..
Ang Kidnapper kong GwapoChapter 36
by: sha_sha0808Unedited....
"Shit!" sambit ni Zero habang
nagmamaneho. Traffic pa ngayon kaya halos
paliparin na niya ang ducati.
"Malapit na tayo," sabi ni Andoy.
"Buwesit!" ani Zero. Kanina pa siya
nagmumura habang palapit sa bahay nina
Anndy.
"Malapit na, chill ka lang!" wika ni Andoy
nang makalusot sila sa trapik. Ilang metro
na lang ang layo nila sa villa ng mga Lacson
nang makita nila ang private plane ng mga
Lacson sa itaas kaya napapreno si Zero.
May tumatawag kaya inilagay niya ang
earpiece.
"Late ka na. See that plane? Sakay niyan si
Anndy," sabi ng boses sa kabilang linya kaya
napahigpit ang hawak ni Zero sa manibela.
"No!" may diin na wika ni Zero. Hindi siya
iiwan ni Anndy. Hindi puwede. Sigurado
siyang hindi magagawa iyon ng dalaga.
"Kahit na ayas niya, wala kang magagawa
kapag pamilya niya ang mag-desisyon!"
"Fuck--"
Tot tot tot!
Tinapos na nito ang tawag.
"Tutuloy pa ba tayo?" tanong ni Andoy sa
kaibigang nanlulumong nakatingala sa
papalayong private plane.
"W-Wala na siya," mahinang sagot ni Zero
at ibinalik ang sasakyan patungo sa
apartment.
Nang dumating ay kaagad siyang kumuha ng
limang alak sa refrigerator saka naupo sa
sahig sa sala at tinungga ang isang bote ng
alak.
"Argh!" sigaw niya dulot ng pagkabigo.
"Puta! Puta! Puta!" ubod ng lakas na sigaw
niya saka buong lakas na itinapon ang bote
sa pader.
"'Tol, relax lang, wala na siya at marami pa
naman ang babae riyan," pagpakalma ni
Andoy sa kaibigang namumula ang
magkabilang tainga sa galit. Kung sabagay,
ang ganda naman kasi ni Anndy. Kahit siya,
mababaliw rin kapag iwan nito.
"Natikman mo naman siya kaya okay lang,"
biro ni Andoy kaya buong mukha na ni Zero
ang namula sa pagkadesperado.
"Kung mahal mo naman pala siya, bakit mo
siya isinauli?"
Kinuha ni Zero ang isang bote ng alak at sa
ilang lagok lang ay inubos niya ang laman
nito saka inihagis na naman sa pader. Ang
sakit sa tainga ng tunog nito nang mabasag
at kumalat ang bubog sa sahig.
"Kailangan niyang ma-operahan dahil sa
tama ng bala sa braso niya," sagot ni Zero
na bumigat ang dibdib. Mula nang mamatay
ang mga magulang niya, hindi na siya
muling umiyak at nasaktan pa pero ngayon,
naramdaman naman niya ang pakiramdam
ng inabandona. Iniwan siya ni Anndy.
"Kaya mo namang gawin iyon, 'di ba?"
tanong ni Andoy pero sa halip na sagutin ni
Zero, kumuha lang ito ng isa pang bote ng
alak at inubos na naman ang laman.
"Tol, sana ikaw na ang nagtanggal ng bala."
"Hindi nila kaya," mahinang sagot ni Zero at
napatingala sa kisame habang nakasandal
ang mga kamay sa upuan ng sofa.
Naramdaman niya ang mainit na likidong
dumadaloy sa kaniyang mga mata.
"Anong ibig mong sabihin?"
"H-Hindi kakayanin ng katawan niya dahil sa
sanggol na nasa sinapupunan niya.
Mauubusan siya ng dugo," sagot ni Zero at
mas lalong bumaha ng luha sa mga mata
niya.
"B-Buntis siya?" nauutal na tanong ni Andoy
habang nakatunghay sa luhaang kaibigan.
Ngayon lang ito umiyak sa harapan niya. Oo
nga't ilang beses na niya itong nakitang
nasugatan, pero ngayon lang niya nakitang
nasasaktan ito kahit na wala naman siyang
nakikitang sugat na dumudugo.
"H-Hindi ko kayang isakripisyo ang buhay
nila para lang sa p-pansariling kaligayahan
ko," bulong ni Zero saka nilunod ang sarili sa
alak. Kung sakaling umuwi man si Anndy,
makikilala pa kaya siya nito?
