.
Ang Kidnapper kong Gwapo
Chapter 20
by: sha_sha0808Unedited....
Masakit ang katawang bumangon si Anndy.
Napahawak siya sa kumot. Inaalala niya ang
nangyari kagabi. Totoo ba? Totoo bang may
nangyari sa kanila ni Zero? Totoo bang
isinuko niya ang sarili sa kidnapper niya?
Napahawak siya sa sumasakit na
pagkababae. Oo, masakit. Pati balakang
niya, masakit din.
"Ang tanga ko!" naiiyak na bulong niya.
Bakit ganito ang kahihinatnan ng lahat?
Akala niya, ligtas na siya sa gang rape pero
bakit kusa niyang isinuko kay Zero ang
pinakainiingatan niya?
Bumangon siya at iniligpit ang higaan sa
gilid. Saka lang niya napansing nakabihis na
pala siya. Wala siyang matandaang nagsuot
ng damit kaya sigurado siyang si Zero ang
nagbihis sa kaniya.
Pagbaba niya, nanlaki ang mga mata niya sa
nakita.
"Tiyo Pablo!" bulalas niya.
"Hi, kumusta ka na?" nakangiting bati ng
lalaki.
"Nandito ka na? Kailan lang?" masayang
tanong niya. At least may kasama na sila
ulit.
"Kaninang madaling araw. Tulog ka pa kaya
hindi na kita ginising. Kain na tayo,"
nakangiting yaya ni Pablo.
"S-Si Zero po?" tanong niya. Umalis na
namab kaya ito at pumunta kay Ligaya?
"Nasa balon, naglalaba. Kumain ka na, may
pasalubong akong pork chop," sabi ni Pablo
kaya naupo si Anndy sa tabi niya at
maganang kumain.
Masaya silang nag-uusap habang kumakain.
Si Anndy na ang naghugas habang si Pablo
ay natulog sa mahabang upuan sa sala.
Matapos maghugas, lumabas siya para
bigyan ang umiiyak na biik. Nasa ilalim na
ito ng punong-kahoy.
"May sakit ka pa ba? Nakapagpahinga ka na,
bhabz?" tanong ni Anndy sa alagang biik.
Napasulyap siya kay Zero na bitbit ang
malaking palanggana at isinampay ang
kumot nila kagabi. Tumayo siya nang
mapansing nilabhan din nito ang iba pa
niyang damit na naiwan sa may barung-
barong niya.
Walang imik na kinuha niya ang ilang damit
at isinampay.
"Kumain ka na?" tanong ni Zero.
"O-Oo, ikaw? Kumain ka na ba?" tanong din
ni Anndy kahit na alam na niya ang sagot.
"Tapos na," sagot ni Zero at tinulungan siya
sa pagsampay.
"Salamat sa paglaba," pasalamat ng dalaga.
Hala, pati panty niya, nilabhan ni Zero.
Uminit bigla ang magkabilang pisngi niya.
Nahawakan at nakusot nito ang panty niya?
Nakakahiya.
"Pupunta ako mamaya sa bayan," wika ni
Zero kaya napatingin si Anndy sa binatang
hindi nakatingin sa kaniya kundi nasa
sinasampay.
"A-Aalis ka na naman?" tanong niya.
Matapos ang nangyari sa kanila kagabi,
lalayasan na naman siya nito? Ang galing din
ni Zero. Walang sawa sa tuhugan. Hindi ba
ito napapagod? Kailangan pang magbiyahe
para sa dalawang babae?
"Oo, sasama ka?" tanong ni Zero at hinarap
si Anndy na salubong ang kilay.
"Ba't mo pa ako isasama? Para masaksihan
ang kalandian ninyo ni Ligaya?" tanong ni
Anndy. Ipaparamdam na naman ba nito na
wala siyang kuwenta? Na isang bihag na
walang karapatang magreklamo kung ano
ang gustong gawin nito sa kaniya?
"Tapos ka na sa imahinasyon mo, Anndy?"
tanong ni Zero at inihakbang ang mga paa
palapit kay Anndy na pati ilong, namumula
sa inis.
"Imahinasyon? Mukha mo!" pagtataray ni
Anndy at napahakbang paatras. Kapal ni
Zero, titig na titig talaga ito sa mukha niya
habang palapit sa kaniya. Bakit parang ang
guwapo nito ngayon? O baka may
deperensiya na ang mga mata niya?
Tumalikod siya sa binata. Babalik na siya sa
bahay dahil mukhang minamaligno nito ang
utak niya.
"Kyaah!" tili niya nang hilain siya nito pabalik
at agad na hinapit sa bewang palapit sa
katawan nito.
"Para kang bata kung magselos," wika ni
Zero na nakayuko kay Anndy.
"Hindi ako nagseselos!" tanggi ni Anndy at
tumingala para salubungin ang mga mata ni
Zero.
"Talaga? Hindi ka pa talaga nagseselos sa
lagay na 'yan? Hmmm?" nakangiting tukso
ni Zero at napasulyap sa tumutulis na nguso
ni Anndy.
"P-Pakawalan mo ako," sabi ni Anndy na
nakaramdam ng pagkailang. Kasi naman, ang
lakas ng manghatak ng mga mata ni Zero.
"Ayaw kitang pakawalan, Anndy," sagot ni
Zero at mas hinapit pa siya sa bewang,
"Huwag kang magselos kay Ligaya, ikaw na
nga ang asawa ko, 'di ba?"
"Hindi nga ako nagseselos! Ako ang asawa
mo pero naghalikan kayo sa harap ng
maraming tao!" singhal niya at mas lalong
kumulo ang dugo nang humalakhak si Zero,
"tatawa-tawa ka pa? Ha?"
"Siya ang humalik sa akin at isa pa, kiss lang
naman ang sa kaniya. Ikaw nga--" Sinadya
pa talaga nitong ibitin ang sasabihin.
"Ituloy mo ang sasabihin at tatakas ulit kami
ni Bhabz!" pagbabanta ni Anndy.
"Hindi kayo makakatakas, Anndy.
Nagsasayang ka lang ng oras," wika ni Zero.
"Pakawalan mo na ako. Baka magising si
Tiyo Pablo!" dilat ang mga matang sabi ni
Anndy.
"Bakit? Natatakot kang mahuli niya tayo?"
nakangising tanong ni Zero, "wala namang
masama sa ginagawa natin. Normal lang 'to
sa mag-asawa."
"Hindi nga tayo mag-asawa sa totoong
buhay! Bitiw na!" naiinis na sabi ni Anndy
sabay tulak sa binata palayo sa kaniya.
Binitiwan na siya ni Zero at sumeryoso ang
mukha, "Magbihis ka na, pupunta tayo sa
bayan. Isasama na kita para matapos na ang
pagdududa mo."
"Umalis kang mag-isa mo!"
"Magbihis ka na, Anndy, o ako ang
magbibihis sa 'yo?" ani Zero kaya padabog
na tinalikuran siya ni Anndy.
----------------
Ang dami ng tao sa bayan pero hindi siya
umaalis sa tabi ni Zero.
"Ano ang bibilhin natin?" tanong ni Anndy.
"Ano ba ang gusto mo? Pancit o
spaghettti?" tanong ni Zero na nagbabayad
sa binilhan ng apple at ponkan.
"Magluluto ka? Gusto ko ng spaghetti,"
sagot ng dalaga.
"Okay," sagot ni Zero.
"Anong mayroon? Birthday mo?"
nagtatakang tanong ni Anndy.
"New year," sagot ni Zero kaya natigilan si
Anndy. New year na ba ngayon? Sa dami ng
mga pangyayari sa buhay niya, pati petsa,
hindi na niya naalala. Nagdaan na pala ang
Christmas? Malungkot na napayuko siya
habang nakabuntot kay Zero. Naalala pa
kaya siya ng pamilya? Ito ang unang
Christmas at New year na hindi niya kasama
ang mga magulang at quadruplets na
kapatid.
"Hello, Princess!" nakangiting bati ni Jason
kasama si Laurence.
"Hello," nakangiting bati ni Anndy.
"Ano ang handa ninyo mamayang gabi? Sa
bahay na kayo mag-new year," sabi ni
Laurence.
"Sa bahay na," sabat ni Zero.
"'Tol, ano? Napag-isipan mo na ang offer ni
Ligaya?" tanong ni Jason kaya tumingala si
Anndy kay Zero.
"Okay na," sagot ni Zero na mukhang
umiiwas sa usapan, "mauna na kami, malayo
pa ang biyahe."
"Sige, ingat. Kita na lang tayo next week,"
paalam ni Jason at umalis na kasama si
Laurence.
"Ano ang tinutukoy niya? Ano ang offer ni
Ligaya?" tanong ni Anndy. Ibig sabihin, nag-
usap nga sila ni Ligaya noong isang araw.
"Sa bahay na nating pag-usapan," walang
ganang sagot ni Zero at hinila na siya
patungo sa motor na akupahin pauwi dahil
puno na ang jeep.
Naglalakad na sila pauwi nang naisipan ni
Anndy na muling tanungin si Zero tungkol sa
offer ni Ligaya.
"Magtatrabaho na ako next week sa
resthouse nila," sagot ni Zero, "magpapatayo
sila ng cottage para sa mga turistang
gustong manatili sa resort."
"Bakit ka magtatrabaho sa kaniya? Wala ka
na bang pera?" usisa ni Anndy habang bitbit
ang isang supot ng damit.
"Kailangan pa rin nating ng pera dahil
palabas lang ang pera natin," sagot ni Zero.
"Pero--"
"Huwag ka nang maging isip bata, Anndy.
Hindi parang kabute ang pera na bigla na
lang susulpot sa bakuran natin
kinaumagahan," sabi ni Zero.
"Marami namang puwedeng pagtrabahuhan!
Bakit sa kanila pa? Bakit kay Ligaya pa?"
Binilisan ni Anndy ang paglalakad nang
marinig ang iyak ng biik niya. Alas una na ng
hapon. Baka hindi pa ito pinakain ni Tiyo
Pablo.
"Ang dumi ng isip mo!" ani Zero.
"May relasyon kayo kaya--"
"Does it matter?" tanong ni Zero kaya
napatigil si Anndy. "Bilisan mo na ang
paglalakad, Anndy. Kanina ka pa hinihintay
ng alaga mo."
Sa sobrang inis, nilakihan ni Anndy ang mga
hakbang. Para na rin nitong kinumpirma na
may namamagitan nga sa kanila ni Ligaya.
Pagdating, agad na nagpakulo si Zero ng
tubig para lutuin ang 1/4kilo na spaghetti
habang si Tiyo Pablo niya at si Anndy ay
kumatay ng dalawang manok.
Pagsapit ng takip-silim, uminom ang
dalawang lalaki ng alak na dinala ni Pablo
habang si Anndy ay nakaupo sa tabi ng biik
at pinapatay ang mga lamok na kumakagat
sa alaga.
Nang magdilim na, pumasok silang tatlo. Si
Anndy ay kumakain ng spaghetti habang ang
dalawa ay ipinagpatuloy ang inuman.
Nang mabusog ay nagpaalam na si Anndy na
matulog. Umakyat siya sa hagdan at inayos
ang higaan at kulambo. Bahala na si Zero ng
sa kaniya mamaya.
Naririnig niya ang pag-uusap ng dalaga pero
wala siyang panahon para umawain ang
usapan nila. Pinahidan niya ang mga luha.
Kahit na paputok, wala siyang naririnig.
Hindi kagaya noon, ang daming fireworks sa
bahay nila na binili pa ng ama sa ibang
bansa.
"K umusta na kaya ang Christmas at New
Year nila?" bulong ni Anndy at niyakap ang
unan. Samantalang dito sa probinsya,
walang putukan. Mayroon man siguro pero
nasa bayan na dahil may nakita siya kaninang
mga paputok sa palengke.
Nakatulugan na niya ang ganoong pag-iisip.
Naalimpungatan si Anndy nang gumalaw ang
sahig na hinihigaan niya. Nahiga si Zero sa
tabi niya pero hindi siya kumilos.
Nakatalikod siya rito. Naririnig na niya ang
malakas na paghilik ni Tiyo Pablo sa baba.
Kahit nakatalikod, naaamoy niya ang alak sa
hininga ni Zero.
"Anndy?" bulong ni Zero at niyakap siya
mula sa likuran.
"Matulog ka na," sabi niya pero napalunok
ng laway nang maramdaman ang mainit na
mga labi ni Zero na dumampi sa batok niya.
"Isasama kita sa bayan," sabi ni Zero at
isiniksik ang mukha sa likod ni Anndy.
"Istorbo lang ako sa inyo ni Ligaya mo!"
madiing bulong ni Anndy dahil baka
magising si Tiyo Pablo. Naramdaman niya
ang pagpasok ng kamay ni Zero sa ilalim ng
blusa niya.
"Zero, ano ba!" saway niya at hinihila ang
kamay nito pero napasinghap siya nang
pisilin nito ang kaliwang dibdib niya.
"Anndy? Sex tayo," bulong ni Zero kaya
nanlaki ang mga mata ng dalaga. Agad na
tumayo ang balahibo niya sa sinabi no Zero.
"T-Tumigil ka--Z-Zero!"
Pumatong si Zero sa kaniya at hinihila ang
shorts niya pababa.
"Just one round, baby A," bulong ng binata.
Tinawag na naman siya nitong baby. Lasing
na nga si Zero.
"M-Magigising si Tiyo Pablo," nag-aalalang
bulong ni Anndy. Kurtina lang ang
nakaharang. Paano kapag magising ito at
maisipang umakyat? Isa pa, maingay ang
kawayang sahig kapag gumalaw si Zero.
"Tulog siya, hindi na 'yan magigising sa
kalasingan," bulong ni Zero nang tuluyan
nang mababa ang shorts ni Anndy at sa
kaniya.
"Z-Ze--ouch!" reklamo niya nang pinasok
nito ang pagkalalaki sa kaniya. Siyempre
nasasaktan pa rin siya kahit na pangalawang
beses na nila ito. Ang laki kasi ni Zero kaya
masakit talaga.
"Shit! Ang s-sarap," sabi ni Zero at dahan-
dahang gumalaw. Ayaw niyang magmadali.
Gusto niyang i-enjoy ang bawat pagpasok sa
mainit na katawan ni Anndy. Yumukod siya
at itinaas ang blusa ng dalaga saka pinapak
ang malambot na dibdib ng dalaga.
"Oooh... Z-Zero, maingay ang sahig,"
bulong ni Anndy nang nagsimula nang
bumangon ang kiliti sa kaniya dulot ng
ginagawa ni Zero.
"Hayaan mo, hindi siya magigising," ani Zero
sa pagitan ng dalawang dibdib ni Anndy.
Itinaas niya ang kanang paa ng dalaga at
inilagay sa balikat niya. Mahirap nga. Kung
kama lang sana ang higaan nila, magagawa
niya ang lahat ng gusto sa dalaga.
Walang nagawa ang dalaga kundi hayaan si
Zero sa ginagawa nito. Nagustuhan naman
niya sa tuwing manggigigil ito sa kaniya
hanggang sa tuluyan nang nawala ang
balakid sa isip niya. Habang pabilis nang
pabilis si Zero, tumutunog naman ang
paghihilik ni Tiyo Pablo. Huwag lang
talagang masira ang buong bahay sa lakas
ng puwersa ni Zero.

BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
AcciónKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?