epilogue

7.9K 252 30
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang Kidnapper kong Gwapo

Epilogue / Special Chapter
By: sha_sha0808

Unedited....
"Zero? Salamat pala sa pagtulong mo sa
paaralang ito," nakangiting pasalamat ni
Ligaya kay Zero. Nasa office sila ngayon at
nag-uusap dahil dumalaw si Zero at nag-
donate ng mga libro para sa mga bata.
"Wala iyon. Ito ang tahanan ko," sagot ni
Zero. Minsan lang siyang umuwi rito noon
kapag isama ni Tiyo Pablo at nang mag-
kolehiyo na ay sa ibang bansa na siya
namalagi.
"Kumusta na kayo ng asawa mo?" tanong ni
Marikit. Siyempre hindi niya makakalimutan
ang babaeng umagaw kay Zero na sana ay sa
kaibigan niya.
"Oo nga, matagal ko nang hindi nakita si
Princess," pagsang-ayon ni Ligaya. Humingi
na rin ng patawad ang ama niya sa mga tao
dahil sa pagsabog ng pinapatayo nitong
laboratoryo at pagkamatay ni Jason. Bilang
kapalit, bumaba ito sa puwesto nilang
punong alkalde ng kanilang bayan. Ang mga
patay na tao dahil sa engkuwentro nina Zero
sa kagubatan noon ay pinaligpit din niya sa
mga tanod nila. Nabalot ng takot ang
buong isla dahil sa aksidente pero paunti-
unti ay nakakabangon din sila.
"Okay lang. Anndy pala ang tunay niyang
pangalan," sagot ni Zero.
"Mabuti naman," ani Ligaya. Tanggap naman
siya na wala na talaga silang pag-asa ni
Zero. Sa katunayan, isang buwan na silang
kasal ni Laurence. Sa tagal na ng panliligaw
ng kababata, siya na mismo ang sumuko at
pinakasalan ito. Tanggap naman nito kung
ano ang nakaraan niya. Isa pa, si Laurence
lang ang nakakapagtiyaga sa ugali niya. Alam
na nito ang gagawin kapag sinusumpong
siya ng pagkamaldita. Unlike kay Zero,
minsan lang silang magkita noon kaya ang
mabuting ugali lang ang pinapakita niya.
Iyong tipong may limit siya sa bawat kilos
niya dahil baka ma-turn off si Zero sa
kaniya. Pero si Laurence, alam na nito at
tanggap ang worst side niya bago pa siya
mahalin.
"Kyaaaah! Kendi!" tili ng bata nang damputin
ang isang candy na nahulog.
"Ang dami!" sigaw ng isa kaya nagsipulot
ang mga ito sa masarap na candies na
nahuhulog. May mga tsokolate pa. Ang
ibang estudyante ay hindi na napigilan pa ng
mga guro dahil nagsitakbuhan na palabas ng
classroom at tuwang-tuwang namumulot ng
candies.
Nagtatakang lumabas ang mga guro at sina
Zero habang nakatingala sa chopper na
pababa at mukhang lalapag sa open field
nila.
Nagsitakbuhan ang mga bata sa gilid ng
classroom nang pababa na ang chopper.
"Ang laki ng eroplano!' manghang sabi ng
batang lalaki. Lahat sila ay nakatingin sa
chopper at nang makalapag na ay bumaba
ang isang cute na batang lalaki.
"Daddy!" masiglang sigaw nito at patakong
lumapit kay Zero habang bitbit ang laruang
baril.
"Dale," ani Zero at binuhat ang batang may
mahabang buhok. Ayaw ni Anndy pagupitan
kaya nasanay na rin ang bata.
"Baby Z!" masayang sabi ni Anndy habang
pababa ng chopper at nakangiting
nakatingin sa mag-ama niya. Ang laki na ng
tiyan ni Anndy dahil malapit na ang
kabuwanan nito.
Napanganga naman sina Ligaya sa nakita.
Sumenyas si Anndy na puwede nang umalis
ang piloto kaya muling umangat ang
chopper.
"Anndy? Bakit ka nandito?" nagtatakang
tanong ni Zero at lumapit sa kasintahan saka
humalik sa pisngi nito.
"Na-miss kita!" naka-pout na sagot ni Anndy
at niyakap ang asawa.
'Tumakas ka na naman?" ani Zero pero
umiling si Anndy, "Nagpaalam ako kay
Daddy."
Totoong nagpaalam siya. Hindi nga lang
pinayagan kaya tumakas na siya. Pero at
least nagpaalam siya kaya alam na nila kung
saan siya hahanapin.
"Anndy naman, manganganak ka na,"
salubong ang kilay na wila ni Zero.
"Manganganak na ako pero wala ka pa sa
tabi ko!" reklamo ni Anndy at napahipo sa
tiyan.
"Uuwi rin naman ako bukas. May inaasikaso
lang ako," sagot ni Zero.
"Sa inyo po ang eroplanong iyon?"
inosenteng tanong ng batang lalaki habang
nakatingala sa chopper na malayo na.
Ngayon lang sila nakakita ng ganito sa
malapitan. Hanggang tanaw nga lang sila sa
himpapawid kapag may mapadaan.
"Oo," sagot ni Anndy at napasulyap kina
Ligaya na papalapit sa kanila.
"Hi," nahihiyang bati ni Ligaya kay Anndy.
"Hello," sagot ni Anndy na biglang umasim
ang mukha. May tracking device ang
cellphone ni Zero kaya alam niyang nandito
ito sa paaralan.
"May chopper kayo?" tanong ni Marikit.
"Yes, pero kami ni Zero, wala pa," sagot ni
Anndy. Lihim na napangiti siya nang namutla
si Ligaya.
"Zero? Nakausap na ng ama ko ang mga tao
na malapit sa bahay ninyo. Payag na payag
silang lumipat dito sa bayan," ani Ligaya na
kay Zero ang mga mata. Kinausap ni Zero
ang ama niya kung puwedeng kausapin ang
mga pamilya na medyo malapit sa tahanan
nila para lumipat sa bayan na binili ni Zero
para sa kanila. Payag naman ang mga ito.
Tuwang-tuwa pa nga nang double ang
ibinayad ni Zero sa kanila at libre lang ang
lupang lilipatan. Mura lang naman ang sq/m
ng lupa rito.
"Salamat, Ligaya," pasalamat ni Zero.
"Sino pala ang bumili ng lupaing iyon at
bakit doon pa talaga sa liblib na lugar at
hindi rito sa bayan?" usisa ni Ligaya.
"Ako," sabat ni Anndy, "Ako ang bibili sa
lupain nila."
Napakunot ang noong napatingin ang mga
guro kay Anndy. Malaki ang halaga ng
lupang iyon. Abot ng 100 million dahil
mahigit 500 hectares ang lupain kaya
mayaman talaga ang bibili nito. Isa pa,
masyadong malayo sa Maynila kaya bakit
naman nito pagkainteresan? Unless, gagawa
sila ng malaking minahan.
"Totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ni
Marikit.
"Oo naman," nakangiting sagot ni Anndy,
"nabayaran ko na nga e."
"Maiwan na muna namin kayo, Ligaya,
Marikit," paalam ni Zero at binuhat si Dale
saka hinila na si Anndy palayo.
"Alam mo bang delikado na ang magbiyahe?
Paano kung nanganak ka na lang bigla?"
tanong ni Zero. Ang tigas ng ulo ni Anndy.
"Wala akong pakialam!" sagot ng dalaga.
"Anndy naman!"
"Na-miss na kita!" naiiyak na sagot ni Anndy
kaya napatigil si Zero sa paglalakad.
"Uuwi na tayo," sabi ni Zero at lumapit sa
pickup truck na nasa labas lang ng paaralan.
Si Dale ay sobrang ingay. Napapa wow ito
sa tuwing makakita ng kalabaw at baka.
Hindi makapasok ang sasakyan kaya iniwan
na lang muna nila sa kalsada. Wala namang
magnanakaw niyan dito at kung manakaw
man, madali lang matunto dahil nandito lang
'yan sa isla. Hindi naman nila mailipat dahil
kailangan nila ng malaking barge o
sasakyang pandagat.
Isinakay ni Zero si Dale sa leeg habang si
Anndy naman ay nakapulupot sa braso niya.
"Na-miss ko 'to!" masayang sabi ni Anndy at
tumigil nang mapadaan sila sa punong
bayabas. Kumuha siya ng dalawang hinog na
bayabas at inabot kay Dale ang isa.
"Huwag 'yong dilaw, pangit na 'yon," sabi ni
Anndy nang itinuro ng anak ang sobrang
hinog na bunga.
Nang makarating sa bahay, inilapag ni Zero
sa Dale sa duyan na ginawa niya noon para
kay Anndy.
"Ang saya! Walang pinagbago!" tuwang-
tuwa na sabi ni Anndy saka naupo sa upuang
nasa tapat ng punong tinatalian niya noon
kay Bhabz. Nalungkoy siya bigla nang
maalala ang alagang biik.
"Dito lang kayo, bukas pa tayo makakabalik
sa Maynila," sagot ni Zero at napatingin kay
Anndy na hindi mapakali. Tumayo ito at
naglalakad-lakad habang pinagpapawisan.
"Okay ka lang?" tanong ni Zero.
"O-Okay lang," sagot ni Anndy saka nag-
squatting.
"Shit!" sambit ni Zero at hinila ang dalaga
papasok sa bahay nang makita ang puting
tubig na tumutulo sa binti nito.
"B-Baby Z," naiiyak na sabi ni Anndy kaya
binuhat na siya ni Zero.
"Dale, come here!" sigaw ni Zero sa anak
nang mailapag si Anndy sa higaan nila.
Mabilis na inayos niya ang banig at unan
saka pinalipat si Anndy.
Mabilis na naghugas siya ng kamay at
hinubad ang panty ni Anndy saka in-IE ito.
8cm na at nakakapa na niya ang ulo ng bata.
"Maupo ka rito sa mommy mo," natarantang
sabi ni Zero at mabilis na bumaba. Mabuti
na lang may panggatong kaya ibinuhos na
niya ang gas na laman ng lampara nila saka
mabilis na nilagyan ng tubig ang malaking
kaldero. Hindi na sila aabot sa Maynila.
"Z-Zero!" tili ni Anndy kaya mabilis na
bumalik si Zero sa itaas. Nag-aalalang
nakatingin si Dale sa ina.
"Relax lang," wika ni Zero at nilagyan ng
bagong tela ang ilalim ng balakang ni Anndy
at binuksan ang bintana. Alas dose pa lang
kaya maliwanag ang loob ng bahay.
"M-Masakit na," umiiyak na sabi ni Zero at
piniga ang kamay ni Zero nang muli siyang
hawakan.
"Wait lang," sagot ni Zero at mabilis na
bumaba nang sa tingin niya ang kumulo na
ang tubig. Inilagay niya sa malaking
palanggana at muling nilagyan ng tubig ang
kaldero saka inilagay ang nakatagong
bagong kutsilyo at gunting saka bumalik sa
mag-ina niya.
Kinuha niya ang dalang bag kanina ni Anndy,
may alcohol kaya hinugasan niya ang kamay
dahil wala naman siyang gloves. Gamit ang
gunting, pinunit niya ang suot na bestida ni
Anndy para ma-expose ang dibdib nito.
Nakikita na niya ang ulo kaya pumuwesto
siya sa unahan ni Anndy.
"Push lang," wika ni Zero kaya napahawak si
Anndy sa unan para kumuha ng lakas.
"Hmmmmm..." Buong lakas na umiri si
Anndy.
Maingat na hinawakan ni Zero ang ulo ng
bata at hinila to palabas.
"Z-Zer--"
"Push! Got his head!" wika ni Zero. Nakatitig
lang si Dale sa kanila na nagtataka kung ano
ang nangyayari.
Uwaah! Uwaaah!
Iyak ng bata nang ilagay ni Zero sa tiyan ni
Anndy.
Napayuko si Anndy at niyakap ang umiiyak
na anak.
"Kyaaah! Baby Z, ang baby natin--"
"Push ulit, Anndy!" namamawis na wika ni
Zero nang palaba na nama ang ulo ng isa pa
nilang anak.
"Hindi ko na kaya--"
"Mamamatay kayo kung hindi mo ipalabas
'to!" wika ni Zero kaya natauhan naman si
Anndy saka umiri kahit na nanghihina na.
Uwaaah! Uwaaah!
Dalawa na ang sanggol na nasa dibdib ni
Anndy kaya nangilid ang mga luha niyang
niyakap ang mga ito.
"Baby? Pakikuha ng malaking hair clip ng
mommy mo sa bag," pakiusap ni Zero kaya
inabot ni Dale ang apat na malaking hair
clip.
"Pakilagay sa water," pakiusap ni Zero
habang inalalayan si Anndy sa pagpalabas ng
placenta.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon