45

3.4K 128 2
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

Chapter 45 (Mastermind)
by: sha_sha0808

Unedited...
Iyak nang iyak si Anndy nang magising
habang sapo ang tiyan niya.
"T-Tahan na, magiging okay rin ang lahat,
Baby," umiiyak na sabi ni Ann at niyakap si
Anndy. Galit pa ang limang lalaki ng pamilya
nila kaya wala siyang magagawa. Kanina,
sobrang naaawa siya kay Zero pero
natatakot siyang lumapit dahil baka
matamaan siya ng bala o espada kaya si
Anndy na lang muna ang inuna niya.
"M-Mommy? Mahal na mahal ko po si Zero,"
humihikbing sabi ni Anndy at pinahidan
muna ang mga luha.
"Taha na, kumain ka na muna para sa baby
mo," malumanay na sabi ni Ann at hinalikan
sa noo ang bunsong anak.
"S-Si Zero, parang awa mo na, h-huwag mo
siyang hayaang patayin nina Daddy at Lola,"
pakiusap ng dalaga. Ang huling narinig niya
ay dalhin nila ito sa Tagaytay.
"K-Kakausapin ko ang daddy mo. Susubukan
ko mamaya pero kumain ka na para may l-
lakas kayo ni Baby," pakiusap ni Ann at
sinubuan ang anak. Kahit na walang gana,
sinikap ni Anndy na kumain alang-alang sa
sanggol na nasa sinapupunan niya.
"Mom? Puwede mo bang a-alamin ang
kalagayan ni Z-Zero? Please naman oh,"
nanghihinang pakiusap ni Anndy.
"Okay," sagot ni Ann saka iniligpit ang
pinagkainan ni Anndy.
"Magpahinga ka muna," ani Ann saka
lumabas na. Napatingin si Anndy sa
wallclock. Alas otso na pala ng gabi. Hindi
niya alam kung ilang oras na siyang
nakatulog pero nang magising siya kanina,
may doctor na tumitingin sa kaniya. Nang
kumalma siya ay sala lang lumabas ang mga
ito.
Nakaupo lang siya sa kama at nakatitig sa
kawalan. Bakit ba hindi siya maintindihan ng
mga ito na nagmamahalan sila?
"Kung mahanap lang sana ni Zero ang
mastermind ng lahat ng ito," malungkot na
bulong niya. Wala na si Zero. Nahuli nila ang
lalaking nagbabantay ng kaligtasan nilang
mag-ina. Kapag kasi mahanap nila ang
taong galit sa mga Lacson na dumukot kay
Zero, haharapin naman nito ang mga
magulang niya.
Tumayo siya at nanghihinang lumapit sa
bintana. Hinawi niya ang kurtina, madilim na
sa labas na ang poste lang ang nagsisilbing
ilaw dahil nakatago ang buwan sa makapal
na ulap.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kama pero
nasagi ng mga mata niya ang kumikinang na
sapatos. Lumapit soya sa shoerack at kinuha
ang kanang sapatos saka bumalik sa kama.
Nakatitig lang siya sa mamahaling sapatos
na napapalibutan ng maliliit na puting
diyamante at sa harapan nito ay isang black
diamond na hugis puso na kasing laki ng
limang piso.
Pinindot niya ang isang diyamanteng nasa
apakan nito. Napangiti siya nang mas lalong
kuminang ang mga diyamante. Sayang, hindi
niya ito nagamit noong 13th birthday niya.
Tumayo siya at kinuha ang isang kapares ng
sapatos na nasa ibabaw ng drawer tapos
muling bumalik sa kama.
"He saved my life," bulong ni Anndy. Naalala
niya ang sabi ni Zero na may bomba ang
sapatos niya kaya ninakaw nito para
mailigtas siya.
Pinabaliktad niya ang kaliwang sapatos.
Putol na ang pula at blue na wire nito na
sabi ni Zero, nakakonekta sa tiny bomb.
Wala na rin ang black diamond na hugis
puso kaya malamang, nandoon ang tiny
bomb o ito mismo.
Kinuha niya ang kanang sapatos at binuksan
sa takong nito. Kagaya ng pares nito, may
pula at blue wire din ito.
Napaisip si Anndy habang pinagmamasdan
lang ang sapatos. Ang isa ay mas
kumikinang ang mga diyamante at ang isa ay
sakto lang dahil naputol ang wires.
"Ano ho 'yan?" tanong ng batang si Anndy
habang nakaupo sa tabi ng Lola Patch niya.
"Regalo ko sa 'yo," nakangiting sagot ni
Patch.
"Talaga ho? Ang ganda!" puri ni Anndy sa
sapatos na medyo malaki pa sa mga paa
niya.
"Really? Saka mo na lang isuot kapag kasya
na sa 'yo. Maybe sa 13th birthday mo," sabi
ni Patch at sinuklay ang buhok ng apo.
"Lola? Kapag mag teenager na ako,
mahahanap ko na po ba ang prince charming
ko?" inosenteng tanong ni Anndy. Mahilig
sila ni Christine sa fairytales lalo na sa
barbie.
"Ang aga mo namang maglandi?"
natatawang tanong ni Patch sa apo na alam
niyang marami ang manliligaw kapag tuluyan
nang mahubog ang katawan.
"Basta lola, kapag 13th birthday ko na,
gusto ko po parang isang fairytale ang
tema. Gusto ko parang nasa isang palasyo
ako tapos ang ganda-ganda ko po," tila
nananaginip na sabi ni Anndy. Alam niyang
matutupad iyon dahil mayaman sila.
"Oo naman, maganda ka talaga dahil dyosa
ang lola!" pagmamayabang ni Patch.
"Lola? Gusto ko po ng mayamang prinsipe.
Iyong siya ang pinakamayamang lalaki sa
buong mundo. Iyong maraming jewelries
tapos mabibili ko ang lahat ng gusto ko.
Basta titira kami sa castle at lahat ng gusto
ko ay ibibigay niya," tumutulis ang ngusong
pagkukuwento ni Anndy kaya natatawa na
lang si Patch.
"I want to be the most beautiful princess in
the world! Gusto ko ako ang pinaka-rich.
Magpapakasal ako sa guwapo at mayaman
kong prinsipe!"
"You know what?" sabi ni Patch na tila
nagkukuwento lang sa apo, "Alam mo bang
ang pinakamalungkot na prinsesa ay iyong
ipinanganak na mayaman?"
"No, Lola," pagtutol ni Anndy, "Kapag
mayaman ka, lahat nagagawa mo na. Lahat
meron ka. Kaya mo nang mamuno ng
palasyo."
"How can you rule a palace if hindi mo alam
ang hinaing ng bawat nasasakupan mo?"
tanong ni Patch.
"Walang silbi ang malaking palasyo,
mamahaling gamit at masasarap na pagkain
kung hindi mo kasama ang tunay na
nilalaman ng puso mo. Ang prinsipe mo,"
wika ni Patch at sinuklay ang malambot na
buhok ni Anndy gamit ang mga daliri.
"P-Pero gusto ko pa rin po ng mayamang
prinsipe," malungkot na sagot ni Anndy,
"Iyong kayang ibigay ang mga gusto ko."
"Never marry a lazy lion. Find a cat who’s
willing to fight the lion, in order for you to
be a queen of the jungle," makahulugang
bilin ni Patch.
"Ang layo pa po ng birthday ko," nalalabing
sabi ng walong taong gulang na si Anndy
kaya ngumiti si Patch.
"Kaya nga inuna ko na ang gift ko sa 'yo kasi
baka hindi an ako aabot."
"Aalis ka po, Lola?" inosenteng tanong ni
Anndy pero ngumiti lang si Patch at inabot
ang lampshade saka pinatay. Namangha si
Anndy nang biglang kuminang ang mga
diyamanteng nasa sapatos. Muling binuksan
ni Patch ang lampshade.
"Ingatan mo ang sapatos na ito. Ako mismo
ang nagdisenyo at naglagay ng mga
diyamante nito," bilin niya kaya napatingin si
Anndy sa matanda. Tumaas ang kilay ni
Patch.
"Huwag na huwag mong galawin ang lahat
ng nasa sapatos na ito, maliwanag?"
"P-Paano po kung masira ko siya at hindi
maisuot sa kaarawan ko?" tanong ni Anndy.
Matagal pa naman siya mag-13.
"Then, hinding-hindi mo na makilala ang
prinsipe mo," makahulugang sagot ni Patch.
Napalunok ng laway si Anndy at nanayo ang
balahibo nang maalala ang usapan nila ng
Lola Patch niya. Biglang namatay ang ilaw sa
silid niya kaya nagliwanag ang mga
diyamante sa kanang sapatos.
"Real diamond shines in the middle of the
darkness, " parang may bumulong sa tainga
niya. Iyan ang palaging ibinibilin ng Lola
niya noon. Nang bumalik ang ilaw, pinahidan
niya ang luhang hindi niya namalayang
tumutulo na pala.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon