Reposted kaya nag-iba po ng format.. Pa follow ako dito sa wattad..
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 1
..."Gusto kong pumunta!" giit ni Anndy na kakababa lang ng hagdan na naka-party dress. Bagay sa kaniya ang pink na suot at litaw ang ganda na para bang isang prinsesa.
"Hindi nga puwede," pakipagtalo ni Dylan sa anak. Gustuhin man niya pero hindi talaga puwede dahil may pupuntahan pa sila nina Christian na kaibigan niya.
"Birthday 'yon ng bestfriend ko! D-Debut iyon ni T-Tintin kaya h-hindi puwedeng wala ako.
Ako ang bestfriend niya e." Humagulgol na siya sa pag-iyak. Alas nuwebe na ng gabi at alam niyang nagsisimula na ang party."P-Princess, matulog ka na," pakiusap ni Lee Patrick na kapatid niya.
Sila mang apat ay gustong dumalo sa debut ni Christine pero bawal talaga.
"M-Magagalit si Christine," naiiyak na sabi niya. Nagkatampuhan pa naman sila ng bestfriend niya at gusto niyang bumawi.
"Maiintindihan ka niya pero utang na loob, huwag kang pasaway! Hindi ko puwedeng ipakipagsapalaran ang buhay mo para lang sa debut ng bestfriend mo!" giit ni Dylan.
Noong isang araw lang, nakatanggap sila ng impormasyon na sila ang puntirya ng pinakamatinik na grupo ng kidnapper sa bansa kaya palaging may bodyguard ang mga anak.
"Please naman, payagan mo na ako. Madali lang naman," pakiusap niya na hilam na sa luha.
"Mas safe kayo rito. Please naman, Anndy, bumalik ka na sa kuwarto mo.
""Fine!" pagsisinuplada niya saka pinahidan ang mga luha, "pero I hate you! I hate my life kasi mayaman tayo!" naiinis na sabi niya saka padabog na bumalik sa kuwarto.
Mayaman sila. Isang Lacson ang kaniyang ama at ito rin ang fraternity king ng bansa. Lahat ng frat member ay sumasaludo rito pero hindi maiwasang may makakalaban pa rin lalo na ang hindi miyembro ng frat.
Lima silang magkakapatid. Ang apat niyang kuya ay quadruplets kaya lumaki siyang bantay sarado sa lahat ng ginagawa.
"Ang daming bawal!" sabi niya at pabagsak na isinara ang pinto. Bawal ang mamasyal mag-isa, bawal ang magdamag na dumalo sa party, bawal makipagkaibigan kung kani-kanino at higit sa lahat, nawawalan siya ng privacy.
Marami lang naman ang nakikipagkaibigan sa kaniya dahil mayaman siya. Well, maliban kay Christine, ang bestfriend niya mula noong bata pa siya."
Anndy?" tawag ng ama. Saktong nakabihis na siya ng damit pantulog kaya binuksan niya ito."Inaantok na po ako," sabi niya.
"Aalis na kami ng mommy mo. Baby? Sorry talaga," paumanhin ni Dylan. Alam niya kung gaano kasakit sa bunso ang ginagawa pero wala siyang magawa."Okay lang po," malungkot na sagot ni Anndy, "matutulog na po ako."
----------------
"Christine!" Napalingon sina Christine at ang kasintahan nito sa tumawag sa kaniyang humahangos na palapit sa kanila. Nasa hardin ang dalawa."Anndy?" hindi makapaniwalang sabi ni Christine.
"I'm sorry kung late ako," paumanhin ng dalaga na bitbit ang regalo.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Pelmar para magkaroon naman ng privacy ang magkaibigan.
"Eleven thirty palang naman, may thirty minutes pa ako bago matapos ang kaarawan mo!" natatawang sabi ni Anndy.
"B-Bakit ganiyan ang suot mo?" tanong niya. Hindi ito naka-party dress.
"I'm sorry, kasi hindi kami payagan nina Daddy. Tumakas lang ako para makita ka," paumanhin ni Anndy at niyakap siya, "n-na-miss kita.
H-Hindi ko pa tuloy n-nasaksihan ang debut mo, ang s-sama kong bestfriend. A-Ang sama ko talaga."Kinakabahan pa siya habang nagmamaneho dahil tumakas lang siya. Ninakaw niya ang itim na jacket na may hood ng driver nila para hindi siya mamukhaan sa CCTV.
Isa pa, pinapabura niya sa operator para hindi siya mahuli ng mga magulang. Bahala na siyang magpaliwanag bukas.
Umiiyak na tumawa si Christine at niyakap si Anndy nang sobrang higpit, "huwag ka ngang umiyak, okay na ako. M-Masaya na ako kasi nakita kitaA-Akala ko, nakalimutan mo na ako."Kumalas si Anndy sa pagkakayakap at hinawakan ang mga kamay niya habang humahagulgol sa pag-iyak.
"F-Friends na ulit tayo?" parang batang tanong ni Anndy. Nagkatampuhan sila nitong nakaraang buwan dahil sa kuya niya. May gusto pala si Christine kay Lee Patrick pero hindi niya alam.
"P-Para ka talagang bata! Iyakin ka talaga!" saway ni Christine na umiiyak pero tumatawa. Niyakap niya ulit si Anndy. Ang sama niya rito. Wala naman itong kasalanan sa kaniya. Siguro dahil wala na siyang ibang masisisi sa nangyari sa kaniya kundi ito dahil si Anndy lang ang inaasahan niyang magiging karamay sana niya, "thank you for keeping my secret na crush ko ang kuya mo.
"Naramdaman niya ang pagyugyog ng balikat ni Anndy dahil sa pagtawa. Kumalas si Anndy at muling hinarap ang bestfriend.
"Sana noon mo pa sinabi! Gusto ka naman niya pero indenial lang 'yon!" Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at nagpa-picture sa kay Christine.
"Hindi ako naka-dress!" reklamo nito. Nakaitim na pantalon, itim na tshirt at itim na sneakers lang ito.
"Hmp? Hayaan mo na. Masaya na ako kay Pelmar," sagot ni Christine.
"Masaya ako para sa 'yo! Kyaaah! Kinikilig ako!" tili ni Anndy.
Ang guwapo naman kasi ng boyfriend nito at obvious naman na mahal na mahal siya, "nakakainggit ka! Sana makatagpo rin ako ng magiging boyfriend ko."
"Maghintay ka lang, darating din ang first charming mo, Anndy."
"Tin? Okay na tayo, 'di ba? Hindi ka na galit? Bestfriends na ulit tayo?" umaasang tanong ni Anndy.
Sana lang ay ma-restore pa ang friendship nila. Si Christine pa rin ang bestfriend niya. Kahit na ang sakit din ng sinabi nito noon sa kaniya, nauunawaan naman niya ito dahil masama lang ang loob nito sa kaniya. May mali rin naman siya lalo na sa sinabi niyang fake ang ibang gamit nito. Nasabi lang naman niya iyon dahil katulad nito, nasaktan din siya.
"Ikaw naman talaga ang bestfriend ko e, kahit na magkaaway tayo, hindi ka puwedeng palitan ninoman sa buhay ko! Ikaw pa rin ang Anndy na iyakin pero bestfriend ko!" natatawang sagot ni Christine.
Ang saya niya dahil dumating si Anndy."Salamat! Kaya bestfriend kita e!" masiglang sabi ni Anndy at muling niyakap si Christine.
"Bestfriend din kita," bulong din ni Christine. Ang saya niya! Nawala na ang lahat ng hinanakit sa puso niya. Gumaan ang kaniyang pakiramdam. Hindi kagaya dati na ang bigat-bigat ng dibdib niya.
"Proud ako sa pagkapanalo mo sa contest!" sabi ni Anndy, "ang galing mo kaya!"Nagkaroon ng search for University Princess ang CTU at Westbridge at naging magkalaban sila. Si Christine ang pambato ng Westbridge at siya naman sa CTU. First runner up siya at si Christine ang kinoronahan pero masaya naman siya para dito.
"Proud din ako sa 'yo. Magaling ka rin, sobrang galing ng bestfriend ko!" sagot ni Christine.
Nang maghiwalay sila mula sa pagkakayakap, hinalikan siya ni Anndy sa pisngi. Ganito ito sa kaniya, napakalambing.
"Pasyal ka sa bahay sa Wednesday, may ipapakita ako sa 'yong barbie collections ko.
"Napa-poker face siya. Heto na naman si Anndy.
"Huwag kang mag-alala, wala sina Kuya bukas, pupunta silang Cebu bukas."
"Kapag may free time ako," sagot niya."Ako na lang pala ang pupunta rito. Open mo na ang Insta mo para ma-message kita. Sige na, nagmamadali ako. Baka magising pa sina Daddy sa bahay," paalam ni Anndy at tumakbo na palabas ng gate ng mga Marcelo.
Ito ang pinakamahirap, ang bumalik na hindi nabubuko pero kung mahuli man siya, handa siyang harapin ang ama. At least nakapuslit siya para sumipot sa debut ng bestfriend niya. She loves her so much.
Si Christine ang naging sandigan niya sa lahat ng bagay mula pa noon.
Paliko na siya sa isang madilim na iskinita nang may umilaw sa unahan niya kaya napapikit siya pero dumilat naman kaagad. In-adjust lang niya ang mata sa liwanag.
Nang mamatay ang ilaw, naaninag niya ang nakaparadang itim na van dahil sa tulong ng liwanag ng buwan.
Napaatras siya nang bumaba ang tatlong armadong tao na nakasuot ng itim na ski mask.
"Shit!" sambit niya at napahigpit ang pagkapit sa handle ng mamahalin at itim na ducati.
Pinaatras niya ang ducati pero may van din na humarang sa likuran niya.
"D-Daddy..." sumiklab ang kaba sa puso niya at nanlamig ang mga kamay nang makitang bumunot ng baril ang isa sa tatlong taong may malalaking katawan.
"S-Sino kayo?" nauutal na tanong niya. Gusto niyang mag-isip pero wala siyang maisip.
"Sumama ka sa amin nang mahinahon kung ayaw mong masaktan," seryosong sabi ng lalaking palapit sa kaniya mula sa likuran niya.
Nakatakip din ang mukha nito pero ito ang pinakamatangkad sa kanila.
Napahigpit ang hawak niya sa handle bar ng motor. Bahala na. Sasagasaan niya ang mga ito.
"Damn!" wika niya nang binaril ng nasa unahang palapit ang gulong ng motor niya.
"P-Please... Dadaan ako," pakiusap niya, "ouch! Bitiwan mo ako!" sabi niya nang walang hirap na binuhat siya ng matangkad na lalaking nasa likuran niya pababa ng ducati.
Sinusuntok niya ito habang dinadala siya sa itim na van na nasa unahan pero ang tigas ng katawan nito na parang hangin lang ang bigat ng kaniyang kamao.
"Huwag kang magpumiglas kung ayaw mong masaktan, Anndy!" bulong ng lalaki na siya lang ang nakakarinig at may itinurok sa kanang braso ng dalaga.
"A-Ano ang kailangan ninyo?" humihikbing tanong ni Anndy. Natatakot siya para sa buhay.
"Pera mula sa pamilya ninyo!" sagot ng kidnapper at itinulak siya pasakay sa loob ng van saka sumakay na rin ito.
"D-Daddy..." sambit niya nang tuluyang mawalan siya ng malay.

BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
AcciónKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?