Awts, pasensyya na sa format nito kasi kinopypaste ko na lang sa Facebook kaya umiba na.😭😭😭
Chapter 4 (squatters)
by: sha_sha0808
Unedited...
"S-Saan mo ako dadalhin?" nanghihinang
tanong ni Anndy habang nakakapit sa
bewang ng lalaking nagligtas sa kaniya mula
sa mga lalaking iyon pero parang mas lalo lang siyang nalagay sa kapahamakan.Natatakot siya rito. Kitang-kita niya kung paano ito pumatay.
"Huwag ka nang magtanong pa!" seryosong sagot nito at pinabilisan ang pagpatakbo ng
motorsiklo na para bang lumilipad lang sila sa sobrang bilis.Medyo matao na ang lugar kaya napatingala si Anndy nang tinanggal ng binata ang
nakatakip sa mukha. Sa nakikita niya, pahaba ang dulo ng tainga nito na kasing cute ng
tainga ng duwende. Pero hindi naman ganoon ka tulis, medyo lang. Medyo makapal ang buhok nito pero wala pa rin siyang ideya sa mukha ng binata.
"Baka mahaba ang balbas at maraming tigyawat," bulong ng isip niya. Iyon naman
ang mga sangganong tao. Mabuti na lang dahil mahaba ang jacket nito kaya hindi siya nakikitaan kung may makakasalubong sila.
Hanggang ngayon, nasa kalamnan pa rin niya
ang sobrang takot kaya napahikbi siya. Ang
sakit ng mga sugat at pasa niya sa katawan."Kumapit ka nang maigi!" seryosong sabi ng binata nang malapit na sila sa talyer ng kakilala para itago ang sasakyan. Mahirap nang may makakita at matunton sila.
"Anndy?" tawag niya at hinihimpil ang sasakyan saka bumusina para pagbuksan siya ng naghihintay na kaibigan
"Pare!" sabi ni Andoy na binuksan ang maliit na gate. Kababata niya ito noon pa, "sino
'yan? Patay na ba siya?"
Patakbong lumapit si Andoy at inalalayan si Anndy nang mapansing mahuhulog na ito sa
likuran ng binata."Patay na 'to?" tanong niya at kinapa ang leeg ni Anndy, may pulso pa kaya binuhat na
niya."Hinimatay lang," sagot ng binata at bumaba na, "saan ko itatago itong motor?"
"Kailangan mo pa? Paghiwa-hiwalayin ko na
lang ang ibang parte niyan para maibenta," sagot ni Andoy at inilapag si Anndy sa
mahabang upuang gawa sa kawayan. Ibahin
lang niya ang kulay para hindi malaman ng mga kasamahan ng kaibigan."Ikaw ang bahala," sagot ng binata, "hindi kami puwedeng manatili rito sa talyer mo,
gilid ng kalsada ito."
"Pumasok kayo sa loob habang tulog pa ang mga tao," suhestiyon ni Andoy. May bahay
siya sa loob ng squatters area at medyo mahirapang pasukin ng mga humahabol sa
kanila dahil nasa gitna sila ng area."Salamat, akin na ang susi," pasalamat ng
lalaki at binuhat si Anndy.
Nang makuha ang susi, nagsuot siya ng sombrero ng kaibigan at maingat na pumasok siya sa maliit na iskinita.
Masuwerte lang siya dahil pundi ang ilang ilaw ng poste. Sa tuwing may makakasalubong siya, mabilis na nagtatago
siya sa poste o sa likod ng mga bahay hanggang sa makarating sa maliit na bahay ni Andoy.
Pagbukas niya ng ilaw, sumalubong ang nakakalat na gamit ng kaibigan. Ang mga
pinagkainang plato ay nasa ibabaw pa ng mesa. Ano pa nga ba ang aasahan niya kay Andoy na walang asawa at mag-isa sa buhay? Umakyat siya sa second floor na may dalawang kuwarto. Ang isa ay para sa kaibigan at ang isa ay para sa mga bisita nito. Napamura siya nang muntik nang bumigay ang hagdan na gawa sa kahoy dahil
sa bigat nila ng dalaga at luma na rin ito.
BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
AcciónKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?