22

3.8K 121 2
                                    


.

Ang Kidnapper kong Gwapo

Chapter 22by: sha_sha0808

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 22
by: sha_sha0808

Unedited...
"Saan tayo pupunta, Zero?" tanong ni
Anndy. Ilang araw na itong nakauwi at
nagiging maayos naman ang lahat.
"Sa batis, manghuhuli lang ako ng isda,
sasama ka?"
"Oo! Gusto kong sumama," agad na sagot ni
Anndy dahil matagal na niyang gustong
bumalik sa batis kaso wala siyang kasama.
Nahihiya naman siyang yayain si Tiyo Pablo
noon.
"Ikaw Tiyo, sasama ka?" tanong ni Zero.
"Huwag na. May gagawin pa ako," sagot ni
Pablo. Magtatanim pa siya ngayon ng saging
para kapag mamunga, may ibebenta sila sa
bayan.
Bitbit ang pamalit na damit, sumama si
Anndy kay Zero.
"Ano ang ginawa mo sa Maynila?" usisa ng
dalaga habang naglalakad sila.
"Naghanap ng pera," tipid na sagot ni
Anndy.
"Paano mo nalaman ang tamang daan sa
malawak na dagat?" tanong ni Anndy.
Pagdating sa gitna, malilito ka na talaga
dahil sa lawak nito.
"Nasanay na ako," tipid na sagot ni Zero.
Ang daldal ni Anndy. Para itong batang
tanong nang tanong at sobrang daming
tanong.
Matapos ang mahabang paglalakad,
nakarating sila sa batis. Maaga pa naman
kaya bago magtanghali ay makakabalik sila
sa bahay.
"Dito ka lang," sabi ni Zero at hinubad ang
damit at tanging boxer shorts na lang ang
natirang saplot.
"Maliligo rin ako," sabi ni Anndy.
"Manghuhuli pa ako ng isda kaya maupo ka
muna rito," bilin ni Zero at bitbit ang sibat,
lumusong siya sa tubig.
Pinagmasdan ni Anndy ang binata habang
nanghuhuli ng isda. Kanina pa siya
natutuksong maligo dahil napakalinaw ng
tubig. Noong unang pagpunta nila, hindi
niya nasulit ang paliligo dahil sa pagdating
nina Laurence at Jason. Sana naman ay ma-
enjoy na niya ngayon.
"Tama na 'to," sabi ni Anndy nang umahon si
Zero at inilagay ang nahuling malaking isda
sa balde na dala nila.
"Maliligo ka na?" tanong ni Zero nang
maghubad si Anndy ng blusa at ibinaba ang
pajama nito.
"Puwede na ba?" nakikiusap ang mga
matang nakatingala ang dalaga.
"Bahala ka. Marunong ka naman yatang
lumangoy," sagot ni Zero. May pool sila.
Impossible namang hindi ito marunong.
"Salamat!" nakangiting pasalamat ni Anndy
at lumusong na sa tubig.
Naupo si Zero sa malaking bato at
pinagmasdan ang nakatalikod na dalaga.
Ngayon lang niya nakita ang kabuuan nito.
Madilim naman noong nagtaliko sila. Ang
kinis ng balat ni Anndy. Ang puti pa rin nito
kahit na palaging naaarawan. Walang bahid
ng pagkamainit ang butt ng dalaga at kahit
na hindi kalakihan ang dibdib, bawing-bawi
naman sa maliit na bewang at medyo
malapad na balakang.
Kinuha niya ang sigarilyo sa bulsa ng shorts
at sinindihan habang nanonood kay Anndy
na naliligo.
Habang nakatitig kay Anndy, isang alaala
ang bumalik sa kaniyang diwa.
Flashback...
"Pasok na," sabi ng lalaki matapos
kampkapan si Zero. Napatingin ang binata sa
dalawang ito. Pormado at ang mga kilos ay
masyadong propesyunal.
"'Tol? Ang higpit ng security," bulong ng
kaibigan niya.
"Okay lang 'yan," sagot ni Zero at umakto
nang maayos. Pasimpleng iginala niya ang
paningin. Ang lawak ng hardin at ang laki ng
pool. Walang duda, sila nga nag
pinakamayamang pamilya sa Pilipinas.
Nakisabay sila sa mga bisitang mamahalin
ang mga suot na damit at puno ng
mamahaling alahas ang katawan.
"Sigurado ka ba rito?" tanong ni Andoy.
"Oo, basta sumunod ka na lang," sagot ni
Zero.
"Sir, diretso po tayo sa kusina," sabi ng
babaeng naka-formal dress na mayordoma
ng mansion. Sa likod-bahay sila dumaan.
May mga nakakasalubong pa nga silang mga
kaedad lang niya na mukhang mayaman.
Pasado ala una ng hapon kaya maayos ang
lahat ng pagkain sa mesa bago lumabas ang
prinsesa nila.
Habang inaayos ni Zero ang mga platong
gagamitin, lumapit sa amin ang ama ng
celebrant.
"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Dylan.
"Yes, Sir!" sagot ng boss nila.
"Good! Make sure na hindi kayo gumawa ng
kapalpakan kapag mag-umpisa na ang
program, okay?" wika ni Dylan.
"Yes!" sabay-sabay na sagot nila.
"Daddy!" tawag ng magandang babae .
Napatulala naman ang mga kasamahan ni
Zero sa kagandahan niya. Pinagmasdang
maigi ng binata si Anndy. Bata pa ito.
Maganda at kaakit-akit ang mukha.
"Princess? Bakit nandito ka? Mag-ayos ka
na nga," sabi ni Dylan. Sumimangot ito.
"Dad? Later! Gusto kong makita ang foods,"
sagot nito. Ipinagpatuloy ni Zero ang pag-
aayos ng mga glassware.
"Hey!" tawag ni Anndy sa binata.
"Bakit po?" tanong ni Zero habang hawak
ang baso.
"Bitiwan mo 'yan!" Utos ni Anndy.
"Pinupunasan ko lang," sagot ni Zero.
"Alam mo bang personal glass ko 'yan?"
pagsisinuplada niya.
"Baby? It's okay," malumanay na sabat ng
kaniyang ama.
"Pero dad? I don't want to use it sa party.
Birthday gift 'yan ni Lola Patch sa akin when
I was ten," naka-pout na sagot ni Anndy.
"Isauli ko na lang po ang baso, Ma'am," sabi
ni Zero na pinipigilan lang ang galit. Bata pa
ito pero ang maldita na.
"Nextime, magtanong ka bago mo galawin
ang isang bagay!" sabi ni Anndy.
"Sorry po," paumanhin ni Zero. Kaya niya
itong patayin sa isang iglap lang kung wala
lang ang mga bantay sa paligid.
"Palibhasa, mahirap!" Nagulat si Zero sa
sinabi ni Anndy.
"Anndy!" tumaas na ang boses ng ama.
"I'm sorry, dad, but please, huwag ang
special glass ko," naiiyak na sabi ni Anndy.
"Mawalang galang na po," sabat ni Zero
nang hindi na makatiis. "Hindi ko naman
nanakawin ang gamit ninyo dahil mahirap
ako. Nextime, marunong kang magtago ng
mga gamit mo para hindi magalaw ng isang
mahirap na kagaya ko!" Napikon na siya!
Kaya nga galit siya sa mga mayayaman kasi
masyado silang mapanghusga. Kaunting
galaw lang, akala nila, nanakawin mo na ang
gamit nila.
"I don't like you!" singhal ni Anndy.
"Anndy! Humingi ka ng sorry!" Utos ng ama.
"No!" tanggi nito sabay iling pa.
"Sir, pasensya na po kay Third," paumanhin
ng boss ni Zero. Third ang pakilala niya sa
mga ito. Kanina pa ito sumesenyas sa binata
na tumahimik na lang.
"Pakisesante po sa kaniya!" Parang
matapobreng prinsesang sabi ni Anndy sa
boss ni Zero.
"No! Huwag mong paalisin sa trabaho. Kami
ang dapat na humingi ng paumanhin," sabi
ni Dylan.
"Pakiayos ng trabaho mo!" Pagmamaldita na
naman ni Anndy. Sarap bugbugin ni Anndy!
Kala mo naman, siya na ang pinakamaganda
sa buong mundo!
"Pakiayos din ng pag-uugali mo!" sagot ni
Zero.
"Aba!" namewang na siya. "Kilala mo ba ang
kaharap mo?" sira na ang mukha nito kaya
gustong matawa ng binata.
"Kilala kita pero hindi ko inaasahang ganiyan
pala ang ugali ng magandang mukha mo!"
sagot ni Zero. Kung ano ang ikaganda nito,
ganoon din kasama ang ugali! Spoiled brat!
"So? Inamin mo rin na maganda ako!" Taas
noong sabi nito.
"Oo naman!" sagot ng binata. "Pero hindi
lahat ng lalaki, sasamba sa iyo dahil
maganda't mayaman ka na!" sagot ni Zero
kaya nasira naman ang mukha nito.
"Kaasar ka!" Padabog na tinalikuran sila ni
Anndy.
Nang mag-umpisa ang party, isa si Zero sa
mga tiga-serve ng pagkain.
Dahil busy ang lahat, nakapuslit siya sa
dressing room ni Anndy. Iba't iba ang suot
nito sa bawat kasayawan niya. Napatingin
siya sa mga sapatos na nakahilera. Mabilis
na nilapitan niya ang pinakahuling sapatos
na isusuot ni Anndy, silver shoes.
Mabilis na kinuha niya at isinukbit sa
tagiliran. Saktong medyo maluwag ang
uniporme niya kaya hindi nahahalata ang
bukol ng sapatos. Two days ago, napasok
na niya ang mansion at na-hacked ang CCTV
dahil nagkunwaring siya ang tiga- monitor
nito gamit ang rubber face mask na
kamukha ng bantay.
Pasimpleng lumabas siya sa silid. Kung may
makakita man sa kaniya, sabihin na lang
niyang nagkamali siya ng pinasukan.
Tumunog ang orasan sa ding-ding, quarter
to six na kaya nagmadaling lumabas siya sa
mansion. Magtatakip-silim na. Ang higpit ng
security. Lumapit si Andoy sa dalawang
guwadiya na nakabantay sa gate sa likod-
bahay. Ilang sandali pa'y tinawag ng dalawa
ang isang guwardiya kaya sa pinakamabilis
na galaw, umakyat siya sa puno ng kahoy at
tumalon sa kabilang bakod na kung saan,
naghihintay ang motorsiklo niya.
Malayo na siya sa mansion. Limang minuto
na lang ang natitira kaya inihinto niya ang
motorsiklo sa gilid ng kalsadang walang
gaanong dumadaang motorista at kinuha
ang gamit sa ilalim ng upuan at tinanggal
ang lock sa takong ng sapatos ni Anndy.
Nakita niya ang pulang wire kaya agad niya
itong pinutol.
Madilim na kaya tinanggal niya ang rubber
face mask para matakpan ang tunay niyang
mukha. Sa harap nina Anndy kanina, isa
siyang lalaking may mahaba ang mukha,
makapal ang kilay at malapad na ilong.
Mabuti na lang dahil kahit mahigpit ang
bantay, wala silang proper training
pagdating sa pekeng mukha. Masyadong
kampante ang mga Lacson pero kung wala
siya, sabog sana si Anndy ang katawan ni
Anndy dahil sa mini bomb na nakakabit sa
isang sapatos nito.
End Of Flashback....
Tinapon ni Zero ang sigarilyo sa tubig saka
tumayo. Lumapit siya kay Anndy na nawiwili
sa paglangoy.
"Uuwi na tayo?" tanong ni Anndy.
"Maligo muna tayo," sagot ni Zero at
lumangoy patungo sa waterfalls. Sumunod
naman si Anndy at pumagitna sa
bumabagsak na tubig galing sa itaas. Ang
sarap maligo dahil malamig ang tubig.
Tamang-tama lang sa mainit na panahon.
"Zero!" tili niya nang hatakin siya ng binata
palayo sa waterfalls.
Hindi na siya nakakilos nang hapitin siya ng
binata at mapusok na inangkin ang mga labi
niya habang pinipisil ang butt niya.
"Uhmp!" ungol ni Anndy nang pumasok ang
dila ni Zero. Malamig ang tubig pero naging
mainit ang katawan niya. Para silang
nagliliyab na apoy sa tubig.
"Z-Zero," sabit niya nang bumaba ang halik
nito sa dibdib niya at walang salitang
inangkin ang maliit at pinkish na nakapatong
sa dibdib niya. Napahawak siya sa ulo ng
binata.
Nagulat siya nang buhatin siya nito at
pinaupo sa batong nasa gilid ng waterfalls.
Wala na ang katawan niya sa tubig. Si Zero
na lang na nasa harapan niya.
Hinayaan lang niya ang binatang hatakin
pababa ang natirang saplot niya.
Nakaramdam siya ng pagkalamig sa balat at
higit sa lahat, pagkapahiya dahil sa
kahubadan. Kitang-kita ni Zero ang lahat sa
kaniya.
"Z-Zero..." natarantang sabi ni Anndy nang
ibuka nito ang dalawang hita niya at ibinaba
ang mukha rito, "a-ano ang gagawin--
oohhh!"
Napanganga siya nang maramdaman ang
mainit na mga labi nito sa mga labi ng
pagkababae niya.
"T-Tama na," pakiusap niya pero tila walang
marinig ang binata at ipinagpatuloy ang
ginagawa nito.
Pinatulis ni Zero ang dila at ipinasok sa loob
ng kuweba ng dalaga. Ang kinis nito. Pantay
ang kaputian lalo na singit. Ang nipis ng
balahibo nito na mas lalong nagpaganda sa
hubad na tanawing natatanaw ng kaniyang
mga mata. Ang tamis ng tubig ng batis
pero wala itong panama sa tamis ng katas ni
Anndy na tinatamasa niya ngayon. Umakyat
ang mga kamay niya sa puson nito at
minasahe habang idiniin ang mukha sa perlas
ni Anndy.
"Aaah...Z-Zero--ooh..." muling ungol ng
dalaga at napasabunot sa buhok ni Zero.
Gusto pa niya. Gusto niyang pumasok pa ito
sa loob niya. Napaigtad siya dahil sa mainit
na kanang kamay nitong nagmamasahe sa
puson niya habang ang kaliwa ay sa gilid ng
hita niya.
"Ooooh!" napahiyaw siya sa sobrang sarap
nang binilisan ni Zero ang ginagawa habang
nasa tubig ito. Tumingala si Anndy sa
bughaw na kalangitan. May iilang ibong
lumilipad sa himpapawid at ang malakas na
lagaslas ng tubig ang kaniyang naririnig
habang sinisipsip ni Zero ang kaniyang
katas. Bumaba ang mga mata niya kay Zero
na nakatingala sa kaniya habang ginagawa
ang ritwal sa pagkababae niya.
"Z-Zero--t-tama na," pakiusap niya at
napalunok ng laway. Malapit na siya. At
ayaw niyang mapuno ang bibig nito kapag
labasan siya.
"Z-Zero, p-please oooh... S-Stop it!"
umuungol na pakiusap niya. Alam niyang
nagmumukha siyang tanga dahil iba ang
sinasabi ng boses at katawan niya. Pero sa
halip na tumigil, mas lalong idiniin ni Zero
ang dila sa loob niya. Hindi ito gumagalaw
pero isinubsob ang buong mukha niya sa
pagitan ng mga hita niya habang sinisipsip
at hinihigop ang lahat ng katas niya.
"Oooh!" impit na ungol ni Anndy nang
makarating sa rurok habang nakatingin sa
mga mata ng binata. Tumigil si Zero at
inilublob ang ulo sa tubig para malinis ang
mukha.
Nang umangat ang ulo ni Zero, hiwakan niya
ang magkabilang balakang ni Anndy para
bumaba ito sa tubig. Hinalikan siya si Anndy
hanggang sa magsawa bago tumigil.
Siya naman ang naupo sa bato habang si
Anndy ay sa baba ng tubig.
"Z-Zero..." sambit ng dalaga habang
nakatitig sa perpektong katawan ni Zero.
Para sa kaniya, napakaperpekto ng katawan
ng binata na pinag-isipan bago ihulma at isa
siya sa masuwerteng babae na nasilayan ito.
Napalunok siya ng laway nang hawakan ni
Zero ang pagkalalaki at itinutok sa kaniya.
Alam niya ang nais nito. Gusto nito ng
blowjob pero umiling siya. Natatakot siya sa
laki nito. Isa pa, hindi niya alam kung paano.
"Dammit!" galit na sabi ni Zero at agad na
bumaba sa tubig at hinapit sa bewang si
Anndy.
"Ayaw mo?"
"H-Hindi ko kaya," naiiyak na sagot ni Anndy
at itinago ang natatakot na mukha sa dibdib
ni Zero.
Ilang sandali pa'y narinig niya ang malalim
na buntonghininga nito.
"Malaya kang humiyaw sa sarap, Anndy,"
bulong ni Zero at ipinasok ang perlas ni
Anndy sa ilalim na tubig.
"Oooh!" muling ungol ng dalaga at
ipinulupot ang mga kamay sa leeg ni Zero
nang isandal siya sa malaking bato sa gilid
ng waterfalls hanggang sa nakisabay ang
kanilang mga ungol sa pagkanta ng iba't
ibang ibon na palipat-lipat sa sanga ng
malalaking kahoy.

A/N
Tagalog na tagalog. Alam kong may nag-
message na sa akin na i-taglish ang bs/ss
pero waley. Tagalog na nga, mababaw pa na
salita. Bahala kau jan.
Hahaha

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon