Kinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 18 (Takas)
Unedited..
"Bumalik ka na sa party!" galit na sabi ni Anndy habang naglalakad patungo sa terminal ng jeep. "Wala kang pamasahe pauwi," sagot ni Zero. "Bigyan mo 'ko ng pamasahe, uuwi akong mag-isa!" sabi ni Anndy sabay lahad ng kanang palad kay Zero na para bang may pinatagong pera. "Uuwi na ako, wala na rin naman akong gagawin," sagot ni Zero at sinabayan ang dalaga sa paglalakad. "Bumalik ka sabi!" "Ano ba ang problema mo, Anndy?" galit na tanong ni Zero pero hindi na sumagot ang dalaga. "Kung galit ka dahil sa paghalik sa akin ni Ligaya, sorry!" "Sorry mo mukha mo!" bulong ni Anndy. Ang sakit talaga. "Hindi ako ang humalik sa kaniya at ako man ay nabigla rin," wika ni Zero. "Nabigla? Kung mahal mo si Ligaya, bawiin mo na asawa mo ako at sabihin mong magkaibigan lang tayo! Hindi iyong kinidnap mo na nga ako, ipahiya mo pa ako!" "Iyon ba ang gusto mo? Sige, babawiin kong asawa kita!" napipikon na sagot ni Zero, "pero hindi ko siya babalikan!" Tumigil si Anndy at hinarap ang binata, "Why?" "Dahil may mas karapat-dapat sa kaniya," sagot ni Zero. "Nahihiya kang malaman nilang isa kang kidnapper, walang trabaho at mamamatay tao?" nakatingalang tanong ni Anndy kaya natigilan si Zero. Natumbok nito ang pinupunto niya. Mayaman sa bayang ito sina Ligaya at kapag matuklasan ng pamilya nito na wala siyang kayamanang ibigay, nahihiya siya. Oo, kaya niyang ibigay ang pangangailangan ni Ligaya pero mula naman iyon sa masama kaya mas minabuti niyang umiwas na lang kay Ligaya. "Umuwi na tayo, pagabi na," sabi ni Zero at nauna nang naglakad palayo. "Ayaw mo siyang mapahiya. Ayaw mo siyang pakainin mula sa masama pero ako, saan galing ang mga pinapakain mo sa akin? Hindi ba't sa panlalamang sa kapwa rin?" tanong ni Anndy. "Tama nang daldal, umuwi na tayo," walang ganang sabi ni Zero kaya walang imik na sumunod ang dalaga. Gabi na nang makauwi sila. Iyak nang iyak na nga si Bhabz dahil natapon ang tubig nito. Agad namang tumakbo si Anndy patungo sa malaking drum na nasa gilid ng bahay para bigyan ang alagang biik. Nagbihis si Anndy at nahiga na habang si Zero ay nagpaiwan sa labas ng bahay at nanigarilyo. Dahil sa sobrang pagod sa paglalakad at kakaisip ay nakatulog kaagad ang dalaga. Kinabukasan, nang magising siya ay nakabihis si Zero. "Saan ka pupunta?" tanong ng dalaga. "Sa bayan," walang ganang sagot ni Zero. "Pupunta ka kay Ligaya?" tanong ni Anndy kaya hinarap siya ni Zero na blangko ang mukhang nakatitig sa kaniya. "Mahalag ba sa 'yo ang pagpunta ko sa kaniya, Anndy?" "Gusto ko lang malaman, Zero. Baka dumating si Tiyo Pablo at magtanong," sagot ni Anndy. "Yes, pakisabing pupuntahan ko lang si Ligaya, dito ka lang." Naupo si Anndy sa mesa at binuksan ang mga pagkaing nakahanda na sa ibabaw nito. "Ingat ka, sana maging masaya kayo sa inyong pagkikita," wika ni Anndy. "Salamat," sagot ng binata at umalis na. Buong maghapong inaliw ni Anndy ang sarili. Ipinasyal niya si Bhabz sa burol pero hindi pa rin niya maiwasang hindi isipin si Zero. "Ano na kaya ang ginagawa nila ni Ligaya?" tanong niya at binunot ang damong nasa tabi lang niya. Nakaupo rin ang biik habang nakatingin sila sa papalubog na araw. "Uwi na tayo, Bhabz, magluluto pa ako ng dinner namin ni Zero. Baka nasa bahay na siya," sabi niya at tumayo saka binilisan ang paglakad habang hila-hila ang alagang biik. Kung puwede nga lang tumakbo, gagawin niya dahil baka nasa bahay na si Zero. Lakad-takbo ang ginagawa nila hanggang sa makarating sa bahay. Nakahinga siya nang maluwag nang wala pang sindi ang lampara. Itinali niya ang alaga at binigyan muna ng pagkain bago pumasok sa loob ng bahay at nagsaing. Alas siyete na pero wala pa rin si Zero kaya kumain siyang mag-isa. Ulam niya ay pritong bangus na binili nila ni Zero kahapon sa nadaanang palengke. Alas otso pero wala pa rin ito kaya nahiga na siya pero pabaling-baling sa higaan dahil hindi makatulog. "Bakit wala ka pa?" tanong ni Anndy at nagtalukbong ng kumot. Pasado alas dose na ng gabi nang dalawin siya ng antok. Nagising siya nang may maramdamang kaluskos sa baba. Maliwanag na ang paligid kaya mabilis siyang bumangon. "Zero!" sabi niya. Ganoon pa rin ang damit nito nang umalis kahapon. Itim na tshirt at ragged jeans, "ngayon ka lang?" "Pasensiya na kung hindi ako nakauwi," pagod na sabi nito at dumiretso sa itaas para magbihis. Napasulyap si Anndy sa itaas bago pumunta sa kusina at magsangag ng natirang sinaing kagabi. "May ulam akong dala, huwag ka nang magluto," sabi ni Zero nang makababa habang isinusuot ang puting tshirt. "Kain na tayo, malapit nang maluto ang sinaing ko," sabi ni Anndy. Pinatay na niya ang apoy dahil wala nang tubig ang sinaing kaya uling na lang ang magtatapos ng sinaing niya. "Mauna ka na, matulog muna ako," sagot ni Zero at muling umakyat sa taas at inilatag ang higaang banig. Mag-isang kumain si Anndy. Lechon naman ang dala ni Zero pero hindi siya nasasarapan. May lechon kasi si Ligaya kaya sigurado siyang doon ito galing. Para siyang asawang hinahayaan lang na lokohin siya ni Zero basta pag-uwi nito, may masarap na pagkain. Pasado alas tres na ng hapon nang magising si Zero. Hinayaan lang niya ito dahil sarap na sarap ito sa pagtulog. "Kumain ka na ba?" tanong ng binata. "Kanina pa," sagot ni Anndy at lumabas ng bahay para magdilig ng orchids. Lumabas si Zero at nagsibak ng kahoy. Naupo si Anndy sa upuang nasa tabi ni Bhabz at pinagmasdan ang binata. Sa iangat nito ang palakol, gumagalaw rin ang biceps nito. Nang magsawang manood kay Zero, pumasok siya sa loob ng bahay. Naubos nito ang kanin kaya nagsaing siya. Sabay naman silang kumain ng hapunan pero walang pansinan. Maaga pang nahiga si Zero habang si Anndy ay naupo pa muna sa mahabang upuan sa sala sala nila. Pag-akyat niya sa higaan, mahimbing na natutulog na si Zero. Ne hindi man lang siya nito kinamusta. Kung sabagay, kahit na hindi na ito umuwi, puwede. Wala naman itong pakialam sa kaniya. Hostage lang siya at pasalamat pa nga siya, wala siyang piring at wala ring posas. Malaya siyang makakagalaw. Kinabukasan, naunang nagising si Zero. Nakapagsaing na ito at pinuno ang lahat ng lagayan nila ng tubig lalo na ang drum sa bahay. Kumuha ito ng mga gulay para gawing pinakbit. "Anndy, alis pala ako mamaya," paalam ni Zero habang kumakain sila ng umagahan, "pupunta lang ako sa bayan." "Sino ang kakatagpuin mo?" tanong ni Anndy, "si Ligaya ba?" "Nakakatunog ako ng selos," walang ganang wika ni Zero at ipinagpatuloy ang pagkain. "Hindi ako nagseselos!" tanggi ni Anndy, "bahala ka kung ano ang gagawin ninyo ni Ligaya pero kung ayaw mo nang makasama ako sa bahay na ito, isauli mo na ako sa pamilya ko! "Kumain ka na bago pa lumamig ang kanin," mahinang sabi ni Zero. "Magpaligaya ka kay Ligaya! Magsama kayo!" galit na sabi ni Anndy at tumayo pero sapilitan siyang hinila ni Zero para muling maupo. "Huwag mong talikuran ang pagkain!" "Wala akong ganang kumain!" "Ano ba ang problema mo? Para kang asawang niloloko ah!" naiinis na sabi ni Zero. "Kung sawa ka nang makasama ako, ibalik mo na ako sa amin! Kung hindi mo ako kayang ibalik, huwag ka nang umuwi! Doon ka kay Ligaya mo!" "Huwag mong pakialaman ang buhay ko, Anndy!" sabi ni Zero. "Pero ang buhay ko, kino-control mo!" galit na sabi ni Anndy at tumayo. Ne hindi man lang siya pinigilan pang muli ni Zero. Doon lang siya sa tabi ni Bhabz. Napatayo siya nang lumabas si Zero na nakabihis na. Pormado pa ito at may pabango. "Aalis na ako," paalam nito. "Dalhin mo na ang lahat ng gamit mo at huwag mo na