.
Ang Kidnapper kong GwapoChapter 26 (swimming)
by: sha_sha0808Unedited...
"Sisimba ako sa bayan," sabi ni Anndy.
Linggo ngayon at walang trabaho sina Zero.
"Dito ka lang," walang ganang sagot ni Zero.
"Magsisimba ako. Gusto kong magsimba!"
giit ni Anndy. Nalaman niya kay Aleng
Marimar kahapon na may simbahan sa bayan
nila. Gusto niyang sumama sa matanda.
"Hindi ka puwedeng pumunta sa bayan!"
pagbabawal ni Zero. Mas malapit lang ang
resort na ito sa bayan. Nilalakad nga lang ng
mga tao dahil isang kilometro lang ang layo.
"Bakit hindi? Magsisimba ako!"
"Anndy, huwag kang pasaway kung ayaw
mong itali na naman kita!" sagot ni Zero.
Hanggat maaari, ayaw niyang ibalandra ang
mukha ni Anndy sa mga tagarito. Iba pa rin
ang nag-iingat dahil baka may makakakilala
rito.
"Palibahasa bawal sa simbahan ang
demonyo!" galit na sabi ni Anndy pero
dedma na si Zero.
"Maliligo na lang ako sa dagat," mayamaya
ay sabi niya. Wala talaga siyang magagawa
ngayong araw. Magluto, magwalis, mahiga
at pagpakain sa alaga. Iyon lang ang paulit-
ulit niyang ginagawa.
"Mainit na," sabi ni Zero at kinuha ang
matalim na kutsilyo para hiwain ang karne na
binili niya kanina. Nagpakatay ng baka ang
isa niyang kasama kaya kumuha siya ng isang
kilo.
"Pero gusto kong maligo," pagmamaktol ni
Anndy. Ilang buwan na sila rito at ne
minsan, hindi pa siya nakapaligo sa dagat.
"Mamayang hapon. Pupunta sina Laurence
kaya hintayin mo sila!" sagot ni Zero at
ipinagpatuloy ang paghiwa.
"Talaga?" bulalas ni Anndy na nagliwanag
ang mga mata, "Sige! Sasama ako sa
kanilang maligo."
Nilagang baka ang ginawa ni Zero at ang iba
ay ginawa niyang beef steak. Napansin
niyang nakatitig si Anndy sa ginagawa niya.
Malamang pinag-aralan na naman nito kung
paano magluto. Hinahayaan lang naman niya
itong magluto kapag mag-isa.
"Second year college na sana ako," sabi ni
Anndy. Minsan, iniisip niya kung paano na
kaya ang buhay niya kapag hindi siya
nakidnap? Siguro masaya sila nina Barbie at
Christine. "Kumusta na kaya sina Kuya at
Barbie? Sila pa kaya? Si Tintin? Hindi kaya
siya niloloko ni Pelmar?"
"Magsaing ka na sa isang kaldero," sabi ni
Zero para maputol ang paglalakbay ng isip
ni Anndy.
Tumayo ang dalaga at hinugasan ang isang
kaldero para magsaing. Bago umalis si Zero,
iniiwanan siya ng isang daan para may
pambili siya ng pagkain habang wala ito.
Barya lang para sa kaniya noon pero ngayon,
malaking pera na ito.
Nang maluto ang pagkain nila, sabay silang
kumain ni Zero sa mesa.
"Zero? Kapag magkapamilya ka na, galing pa
rin ba sa masama ang ipapakain mo sa mga
anak mo?" tanong ni Anndy. Wala lang.
Naisipan lang niya. Masamang tao ito at
sigurado siyang marami itong pera mula sa
masama.
"Wala akong balak na magkapamilya," sagot
ni Zero at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Paano kung uuwi na ako, ayaw mo bang
magkaanak kay Ligaya?" tanong ni Anndy.
Bakit kapag banggitin o marinig niya ang
pangalan ng babaeng iyon, may kirot sa
puso niya? Basta naiinis talaga siya. Akala
mo kung sinong mayaman kung umasta.
Okay, mayaman lang naman siya sa islang
ito.
"Bakit mo ba iniiisip ang buhay ko? Isipin
mo ang buhay mo," sagot ni Zero.
Nagpapasalamat siya dahil hindi na
nangungulit muli si Anndy. Mauubusan siya
ng laway kapag ito ang kasama niya sa dami
ng tanong ni Anndy.
"Zero?"
"Ano na naman?" naiinis na tanong ni Zero.
Mukhang nagpahinga lang nang kaunti ang
dalaga tapos heto na naman.
"Bakit ka nagtatrabaho kina Ligaya? Wala ka
na bang ibang mapasukan? Bakit sa kaniya
pa? Dahil gusto mo siyang makasama?"
tanong ni Anndy pero mukhang walang
balak si Zero ma sagutin siya.
"Bakit ayaw mo akong sagutin? Uuwi na
lang ako kay Tiyo Pablo," sabi ni Anndy. Mas
okay na kapag nandoon sila ni Bhabz. Hindi
na baleng iwan siya minsan ni Tiyo Pablo.
Mas mainam pang mamuhay siyang mag-isa
kaysa sa may kasama nga pero
pinaparamdam naman nito kung paano mag-
isa.
"Gumagawa ka ng sarili mong multo," sabi
ni Zero. Sanay na siya kay Anndy lalo na sa
kadaldalan nito. Paulit-ulit lang na si Ligaya
ang topic nila.
"Ang sama mo talaga, Zero!" sumbat ni
Anndy at ipinagpatuloy ang pagkain. Sayang
lang ang masarap na pagkain nila kapag
hindi niya ma-enjoy nang dahil sa inis kay
Zero.
Si Zero ang naghugas ng plato. Pumasok si
Anndy at nahiga para matulog. Alas tres 'y
media ay nagising siya. Wala si Zero sa loob
ng cottage kaya pupungas-pungas na
lumabas siya nang marinig ang mga boses
sa labas.
"Uy, gising ka na pala, Princess!"
nakangiting sabi ni Laurence. Kasama nito
ang mga pinsang babae at si Jason.
"Maliligo na tayo?" excited na tanong ni
Anndy na nawala ang antok.
"Oo, hindi na mainit kaya puwede na," sagot
ni Laurence.
"Yehey! Kanina ko pa gustong maligo sa
dagat," excited na sabi niya at sumunod sa
mga ito. Nagpaiwan si Zero sa cottage nila.
Hindi na siya nag-abala pang magbaon o
magpalit ng damit dahil ang lapit lang
naman nila sa dagat. Uuwi na lang siyang
basa. Nakakulay asul na shorts at puting
tshirt siya.
"Taga Maynila ka, 'di ba? Okay lang ba sa
'yong dito ka mamuhay sa amin?" tanong ni
Urzula na pinsan Laurence.
"Oo nga, sanay ka na bang dito sa isla? O
mas gusto mo pa ring manirahan sa
Maynila?" tanong ni Jason. Malapit na sila.
Anim silang lahat kasama ang tatlong
babaeng pinsan ni Jason na matanda lang
kay Anndy.
"M-Medyo nasanay na pero iba pa rin kapag
nasa Maynila dahil nandoon ang pamilya ko,"
sagot ni Anndy. Ipaalam ba niya sa mga ito
na isa siyang hostage ni Zero?
Nagdadalawang isip siya. Paano kung hindi
siya paniwalaan? Ang tagal na niya rito at
hindi naman siya nakatali. Isa pa, asawa siya
ni Zero. Kung hihingi siya ng tulong, bakit
ngayon pa? Walang sakayan dito sa isla.
Kung mayroon man, kailangan pa niyang
nakawin iyon sa loob ng resthouse nina
Ligaya. Hindi rin niya alam kung paano ito
gamitin. May bangka siyang nakikita pero
nasa gitna naman ito ng dagat. May port
dito, sigurado siya pero hindi lang niya alam
kung saan matatagpuan. Magkakilala ang
mga tao rito kaya tumakas siya at
magtanong ay magtataka ang mga ito kung
bakit hindi niya kasama si Zero.
"Ano ba ang trabaho ng mga magulang?
Siguro mayaman kayo. Okay lang ba sa
kanila na nandito ka?" tanong ni Urzula.
"Hindi naman. May kaunting negosyo lang,"
sagot ni Anndy.
Tumakbo ang dalawa palapit sa mga kasama
nilang naliligo kaya tumakbo rin si Anndy.
Na-miss na niya ang lumangoy. Nang medyo
malayo na siya sa dalampasigan ay bumalik
na siya.
"Ang saya mo," nakangiting sabi ni Jason na
sinabayan siya.
"Oo, ang saya rin kasi ninyo," ani Anndy at
naki-join sa mga ito.
"Uy, si Ligaya!" sabi ni Urzula nang makita si
Ligaya kasama ang isa nitong kaibigan at si
Zero.
Umahon sila kaya sumunod na rin si Anndy.
"Hi, guys. Puwede maki-join?" nakangiting
tanong ni Ligaya. Naupo si Zero sa buhangin
na nakatingin kay Anndy na papalapit sa
kanila.
"Sure!" sabi ni Urzula. Madalas silang
naglalaro dito nina Ligaya noong bata pa
sila.
"Tuwalya mo," sabi ni Zero at inabot kay
Anndy ang dalang tuwalya.
"Salamat," sagot ni Anndy at naupo sa tabi
ng binata.
Naghubad si Ligaya ng damit at nag-two
piece lang. Kinuha nito sa bag ang sunblock.
"Zero? Puwede bang pakipahid naman sa
likod ko?" pakiusap ni Ligaya kaya
napatingin si Anndy sa binata. Kahit ang
mga kasama ay ganoon din at hinihintay ang
sagot ni Zero.
Inabot ni Zero ang sunblock, "Maupo ka."
Nakangiting naupo si Ligaya sa harapan nito
kaya kumukulo naman ang dugo ni Anndy.
"Maitim na nga, magsa-sunblock pa.
Palubog na ang araw e!" bulong ni Anndy.
Ano pa ba ang masusunog sa balat nito, e
sunog na nga. Ang bully talaga niya pero
kay Ligaya lang! Ang landi kasi nito.
"Maliligo ka rin ba, Zero?" tanong ni Ligaya
at hinawi ang mahabang buhok para
mapahidan ng sunblock ni Zero.
"Mamaya," sagot ng binata, "okay na."
"Salamat," nakangiting pasalamat ni Ligaya
at tumayo. Hindi naman manhid ang mga
kasamahan nila. Alam nilang may
competition na namamagitan sa dalawang
babae at si Zero ang premyo.
Naligo na sila kaya sina Zero at Anndy na
lang ang naiwan.
"Hayop ka!" galit na singhal ni Anndy at
malakas na hinampas si Zero, "bakit mo siya
nilagyan ng ganun sa harapan ko? Ang
bastos mo rin!"
"Wala namang masama sa ginawa ko," sagot
ni Zero na nasa bughaw na karagatan
nakatingin.
"Walang masama? Obvious naman na
nilalandi ka niya!"
"Ilang beses ko nang ginawa iyon kay
Ligaya, Anndy!" sagot ni Zero.
"Pero may asawa ka na ngayon!"
"Pekeng asawa," paalala ni Zero at tumayo
kaya naningkit ang mga mata ni Anndy.
Naghubad ng tshirt si Zero kaya swimming
trunks na lang ang suot.
"Magswi-swimming ka kasama si Ligaya?"
"Kasama ng barkada," pagtatama ni Zero at
iniwan si Anndy.
"Kasama na rin si Ligaya!" galit na pahabol ni
Anndy. Tinatamad siyang lumusong sa tubig.
Naiinis siya. Ang lakas pa ng tili ni Ligaya
kaya nahiga na lang siya sa puti at pinong
buhangin. Ang ganda ng ulap. Bughaw na
bughaw ang kalangitin at maraming puting
ibon na lumilipad. Napangiti siya at dumipa
saka ginalaw ang mga kamay na para bang
pakpak.
"Ano ang ginagawa mo?" natatawang
tanong ni Laurence na nakangiti habang
nakayuko sa kaniya. Tumigil si Anndy at
naupo nang maayos.
Naupo si Anndy, "Ayaw mo nang maligo?"
"Pagod na ako," sagot ni Laurence at naupo
sa tabi ng dalaga.
Napatakip si Anndy ng tainga nang tumili si
Ligaya. Naglalaro sila ng bola kaya tuwang-
tuwa naman ang bruha.
"Huwag mo nang pansinin si Ligaya, ganiyan
talaga 'yan. Hindi lang niya matanggap na
wala na sila ni Zero," sabi ni Laurence.
Tinambakan ni Anndy ng buhangin ang mga
paa niya, "Siya naman ang mahal ni Zero
kaya magsama sila!"
