12

2.9K 121 3
                                    


Ang Kidnapper Kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12 (pasalubong)

Unedited...

"Ang sabi niya, isang linggo lang pero ten days na, wala pa siya!" sabi ni Anndy habang
nasa mesa. Ilang araw na niyang kinukulit si
Pablo.

"Uuwi 'yon, baka busy lang sa Maynila," sagot ni Pablo na nauubusan na ng alibi kay
Anndy.

"May trabaho pa ba siya? Kung mayroon man, bakit pa niya ako kinidnap?" tanong ni
Anndy. Alam ni Pablo ang sitwasyon ng dalawa.

"May rason siya kung bakit."
"Bakit nga po?" tanong ni Anndy.
"Hindi ko rin alam," pag-amin ni Pablo.
Nakikisabay na lang siya sa plano ng
pamangkin. Hindi naman niya puwedeng isuplong sa pulisya dahil mapapahamak lang
si Zero.

"Uuwi na po ako sa amin, nami-miss ko na po ang pamilya ko. Tiyo? Hindi na ako babalikan ni Zero! Paano ako makalabas sa
islang ito?" pangungulit ng dalaga. Baka sakaling mapapayag niya ito sa gustong mangyari. Baka nga maawa pa at tutulungan
siya.

"Hindi talaga puwede. Ako ang mapapatay ni
Zero kapag makatakas ka," sagot ng lalaki.
"Tiyo Pablo? Bakit hanggang ngayon, wala ka pang asawa?" usisa ni Anndy.
"Walang babaeng magkakagusto sa isang katulad ko," sagot ni Pablo. Pinagmasdan siya ni Anndy. Kahit na sunog ang balat sa
araw, malinis naman ito tingnan. Kung nakapag-ahit lang at magsuot ng desenting damit, guwapo naman ito. Matangos ang ilong at mukhang mabait naman.
"Grabe naman po, may hitsura ka naman po," ani Anndy.
"Sino ba ang magkakagusto sa akin?
Mahirap lang ako, walang maayos na
hanambuhay at walang magandang bahay," sagot ni Pablo.
Tumulis ang nguso ni Anndy, "Hindi naman po mahalaga ang yaman kung kayong dalawa ay nagmamahalan."
"Ikaw, Anndy? alam nating mayaman ka, may posibilidad ba na magkakagusto ka sa
kagaya naming mahirap?"
Napaisip si Anndy sa tanong ni Pablo,
"Kapag mabuting tao naman po siya, bakit hindi? Hindi naman kayamanan ang basehan para maging masaya tayo, 'di ba? Basta kaya
niya akong mapakain araw-araw at mahalin niya ako habambuhay, hindi na namin kailangan ang maraming pera at magandang bahay," malungkot na sagot niya. Naalala
niya ang mommy at daddy niya. Mahal ng Daddy Dylan niya si Mommy Ann nila.
"Paano kung masamang tao siya? Mamahalin mo pa kaya siya?" tanong ni Pablo.
Napaisip ulit si Anndy. Kaya ba niyang
magmahal ng masamang tao? Iyong
tinutugis ng awtoridad?
"K-Kung mahal po niya ako, hindi po ba dapat na magbagong buhay siya para sa akin?" tanong ni Anndy at ipinagpatuloy ang
pagkain. Tinolang isda ang ulam nilang nilagyan ng dahon ng sili at kamatis.
"Ako na po ang maghuhugas," wika ni Anndy
nang matapos siyang kumain. Mabait si Pablo sa kaniya, ito pa nga ang sumasalok
ng pampaligo niya. Maaga pa itong
nagigising kaya pagmulat ng mga mata ni Anndy, kakain o magkakape na lang siya.
"Tiyo?" tawag ni Anndy sa lalaking hindi pa tapos kumain, "bakit po ganoon ang gawain
ni Zero? Wala po ba siyang ibang trabaho?"
"Hindi ko rin alam," sagot ni Pablo.
Magkapatid sila ng ama ni Zero pero
matagal nang patay ang kapatid pati ina ni Zero kaya siya na ang nag-alaga nito pero bata pa lang si Zero ay sinuroy na nito ang
ka-Maynilaan. Nagulat na lang siya nang bumalik ito ay binatilyo na.
Matapos siyang maghugas, nahiga siya sa higaan. Si Pablo ay sa mahabang sofa natutulog sa gabi. Ang sabi nito, dito naman
talaga ang tulugan nito bago pa man sila dumating pero alam ni Anndy na
nagsisinungaling lang ito dahil babae siya. Sinungaling siya! Iniwan na talaga niya
ako!" bulong ni Anndy habang nakahiga at
nakatingala sa nipang bubong. Kahit walang electric fan, malamig naman dahil sa mga punong-kahoy na nakapalibot sa bahay kaya
ang sarap matulog sa tanghali.
Mamayang hapon kapag hindi na masakit ang sikat ng araw, bubunot siya ng mga
damo. Marami ang ligaw na orchids sa paligid kaya kinukuha niya ito at ilagay sa patay na sanga ng punong-kahoy na
pinatayo ni Pablo sa tapat ng bahay. Tapos bago magtakip-silim, dapat nadiligan na niya ang mga bulaklak. Ito ang pampalipas
oras niya para maaliw naman.
Nagising siya nang maramdaman ang pag- uga ng kawayang sahig. Pupungas-pungas
siya ng mga mata nang maupo.
"Z-Zero?" tanong niya na inaagaw pa ng antok ang kaniyang diwa.
"Hi," nakangiting bati ng binata na nakaupo sa paanan niya.

"Kyaaah! Zero? Ikaw nga!" tili niya at
pagapang na lumapit sa binata saka kinurot
ang magkabilang pisngi nito.
"Ako nga, may iba ka pa bang hinihintay?"
tanong ng binata.
"Bakit ngayon ka lang?" nagtatampong
tanong ni Anndy at hinampas ito sa braso. Hinawakan ni Zero ang kanang kamay ng dalaga kaya mabilis ang pagkilos ng kaliwang
kamay ni Anndy para suntukin ito sa mukha pero natatawang umilag ang binata.
"Hindi na masama," wika ni Zero at hinila si Anndy patayo kasabay ng pagtayo niya.
"Inaantok pa ako," tinatamad na sabi ni Anndy.
"Ayaw mo ng pasalubong ko?" tanong ni Zero.
"May pasalubong ka sa akin?" tanong ng dalaga habang nakatingala kay Zero. Bagong
ahit ito kaya ang linis tingnan. Para itong modelo na napadpad lang dito sa kagubatan para mag-pictorial.
"Oo naman. Hindi ba't may hiniling ka sa akin?"
"Talaga? Saan na?" excited na tanong ni Anndy at nauna nang bumaba sa hagdan.
May mga supot sa ibabaw ng mesa kaya isa-
isa niya itong tiningnan.
"Wow! Ang saya ko!" .
Nakangiting pinagmasdan ni Zero si Anndy
habang isa-isang sinusukat ang damit na branded. Hindi naman kasingmahal kagaya
ng dating sinisuot nito. Bench at Penshoppe
lang naman pero para sa mahihirap, mahal
na ito.
"Salamat, ang bango nito," pasalamat ni
Anndy matapos i-spray ang bratsplash green
apple cologne ng Bench.
"Nagustuhan mo?" tanong ni Zero.
Pustahan, aabot ng 100k o mahigit pa ang dating gamit ni Anndy.

"Oo, mabango naman siya," sagot ni Anndy
at inamoy ang ini-spray sa kamay niya.
"Di ba, sabi ko gusto ko ng karne?" naka-
pout na sabi ni Anndy.
"Oo, ayan na sa mesa, ewan ko kung panis na 'yan," sagot ni Zero at binuksan ang tupperware.
"Oh my gosh! May lechon paksiw ka!" wika ni Anndy na nanlaki pa ang mga
mata.

Natatakam siya.
"Oo, alam ko namang magagalit ka sa akin
kapag wala akong dala," sagot ni Zero at inalis ang mga supot saka kumuha ng plato. Mabuti na lang dahil kalahating kaldero pa
ang natira nilang kanin.
Nakikain na rin si Anndy sa kaniya.
"Kumusta kayo ni Tiyo?" tanong ni Zero habang ngumunguya.
"Okay naman. Mabait siya. Palagi niya akong sinasaingan at nilulutuan," sumbong ni
Anndy. Napansin ni Zero na malinis ang bahay at nasa ayos na ang mga plato't baso.

"Mabuti naman. Wala bang pumunta rito?"
"Wala naman," sagot ni Anndy.
Nang matapos na silang kumain, si Zero na
ang naghugas ng plato habang si Anndy ay
parang batang hinalungkat ang lahat ng
pasalubong ng binata.
"Nasaan na si Tiyo Pablo?" tanong ni Anndy
nang maalala ang lalaki.
"Nakasalubong ko, kukuha raw ng kahoy sa gubat," sagot ni Zero. Napansin niyang wala
ng gas ang lampara nila. Bote ng tanduay
rhum dark at nilagyan ng pinabilog na lumang tela ang butas na umaabot sa lamang gas tapos sinisindihan ang dulo para
may ilaw sila sa gabi.
"Ano 'yon?" nagtatakang tanong ni Anndy nang may narinig sa labas ng bahay. Isang
nilalang na lumilikha ng ingay habang
nagbubungkal ng lupa.
"Tapos ka na? Halika," yaya ni Zero kaya agad na tumayo si Anndy at sumama sa
binata palabas ng bahay.
"Kyaaaah! May baboy!" tili ni Anndy nang
makita ang maliit na baboy na nakatali sa ilalim ng punong mahogany.
"Sabi mo, gusto mo ng baboy," sabi ni Zero kahit na alam naman niyang karne ang tinutukoy ni Anndy.
Nakangiting tumingala ang dalaga, "Atin na siya? Aalagaan natin siya?" nagniningning ang mga mata nito kaya napakamot sa ulo si
Zero. Kapag kasama niya si Anndy, para siyang ama na may inaalagaang bata.
"Oo, wala ka namang libangan kaya alagaan
mo na lang siya para may katayin tayo," sagot ni Zero.
Agad na tumakbo si Anndy palapit sa baboy.
Tatakbo sana ang hayop kaso maiksi lang ang lubid kaya nahawakan ni Anndy at hinimas sa ulo. Naupo siya na naka- squatting position.
"Gosh, may baboy na ako!" masayang sabi ni Anndy. Hala, ang cute talaga nito ng biik.
Tumingala si Anndy sa binata pero agad na binawi ang mga mata dahil naiilang siya sa mga titig nito.
Bakit ganoon? Habang tumatagal,
gumaguwapo si Zero sa paningin niya?

"A-Ano siya? Babae o lalaki?" tanong niya at ibinalik ang mga mata sa baboy.

"Babae," sagot ni Zero at lumapit sa duyan.
Pagod pa siya sa biyahe. Ang hirap kayang ikarga ng biik na 'yan sa scooter na gamit
niya.

"Babae? Puwede bang bhabz na lang ang ipangalan natin sa kaniya?" tanong ni Anndy.
"Bahala ka," walang kabuhay-buhay na sagot
ng binata. Si Anndy lang yata ang
nagpangalan ng biik.
"Bhabz o bhebz?" tanong ni Anndy.
"Bahala ka nga," sagot ni Zero at nahiga sa duyan saka ipinikit ang mga mata.
"Gusto ko bhabz." Huling narinig ni Zero mula kay Anndy bago tuluyang hinila ng antok.
Naalimpungatan si Zero nang marinig ang
pag-uusap ni Anndy at Pablo.
"Ano ang gagawin mo sa damo?" tanong ni
Pablo. May mga paragis pa itong bitbit.
"Ipapakain ko po sa biik ko," sagot ni Anndy
kaya napatayo bigla si Zero at napatingin sa
dalang biik. Thanks God, at hindi pa
napakain ni Anndy ang hayop.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon