15

3.3K 124 3
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

Unedited...

"Kailangan mong huminga nang matagal sa
ilalim ng tubig!" pagalit na sabi nito sa
sampung taong gulang na batang lalaki.
Itim ang lahat ng suot nito pati gloves at
tanging mga mata lang niya ang nakikita ni
Zero dahil sa maskarang suot. Hindi rin niya
matukoy kung babae o lalaki ito dahil sa
voice changer device.
"H-Hindi ko na po kaya," naiiyak na sagot ni
Zero.
"Kayanin mo!" ma awtoridad na utos nito
sabay lublob sa ulo ni Zero sa drum. Isa.
Dalawa. Tatlo... hanggang sa sampung
minuto. Nawawalan na siya ng hininga.
Pumapalag siya pero sa murang edad, ang
lakas ng mga kamay nito.Hinihingal at
nauubo si Zero nang iangat nito ang ulo
niya.
"Gusto mong gumanti sa mga Lacson, 'di
ba? Puwes, kailangan mong magtiyaga.
Kailangan mong maging malakas para
balikan sila!"
Umiyak si Zero at pinahidan ang mga luha
habang mabilis na tumaas-baba ang
kaniyang dibdib. Matangkad siya pero
patpatin ang katawan. Namatay ang
kaniyang mga magulang sa mismong
harapan niya. Nasaksihan niya kung paano
pinatay ng mga pulis ang mga ito. Kitang-
kita niya ang mukha ng mag-asawang Patch
at Lee habang nakatingin lang sa mga
nangyayari. Ne wala man lang silang ginawa
para tulungan ang mga magulang niya.
"P-Pero hindi ko kaya," umiiyak na sagot
niya pero agad na napaluhod nang isang
matigas na bagay ang dumapo sa likod ng
hita niya. Pakiramdam niya, napunit ang
balat niya dahil sa sobrang lakas. Paglingon
niya, hawak nito ang paddle na ipinalo sa
kaniya.
"Kakayanin mo para sa hustisya ng mga
magulang mo!" sigaw nito kaya tumayo si
Zero.
"Gusto ko silang balikan! Gusto ko silang
patayin! Gusto kong ibalik sa kanila ang
sakit na dinanas ko nang mawalan ako ng
mga magulang!" determinadong wika ni Zero
at naikuyom ang kamao. Ipapalasap niya sa
mga Lacson kung gaano kasakit ang
mawalan ng buhay sa harap ng pamilya nila.
"Magaling," kahit na hindi niya nakikita, alam
niyang nakangiti ang taong ito at ginulo ang
buhok niya.
"Pagkatapos ng training ko, kapag malakas
na ako, paano ko sila babalikan?" tanong ni
Zero. Paunti-unting sumisiklab at lumalaki
ang apoy sa mga mata niya.
"Kidnapin mo ang apo nila! Makakaganti ka
na, magkakaroon ka pa ng limpak-limpak na
salapi!" sagot nito at pinatay ang ilaw kaya
dumilim sa buong silid. Sa halos dalawang
buwang pananatili niya sa madilim at
mabahong silid na ito, kabisado na niya ang
bawat sulok. Paunti-unti na ring nagiging
malinaw sa kaniyang mga mata ang buong
silid .
"Zero!" tawag ni Anndy at niyuyogyog ang
binata, "Zero, gising!"
Pak!
"Shit!" Napatayo si Zero at napahawak sa
kanang pisngi. Nakatayo si Anndy sa harapan
niya habang nag-aalalang nakatitig sa
kaniya.
"Ano ba ang problema mo, Anndy?" singhal
niya kaya napaatras ang dalaga at ang
pagkabahalang nasa mga mata ay napalitan
ng pagkatakot.
"K-Kasi umuungol ka tapos parang
binabangungot. Ayaw mo namang dumilat
nang tawagin kita. Kahit niyuyugyog na nga
kita, ayaw mo pa ring magising," depensa ni
Anndy. Ito na nga ang iniligtad niya laban sa
bangungot, ito pa ang galit.
Napasulyap si Zero sa relong nasa kanang
kamay, alas singko na pala ng hapon. Sa
sobrang pagod sa kakabuhat ng pinamili at
kay Anndy, nakatulog siya rito sa mahabang
upuang nasa ilalim ng puno.
"Nakapagsaing ka na?" tanong niya.
"Tapos na. Kakain na po tayo, señorito,"
sagot ni Anndy at yumukod pa.
Tumayo si Zero pero napahawak sa
sumasakit na ulo.
"Okay ka lang?"
"Okay lang ako. Pumasok ka na at
maghanda ng hapunan!" sagot ng binata na
salubong ang kilay. Pinapaalala lang ng
kaniyang nakaraan ang tunay niyang
hangarin. Hindi siya puwedeng maging
mabait kay Anndy dahil hindi naman naging
mabait ang lolo't lola nito sa mga magulang
niya noon.
"Kanina pa nakahanda," sagot ni Anndy at
nagmartsa papasok sa bahay. Sumunod si
Zero at naupo sa tapat ng mesa.
Napasulyap siya kay Anndy na maganang
kumain. Now what? Kahit siya, hindi rin niya
alam kung kailan niya ito isasauli pero
hanggat hindi pa naging maayos ang lahat,
wala siyang balak na iuwi ito.
"Zero? Ibabalik mo pa kaya ako sa pamilya
ko? o papatayin mo rin ako?" malungkot na
tanong ni Anndy. Nami-miss na niya ang
buong pamilya.
"Alam mo bang pinuputol ko ang dila ng
mga madadaldal na kinikidnap ko?" tanong
ng binata kaya biglang umurong ang dila ni
Anndy.
"I-enjoy mo ang pagkain habang buhay ka
pa," walang ganang sagot ni Zero.
Pinipigilan lang niya ang sariling sapakin si
Anndy nang maalala ang ksaalanan nito sa
kaniya kaninang umaga.
"Bakit? Balak mo bang patayin ako?" tanong
ni Anndy na tumigil sa pagkain. Hindi
sumasagot si Zero kaya naiinis siya. "Kung
patayin mo lang din naman ako, bakit hindi
pa ngayon? Pabigat lang ako sa buhay mo!"
"Maghintay ka! Malapit na!" may diin na
sagot ni Zero at humigpit ang pagkakahawak
sa kutsara.
"Naghihintay lang pala ako ng kamatayan
ko? Patayin mo na ako ngayon, Zero! Kung
may kasalanan ako o ang pamilya ko,
gumanti ka na sa akin at ipadala ang pugot
na ulo ko sa mansion!" singhal ni Anndy at
tumayo pero nahawakan ni Zero ang kanang
kamay niya saka hinila siya para muling
maupo.
"Hindi ka pa tapos kumain," mahina pero
puno ng galit na wika ni Zero saka binitiwan
ang kamay ng dalaga.
"Nawalan na ako ng gana!" sagot ni Anndy
at muling tumayo saka tinalikuran ito.
Lumabas siya saka bitbit ang balde,
pumunta siya sa balon at nagsalok na tubig
para sa alagang biik.
"Gutom ka na?" tanong niya kay Bhabz na
tumayo nang lumapit siya.
"Sandali lang, papakainin kita."
Kumuha siya ng feeds sa sako at binigyan
ito. Naupo siya sa silya at pinagmasdan ang
biik habang kumakain.
"Kawawa ka naman, wala kang kulambo, wala
ka pang kumot. Nilalamig ka siguro gabi-
gabi," malungkot na sabi niya. Ang daming
lamok na kumakagat sa balat ng biik. Kapag
palubog na ang araw, lumalapit sila para
papakin si Bhabz.
"Papabilhan kita ng Baygon sa masungit
kong kidnapper," wika niya. Awang-awa na
talaga siya sa biik.
"Pumasok ka na, Anndy, gumagabi na."
Walang salitang tumayo si Anndy at
pumasok sa bahay.
Dumiretso si Zero sa balon para maligo dahil
naiinitan siya. Isa pa, pakiramdam niya ay
nasa likod pa rin niya ang dugo ni Anndy.
Ipinulupot niya ang malapad na tuwalya sa
bewang at bumalik sa bahay. Nabitiwan niya
ang bitbit na baldeng may tubig nang
mapadako ang paningin sa biik nila.
"Putsa! Putsa ka talaga!" pagmumura niya at
dali-daling tumungo sa bahay.
"Anndy!" sigaw niya at pabalya na binuksan
ang pinto.
"Bakit ganiyan ka kung makasigaw?" tanong
ni Anndy. Lahat na yata ng hayop sa
kagubatan, nagulat sa lakas ng sigaw nito.
"Tanggalin mo ang kulambo sa labas!" Utos
ni Zero sabay turo ng pinto.
"Bakit ba?" naiinis na tanong ni Anndy,
"ouch! Ano ba!" daing niya nang hilain siya
ni Zero palabas ng bahay at itinulak palapit
sa biik.
"Tanggalin mo ang kulambo o matulog ka
rito sa labas katabi 'yang baboy mo!"
Namumula na ang buong mukha niya dahil
sa galit.
"Ano ba ang ikinagalit mo? Pinapapak ng
lamok si Bhabz, kawawa naman siya!"
depensa ni Anndy.
"Lintik! Kunin mo ang unan sa loob ng
bahay at tumabi riyan sa baboy mo!" Utos ni
Zero kaya mabilis na tinanggal ni Anndy ang
kulambo na nakatali sa puno.
"Kapag magka-dengue si Bhabz, kasalanan
mo!" ani Anndy at nauna nang pumasok sa
loob ng bahay.
Nahiga na siya at nagtalukbong ng kumot.
Madilim na sa labas. Naramdaman niya ang
paghiga ni Zero kaya tumalikod siya sa
binata. Galit siya rito.
Pinatay ni Zero ang lampara kaya mas
dumilim ang paligid.
"Kung hindi ka titigil sa pagiging isip bata
mo, mas pahihirapan ko ang pamilya mo sa
kakahanap sa 'yo," sabi ni Zero na nakaharap
sa dalaga. Alam niyang gising pa ito.
"Sanay na silang wala ako sa tabi nila. Ne
hindi na nga nila ako mahanap o hinahanap,"
sagot ni Anndy. Ilang buwan na, wala pa rin.
Akala niya, sila na ang
pinakamakapangyarihan sa buong bansa na
kahit magtago ka pa sa pinakasulok ng
mundo, mahahanap ka nila pero nagkakamali
siya. Wala pa rin ang tulong ng mga
magulang niya.
"Magaling lang talaga akong magtago,
Anndy," sagot ni Zero. Hindi siya
makapapayag na matunton sila ng mga
Lacson. At kung matagpuan man nila ang
lugar na ito, aalis pa rin siya kasama ni
Anndy. Sa ngayon, ito ang alas na
pinanghahawakan niya.
"Ano ba ang balak mo, Zero?" tanong ni
Anndy.
"Wala," sagot ng binata kaya tumahimik na
si Anndy. Kung sabagay, sino ba naman ang
kidnapper na ipaalam sa hostage ang buong
plano nito.
Nagtalukbong na si Zero ng kumot nang
hindi na nagsalita pang muli si Anndy.
Makalipas ang ilang sandali, alam niyang
mahimbing na natutulog na ang dalaga
Dahil siguro sa pagod at puyat, hindi na
nagawa ng binatang magising pa buong
magdamag. Tao pa naman siya para hindi
makaramdam ng nangyayari sa paligid kahit
na sanay na ang katawan niyang maging
aktibo kapag may paparating na panganib.
Diretso ang tulog niya. Napayakap siya sa
katabing unan habang nakapikit. Parang may
mali? Gumalaw ang mabalahibong unan niya
kaya dahan-dahan siyang nagmulat ng mga
mata.
Oink! Oink!
"Anak ng--"
Napatayo siya bigla nang makita ang biik sa
tabi niya. Sa gulat, tumayo rin ang biik at
natarantang tumalon sa hagdan.
"Ano ang nangyayari?" tanong ni Anndy
habang nakasilip sa tulugan nila sa itaas na
may hawak pang sandok. Sinangag niya ang
natirang kanin nila kagabi.
Napakagat siya sa ibabang labi nang hindi
maipinta ang mukha ni Zero. Nakalimutan
niyang ibalik si Bhabz. Nagising siya kagabi
at nag-aalala sa biik kaya kinuha niya ito at
itinabi para share sila sa kulambo.
"Kyaaah!" tili niya saka tumakbo nang
tumalon ang binata sa hagdan at hinabol
siya.
"Balik ka rito at uunahin kitang katayin kaysa
sa biik mo!" sigaw ni Zero.
"Sorry naaaa!" sigaw ni Anndy habang
mabilis na tumatakbo na para bang
hinahabol siya ni Kamatayan.
Ne hindi na nga niya nararamdaman ang
mga tinik na naaapakan. Kagaya ng dati,
nakapaa na naman siya.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon