Kinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 11
Unedited...
Pagdating sa bahay, agad na naupo si Anndy sa mahabang upuan na nasa ilalim ng punong mangga dahil sa pagod sa paglalakad. Alas siyete pa lang ng umaga pero pagod na siya. Ang aga pa kasi nilang umuwi. "Pagod ka na ba? Matulog ka muna," sabi ni Zero at napasulyap sa kamay ng dalagang may hawak na dalawang malaking bayabas. Ito pa ang pagod? E, siya nga ang may pasan na isang sako na naglalaman ng bigas, damit at de-latang ulam nila. Nagkaroon lang ito ng bitbit nang mapadaan sila sa puno ng bayabas. "Ang sakit ng mga paa ko," reklamo ni Anndy at iniunat ang paa sa upuan kaya sa halip na makaupo si Zero, dumiretso na lang siya sa loob ng bahay. "Nandito ka na po pala, tiyo," sabi ni Zero nang makita ang tiyuhin sa loob ng bahay at kumakain. "Oo, kain tayo. Namiesta pala kayo," sagot ni Pablo. "Oho, doon na rin kami natulog kina Laurence," sagot ni Zero at napasulyap sa mga canned goods sa ibabaw ng mesa, "namili ka rin pala." "Oo, supply ninyo ni Anndy," sagot ng tiyuhin, "akala ko hindi kayo pumunta sa bayan kaya naisipan kong magdala. Mabuti nga 'yan, sa susunod na taon pa naman ang expiration date niyan." "Salamat ho, kumusta ang mga isda?" tanong ni Zero at napasulyap kay Anndy na kakapasok lang sa bahay at naupo sa tabi ni Zero. "Okay lang, mabenta naman. Tahimik ngayon ang kabilang bahagi ng karagatan," sagot ng tiyuhin niya at napatingin kay Anndy na nakasimangot dahil sa pagod, "magandang umaga, Anndy," bati niya kay Anndy na nakalugay ang mahabang buhol habang inilagay sa ulo ang hood ng jacket ni Zero. Dalawa ang dalang jacket ng binata. Ang "Magandang umaga rin po, Tiyo Pablo!" magalang na bati ni Anndy at nginitian ang ginoo habang nginangatngat ang zipper ng jacket ni Zero. "May iba pa bang nangingisda?" tanong ni Zero at inabot kay Anndy ang garapong may lamang asin. "Mayroong patuloy pa rin ang pangingisda, minsan nadaanan na nila ang nadaanan ng iba," sagot ni Pablo. "Tiyo? Puwede po bang sumama ako sa pangingisda?" tanong ni Anndy na nagpapa- cute pa pero napayuko nang makita sa peripheral vision na pinapatay na siya ni Zero gamit ang mga nagbabagang mata nito.
Paano kung ang lugar na ito, kaharian pala ng mga maligno? Na lahat ng nakikita niya ay mag impakto pala? Paano kung hindi talaga nag-iexist ang bayang ito sa mapa ng Pilipinas?
"Gosh, kumain ako ng pagkain nila," bulong ni Anndy at napatutop sa bibig. Ang kuwento ng Lola Patch niya noon, kapag nasa kaharian ka ng mga maligno, huwag na huwag kang kumain ng pagkain nila dahil kapag ginawa mo iyon, hindi ka na makakalabas pa sa lugar nila. Forever kang makukulong. Napahawak siya sa braso dahil nananayo ang balahibo niya.
"Bakit ganiyan ang mukha mo? May sakit ka ba?" nakakunot ang noong tanong ni Zero. Umiling si Anndy at napalunok ng laway. "M-Mautulog na ako, pagod ako," paalam ng dalaga saka tumayo at umakyat sa hagdan. Tinatamad na siyang magbihis at maligo. Matutulog muna siya, baka sakaling pagmulat niya ng mga mata, nasa bahay na siya o nasa kuwarto na nila. Ang tindi ng imahinasyon niya dahil sa sobrang pagod, parang hindi na yata normal ang utak niya ngayon. Of course, alam niyang hindi kapani-paniwala ang iniisip niya tungkol kay Zero. May sayad na talaga siya dahil sa naisip na maligno ito. Or baka dahil sa kiss nito kagabi? Napahawak siya sa mga labi, mabilis lang ang pagkalapat ng mga labi ni Zero pero ang init nito, hanggang ngayon ay nasa imaginary sense pa rin niya.