilan. Lahat sila ay napalingon nang pabagsak na sumara ang pinto at pumasok ang pinakamatangkad na binata.
"S-Saan na sina Daddy?" tanong niya at patakbong lumapit sa binata, "n-nandito na ba?"
"Mas maganda kung sa loob tayo ng kuwarto para hindi sumakit ang mga tuhod natin?" nakangising wika ng binata kaya napaatras si Anndy.
"A-Ano ang ibig sabihin nito? N-Nasaan sina D-Daddy?"
"Daddy? Hindi ka na kukunin ng pamilya mo!"
"N-No, hindi totoo iyan!" giit niya pero agad na binuhat siya ng binata na parang isang sako lang ng cotton kagaan.
"B-Bitiwan mo ako!" sinusuntok niya ito pero tuloy-tuloy lang ito sa pagbuhat sa kaniya sa isang silid.
"Liar!" singhal niya nang pabagsak na inilapag siya sa kama, "ang sama ninyo!" She was betrayed. Sinungaling ito. Pinakain lang siya ng binata para ipakain sa mga halang ang bituka.
"Wala namang mabuting kidnapper," seryosong sagot ng binata. Pumasok ang apat na lalaking nakahubad na.
"Kayo na ang bahala rito, magpapahinga lang ako," paalam ng boss nila at isinara ang pinto.
"Ikaw na ang mauna, Rolando," utos ng binata.
"Ayos!" masiglang wika ni Rolando.
"Ako dapat!" giit ng isa.
"Lahat tayo makakatikim kaya kalma lang tayo," sabi ng binata.
"H-Huwag kang lumapit sa akin," wika ni Anndy at mabilis na tumayo sa kama pero hinila ni Rolando ang mahabang buhok niya, "bitiwan mo ako!"
"Magiging akin ka!" nanggigigil ka sabi ni Rolando pero kinagat siya ni Anndy sa braso.
"Puta ka!" singhal ni Rolando at malakas na sinampal si Anndy saka itinulak sa kama. Hindi niya pinapansin ang hiyawan ng mga kasama ang dahil naka-focus siya sa paghalay kay Anndy. Noong isang araw pa siyang natatakam sa mala porselanang kutis nito lalo na kapag umalsa ng kaunti ang damit at nasisilip niya ang hita nito.
"Lumayo ka!" sigaw ni Anndy at pinagsusuntok ang lalaki kahit na masakit ang pagkakasampal sa kaniya. Alam niyang pumutok ang mga labi niya pero wala siyang pakialam. Kailangan niyang lumaban at mas gustuhin pa niyang mamatay kaysa magahasa ng mga ito.
"Matagal ko nang gustong makatikim ng masarap na putahe!" Halos tutulo na ang laway Rolando nang sapilitang pinunit ang damit ng dalaga. Napayakap si Anndy sa sarili nang mawala ang saplot sa katawan.
"Kailangan mo ang tulong ko?" tanong ng binata nang pumaibabaw si Rolando sa katawan ni Anndy na nagpupumiglas para makawala.
"Huwag mo akong istorbohin!" galit na sabi ni Rolando.
"Sabi mo e!" saad ng binata.
"Ayoko sa 'yo!" sigaw ni Anndy, "D-Daddy, tulong--ugh!" daing niya nang suntukin ni Rolando ang sikmura niya kaya halos mawalan siya ng hangin. Sobrang sakit! Napanganga siya habang tumutulo ang mga luha. Ne minsan, wala siyang matandaang naglapad ang kamao ng pamilya sa kaniya. Prinsesa siya ng pamilya.
"Aray!" daing ni Rolando nang tusukin ni Anndy ang mga mata niya kaya ibinaon niya ang kuko sa leeg ni Anndy.
"T-Ta--ma n-na..." hindi makahingang sabi ni Mandy. Natatakpan ng nakabaong kamay nito ang airway niya.
"Agh!" narinig ni Anndy na daing ni Rolando at paunti-unting lumuwag ang mga kamay sa leeg niya. Napatulala si Anndy nang makita ang tumatagas na dugo mula sa dibdib nito dahil sa katanang lumusot sa kanang dibdib mula sa likuran.
Buong lakas na humarap si Rolando sa taong may kagagawan nito.
"B-Bakit?" tanong niya at hinagilap ng mga mata ang baril pero wala na sa mesa. Ang tatlong kasama niya ay nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sariling dugo.
Itinulak siya ni Anndy para hindi matusok ng katana na lumusot sa dibdib nito saka mabilis na tumayo ang dalaga.
"Pasensiyahan, pero mauuna ka sa impiyerno!" sabi ng binata saka napasulyap sa katanang nakabaon sa wala nang buhay na kasamahan nilang nasa sahig.
"Walang hiya ka! Traidor!" galit na sabi ni Rolando at sa natitirang lakas, tumayo siya para sugurin ang binata pero bago pa siya makalapit, nakaramdam siya ng isang matalim na bagay na mabilis dumaan sa leeg niya saka nakaramdam ng pagkangilo. Mahapdi. Nanlalabo ang mga matang naaninag niya ang matalim na katanang hawak ng binata na may tumutulo pang preskang dugo. Dugo mula sa leeg katawan niya.
"D-Daddy!" tili ni Anndy at napatutop sa bibig nang makita ang pagsirit ng dugo mula sa leeg ni Rolando na para bang isang maliit na fountain. Halos maputol na ang ulo nito at tanging balat nagko-konekta sa ulo at leeg nito nang natumba sa harapan niya. Napaupo siya at napasiksik sa kama habang nanginginig ang buong katawan. Sobrang takot siya. Hindi ito ang inaakalang makasaksi siya ng ganito sa totoong buhay. Nasusuka siya sa malansang dugo na dumadanak sa sahig.
"H-Huwag kang l-lumapit..." puno ng pangambang pakiusap niya sa binata. Habang palapit sa kaniya, nabitiwan nito ang hawak na katana.
"Halika na!" sabi nito at hinatak siya patayo, "isuot mo 'to!" sabay abot kay Anndy ang jacket na nakasampay sa headboard ng kama dahil naka-underwear na lang ito. Mahaba kay Anndy ang malaki niyang jacket kaya umabot sa tuhod nito.
"P-Patayin mo rin ba ako?" takot na tanong niya pero sa halip na sagutin, binitiwan siya nito at kinuha ang silya saka binasag ang window glass.
"Halika! Tumalon tayo kung gusto mo pang maabutan ng umaga!"
"A-Ayaw ko..." mas takot na siya ngayon sa binata.
"Buksan ninyo 'to! Ano ang nangyayari diyan sa inyo?" tanong ng nasa labas ay kinakalampag ang pintuan.
"Halika na sabi!"
Hinila siya ng binata at binuhat sakaa tumuntong sa bintana. Napapikit si Anndy nang tumalon ito kasama siya at napahigpit ang pagkapit niya sa leeg nito.
"Aray ko.." daing ni Anndy nang pabagsak silang lumapag sa lupa pero nasa ibabaw siya ng binata. Masakit lang dahil nabunggo ang ngipin niya sa dibdib nito kaya mas lalong dumugo ang sugat. Madilim sa paligid at ang mga poste lang sa palibot ng bahay ang nagbibigay liwanag sa paligid. Nakatago rin ang buwan sa makapal na ulap.
"Bilisan mo!" sabi ng lalaki at hinila siya patakbo sa garahe. Hindi na niya naisip ang mga nangyayari. Kusang nakitakbo siya sa lalaki kahit na nanghihina ang kaniyang katawan.
"Sakay!" sabi ng binata nang mabilis na sumampa sa itim na ducati.
"Hoy!" sabi ng isang bantay nang makita sila.
"Sakay na!" sigaw ng binata kay Anndy na nakatulala.
Sa pagkagulat, agad na sumakay si Anndy.
Agad na pinatakbo nito ang motor na binangga pa ang nakasarang gate para makalabas sa resthouse na iyon.
"Habulin ninyo!" sigaw ng mga lalaki pero flat ang lahat ng gulong ng sasakyan kaya pinasundan ng bala ang dalawa pero mabilis na nakalayo na ang mga ito at nawala sa anino ng gabi.

A/n:
Pinadangal nga istorya. Aamin ko, action isn't my forte. Alam mo ung hindi ko alam kung ano ang tawag sa ganito, tawag sa ganiyan. My ghad!

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon