Ang Kidnapper kong Gwapoby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 14
Unedited...
Paggising ni Zero, nakahanda na ang pagkain
sa mesa. Nakapagsaing na si Anndy at nainit
na rin ang tinola at adobong manok.
"May uling sa mukha mo," wika ng binata
nang pumasok si Anndy bitbit ang plato na
may kanin.
Inabot niya ang towel na nakasampay sa
upuan at ibinigay kay Anndy.
"Salamat," sagot ng dalaga at nahihiyang
pinahiran ang pisngi.
Naupo na si Anndy at walang imik na
kumakain. Ganoon din si Zero. Nang hindi
makatiis, si Anndy na ang bumasag sa
katahimikan.
"Z-Zero? Puwede ba tayong pumunta sa
bayan?" tanong niya.
"Bakit?" tanong ng binata na nasa pagkain
ang mga mata.
"M-May bibilhin lang ako."
"Ano?"
"Ahm..." Nagdadalawang isip si Anndy pero
mukhang hinihintay ni Zero ang isasagot
niya. Tumigil pa ito para harapin siya.
"M-Masakit kasi ang puson ko. A-Ahm... Sa
tingin ko, magkakaroon ako ng monthly
period," nahihiyang sagot ni Anndy. Kahit sa
mga kapatid, hindi siya nagpapaalam na
meron siya o ayaw niyang pag-usapan pero
ngayon, wala siyang choice. Lahat ng
desisyon niya ay kailangang ipapaalam niya
kay Zero.
"Sige, pupunta tayo sa bayan mamaya,"
pagpayag ni Zero. Marami pa nga pala silang
dapat na bibilhin dahil nauubusan na naman
ng pagkain at gas para sa lampara. Minsan
kasi binubuhos ni Anndy sa kahoy ang gas
para umapoy.
"Talaga?" tuwang-tuwang tanong ni Anndy.
Minsan, gusto rin niyang makakita ng ibang
tao at mga bagay-bagay. Paano, silang tatlo
lang ang palaging nagkikita tapos umalis pa
ang Tiyo Pablo nila kaya silang tatlo na lang
nina Zero at ng biik ang naiwan.
"Iwanan na lang nating ng tubig at pagkain
si Bhabz para hindi siya magutom. Zero?
Paano kung manakaw siya? Dalhin na lang
natin sa bayan," malungkot na tanong ni
Anndy.
"Hindi 'yan mananakaw dahil walang
dumadayo rito. Isa pa, walang magnanakaw
sa bayang ito kahit na walang tao ang
bahay," depensa ni Zero. Ito ang maganda
sa isla. Kahit na gumagala ang mga hayop,
walang nagtatangkang kumuha. Maliban na
lang sa mga wild animals.
Pagkatapos nilang kumain, agad na naligo si
Anndy. Habang nagbibihis siya, naligo rin si
Zero.
"Ready na ako!" masiglang sabi ni Anndy
nang pumasok ang binata. Nakatapis lang ito
ng tuwalya at tumutulo pa ang basang
buhok sa dibdib nito.
"Hintayin mo lang ako, magbibihis lang ako,"
walang ganang wika ni Zero at nilampasan
ang dalagang halos lumuwa na ang mga
matang nakatitig sa katawan niya. Hindi na
bago sa kaniya ang ganito. Madalas niyang
ginagamit ang katawan para makapagkuha
ng impormasyon sa mga babaeng target
pero iba ang dating ni Anndy sa kaniya.
Napakainosente nito at hindi niya maatim na
gawing palipas oras.
Paglabas ni Zero, nakaupo si Anndy sa
mahabang upuan katabi ng alagang biik.
Nang makita siyang lumabas, agad na
tumayo ang dalaga at sumunod sa kaniya
patungo sa main road.
Trenta minutos nang dumaan ang de-
pasaherong jeep. Kaunti pa ang sakay pero
puno ng mga panindang gulay na ibebenta
sa Maynila.
"Asawa mo?" tanong ng matandang babae
na sa tapat nina Zero.
"Opo," magalang na sagot ni Zero.
"Ang ganda! Para siyang manika," puri ng
matanda na sumang-ayon naman ang iba
pang pasahero.
"Salamat po," pasalamat ni Anndy at
humagikhik. Sanay naman siyang purihin
pero bakit ngayon, gandang-ganda siya sa
sarili? Siguro dahil nakikitang niyang totoo
ang papuri ng mga ito?
"Bagay kayo," sabi ng kundoktor. Bente
pesos ang pamasahe nila. Nang makarating
sa bayan, sa grocery store sila dumiretso.
"Kumuha ka ng gusto mo pero huwag 'yong
masyadong mahal at ang mga importanteng
bagay lang ang bibilhin natin dahil mahirap
magbitbit," paalala ni Zero. Wala naman
itong naitutulong sa kaniya dahil siya ang
nagbubuhat.
"Zero!" tawag ng isang pamilyar na boses sa
kaniya kaya napalingon siya.
"Ligaya," sagot niya. Humalik ito sa pisngi
nang magkita sila. Sanay na siya sa ganitong
gesture ng dalaga kahit na malisyoso ang
ibang tagarito. Hindi sila sanay sa
pakipagbeso-beso.
"Sino ang kasama mo? Kasama mo ba ang
asawa mo?"
"Yes, ayun siya, bumibili," sagot ni Zero.
Lumingon si Anndy at lumapit sa kanila.
"Puwede ba tayong bumili ng chichirya?"
tanong ni Anndy. May nakita siya Piattos at
Nova.
Pinagmasdang maigi ni Ligaya ang babaeng
ipinagpalit sa kaniya ng kaniyang irog. Mas
maliit ito sa kaniya pero ang puti. Bagay rito
ang suot na white long sleeve cotton shirt
na sinampawan ng white jumper shorts at
puting snapback na sombrero. Right choice
rin ang paglugay ng mahaba at maalon na
buhok nito. Magaling itong magdala ng
damit kahit na hindi branded.
"Mamimili ka rin ba?" tanong ni Anndy kay
Ligaya.
"Hindi, kami ang may-ari nitong grocery
store!" pagmamalaki ni Ligaya. Sila ang
mayaman sa islang ito. Ama niya ang mayor
at mula noon, sila na ang namumuno sa
bayan. May paaralan din dito pero
hanggang high school lang. Ang ibang
gustong makapag-college, sa Maynila na
pinapaaral pero iilan lang dahil sa hirap ng
buhay. Ang mga guro ay mga tagarito na
mas piniling turuan ang mga kababayan para
kahit paano, makatulong naman at hindi
matawag na mangmang kapag dumayo sa
Maynila.
"Kayo ba? Mabuti naman," wika ni Anndy na
hindi nagustuhan ang pagmayabang ni
Ligaya.
"Zero? Kumuha ka lang ng gusto mo, libre
na kita," malambing na sabi ni Ligaya.
"M-May pambayad naman kami ng asawa
ko," sabat ni Anndy na nakaramdam ng
panliliit sa sarili. Bakit ba pakiramdam niya,
ang hirap-hirap niya. Iyong kahit piso, wala
siyang hawak. Dagdagan pa ni Ligaya na
pinapamukhang wala siyang pera.
"Really? Malaki siguro ang naipon ninyong
mag-asawa bilang saleslady at security
guard lang?" tanong ni Ligaya na mas lalong
diniinan ang salitang "lang".
"Maliit lang pero sapat na na makakain kami
at mabuhay araw-araw na masaya," sagot ni
Anndy. E di si Ligaya na ang mayaman. At
least sa kaniya ang inaasam nitong si Zero.
"Kumuha ka na ng gusto mo, Princess, uuwi
na tayo." Utos ni Zero.
"Talaga, Buddy? Bibilhin mo ang gusto ko?
Ang sweet naman ng asawa ko,"
paglalambing ni Anndy at ipinulupot ang
mga kamay sa braso ni Zero. Ang tigas e.
"By the way, punta kayo sa birthday ko sa
susunod na Linggo, sa resort ko ihe-held.
Alam mo na iyon, Zero. Minsan na tayong
nag-overnight doon," makahulugang pang-
imbita ni Ligaya.
"Pakialam namin sa birthday mo!" bulong ni
Anndy at kumuha ng mga nagustuhan.
Bahala si Zero na magbayad. Tutal, kapag
kulangin ito, nandiyan naman si Ligaya.
Nang nasa counter na sila, may inilagay si
Zero.
"Ano 'yan?" tanong ni Anndy.
"Arinola," sagot ni Zero.
"Para saan?" tanong ni Anndy na nakatingala
sa binata.
"Hindi niya kilala ang arinola?" tanong ng
cashier. Ito lang yata ang taong hindi alam
kung ano ang gamit ng arinola.
"Sa bahay ka na magtanong," sagot ni Zero
kay Anndy. Ang daming tanong nito.
Kailangan nila ng arinola para hindi na ito
bumaba pa tuwing gabi para umihi sa labas.
Para siyang sugar daddy ni Anndy.
Tahimik na nag-aabang si Anndy na matapos
si Zero sa pagbayad. Ang sakit na talaga ng
puson niya. Pakiramdam niya, aabutan na
siya rito.
"Z-Zero, hanap tayo ng CR, maglalagay lang
ako ng napkin," bulong ni Anndy.
"Sa bahay na, uuwi na tayo," sabi ni Zero at
inarkila ang isang motor na habal-habal dahil
sa dami ng pinamili.
Pagbaba nila, naunang tumalon si Anndy sa
motor.
"Ouch!" daing niya at napaupo habang
nakahawak sa paa.
"Ito na ang bayad," sabi ni Zero at nilapitan
ang dalagang umiiyak at namimilipit sa
sahig. Napansin niya ang pamumula ng
kanang bukung-bukong nito.
"Hindi kasi nag-iingat!" naiinis na sabi ni
Zero, "tumayo ka na! Nagugutom na ang
biik mo!"
Dahan-dahang tumayo si Anndy pero agad
na natumba, "H-Hindi ko na kaya," naiiyak
na sabi niya. Sobrang sakit.
"Haist! Malas naman oh!" naiinis na sabi ni
Zero at yumukod.
"Sakay sa likod ko!"
"Piggyback mo 'ko?" namumungay ang mga
matang tanong ni Anndy.
"May choice pa ba ako?"
Nahihiyang sumakay si Anndy sa likod ni
Zero habang bitbit din nito ang mga
pinamili.
Magaan lang naman si Anndy pero habang
tumatagal, pabigat na ito nang pabigat.
"Malapit na tayo!" tili ni Anndy nang marinig
ang ingay ng alagang biik. Naramdaman niya
ang pagsakit ng puson at para bang may
bumulwak sa kaniya.
Hinihingal na pinababa siya ni Zero nang
nasa bakuran na sila.
"S-Salamat," nahihiyang pasalamat ng dalaga
at pasimpleng sumulyap sa likod ni Zero.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
"Z-Zero? Magbihis ka na, puno ka na ng
pawis," sabi niya at tumakbo sa loob ng
bahay saka hinalungkat ang mga damit ng
binata at nang bumalik ay may bitbit na
siyang itim na tshirt nito.
"Zero? Bagay sa 'yo ang damit na 'to. Try
mo nga," sabi ni Anndy at inabot ang tshirt.
"Mamaya, pagod pa ako," tanggi ng binata.
"Palit ka na lang ng damit, baka matuyuan
ka ng pawis," pakiusap niya. Sana ay
pumayag na ang binata.
"H-Hindi ko alam kung paano ka alagaan
kapag magkasakit ka," malungkot na dagdag
niya kaya agad na hinubad ni Zero ang
puting tshirt.
Inagaw naman niya sa binata, "Ako na ang
maglalagay sa labahan," sabi ni Anndy.
"Wala na ba ang sakit sa paa mo?" tanong ni
Zero. Ang bilis tumakbo e.
"W-Wala na," nahihiyang sagot ni Anndy.
Pumasok si Zero kaya tumakbo siya palapit
sa sampayan at kinuha ang malapad na
tuwalyang nakasampay saka tumakbo
papunta sa balon.
May balde pa naman kaya agad na nilublob
niya ang tshirt ni Zero sa baldeng may tubig
at mabilis na kinusutan hanggang sa
matanggal ang dugo sa tshirt tapos nag-
halfbath siya at kinusutan din ang damit at
bumalik sa bahay na nakatapis ng tuwalya.
"Ano ang ginawa mo sa balon? Ba't ang
tagal mo?" nagdududang tanong ni Zero.
"W-Wala, naiinitan lang ako at nanglalagkit
kaya nag-half bath ako," sagot ni Anndy.
"May kalokohan ka bang ginawa?"
seryosong tanong ng binata kaya inosenteng
tumingala si Anndy rito.
"Wala ah. Bakit mo natanong? Baka ikaw
ang may ginawa kanina?"
"Bakit ako?" tanong ni Zero. May inililihim
talaga si Anndy sa kaniya.
"Oo na, naghugas ako dahil natagusan ako
kanina. Sinabi ko naman sa 'yo na may
period ako, 'di ba?" sagot ni Anndy.
Natigilan si Zero at nagbabaga ang mga
matang hinawakan si Anndy sa braso.
"Kailan ka pa tinagusan?" Zero
"H-Ha? Ah.. Eh... N-Ngayon lang."
"Aminin mo!" sigaw ni Zero kaya pati ang
biik nila ay nagulat din at napatayo sa boses
ng binata.
"N-Nang bumaba yata tayo sa motor, hindi
ko alam!" sagot ni Anndy kaya tumakbo si
Zero sa balon.
"Hindi ko naman sinasadya e!" pahabol ni
Anndy sa binata. Hindi talaga. Siya pa nga
ang nahihiya rito e.
"Peste ka talaga, Anndy!" pagmumura niya
habang hinuhubad ang tshirt. Kailangan
niyang maligo. Kaya pala mainit ang likod
niya kanina at agad siyang pinahubad ni
Anndy.
"Putsa! Nakakadiri na bata!" pagmamaktol
niya na diring-diri sa sarili.A/n:
Pinapaalala ko ang sarili ko na nasa ACTION
category 'to. Hahaha. Next update try kong
magbigay ng past ni Zero pero iisipin ko pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/244999387-288-k245911.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
ActionKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?