Ang Kidnapper kong Gwapo
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 31
Unedited...
"Anndy? Halika rito," tawag ni Zero a
pinaypay ang dalagang nagbubunot ng
damo. Napangiti siya dahil may putik na ang
pisngi nito at tagaktak ng pawis. Ang ganda
pa rin nito tingnan sa suot na pajama at
puting pan-itaas saka anahaw hat ni Tiyo
Pablo.
"Bakit? Magtatanim pa ako ng pechay,"
nakasimangot na sabi ni Anndy at tinanggal
ang sombrero habang padabog na lumapit
kay Zero.
Natutuwa talaga siya dahil ang dami na
nilang natanim na gulay ni Zero. Para nga
siyang tanga kapag kausap ang mga orchids
pero sabi ng Lola Patch niya, normal lang
daw na kausapin ang mga bulaklak at
halaman dahil may sariling buhay ang mga
ito.
"Mamaya na 'yan, may ipapakita ako sa 'yo,"
seryosong sabi ni Zero nang makalapit si
Anndy. Gamit ang face towel, pinahidan niya
ang putik na nasa pisngi ni Anndy.
"Salamat," nakangiting wika ni Anndy habang
nakatingala sa guwapong binata. "Zero?
Bakit ang tainga mo, parang sa duwende
pero ang katawan mo, pang kapre?"
Sumama ang timpla ng mukha ni Zero kaya
napakagat siya sa ibabang labi.
"Ang sandata?" tanong ni Zero nang
makabawi kaya si Anndy naman ang namula.
"H-Ha? Ah... Eh..."
"Halika, ipakita ko sa 'yo ang malaking
sandata ko," pilyong sabi ni Zero at
hinawakan siya sa kanang kamay.
"Kyaah. B-Baby Z, ang manyak mo!" tili ni
Anndy sabay hila ng kamay kay Zero.
"Halika sa loob, ipapahawak ko sa 'yo!"
natatawang pagpilit ni Zero. Ang pula na
talaga ng mukha ni Anndy pero kapag nasa
eksena na sila, parang expert ito na wala
nang hiya-hiya pa sa kaniya.
"Ayaw ko! Zero, ang bastos mo!"
"Sanay ka naman kaya halika na. Ipapahawak
ko sa 'yo."
"Kyaah! Zero baba mo 'ko!" tili ni Anndy
nang buhatin siya ng binata papasok sa
bahay. Dumiretso sila sa kusina at inilapag
siya.
"Z-Zero, t-tirik ang araw," nahihiyang sabi ni
Anndy. Wala namang pili ito sa oras e. Basta
kapag maisipan nitong mag-body bonding,
kahit saan na lang. Lahat na yata ng sulok
ng kagubatan, napuwestuhan na nila. Minsan
nga, sa sobrang excited nila, bahay pala ng
mga langgam ang inapakan nila.
Yumuko si Zero at tinuklap ang kawayang
sahig sa ilalim ng mesa. Bumulaga sa mga
mata ni Anndy ang iba't ibang de-kalibreng
baril.
"Z-Zero--"
"Kailangan natin ito. Kapag may sumalakay
rito, alam mo na kung saan ka kukuha ng
armas para ipandepensa sa sarili mo,"
seryosong sabi ni Zero.
Napatitig si Anndy sa mahahaba at maliliit
na baril. Alam na niya kung paano gamitin
ang iba pero ang mahahaba ay hindi pa.
"Tuturuan kita ng tamang paggamit ng
mahahabang baril bukas. Kabisado mo
naman ang pasikot-sikot ng gubat kaya
puwede mong magamit ang kalikasan para
itago ang sarili mo kung sakaling may
umatake sa 'yo habang wala ako."
"K-Kailangan ba talaga nito?" malungkot na
tanong ni Anndy. Parang hindi niya kayang
pumatay ng tao.
Ibinalik ni Zero ang kawayan at hinarap si
Anndy.
"B-Bakit?" tanong niya nang mag-iba ang
tingin ni Zero sa kaniya.
"Saan mo gusto? Dito sa baba o sa itaas?"
makahulugang tanong ni Zero.
"M-Magtatanim pa ako," sagot ni Anndy at
tumalikod pero agad na nahatak ni Zero ang
kamay niya pabalik dito.
"Makapaghintay 'yan, Baby A. Ako muna ang
magtatanim ng binhi sa 'yo," nang-aakit na
bulong ni Zero kaya wala siyang nagawa
nang hubarin ni Zero ang mga saplot nito
para ipakita ang mandirigmang may
malaking sandata.
------------------
[Flashback...]
"Ma? Ano ho ang ginagawa ni Papa?"
tanong ni Zero na kakapasok lang sa isang
silid. Nakita niyang may nakahigang tao sa
ibabaw ng puting higaan.
"Bakit ka pumasok? Sa labas ka!" saway ng
nanay niya at sinenyasan siyanv lumabas
kaya mabilis na lumabas si Zero at naupo sa
upuang nasa labas ng silid.
Matapos ang mahigit kalahating oras na
pag-aabang, lumabas ang mga magulang na
naka-lab gown pa rin. Nagpalit muna ang
mga ito sa isang silid at niyaya na siyang
kumain.
"Ma? Gusto ko pong maging kagaya ninyo ni
Papa," wika ni Zero. Namulat siya sa mundo
na sanay na sa mga tao. Surgeon ang
kaniyang ama at nurse naman ang kaniyang
ina kaya medyo sana na siyang makakita ng
hiwang katawan ng tao.
"Mabuti 'yan at may pangarap ka,"
nakangiting wika ng kaniyang ama, "balang
araw, magiging doctor ka rin."
"Opo, gusto kong bumuhay ng tao. Gusto
ko pong tumulong para gumaling ang mga
may sakit!" bibong sabi ni Zero. Sa edad na
pitong taong gulang, napuno ng pangarap
ang buhay niya.
Masaya silang nagkukuwentuhan. Napangiti
si Zero dahil sa halos perpektong pamilya
sila lalo na't mabait at mapagmahal ang
kaniyang ama. Matulungin pa sa mga taong
nangangailangan. Naging saksi siya kung
paano ito palihim na nag-aabot ng pera sa
mga humihingi ng tulong.
Napatayo sila nang may mga pulis na
pumasok.
"Pulis 'to! Napapalibutan namin kayo kaya
huwag na kayong manlaban!"
Napataas ang kamay ng mag-asawa habang
takang-taka naman si Zero sa mga
nangyayari.
"M-Mama!" naiiyak na sabi ni Zero. Takot
siya dahil may mga baril ang nagpakilalang
SWAT team.
"Dito ka lang, h-huwag kang matakot.
Babalik kami," umiiyak na sabi ng ina niya
nang posasan ng mga nagpakilalang pulis.
Umiiyak na tumakbo si Zero. Medyo malayo
na ang patrol car kaya kinuha niya ang
bisikleta at sinundan ang patrol car sa abot
ng kaniyang makakaya kahit na hindi na niya
ito nakikita. Basta binaybay lang niya ang
kalsada hanggang sa nakitang nakahimpil
ang patrol car sa gilid ng abandonadong
gusali.
"P-Parang awa na ninyo, huwag ninyo akong
patayin ang asawa ko!"
Boses iyon ng ama niya kaya mabilis na
tumakbo papasok si Zero.
"Papa!" sigaw niya at patakbong lumapit
pero pinigilan siya ng isang pulis.
"Z-Zero, tumakas ka!" umiiyak na sabi ng ina
niyang nakadapa at tinututukan nila ng baril.
"Ako na lang! H-Huwag ninyong idamay ang
mag-ina ko!" pakiusap ng ama ni Zero.
"Bilisan na ninyo ang pagligpit sa mag-
asawang ito!" Utos ng pinuno nila.
Napatingin si Zero sa sasakyang kakapasok
lang ng gusali. Bumukas ang bintana nito.
Kilala niya ang mag-asawang nasa sasakyan
na nakatingin lang sa kanila. Kilala niya ang
mag-asawang Lacson. Palagi kasi niyang
nakikita ang mga ito sa TV at magazine
bilang pinakamayamang negosyante sa
bansa.
"T-Tulungan ninyo ang papa at m-mama
ko," pakiusap niya.
Bang!
Napalingon siya sa mga magulang.
Bang! Bang!
Nanlaki ang mga mata niya nang makita
kung paano gumalaw ang buong katawan ng
ama nang ratratin ng diumano'y mga pulis.
"T-Takbo, Zero!" luhaang sigaw ng ina niya
pero tila napako si Zero sa kinatatayuan.
Luhaang humarap siya sa mag-asawang nasa
sasakyan at nakiusap na iligtas ang buhay ng
kaniyang ina.
"T-Takbo, Anak!" sigaw ng ina niya.
Bang!
Sunod-sunod na putok ang umalingawngaw
sa loob ng gusali kaya nagkaroon ng lakas
ang mga buto niya para tumakbo nang
matulin. Takbo lang siya nang takbo at
isinumpa niyang magbabayad ang mga ito sa
ginawa sa mga magulang niya lalo na ang
mga Lacson .
End of Flashback...
Napabuntonghininga si Zero at iniunan ang
ulo sa mga kamay nang maalala ang
eksenang nagiging bangungot para sa
kaniya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya
nabibigyan ng hustisya ang mga magulang
dahil wala namang lumabas na balita tungkol
sa pag-assasinate sa mga ito.
Matapos ang ilang buwang pagpaslang, may
mga armadong lalaki na dumukot sa kaniya
at dinala sa isang lugar na hindi niya alam
kung saan ang tamang lokasyon. Basta nasa
isang madilim na silid at doon na nga
nagsimula ang pag-torture sa kaniya. Ne
minsan, hindi niya nakita ang mukha ng mga
ito. Basta isa lang ang sigurado niya,
katulad niya, galit din ang mga ito sa mga
Lacson at malaki nga ang naitulong ng
training niyang iyon sa paghihiganti niya.
"Zero?" tawag ni Anndy na umakyat sa
papag.
Lumingon si Zero at pinagmasdan ang
dalagang humiga sa tabi niya. Ang sarap
langhapin ng amoy nito kahit na wala
namang mamahaling pabango. Bambini lang
ang binili nito sa bayan. Si Anndy ba? Ito ba
ang kapalit ng buhay ng kaniyang mga
magulang? Tama bang ikulong niya ang
isang malayang ibon sa isang kagubatan
kasama siya? Pero hanggang kailan nito
matiis ang lahat?
Iniunan ni Anndy ang ulo sa isang braso ng
binata at niyakap ito sa bewang.
"Baby Z? Bili tayo ng biberon," parang
batang pakiusap ni Anndy at isiniksik ang
mukha sa kilikili ni Zero, "Kawawa naman si
Bhabz, ang dami niyang anak. Baka
maubusan siya bg gatas."
Sampu ang anak ng alaga nila at malalaki na
ang mga ito pero dumedede pa. Ang sabi ni
Zero, lima na raw ang gustong bumili. Ayaw
sana niyang ipabenta pero kailangan daw
nila ng pera.
"Bumaba ka na at magsaing," sabi ni Zero.
Sa tuwing sambitin nito ang alagang baboy,
nanginginig sa galit ang laman niya.
"Mamaya. Alas kuwatro pa lang," sabi ni
Anndy. Wala si Tiyo Pablo dahil nangingisda
raw ito kaya solo naman nila ang bahay.
Hindi sumagot si Zero.
"Zero? Mabuti pa si Bhabz, may babies na,
pero tayo, hanggang ngayon, wala pa rin."
"Galit ako sa 'yo!" matigas na sabi ni Zero
kaya napatingala si Anndy para pagmasdan
ang mukha nito. Nagliliyab sa galit ang mga
mata ni Zero habang nakatitig sa kaniya.
"A-Alam ko," malungkot na sabi ni Anndy at
mahigpit na niyakap ang binata. Kung
puwede lang mapawi ang galit nito, gagawin
niya.
"Sabihin mo lang kung gusto mong umuwi
na, ihahatid kita sa Maynila!" sabi ni Zero na
hinayaan lang niyang yakapin siya ni Anndy.
Palagi naman itong dikit nang dikit sa
katawan niya.
"K-Kapag ba umuwi ako, mananatili ka sa
tabi ko?" malungkot na tanong ni Anndy.
"Hindi," sagot ni Zero kaya mas lalong
napahigpit ang yakap ni Anndy.
"A-Ayoko. K-Kung saan ka, dapat nandoon
din ako."
"Hindi nga puwede kasi masamang tao ako!"
"Pero mahal ko ang masamang tao na
sinasabi mo!" pagmamatigas ni Anndy.
"Hindi ka ba nananabik na makita ang
pamilya mo, Anndy?"
"G-Gusto," umiiyak na sagot ng dalaga, "M-
Miss ko na sila. G-Gusto ko nang umuwi p-
pero natatakot ako." Tumingala siya sa
binata, "N-Natatakot ako na iiwan mo ako at
h-hindi na tayo magkita."
Humarap si Zero sa kaniya at naramdaman
niya ang pagkayap nito sa bewang niya.
"I-Ikaw ba? H-Hindi ka ba natatakot na
mawala ako?" tanong ni Anndy. Natutuwa
talaga siya sa tuwing marinig at
maramdaman niya ang pagtibok ng puso ni
Zero sa tuwing madikit ang tainga niya sa
tapat ng puso nito.
"Natatakot," mahinang wika ni Zero.
Titingala pa sana si Anndy pero mahigpit na
niyakap siya ng binata kaya napasubsob ang
mukha niya sa malapad at mabangong
dibdib nito.
"M-Mahal mo na r-rin ba ako? Zero?
Mahalin mo naman ako, o. Subukan mo
lang," humihikbing pakiusap ni Anndy.
"Mahal kita," sagot ni Zero kaya napanganga
si Anndy. Hindi niya makita ang mukha ni
Zero dahil hindi siya makatingala.
"H-Huwag ka nang tumingala, pakinggan mo
na lang ang isinisigaw ng puso ko," wika ni
Zero kaya napapikit si Anndy. Nakisabay rin
ang puso niya sa malakas at mabilis na
pagtibok ng puso ni Zero.
"Z-Zero? M-Mahal mo rin ako," naiiyak na
bulong ni Anndy.
"Wala akong kaharian, Anndy," paalala ni
Zero. Lahat ng bagay ay may hangganan at
alam niyang panandalian lamang ang
kaligayahang ito, dahil hindi tumitigil ang
mga Lacson sa paghahanap sa nawawalang
prinsesa nila.
"Sapat na sa akin ang lugar na ito para
tawaging paraiso dahil nandito ang prinsipe
ko," nakangiting bulong ni Anndy.
"Baby A?" malanding tawag ni Zero sa
kaniya kaya nanindig ang balahibo ni Anndy.
Shit! Tinawag siya ni Zero na Baby A kaya
alam na. Magbo-body bonding na naman
sila.
BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
AcciónKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?