kaming balikan!" sagot ni Anndy na naikuyom ang kamao. "Ano ang gusto mo? Manatili ako rito kasama ka?" tanong ni Zero at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa na para bang nasusuya, "hindi mo kayang ibigay ang pangangailangan ko, Anndy." "Kaya puntahan mo si Ligaya? Bakit? Kasi mayaman siya?" "Mas mayaman kayo," sagot ni Zero, "pero kung may makapagpaligaya man sa akin, si Ligaya iyon, Anndy!" Hindi makapaniwalang pinagmasdan ni Anndy si Zero habang palayo sa kaniya. Nang mawala na ito sa paningin niya, saka nagsibagsakan ang mga luha niya. Iniwan na siya nito para kay Ligaya. Nanghihinang napaupo siya. "P-Paano na ako? Paano na tayo?" humihikbing tanong niya sa biik. Inabandona siya sa isang lugar na na kahit singkong duling, wala. Ne walang kasama at makakausap kundi ang mga hayop. "M-Mommy? D-Daddy?" umiiyak na tawag niya, "K-Kuya LL, K-Kuya JM, K-Kuya Jacob, K-Kuya Patrick, n-nasaan na kayo?" Pinahidan niya ang mga luha. Wala siyang magagawa. Hindi siya kumain ng hapunan. Iyak lang siya nang iyak hanggang sa nakatulog. Paggising niya, kumukulo ang tiyan niya kaya kumain siya tapos lumabas at naupo sa mahabang upuang kawayan. Naghihintay siya kay Zero hanggang sa sumakit na ang tama ng sikat ng araw sa kaniyang balat. Kumain siya ng tanghalian. Ala una na ay wala pa rin si Zero. Nagsuot siya ng tsinelas. Sanay na kasi siyang magpaa dahil palagi siyang hinahabol ni Zero kapag magalit o maasar ito sa kaniya. Kinuha niya ang biik at hinila palayo sa bahay. "H-Hindi kita iiwan, i-isasama kita, bhabz," sabi niya at hila-hila ang baboy na nilisan ang munting kubo. Bahala na. Basta tinahak niya ang masipot na daan na dinaanan ni Tiyo Pablo patungo sa dagat. Tatlong oras na silang naglalakad ng biik pero wala pa rin siyang natatanaw na dagat. Nawala yata sila pero ipinagpatuloy lang niya ang paglalakad kahit na pagod na pagod na siya. "Malapit na tayo, bhabz!" masayang sabi niya nang marinig ang paghampas ng alon sa tabing-dagat. Matapos ang kalahating oras, napatalon siya sa tuwa nang makita ang malawak na karagatan. "Nandito na tayo!" tuwang-tuwa na sabi ni Anndy at napaupo sa puti at pinong buhangin saka inunat ang mga paa. Iginala niya ang paningin. Hindi siya puwedeng magkamali, dito sila dumaong ni Zero noon. Iginala niya ang mga mata. Wala ang scooterboat na ginamit nila noon. Kahit bangka, wala. "Maghihintay tayo, may dadaan din dito at ililigtas niya tayo," sabi ni Anndy at nahiga saka tumingala sa kalangitang nagbabadyang iiyak. Magtatakip-silim na pero wala pa rin. Kahit makina ng pumpboat o sasakyang pandagat, wala siyang narinig. Napahawak siya sa brasong may pumatak na luha ng langit. "Hanap tayo ng masilungan," sabi niya at hinila ang si Bhabz palapit sa malaking punong kahoy para hindi mabasa. Madilim na sa paligid pero kahit ilaw, wala siyang natatanaw. Nakaupo lang siya at sinisipsip ang tubig sa biig na galing sa ulan. Kahit na mayabong ang dahon ng puno, nabasa pa rin sila. Ang ingay pa ng biik niya. Siguro nagugutom na ito. "M-Mamamatay na ba tayo rito?" umiiyak na tanong niya sa baboy. Basang basa na siya. "Umuwi na tayo, Anndy." Napapikit ang dalaga, dahil siguro sa pagod, naririnig ng diwa niya ang boses ni Zero. "M-Magsama sila ng Ligaya niya!" humihikbing wika niya. "Tumayo ka na riyan at uuwi na tayo!" galit na sigaw ni Zero kaya mabilis pa sa alas kuwatro na tumayo si Anndy. "Z-Zero... b-bakit ka nandito?" Nakatayo ito sa likuran nila at basang-basa na rin pero nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kaniya. "Umuwi na tayo bago pa ako mapuno, Anndy!" madiin na sabi ni Zero. Kung hindi pa niya narinig ang ingay ng biik, hindi pa niya nasiguradong nandito nga si Anndy. Suntok sa buwan na nandito siya dinala ng mga paa. Nagdadalawang isip siya kanina kung sa bayan ito hanapin o dito sa tabing- dagat. Mabuti na lang dahil sinunod niya ang instinct niya. "Umuwi kang mag--uhmp!" Nanlaki ang mga mata ni Anndy nang takpan ni Zero ang mga labi niya ng mga labi nito. Nagpupumiglas si Anndy but he grabbed her waist and pulled her closer to his body. Umakyat ang kanang kamay nito at bahagyang pinisil ang baba ni Anndy para bumuka ang bibig ng dalaga. Ang dilim ng paligid at tanging paghampas ng tubig dagat at buhos ng malakas na ulan ang naririnig nila habang sinisipsip ni Zero ang mga labi ng dalaga. Nang magkaroon ng pagkakataon, mabilis na pumasok ang dila ni Zero na para bang isang swimmer na sumisid sa pinakailalim na parte ng dapat para makuha ang pinakainaasam nitong perlas. Hinihingal at hinahabol ni Anndy ang hininga nang pakawalan siya ng binata. "Z-Ze--uhmp!" Hinapit siya nito muli sa bewang at muling siniil ng halik sa mga labi. Nanlalambot siya. Pakiramdam niya, para siyang isang jelly fish sa gilid ng dagat na paunti-unting natutunaw sa sikat ng araw. Ang lambot at init ng mga labi ni Zero na pumaparusa sa mga labi niya. Galit siya kay Anndy. Kung puwede nga lang durugin niya ang katawan nito dahil sa pagiging pasaway, gagawin niya. Hindi sila natutuyuan dahil sa patak ng ulan. Mas lalong tumatamis ang halikan nila kaya niyakap ni Zero ang dalaga sa bewang. Kahit na pareho silang basa, pakiramdam niya ay natutuyuan pa ri siya. Uhaw na uhaw ang lalamunan na tanging ang katas lang ni Anndy ang makapagpabusog sa kaniya. "Oooh!" ungol na kumawala sa lalamunan ng dalaga kaya mas lalong niyakap siya ni Zero. Walang magawa si Anndy kundi ang gumanti sa halik nito. Kusang gumalaw ang dila niya para makipaghabulan at makipaglampungan sa dila ng binata. Ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito para hindi matumba habang nasa bewang naman niya ang mga kamay ng binata. Hindi niya inalintana ang kadiliman. Ang mapusok at matamis na halik ni Zero ang nagpawala ng kaniyang tamang pag-iisip. Gusto pa niya nang mas malalim pang halik kahit na nawawalan na siya ng hangin sa ginagawa ni Zero. Napasinghap siya nang pinisil ng binata ang pang-upo niya. Kahit umuulan, nagliliyab ang mga katawan nila sa init. Gusto siya ni Zero. Sigurado siya dahil ramdam niya ang katigasan ng pagkalalaki nito. "Uhmp! Z-Ze--" "Uwi na tayo, lumalalim na ang gabi. Ilang oras pa ang lakarin natin bago makarating sa bahay," sabi ni Zero at tinalikuran siya saka naunang maglakad sa kaniya. "Hindi ako uuwi, dito lang ako. Bumalik ka kay Ligaya mo!" Naiinis siya. Inis na inis talaga siya sa binata. Pinaglalaruan lang ba nito ang feelings niya? Tumigil si Zero at hinarap siya, "Sumama ka sa akin, Anndy. Huwag mong subukang maubos ang pasensiya ko at huwag mo nang subukang tumakas, hindi mo ako matatakasan!" "Bakit? Bakit mo ako hinalikan kung tatalikuran mo lang din naman?" Muling lumapit sa kaniya si Zero, "Ano ba ang big deal kung halikan kita? Matagal ka na sanang na-gang rape kung hindi kita tinulungan, Anndy!" "So? Kailangan ko pang magpasalamat sa 'yo? Sana pinatay mo na lang ako!" singhal ni Anndy. "Huwag kang isip bata dahil malapit na akong mapuno sa 'yo! Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Anndy!" "Fuck you ka, Zero! Fuck you ka!" "Huwag kang umasta na para bang babaeng gustong magpatira sa pagod na asawa, Anndy! Umuwi na tayo!" "A-yo-ko! Waah!" Parang sako ng magaang cotton na binuhat na siya ni Zero. "Ibaba mo 'ko!" sigaw ni Anndy habang pinagsusuntok ang matigas na katawan ng binata pero balewala lang ito kay Zero. "S-Si Bhabz, b-balikan natin si Bhabz," umiiyak na sabi ni Anndy. Malayo na sila nang maalala ang alagang biik pero hindi tumigil si Zero. "Z-Zero ang biik ko..." luhaang sabi ni Anndy pero tuloy-tuloy lang si Zero sa paglakad.