34

3.7K 154 5
                                        

...

Ang Kidnapper kong Gwapo

Chapter 34 ( kweba )
by: sha_sha0808

Unedited...
"Baby? Kumusta ang pakiramdam mo?"
tanong ni Zero habang pinapahiga si Anndy
at kinumutan.
"M-Medyo okay na," sagot ni Anndy.
Tinalian ni Zero ng pinunit na damit para
tumigil ang pagdurugo.
"Inom ka lang ng maraming tubig," pakiusap
ni Zero kaya todo inom naman si Anndy ng
tubig. Dalawang litro na lang ang tubig nila.
"H-Hindi naman ako mamamatay, 'di ba?"
nanghihinang tanong ni Anndy. Alas diyes na
ng gabi pero hindi sila makakalabas dahil
marami na ang kalabang nagbabantay sa
gubat.
"Hindi ka mamamatay, hindi ko hahayaang
may mangyari masama sa 'yo," bulong ni
Zero at nahiga sa tabi ng dalaga.
"Z-Zero? Giniginaw ako," sabi ni Anndy kaya
niyakap siya ni Zero para bigyan ng init mula
sa katawan.
"Sabihin mo kung nahihilo ka o ano pa ang
nararamdaman mo, ha?" sabi ni Zero kaya
tumango si Anndy. Pahina na nang pahina
ang lampara nila. Kahit ang flashlight ay
mahina na rin ang baterya.
"Z-Zero? Mahal kita. Mahal na m-mahal
kita," bulong ni Anndy at isiniksik ang mukha
sa kilikili ng binata.
"Dapat hindi mo na ako minahal," mahinang
bulong ni Zero kaya tumulo ang mga luha ni
Anndy.
"Ilang beses mo man akong ipagtabuyan,
ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko,"
sagot ni Anndy.
"Kidnapper mo lang ako," nanghihinang
sagot ni Zero at hinaplos ang mukha ng
dalaga.
Ngumiti si Anndy, "Kidnapper kita.
Kidnapper ng puso ko."
"Ganiyan na nga ang kalagayan mo, nagawa
mo pang ngumiti at magbiro," sagot ni Zero
at piningot ang ilong ni Anndy. Sa totoo
lang, natatakot siya para sa dalaga.
"Hindi ako nagbibiro. Mahal talaga kita,"
seryosong sabi ni Anndy.
"Mahal din kita," sagot ni Zero at masuyong
hinalikan ito sa noo.
"Baby Z? Hindi naman ako mamamatay
kapag hindi matanggal ang bala sa katawan
ko, 'di ba?" tanong ni Anndy.
"H-Hindi naman," sagot ni Zero at napalunok
ng laway. Maliban na lang sa kung ma-lead
poison si Anndy. Sana huwag lang.
Tulog na si Anndy pero siya? Hindi niya
kayang matulog sa ganitong kalagayan.
Kailangan niyang bantayan ang vital signs ng
dalaga. Pinatay niya ang lampara at hinaplos
niya ang buong katawan ni Anndy. Mula sa
kilay, pisngi, mga labi, leeg, dibdib, kamay
hanggang sa puson.
"I love you," bulong ni Zero at tumulo ang
mga luha. Siya ang may kasalanan kung
bakit naghihirap ngayon si Anndy. Siya at
ang poot sa puso niya. Inilagay lang niya sa
alanganin ang buhay ng dalaga.
Maingat na kinumutan niya si Anndy at
niyakap.
Alas singko na ng umaga ay nagpakulo siya.
Kumpleto sa mahalagang bagay ang lungga
niya.
"Baby?" pukaw ni Zero kay Anndy. Malakas
na ang apoy kaya hindi a niya kailangan ng
lampara.
"Shit!" sambit niya nang makapa ang mainit
na katawan ni Anndy, "Anndy!"
"Z-Zero," nanghihinang bulong ni Anndy na
nanginginig ang katawan sa sobrang ginaw.
"A-Anndy, kailangang matanggal ang bala sa
katawan mo!" wika ni Zero at niyakap ang
dalaga. Nanginginig na rin siya sa sobrang
takot. Alam niyang napo-poison na si
Anndy.
"K-Kaya mo naman, 'di ba?" sobrang hinang
tanong ni Anndy, "Y-Yong ginawa mo sa
sarili mo?"
"W-Wala akong pantali," bulong ni Zero.
"P-Pero may kutsilyo ka, t-titiisin ko ang s-
sakit," sagot ni Anndy at napalunok ng
malapot na laway. Wala na siyang lakas.
Namimigat na rin ang talukap niya pero ang
init ng yakap ni Zero ay nagbibigay sa kaniya
ng sigla.
"M-Mauubusan k-ka ng d-dugo," pabulong
na sagot ni Zero habang tumutulo ang mga
luha.
"H-Hindi 'yan. Malakas ako. K-Kaya ko 'yan,"
nakangiting sagot ni Anndy at nangangatog
ang katawang isiniksik niya ang katawan ni
Zero na para bang masasagip nito ang
buhay niya.
"H-Hindi-- M-May--Fuck!" pagmumura ni
Zero at mahigpit na niyakap si Anndy. Yakap
para bigyan ito ng lakas, "M-Magiging okay
ka rin, Anndy."
"T-Tatanggalin mo na ang bala? T-Titiisin ko
ang sakit," tanong ni Anndy at napapikit ang
mga mata.
Hindi nakasagot si Zero. Napahaplos lang ito
sa pisngi ni Anndy.
"H-Hindi," malungkot na bulong ni Zero.
Kapag gagawin niya iyon, para na ring
papatayin niya si Anndy. Hindi nila
kakayanin. Sigurado siya roon. Kailangan nila
ng blood transfusion habang isinasagawa
ang operasyon. Kailangan din ng cardiac
monitoring ni Anndy. Impossible.
"A-Ano ang gagawin natin?" tanong ni
Anndy at tumingala kay Zero. Fir the
firstime, nakita niyang umiiyak ito kaya
pinahidan niya ang mga luha ng binata, "U-
Umiiyak ka rin pala."
Hinigpitan ni Zero ang yakap na para bang
madudurog si Anndy at siniil ito ng halik sa
mga labi.
"I-Isuot mo 'to," sabi ni Zero at inilagay sa
leeg ni Anndy ang kuwentas na may krus sa
gitna.
"A-Ano 'to?" tanong ni Anndy. Binitiwan
siya ni Zero at tumayo saka inayos ang baril
na nandito sa loob ng kuweba saka pinuno
ng bala.
"Pampasuwerte 'yan," sagot ni Zero at
inabot kay Anndy ang silver handgun na fully
loaded ng mga bala.
"A-Ano ang gagawin mo?" tanong ni Anndy
at sinubukang maupo saka pinagmasdan si
Zero nang isukbit sa leeg ang shotgun at sa
bewang naman ang dalawang pistol gun at
mga extra bala.
"K-Kukuha lang ako ng halamang gamot mo,
dito ka lang," seryosong sagot ni Zero at
humarap kay Anndy.
"Hawakan mo ang baril mo. Kapag may
lumapit, huwag kang magdalawang isip na
barilin."
"Z-Zer--"
"Sssh!" Tinakpan ni Zero ang bibig niya
gamit ang mga daliri nito at tinitigan sa
mga mata si Anndy, "Huwag kang matakot.
Kailangan mong lumaban habang wala ako."
"B-Babalik ka kaagad?"
Ngumiti si Zero at hinalikan siya sa mga labi,
"B-Babalikan kita, Anndy."
"Z-Zero, paano kung--"
"Babalikan kita! Ngayon, magtago ka rito sa
likod ng bato," sabi ng binata. Binuhat niya
si Anndy sa likuran ng malaking bato na nasa
gitna ng kuweba.
"Kahit anong mangyari, huwag kang
lumabas. Huwag kang matakot. Pangako,
hindi ka gagalawin ng kalaban!" bilin ni Zero.
"N-Natatakot ako."
"Nasa paligid lang ako, trust me!" sagot ni
Zero at binuksan ang batong nakatakip kaya
lumiwanag ang buong kuweba dahil sa sikat
ng araw.
"I-Ingat ka, Zero!" humihikbing pakiusap ng
dalaga.
Lumingon si Zero at nginitian si Anndy.
Ngiting puno ng pag-asa na makakaligtas
ang dalaga.
"Ingatan mo ang sarili mo, Baby A."
"B-Babalikan mo n-naman ako, 'di ba?"
tanong ni Anndy.
"Alis na ako," sagot ni Zero at mabibigat ang
hakbang na iniwan si Anndy sa gitna ng
maliit na yungib.
Ilang minuto nang nakaalis si Zero. Hindi
nito tinakpan ang butas kaya nakikita ni
Anndy ang mga puno at mga hayop sa
labas.
Mahigit kalahating oras na ay wala pa rin si
Zero.
"Ayun! Tingnan ninyo sa kuweba!" sigaw ng
lalaki kaya napatingin si Anndy sa labas. May
tatlong armadong lalaking papalapit sa
kinaroroonan niya kaya hinawakan niya baril
at tinutok sa mga ito.
"H-Huwag kayong lumapit," bulong ni Anndy
na wala nang lakas pa para mabuhat ng
kamay ang baril.
"Parang may tao!" sigaw ng nauna at
sumenyas sa dalawang kasama.
Bang!
Bumulagta ang nasa uhanan kaa mabilis na
nagpaputok ang dalawang kasama kahit na
hindi naman nakikita ang kalaban.
Bang! Bang!
Parehong sa ulo ang tama ng dalawang
bumulagta.
"Z-Zero..." bulong ni Anndy at naupo saka
niyakap ang tuhod. Ginihinaw siya. Tahimik
na ang palibot pero wala pa rin si Zero kaya
muling nabuhay ang takot niya.
"Back-up!" Narinig niyang sigaw ng lalaking
palapit sa patay na kasamahan. Patakbong
nagsisulputan naman ang mga kasama nito.
Ang dami nila! Hindi na niya mabilang kung
ilan.
Bang! Bang! Bang! Bang!
Napatakip si Anndy sa tainga nang sunod-
sunod na palitan ng putok ang naririnig.
Napasiksik siya sa bato dahil may mga
bumabaril sa kinaroroonan niya. Suwerte
lang dahil makapal ang bato kaya hindi
tumatagos ang bala. Kahit na nanghihina,
sinubukan niyang gumanti habang nakadapa.
Pagsilip niya, ang dami nang kalaban pero
sunod-sunod na natutumba ang mga ito.
Kahit ang mga nakadapa ay natatamaan din
mula sa balang hindi nila alam kung saan
nanggaling. Mukhang nagpadala ng
maraming tauhan ang kalaban nila para
tugisin sila ni Zero dito sa gubat.
Kulang sila sa bala. Alam niyang si Zero ang
pumuprotekta sa pinagtataguan niya pero sa
dami ng kalaban, mauubos ang bala ni Zero.
Walang direksyon ang pagpaputok ng mga
kalaban na nagbabasakaling may matamaan
sila dahil hindi nila alam kung saan
nakapuwesto ang kinakalaban pero isa lang
ang sigurado sila, nasa loob ng kuweba ang
alas na target nila.
"Z-Zero, wala sanang masamang mangyari sa
'yo," umiiyak na panalangin ni Anndy na
binabaril ang nakikita niya. Kahit ang mga
dahon at sanga ng punong nasa paligid ay
nagsilagasan na. Marami ring malalaking
ibon na natamaan ng bala kaya bumagsak sa
lupa.
Pasulong ang galaw ng kalaban. Ang bilis
nila kaya may malapit na sa bukana ng
kuweba.
Click! Click!
Ilang beses niyang kinalabit ang gatilyo pero
wala na siyang bala. Patakbo naman ang
mga armadong lalaki palapit sa kaniya. Wala
nang bumubulagta. Ibig sabihin, wala na
ring bala si Zero.
Iyak siya nang iyak. Namamanhid ang kanang
braso niya. Ito na ba ang katapusan niya?
Hindi sila kayang labanan ni Zero ng mano-
mano. Isa pa, may mga baril sila. Mahigit
sampu pa ang natitirang kalaban.
Papasok na ang isa sa yungib nang matumba
ito at napahawak sa kutsilyong tumama sa
leeg.
Bang! Bang! Bang! Bang! Boom!
Sunod-sunod na putok ng baril mula sa
itaas at malakas na pagsabog ang narinig ni
Anndy kaya halos puro usok ang nasa labas
ng pinagtataguan niya.
Apat na nakaitim na taong naka-bonnet ang
bumagsak sa tapat ng kuweba mula sa
tatlong helicopter para protektahan ang
kuweba at pinagpapabaril ang mga kalabang
papalapit.
Patuloy ang palitan ng putok sa tapat ng
yungib nang may naaninag siyang pumasok.
"Anndy? Princess?"
"K-Kuya..." bulong niya nang marinig ang
boses ng kapatid.
"Princess?"
"K-Kuya JM! I-I'm here!" umiiyak na sagot ni
Anndy kaya mabilis na tumakbo palapit si JM
sa kaniya.
"Oh God! A-Anndy! P-Princess!" umiiyak na
sabi ni JM at inilapag ang baril saka
mahigpit na niyakap ang matagal nang
nawawalang kapatid.
"K-Kuya..."
"P-Princess? Na-miss kita. N-Na-miss ka
namin!" humagulgol na sabi ni John Matthew
sa kapatid. Iyak siya nang iyak. "T-Thanks
God, buhay ka!"
Iyak nang iyak si Anndy. Matapos ang ilang
taon, muli niyang naramdaman ang mainit na
yakap ng kuya niya. Umiiyak siya sa labis na
kasiyahan.
"K-Kuya JM, k-kuya ko!" Nanghihinang
gumanti siya sa yakap niya ang kapatid.
"Guys, alis na tayo!" Napalingon sila sa
babaeng may hawak na armalite nasa
puwerta ng kuweba.
"Hi, Anndy! Na-miss kita!" nakangiting sabi
ng dalaga.
"A-Ate Jaffy," bulong ni Anndy.
Binuhat siya ni JM na para bang bride
palabas ng kuweba. Nakabantay ang mga
kasama nilang nakakulay itim ang damit at
may bullet proof vest na suot.
"K-Kuya..."
"Shit! Namumutla ka!" bulong ni JM at
napatingin sa braso ni Anndy na natatakpan
ng puting tela. "Ghad, m-may tama na, P-
Princess..."
"K-Kuya, ibaba mo 'ko, please..."
humihikbing pakiusap ni Anndy at
pinapadyak ang paa kaya inilapag siya ni JM.
Nanghihinang napaupo si Anndy. Wala na
siyang lakas. Hinawakan siya ni JM sa
kabilang braso.
"Halika na, Princess. Uuwi na tayo.
Naghihintay na sina Mommy sa 'yo,"
naawang yaya ni JM.
Dahan-dahang umiling si Anndy.
"H-Hihintayin ko po siya," umiiyak na sagot
ni Anndy, "K-Kayo na lang po ang umuwi. P-
Pakisabi kay Daddy, o-okay naman po ako."
"What the fuck!" pagmumura ni JM at
hinatak patayo ang namumutlang kapatid,
"Uuwi na tayo!"
"H-Hihintayin ko pa po si Z-Zero..." bulong
ni Anndy.
"Halika na sabi! Nagdedeliryo ka na!" sigaw
ni JM na napipikon na sa kapatid.
"H-Hindi ako sasama! B-Babalik pa si Z-
Zero! W-Wala na ako, m-magagalit 'yon!"
pakiusap ni Anndy at napaluhod sa lupa.
Nangako si Zero na babalikan siya. Nangako
rin siya rito na maghihintay siya.
"Marami na ang dugong nawala sa 'yo!
Halika na!" sapilitang hinatak ni JM ang
kapatid palapit sa isang helicopter na
lumapag.
"Z-Zero... H-Hihin--t-tayin ko ang a-asawa
ko!" luhaang sabi ni Anndy.
"Jaff? May kalaban pa ba?" tanong ng
kasama nila kay Jaffy na tahimik at
pinakiramdaman ang paligid.
Hindi sumagot si Jaffy. Napatingin siya kay
Anndy na lupaypay na ang katawan.
"Z-Zero... B-Babalikan ako ni Z-Zero..."
narinig ni Jaffy mula kay Anndy bago ito
nawalan ng malay.
"Walang ititirang kalaban! Patayin ang lahat
ng natitira!" mariing utos ni JM habang
binubuhat paakyat sa helicopter ang
bunsong kapatid.
"Jaff? May kalaban ka pa bang nakikita?"
bulong na tanong ng kasama nila.
"W-Wala na," sagot ni Jaffy at iniwas ang
mga mata sa batuhang nasa kanan lang ng
kuweba.
"Wala nang kalaban, umalis na tayo!" sabi ni
Jaffy at sumunod na sa mga kasama pabalik
sa helicopter.
Habang pataas ang helicopter, pasimpleng
napatingin si Jaffy sa baba--sa lalaking
nakatingala sa kanila habang luhaan ang mga
mata.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon