42

3.2K 112 2
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 42

Unedited....
"D-Dad? Ano po ang ginagawa nina Lola
Erin dito?" tanong ni Anndy nang sadyain
niya ang ama sa kuwarto nila. Alam niya na
ang kasagutan sa katanungan niya pero
gusto pa rin niyang makumpirma.
"Ilang beses ko nang nasabi iyan sa 'yo,"
sagot ni Dylan at muling ibinalik ang
atensiyon sa binabasang papel. Nakaupo siya
sa table habang binabasa ang inventory sa
isang kompanya niya nang pumasok ang
bunsong anak. Of course, alam na niya kung
ano ang ipakiusap nito, si Zero na naman.
"Dad? Will you stop chasing him?"
"Gusto ko siyang makita at makausap,"
sagot ni Dylan. Kailangan niyang makaharap
ang kung sino mang dumukot sa anak niya
para mapalasap ang sakit na dinanas ng
buong pamilya niya.
"Wala ho siyang kasalanan," naiiyak na saad
ni Anndy, "biktima lang din siya."
"Kung ano man ang rason niya, mali pa rin
ang gumanti sa iba!" giit ni Dylan.
"Pero mali pa rin na mawalay kami ni Dale sa
kaniya," ani Anndy at napakagat sa ibabang
labi. Iiyak na naman siya.
"Matulog ka na," tinatamad na sabi ni Dylan
pero sa halip na umalis, niyakap siya ni
Anndy mula sa likuran.
"I miss you, Dad," bulong ni Anndy saka
hinalikan ito sa tainga, "S-Sana mapatawad
mo po ako. Pero mahal ko talaga si Zero."
Hindi sumagot ang ama kaya kumalas siya sa
pagkakayakap at lumabas na ng kuwarto
nito.
Nang maisara niya ang pinto, pinahidan niya
ang mga luha bago pa makita ni Dale na
umiiyak siya.
Maingat na binuksan niya ang pinto ng
kuwarto. Mahimbing na natutulog na ang
anak kaya marahang lumapit siya sa kama at
nahiga sa tabi ng anak.
Taimtim na nagdasal muna siya bago
matulog. Si Zero, siya lang ang laman ng
panalangin niya. Gabi-gabi, wala siyang
ibang ipinagdasal kundi q g kaligtasan nito,
sana ay mapatawad na ito ng pamilya niya
at sana ay mabuo na ang kanilang pamilya.
Hinalikan muna niya si Dale sa noo bago
ipinakit ang mga mata.
Nagising siya nang marinig ang mahinang
kaluskos sa labas ng bintana.
"Zero!" bulong niya nang makita itong
nakatayo sa paanan ng kama habang
nakatingin sa kanila.
"Hi," bati ng binata kaya tumalon si Anndy
sa kama na nasalo naman ni Zero. Hinapit
siya nito sa bewang at masuyong hinalikan
sa mga labi, "Hindi ako magtatagal, Baby
A."
"Z-Zero, nandito ang tatlong lola ko. N-
Nandito sila," natarantang sumbong ni
Anndy at mahigpit na niyakap ang
kasintahan.
"I know," bulong ni Zero at gumanti sa mga
yakap ni Anndy. Nanginginig ang buong
katawan nito sa takot. Kung puwede lang
sana niyang dalhin na ang mag-ina niya at
mamuhay sa malayo.
"A-Alam mo?" nag-aalalang tanong ni
Anndy at tumingala sa binata.
"Yes, sinabi sa akin ni Jaff," sagot ni Zero.
"Sa susunod na araw, itatakas ko na kayo."
"P-Pero mahihirapan tayo," wika ni Anndy.
Hinaplos ni Zero ang pisngi nito saka
hinalikan siya sa mga labi, "Fifteen minutes
lang ako. Wala tayong time para sa body
bonding."
Kahit na medyo madilim, nakita niya ang
pamumula ng pinsgi ni Anndy. Sanay siya sa
dilim. Ilang buwan din siyang nabuhay sa
karimlan dahil sa mastermind na dumukot sa
kaniya noong bata pa siya.
"Mag-ingat ka, huwag kang magpahuli kina
Lola. Masama silang kalaban," naiiyak na
sabi ni Anndy at muling niyakap si Zero, "H-
Hindi ko kaya kapag may masamang
mangyari sa 'yo, Zero."
"Huwag kang mag-alala sa akin, kaya kong
ipagtanggol ang sarili ko," sagot ng binata
at muling hinaplos ang malambot na pisngi
ng dalaga, "Kayo lang ni Dale ang inaalala
ko."
Mahigit isang minuto lang silang nagyakapan
nang kumalas si Zero at may kinuha sa
likuran ng pantalon niya.
"Here..."
"A-Ano 'yan?" tanong ni Anndy nang makita
ang kumikislap na bagay.
"Matagal ko na sanang isauli ito,
nakalimutan ko lang," sagot ni Zero at
inabot ang kaliwang sapatos ni Anndy na
ninakaw niya noong kaarawan nito.
"I-Ikaw ang kumuha ng nawawalang sapatos
ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Anndy.
Isusuot na sana niya ito para sa last dance
biya per nawawala ng isang pares nito.
Napakamot sa batok si Zero.
"B-Baby A, may bomba sa sapatos na iyan
at kapag hindi ko ninakaw, sasabog iyan
habang suot-suot mo," madaliang
pagpaliwanag ni Zero. Nawawalan na sila ng
oras.
"I-Iniligtas mo ang buhay ko," naiiyak na
sabi ni Anndy at niyakap na naman si Zero,
"D-Dito ka lang."
"Pasensiya na, pero Baby A, kailangan ko
nang umalis. Pagbalik ko rito nextweek,
kukunin ko na kayo," bulong ni Zero at
tinanggal ang nakayakap na mga kamay ni
Anndy.
"Ingat ka. Baby Z? Magpagupit ka ng
buhok," sabi ni Anndy at hinawi ang buhok
ni Zero para makita ang cute na tainga nito
kaya sumama ang mukha ng binata. Gusto
sana ilayo ang tainga kay Anndy para hindi
nito mahipo pero sa bandang huli ay
hinayaan na lang niya. Dito ito masaya e.
Buwesit kasi na tainga niya kung bakit ito
ang napag-trip-an parati ni Anndy.
"Alis na ako," sobrang hinang bulong ni Zero
saka tinakpan ang bibig ni Anndy para hindi
na ito makapagsalita pa dahil may narinig
siyang yabag na papalapit sa pintuan ng
kuwarto. "I love you."
"I love you too," walang boses na sagot ni
Anndy.
Hinalikan ni Zero sa noo ang mahimbing na
natutulog na anak at siniil ng halik ang mga
labi ni Anndy bago lumapit sa bintana at
naglaho na parang bula. Inilagay muna ni
Anndy ang sapatos sa ibabaw ng drawer at
natulog.
--------------------------
Hawak ang kamay ni Dale, tumungo sila sa
likod-bahay para makita ang alagang baboy.
Alas siyete pa lang ng umaga kaya hindi pa
mahapdi sa balat ang sikat ng araw. May
mga anak na ang apo ni Bhabz. Marami na
kaya balak niyang ipalipat sa school farm nila
para maalagaan at hindi bumaho ang
mansion dahil sa dumi ng mga alaga.
"Mommy? Ang cute nila," manghang sabi ni
Dale habang nakatitig sa baboy na
nagpapadede dahil kakapanganak lang nito
kahapon.
"Oo, ang cute nga nila," sabi ni Anndy at
binuhat si Dale. Sumimangot siya nang
masagi ng mga mata ang hidden camera na
nakasabit sa bubong ng kulungan ng baboy.
"Mommy, baba mo 'ko!" reklamo ng anak
kaya binaba ito ni Anndy saka niyayang
pumunta sa hardin.
Agad na tumakbo si Dale palapit sa
playground nang makita ang mga pinsan.
Napailing si Anndy habang nakatitig sa anak.
"Sana makasama na natin ang Daddy Zero
mo," hiling ng dalaga at pumasok sa bahay.
Araw-araw na lang ay may armadong lalaki
siyang nakikita. Hanggang kailan sila ganito?
Hanggang kailan balutin ng takot ang buong
pamilya niya nang dahil kay Zero? At
hanggang kailan siya matatakot para kay
Zero nang dahil sa pamilya?
"Anndy," tawag ni Erin na nakaupo sa sala
kasama si Lulu at ang Mommy Ann niya.
"Good morning po," bati niya at lumapit sa
mga ito saka humalik sa pisngi ng dalawang
lola.
Lumapit siya kay Ann at humalik sa ina.
"Good morning, Mom." Naupo siya sa tabi
ng ina kaharap ang dalawang lola.
"Morning," bati rin ni Ann at ngumiti sa
anak, "Gusto ko ng kape, Princess?"
Lumapit ang katulong at inilapag sa mesa
ang ginawang kape para sa tatlo.
"Yes, please. Manang, pahingi po ng extra
mug," pakiusap ni Anndy sa katulong.
"I suggest na mag fresh milk ka na lang,"
wika ni Erin habang nakatingin kay Anndy.
"Yes, or orange juice," nakangiting sabat ni
Lulu.
"Sige po, fresh milk na lang, please?"
pakiusap ni Anndy sa katulong na bumalik sa
kusina para ikuha siya ng gatas.
"Ano ang balak mo, hija?" tanong ni Erin na
kay Anndy pa rin ang mga mata. Medyo
nailang si Anndy sa titig ni Erin kaya
napayuko siya. Bakit parang nababasa nito
ang laman ng isipan niya?
"W-Wala naman po," sagot ni Anndy.
"Tita?" tawag ni Dylan na papalapit sa kanila
kaya nakahinga nang maluwag si Anndy nang
ibinaling ng dalawang matandang babae ang
mga mata sa ama niya. Bata pa lang siya ay
naririnig na niya ang kuwento ng tatlo.
Noong bata pa ang mga ito, dinukot sila ng
gumagalang van at dinala sa isang isla para
gawing assasin.
"Papalitan ho ba ninyo ang CCTV?" tanong
ni Dylan kaya napatingin si Anndy rito. Bigla
siyang kinabahan. Paano na ang pagkikita
nila ni Zero? Paano kung hindi na ma-hack
ni Zero ang CCTV nila at mahuli ito?
"Hindi na kailangan," sagot ni Lulu at
napasulyap kay Anndy na nakatigin sa
papalapit na katulong na may bitbit na
gatas.
"Are you sure po?" tanong ni Dylan.
Ngumiti si Erin, "Yes, hindi na namin 'yan
kailangan."
"Pero baka kasi--"
"Sa isla, hindi kami gumagamit ng CCTV, we
used our senses," makahulugang sagot ni
Erin at napasulyap sa tiyan ni Anndy. Sa
kanilang tatlo nina Lulu at Regine, siya ang
may pinakamatalas na pakiramdam.
Inabot ni Anndy ang gatas sa katulong at
ininom. Nahihirapan siyang gumalaw sa
harapan ng mga ito. Pakiramdam niya, pati
kaluluwa niya ay hinahatulan ng mga ito.
"Tita? May na-sense na po ba kayo?"
curipus na tanong ni Dylan. Okay, hindi siya
kasing tinik ng mga ito. Ang Mommy Regine
niya ay humina na rin dahil matagal na
nitong tinalikuran ang pagiging assasin mula
nang ipinagbuntis siya nito.
"Kung ano man iyon, mas mainam na huwag
na lang muna ninyong alamin. Pero
nasisiguro ko sa inyong uuwi kami nang
maaga," wika ni Lulu at binuksan ang diyaryo
na binabasa nito kanina.
"Alam na po ba ninyo kung nasaan ang
kidnapper ng anak ko?"
"Daddy!" Pabagsak na inilapag ni Anndy ang
tasa kaya napatingin ang mga ito sa kaniya.
"B-Baby," sambit ni Ann at pinapakalma ang
anak.
"Hindi ba talaga ninyo titigilan si Zero?"
matapang na tanong ni Anndy. Bastos na
kung bastos pero hindi siya makapapayag na
may masamang gawin ang mga ito sa ama
ng anak niya.
"Huwag kang sumabat sa usapan, Anndy!"
ma awtoridad na sabi ni Dylan.
"Buhay ko ang pinapakialaman ninyo! Buhay
naming magpamilya!" giit ni Anndy at
naikuyom ang kamao.
"Pamilya mo rin kami at hindi mo alam kung
ano ang naramdaman naming takot noong
nawala ka!" giit ni Dylan.
"Tama na!" saway ni Ann na palipat-lipat ang
mga mata sa mag-ama niya. Siya na ang
nasasaktan sa mga nangyari. "K-Kung mahal
siya ni Anndy, hayaan na natin sila na
maging masaya. K-Kung mabuting tao
naman si Zero, bigyan natin siya ng
pagkakataong magbago." Umiiyak na sabi ni
Ann. Naaawa siya sa asawa pero mas naaawa
siya sa bunsong anak. Nalulungkot siya sa
tuwing umiiyak ito.
Napahilamos sa mukha si Dylan, "Gusto ko
lang masigurado ang kaligtasan ng anak at
apo ko," mahinang sagot ni Dylan. What if
ginagamit lang ni Zero si Anndy laban sa
kanila? Para mas saktan sila? What if double
ang hihingiin nitong pabuya oras na
pakawalan nila si Anndy. At higit sa lahat,
paano kung papatayin nito sina Anndy at
Dale? Hindi niya matatanggap na nasa kanila
na si Anndy pero wala siyang nagawang
paraan.
"Isa siyang assasin," wika ni Erin kaya
napatingin ang tatlo sa kanila ni Lulu.
"Sino ang assasin?" tanong ni Dylan.
"Si Zero," siguradong sagot ni Lulu kaya
hindi makapaniwalang napatitig si Anndy sa
mga ito. Sa tingin nga niya, assasin nga si
Zero.
"Assasin na matagal nang nililinlang ang
pamilya ng mga assasins!" segunda ni Erin
kaya napayuko si Anndy. May alam ang mga
ito. Sigurado siya.
"P-Puwede po bang huwag ninyong saktan
si Z-Zero?" umiiyak na pakiusap niya sa
dalawang matandang babae.
"May kasabihan tayo, Anndy. Kung
masamang tao ka na nabubuhay sa bala,
mamamatay ka rin sa bala," makahulugang
sagot ni Erin kaya tumayo si Anndy at
mabilis na tumakbo patungo sa kuwarto
niya.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon