39

3.5K 118 3
                                    

.Ang Kidnapper kong Gwapo

Chapter 39 ( Third and Jaff )
by: sha_sha0808

Unedited...
"Teka, sandali!" pagpigil ni John Matthew
kina Third kaya binuksan ni Third ang
bintana ng sasakyan.
"Bakit?" tanong ni Third at napasulyap sa
dalagang kasama na isinandal ang ulo sa
bintana para matulog.
"Si Jaffy?"
"Nauna na," sagot ni Zero.
"Jaff? Pasabi naman sa kakambal mo na
tumawag siya kapag magkita kayo. May
mahalagang bagay lang kaming pag-
usapan," pakiusap ni John Matthew.
Tumango lang ang dalaga at nginitian ang
binata.
"Sige, ingat sa biyahe," bilin ni JM at
sinenyasan ang isang guwardiya na buksan
ang gate kaya isinara na ni Third ang bintana
at lumabas sa mansion.
Nang medyo malayo na sila ay pinabilisan ni
Third ang pagpatakbo ng sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ng dalagang
nasa tabi ni Third habang kanina pa titig na
titig sa mukha niya.
"Huwag mo akong titigan ng ganiyan!"
sagot ni Third na sa unahan ang mga mata.
"Why? Gusto ko lang pagmasdan ang
guwapo mong mukha," nakangiting sagot ng
dalaga at hinawi ang buhok nito saka iipit
sana sa kanang tainga pero umilag si Third.
"Umayos ka ng pagkakaupo, baka
maaksidente tayo at pakilagay ng seatbelt
mo!" seryosong sabi ng binata at napahigpit
ang pagkakahawak sa manibela.
"Hmm? Huwag ka ngang magkunwaring
hindi mo ako gusto. Alam kong nanabik ka
na sa katawan ko," nanunuksong saad ng
dalaga at pinagapang ang mga daliri sa hita
ng binata.
"Stop it!" saway ni Third at napasulyap sa
likuran kung may sasakyang nakasunod sa
kanila pero wala naman.
"Ayoko!" sabi ng dalaga at
nakipagmatigasan kay Third.
"I said, stop it!" sigaw ng binata kaya
napaayos sa pagkakaupo ang dalaga at
ngingiti-ngiti habang nakatingin kay Third.
"Huwag mo akong--"
"Mahal ko ako, 'di ba? Mahal na mahal?"
tanong ng dalaga kaya napatingin ang binata
rito.
"Aminin mo, mahal mo ako at wala kang
ibang babae maliban sa akin," pang-aakit ng
dalaga at itinaas nang bahagya ang skirt
pero agad na hinatak ni Third pabalik.
"Why? You don't wanna see my long
legged--"
"Manahimik ka! Alam mo bang sa ginawa mo
kanina sa mansion? Muntik mo na akong
ipinahamak? Tayo?" sigaw ng binata at galit
na napatingin sa dalagang tumutulis na ang
nguso.
"Gusto ko lang halikan ka. Gusto kong
masiguradong akin ka lang. Akin ka pa rin!"
giit ng dalaga at hinawakan ang kanang binti
ng binata at muling inangat ang skirt niya
pero muli naman itong hinatak ni Third.
"Nice try sa pang-seduce!" wika ni Third.
"Fine! Gusto ko lang malaman kung mahal
mo pa nga ako at kung mahalaga ako sa
buhay mo!" sabi ng dalaga at matiim na
nakatitig sa binata.
"Mahalaga pa ba iyon?" poker face na
tanong ni Third at pinabagalan ang
pagmaneho. Malapit na sila sa apartment
niya at malapit na ring maubos ang kaniyang
pasensiya sa kasama.
"Yes, mahalaga, Third!" seryosong sagot ng
dalaga at ngumiti, "or let me call you,
Zero?"
"Ouch!" Napahawak ang dalaga sa seatbelt
nang biglang nag-preno ang binata.
"Huwag mo na akong tawagin sa ganiyang
pangalan!" ani Zero.
"Pero ikaw si Zero! Zero! Zero!" giit ng
dalaga at napapahampas pa sa bintana ng
sasakyan.
"Get out!" galit na sabi ni Zero at tinanggal
ang seatbelt saka kinuha ang pitaka at
kumuha ng isang libo para ibigay sa
dalagang kasama. "Kumuha ka ng taxi at
magpahatid pabalik sa mansion!"
"Ayaw!" tanggi ng dalaga sabay iling.