"Si Zero ang tipo ng taong may
paninindigan kaya kung pinakasalan ka niya,
ibig sabihin lang nun, ikaw na talaga," sagot
ni Laurence.
Naiinis na nilagyan pa ni Anndy ang mga paa
ng puting buhangin para matabunan, "Wala
naman akong halaga kay Zero. Si Ligaya
naman parati ang inuuna niya. Ne wala nga
siyang pakialam sa akin!"
"Ganiyan talaga 'yan si Zero. Hindi 'yan
seloso at kapag alam niyang mahal mo na
siya, nagiging kampante na 'yan."
Napaisip si Anndy. Mahal? Hindi naman niya
mahal si Zero. Paano niya mamahalin ang
isang masama at mamamatay tao?
Narinig nila ang malakas na sigaw ni Ligaya.
Binuhat ito ni Zero palapit sa kanila.
Dumudugo ang hinlalaki niya.
"Z-Zero..." naiiyak na sabi ni Ligaya habang
mahigpit na kumakapit sa braso ni Zero.
Sumunod naman ang barkada nila.
"It's okay, maliit lang ang sugat mo," sabi ni
Zero at inilapag si Ligaya sa buhangin.
"Nakaapak ka siguro ng biyak na shell," sabi
ng isang pinsan ni Laurence.
"Baka nahulog ang nabiyak niyang shell,"
bulong ni Anndy. 'Buti nga kay Ligaya.
Tumakbo naman ang mga babae para
kumuha ng first aid kit sa resthouse nina
Ligaya.
"Ang hapdi!" naiiyak na sabi ni Ligaya.
"Paano ka hindi mahapdi-an?" wika ni
Anndy, "e, bawal ang asin sa linta, naligo ka
pa sa dagat!"
"Ann--Princess!" saway ni Zero at
nagbabanta ang mga mata kay Anndy.
"Ikaw kaya ang masugatan!" galit na sabi ni
Ligaya na nagbabaga ang mga mata.
"Hindi ko ugaling makipaglandian sa
karagatan kagaya mo! May asawa na ang
tao, aahasin mo pang linta ka?" sabi ni
Anndy.
"Tama na! Hindi ka titigil?" namumula ang
pisnging tanong ni Zero kaya tumayo si
Anndy.
"Galit ako sa 'yo, Zero! Naiinis ako sa inyo!"
singhal ni Anndy. Bahala na kung ano ang
isipin ng dalawang kaibigan ni Zero.
Padabog na tinalikuran niya ang mga ito.
Malayo-layo na ang nalakad niya nang may
pumigil sa kanang braso niya.
"B-Bitiwan mo ako, Zero!" umiiyak na sabi
niya.
"Anndy, ano ba ang problema mo?" tanong
ni Zero.
"Ang problema ko, kayo! Ikaw at ang Ligaya
mo! Naiinis ako sa inyo! Nilalandi ka niya, at
nagpapalandi ka! Naiinis talaga ako sa inyo!"
nanggigigil na sabi niya at pinahidan ang
mga luha.
Hinatak siya ni Zero palapit sa katawan nito.
"Tama na ang pagseselos, hindi naman kita
pinapaselos," sabi ni Zero.
"H-Hindi ako nagseselos!"
Niyakap siya ni Zero kaya para siyang isang
uod na biglang pinagapang sa matigas na
pader.
"Pakiusap, huwag mo akong mahalin,
Anndy," mahinang bulong ni Zero kaya
umiyak si Anndy at isinubsob ang mukha sa
malapad at mainit na dibdib ni Zero. Mahal
na ba niya si Zero? Totoo kaya ang
pinaparatang nito?
"P-Paano k-kung... m-mahal na nga kita,
Zero?" nauutal na tanong ni Anndy.
Naramdaman niya ang mahigpit na
pagkayakap ni Zero sa katawan niya.
"Kung gusto mo pang makabalik sa pamilya
mo, huwag mo akong mahalin, Anndy,"
seryosong sabi ni Zero at pinakawalan siya.
"B-Bakit?" tanong ng dalaga habang
nakatingala sa binatang blangko ang mukha.
Ngunit, sa halip na sagutin, tinalikuran lang
siya ni Zero at bumalik kina Ligaya.
BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
ActieKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?