---------------
"Kuya? Mas malungkot ka pa kaysa sa akin,
e, ako nga po itong buntis tapos walang
amang magisnan ang baby ko," sabi ni
Anndy nang maupo sa tabi ng kapatid. Nasa
gazebo sila at kanina pa niya nakitang nasa
malayo ang tingin ni Lee Parick.
"Ang duwag ko kasi," malungkot na sagot ni
Lee Patrick. Napatingin siya sa malaking
tiyan ng bunsong kapatid. Manganganak na
ito at gustuhin man niyang bugbugin ang
lalaking may kagagawan nito sa kapatid niya
ay hindi niya magawa dahil hanggang
ngayon, pa rin ito nakikita ng pamilya.
"Bakit mo nasabi?" nagtatakang tanong ni
Anndy.
"Si Christine," pabulong na sagot ni Lee
Patrick kaya napangiti si Anndy.
"Mahal mo si Tintin, noh? Bakit hindi mo
siya uwian?"
"Natatakot ako," sagot ni Lee Patrick.
"Ang duwag mo. Kapag mahal mo ang isang
tao, ipaglaban mo!" sagot ni Anndy.
"Parang ikaw? Kahit na kidnapper ang
tarantadong 'yon--"
"Mabuting tao si Zero! Mahal niya ako!"
"The fuck! Mabuting tao?" napatawa si Lee
Patrick, "kung mabuti siyang tao, sana
hinarap niya ang mga magulang natin.
Sinabing magbabago na siya at mangakong
hindi na papatay ng tao!"
Salubong ang kilay na sabi ni Lee Patrick.
Silang magkapatid lang ang nandito sa
Japan dahil ang tatlo ay mas piniling sa
Pilipinas manirahan. Si Lee Patrick pa naman
ang tipo ng taong gustong harapin ang
pamilya kapag may manligaw sa kaniya.
Parang kay Christine lang noon. Gusto
nitong ipakilala ni Tintin ang mga manliligaw
sa parents nito pero siya mismo, hindi niya
kayang harapin ang mga Villafuerte-
Marcelo.
"Whatever! Basta masaya kami ni Baby
kapag magkita na kami ng daddy niya," sabi
ni Anndy at hinaplos ang tiyan nang sumipa
ang anak.
----------------------
Naglakad si Christine patungo sa closet nang
biglang may tumakip sa mga mata niya kaya
napatigil siya. Ang pabango nito, ang
lambot ng mga kamay ay pamilyar sa kaniya
kaya biglang sumigla ang puso niya.
Kinabahan siya. Ayaw niyang umasa pero
umaasa pa rin ang puso niya.
Paunti-unting lumuwag ang mga kamay
nitong nakatakip sa kaniyang mga mata.
Parang slow motion na lumingon siya para
ikumpirma kung tama nga ang hula niya.
"Kyaaah!" tili niya nang makita ang mukha
nito.
"Hi," nakangiting bati ng taong nasa
harapan.
"Anndy! Oh my ghad! Anndy, ikaw nga!"
masayang sabi niya at nagtatalon-talon pa
saka niyakap ang matalik na kaibigan.
"A-Anndy, n-na-miss kita! Sobrang na-miss
kita!" umiiyak na sabi ni Christine. Nakatayo
lang sila habang mahigpita na niyayakap ang
isa't isa para punan ang ilang taong hindi
nila pag-uusap.
"N-Na-miss din kita, Tintin," umiiyak na
bulong ni Anndy. Na-miss niya ang
bestfriend niya at walang kasingsaya na
makita ito lalo na't ikakasal na sila ng Kuya
Lee Patrick niya. Masaya siya para sa
dalawa.
"Halika, baba na tayo!" masiglang yaya ni
Christine. Wala na siyang mahihiling pa sa
Panginoon. Nagpapasalamat siya sa lahat ng
biyayang natanggap niya mula sa Kaniya.
"Sige, baba na tayo," nakangiting wika ni
Anndy at hawak-kamay na lumabas para
harapin ang buong pamilya.
Masayang nagkuwentuhan at nagtawanan
ang mga ito. Tahimik lang si Anndy habang
nakikinig sa kanila at isa-isang pinagmasdan
ang buong pamilya na matagal nang hindi
nakita. Napangiti siya pero may bahid na
lungkot sa puso niya.
Ngayong nakita na niya ang mga ito, can
she finally say, "I'm home?"
Nakaupo siya sa isang table pero ne hindi
niya kayang makisalamuha sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
حركة (أكشن)Kinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?