Nakatitig lang siya sa perang hawak ni Zero.
"Huwag--"
"Mahal kita, Z-Zero! M-Mahal na mahal
kita. K-Kaytagal kitang hinintay! K-Kung
alam mo lang kung gaano ako nasaktan!"
umiiyak na sabi ng dalaga, "May iba ka na
ba? M-Maliban sa akin, may iba pa ba?"
Tumahimik si Zero.
"Sagutin mo ako! May iba pa ba maliban
sa--"
"Wala na!" mabilis na sagot ni Zero na
mukhang napilitan lang, "Wala na kaya
bumalik ka sa mansion!"
"May two hours pa ako," sagot ng dalaga na
nakangiti.
"Anndy naman! Huwag ka nang pasaway!
Bumalik ka na bago pa tayo mabuko!"
"Ayaw!" tanggi ni Anndy at akmang
tatanggalin ang face mask pero pinigilan ni
Zero.
"May cctv kahit saan," seryosong sabi ni
Zero at pinaandar na muli ang sasakyan
patungo sa apartment niya. Nanahimik na si
Anndy pero nasa kay Zero pa rin ang mga
mata. Na-miss niya ito kaya hindi siya
magsasawang pagmasdan ang mukha ng
binata.
Pagdating sa apartment, agad na isinarado
ni Zero ang lahat ng pinto at hinatak si
Anndy saka niyakap.
"Mamamatay ako nang maaga sa ginawa
ninyo," bulong ni Zero at dahan-dahang
tinanggal ang face mask ni Anndy dahil
kailangan pa niya ito mamaya sa pagbalik
niya.
"Z-Zero! Baby Z ko!" umiiyak na sabi ni
Anndy at mahigpit na niyakap ang
kasintahan.
Pinangko.siya ni Zero papasok sa silid nito.
Itinulak ng kaliwang paa ng binata ang pinto
para masara.
Ibinaba ni Zero si Anndy sa malambot na
kama saka mabilis na naghubad. Nang
makuha ni Anndy ang nais ng binata, siya na
mismo ang naghubad ng damit niya para
sabay lang sila ni Zero.
--------------------------
"Zero? Ayaw ko nang bumalik pa sa amin.
Kinukulong nila ako. Bawal akong lumabas
na walang kasama. Dapat kasama ko ang
bodyguards at sina Kuya. Zero, itakas mo
na--"
"Sssh!" wika ni Zero at tinulungan si Anndy
na magbihis, "Kailangan mong bumalik."
"A-Ayaw ko!" umiiyak na sagot ni Anndy.
Hinawakan ni Zero ang magkabilang pisngi
ng dalaga, "Makinig ka, kailangan mong
bumalik sa mansion dahil kailangan ka ng
anak natin. Pabayaan mo na lang ba si Dale
roon?"
"P-Pero--"
"Itatakas ko kayo!" ani Zero kaya natigilan si
Anndy, "Hahanap ako ng tiyempo pero hindi
pa ngayon. Magbibigay lang ako ng signal
kaya hanggat hindi pa ako nakagawa ng
paraan, bantayan mo muna ang baby natin,
okay?"
"O-Okay," pagsang-ayon ni Anndy, "Pero
bilisan mo lang. H-Hindi ko na matitiis na
wala ka."
"Okay. Pero promise, huwag kang
magpahalata, Anndy."
"Promise," sagot ni Anndy at itinaas ang
kanang kamay bilang tanda ng promesa,
"Ang kambal, m-may relasyon ba kayo ni
Jaff?"
Umiwas ng mga mata si Zero kaya
sumalubong ang kilay ni Anndy, "Uulitin ko,
naging kayo ba ni Ate Jaff?"
"Wala!" sagot ni Zero na salubong din ang
kilay.
"Ba't kayo magkasama?"
"Kakilala ko si Jaff," sagot ni Zero.
"Paano?"
"Noong nag-aaral ako sa kelohiyo. Haist!
Basta friends lang kami kaya huwag ka nang
magtanong. Bilisan mo na ang pagbibihis
dahil wala na tayong time. Malapit na ang
hapunan ninyo."
Napatingin si Anndy sa wristwatch. Alas
singko na ng hapon.
"Wala ba talaga kayong relasyon ni Ate
Jaff?"
"Wala. Magmamadre 'yon!" sagot ni Zero. Si
Jaff lang yata ang kilala niyang pangarap na
maging madre pero pangtugis naman ng
mga tulisan ang ginagawa.
"Doctor ka pala? Ibig sabihin, kaya mo na
kaming buhayin?" nakangiting tanong ni
Anndy. Bago pa siya nito kidnapin, may
marangal na itong trabaho? O baka naman
siya lang talaga ang kinidnap nito?
"Ano ba? Uuwi ka ba o mag-uusap tayo
hanggang umaga?" napipikon na tanong ni
Zero saka ipinasuot ang face mask kay
Anndy.
"Baby Z? Wala ba talagang chance na
magsama tayo?"
"Makinig ka, Anndy," seryosong sabi ni Zero
at hinawakan ang balikat nito, "Bawal ang
cellphone. Bawal ang lahat ng gadgets at
bawal ang maling kilos. Puno ng surveilance
camera ang bahay ninyo at alam mo 'yan."
"I know," sagot ni Anndy at muling niyakap
si Zero. Nagpapasalamat siya dahil kaninang
pumasok siya sa banyo, mabilis na
nakipagpalitan si Jaff sa kaniya kahit na
damit.
"Thanks God at wala kang dalang gadgets,"
wika ni Zero.
"Alam ko, kapag nakalusot ako kanina bilang
si Jaff, mahuhuli rin nila ako dahil sa tracking
device sa gadgets ko," ani Anndy.
"Magaling at nag-iisip ka na," wika ni Zero
at inayos ang baril sa bewang saka
hinawakan ang kanang kamay ni Anndy para
lumabas sa apartment niya.
Napilitang sumunod si Anndy at sumakay sa
sasakyan ni Zero.
"Akalain mo 'yon? Maganda ang sasakyan
mo?" manghang sabi ni Anndy.
"Anndy? Nakulong na ang pinuno ng
nagpakidnap sa 'yo pero hindi pa ang
mastermind ng dumukot sa akin noon,"
seryosong sabi ni Zero kaya napakunot ang
noo ni Anndy. Oo nga pala, dinukot ito
noong bata pa.
"S-Sino siya?"
"Hindi ko alam pero kung ako ang
tatanungin, siya ang mahigpit nating
kalaban. Lahat ng tinuro ko tungkol sa
pagdepensa ng sarili, naalala mo pa?"
Tumango si Anndy. Habang nasa Japan siya,
nagpa-practice siya araw-araw. Hindi lang
siya makaporma sa bantay dahil mas
magagaling ang mga ito.
"Good. Hanggat maari, gamitin mo iyon
para maprotektahan ang anak natin kung
sakaling may dumukot sa inyo," wika ni Zero.
"Bakit niya kami gagalawin ni Dale?" tanong
ni Anndy at napatingin sa labas ng bintana.
Magtatakip-silim na at naabutan pa sila ng
traffic.
"Dahil kagaya ko, galit din ito sa mga
Lacson," sagot ni Zero. Hindi siya nito
gagamitin laban sa mga Lacson kung hindi
siya galit sa pamilya ni Anndy. Dahil sa
pagkakaunawa niya, pareho lang silang may
hinanakit sa mga Lacson at hindi siya
makapapayag na madamay ang mag-ina
niya.
Hindi na kumibo si Anndy. Ang dami naman
nilang kalaban. Pero sino? Posible kayang
nasa angkan na malapit lang sa kanila?
"Z-Zero? Si Bhabz? Kumusta na siya?"
excited na tanong ni Anndy.
"Patay na," seryosong sagot ni Zero saka
binilisan ang pagpatakbo bago pa maabutan
ng traffic light.
Napasulyap siya kay Anndy nang hindi ito
magsalita. Pinupunasan nito ang mga luha
habang humihikbi.
"B-Bhabz ko."
"Baboy lang 'yon! Nasa iyo naman ang apo
niya. Isa pa, matanda na 'yon at nagkasakit,"
sagot ni Zero.
"P-Pinakatay mo?" inosenteng tanong ni
Anndy.
"I-Inilibing ko. M-May sakit na kasi siya,"
pagsisinungaling ni Zero. Pinakatay niya kina
Laurence dahil walang mag-aalaga nang
lumuwas siya rito sa Maynila.
"A-Akala ko pinakatay mo," malungkot na
sabi ni Anndy. Dadalawin niya ang apo ni
Bhabz sa likod ng bahay nila.
Ilang minuto pang pagmaneho ay malapit na
sila sa mansion ng mga Lacson.
"Anndy? Mag-ingat ka," seryosong bilin ni
Zero at pinabagalan ang pagmaneho.
Magiging kampante lang siya kapag
makalabas na si Jaff sa mansion.
"Oo, nasa kuwarto lang naman si Ate Jaff.
Natutulog pa ako sa ganitong oras," wika ni
Anndy. Iyon ang bilin niya kay Jaff kanina
para safe sila. Matulog ito sa kuwarto niya.
Sanay na rin naman ang mga tao sa mansion
na hindi siya lumalabas.
"What the fuck!" tili ni Anndy nang
binuhusan siya ni Zero ng tubig sa damit.
"Kailangang magpalit ni Jaff ng damit," wika
ni Zero, "Dresser room at bathroom mo,
walang CCTV."
"Thanks," pasalamat ni Anndy. Oo nga pala,
kailangan nilang magpalit ng katauhan ni Jaff
mamaya. Bumukas ang gate ng mansion at
pinapasok na ni Zero ang sasakyan.
"Zero, I love you!" sabi ni Anndy at
tinanggal ang seatbelt saka mariing hinalikan
ang binata sa mga labi.
"I love you too. Ingat ka," sabi ni Zero nang
maghiwalay na ang kanilang mga labi. Mag-
aapat na taon na niyang hinintay ang pag-
uwi ni Anndy. Kung puwede nga lang na
itakas na niya ang mag-ina niya, gagawin
niya. Kaso ayaw niyang lumaki si Dale na
tinutugis sila.
"Ikaw rin, Baby Z. Sabihin ko na lang na
bago ako umalis kanina, pinapunta ako ni
Anndy sa kuwarto niya kapag makabalik ako.
Sana lang ay wala akong makasalubong dahil
baka mapuna nila ang boses ko," ani Anndy.
"Magiging maayos din ang lahat, Anndy.
Bumaba ka na," wika ni Zero kaya napilitang
lumabas si Anndy. Kinakabahan siya habang
nakatingin sa dalagang papasok. Wala lang
sana itong makasalubong na pamilya habang
patungo sa kuwarto ni Anndy.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan nang
marinig ang mahinang pagkatok.
"Bang! Bang! Bang!"
Nagulat si Zero nang pagbukas niya ng pinto
ay nakatutok ang baril na hawak nito at
nanggigigil na nakatingin sa kaniya.
"Agh! Ouch!" Daing ni Zero at napahawak sa
dibdib saka ipinikit ang mga mata.
"A-Are you dead?" inosenteng tanong ni
Dale at nabitiwan ang hawak na baril-barilan
saka niyugyog si Zero.
"T-Tito, are you d-dead?" naiiyak na sabi ng
bata kaya nagmulat si Zero ng mga mata
saka nginitian ang anak.
"Just kidding," sabi niya saka ginulo ang
buhok ng anak. Lumabas siya sa sasakyan at
binuhat si Dale.
"I t-thought... I killed you," namumula ang
mga matang wika ni Dale at napatitig sa
mga mata ng ama.
"Almost," biro ni Zero at napasulyap sa mga
guwardiyang nakabantay sa paligid.
"Laro tayo ng bang bang?" tanong ni Dale.
"Nextime," sagot ni Zero at hinigpitan ang
yakap sa anak.
"Hmm? Promise?"
Napangiti si Zero nang ayusin ni Dale ang
buhok para takpan ang tainga nito.
"Promise," malungkot na sagot ni Zero saka
ibinaba ang anak. Pinulot niya ang laruang
baril at ibinigay sa anak.
"Pasok ka na. Hinahanap ka na ng mommy
mo."
"Thank you po," magalang na pasalamat ni
Dale saka patakbong pumunta sa mga
pinsang nasa playground.
Napailing na lang si Zero. Ang cute ng anak
nila ni Anndy. Ang hindi lang niya
nagustuhan ay ang pagmana nito sa tainga
niya. Kasalanan din naman ni Anndy dahil
wala itong bukambibig noong nasa isla pa
sila kundi anak siya ng duwende at kapre
tapos panay pa ang himas nito ng tainga
niya. Alam na niyang buntis ito noon kaya
hinayaan na niya. At least hindi sa biik
nagmana ang tainga ni Dale.
"Let's go, honey?" nakangiting sabi ni Jaff
na papalapit sa kaniya kaya para siyang
nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Hindi mo ito ipinaalam sa akin!" sumbat ni
Zero nang palabas na sila.
"Nag-enjoy naman kayo kaya magpasalamat
ka na lang," nakangising sabi ni Jaff na
ikinapula ng mukha ni Zero.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon