Kinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
. Ang Kidnapper kong Gwapo
Chapter 27 (buhos ng ulan) by: sha_sha0808
Unedited.... "Anndy? Ano ba ang problema mo?" galit na tanong ni Zero nang mabasag ang baso nila, "Tatlo na nga lang ang baso natin, binasag mo pa ang isa!" "Dalawa lang tayo kaya huwag kang maglagay ng reserba!" Lumalaki na ang butas ng ilong ni Anndy. Ilang buwan na sila rito sa resort pero wala pa ring pagbabago. Patapos na sina Zero sa ginagawa pero si Ligaya, mukhang hindi pa tapos sa kanila. Last week, umuwi sila sa bahay at iniwan lang siya ni Zero kay Tiyo Pablo dahil lumuwas ito sa Maynila ng apat na araw. Pagbalik ay kaagad naman silang bumalik dito. "Paano kung may bisita tayo?" tanong ni Zero. "Ayaw ko ng bisita!" galit na sabi ni Anndy at pinulot ang basag na baso pero agad na napatayo dahil sa tumutulong dugo. "Dahan-dahan ka nga! Kita mong basag, damputin mo pa! Nasugatan ka tuloy!" salubong ang kilay na saway ng binata. Mukhang malaki yata ang hiwa sa kanang hinlalaki nito. "Pakialam mo? Matagal na akong sugatan!" singhal ni Anndy at lumabas para hugasan ang sugat. Anniversary ngayon ng pag- kidnap ni Zero sa kaniya. Ibig sabihin, isang tao na siyang nagdurusa. Isang taon na kasama niya ang walang hiyang mamamatay- tao na ito. "Aalis na ako," paalam ni Zero nang lumabas sa pinto. "Kaasar ka!" pahabol ni Anndy. Nang pumasok siya, wala na ang nabasag niya. Nasa plastic sa loob ng basurahan. Naghanap siya ng bandaid at tinakpan ang may kalakihang na sugat. Pumunta siya kina Aleng Marimar para bigyan si Bhabz ng pagkain at linisin na rin ang kulungan nito. "Ang laki na ng tiyan niya," sabi ni Aleng Maria. "Opo, kapag manganak siya, bibigyan po kita kapag kambal ang anak niya," sagot ni Anndy. "Mukhang marami naman yata ang anak niyan. Baka walo. Masuwerte ka na kapag makasampu o labindawa," nakangiting sabi ni Aleng Marimar. Buntis na ang alaga ni Anndy. Nagbayad pa sila ng isang libo sa lalaking makapareha ni Bhabz. "Talaga po?" manghang tanong ni Anndy. Ngumiti si Marimar. Lahat na lang ba, minamanghaan nito? Para itong hindi pinapalabas ng bahay kaya walang kaalam- alam. "Oo. Teka lang, hindi ka pa ba buntis?" usisa ni Marimar kaya natigilan si Anndy. "H-Hindi po," sagot niya. Mula nang pumunta sila rito, wala nang nangyari sa kanila ni Zero. Ne hindi nga sila magkatabi sa pagtulog. "Sayang. Panigurado, magaganda at ang gaguwapo ng magiging mga anak ninyo," nanghihinayang na sabi ni Aleng Marimar, "Pero bata pa naman kayo. Marami pa ang panahon. Mag-ipon muna kayo para sa magiging kinabukasan ng mga anak ninyo." Ngumiti lang si Anndy. Taliwas ang sitwasyon nila ni Zero sa nakikita ng mga ito. Paano kung magkaroon sila ng anal ni Zero? Makukuha kaya nito ang mala- duwendeng tainga ni Zero? Magmumukhang engkanto rin kaya ito? Guwapo at magandang anak ng engkanto? "Uuwi na po ako, magluluto pa ako," paalam ng dalaga at hinimas ang ulo ni Bhabz bago umalis. Pagdating niya sa bahay ay nagluto siya. Galit siya kay Zero kaya hindi na niya ito hahatiran. Puso ng saging na may saluyot at sitaw ang ulam niya. Nilagyan din niya ito ng bangus na inihaw nila kagabi para pampalasa. Marunong na siyang magluto. Basta ilagay ang bawang, kamatis o ano pa riyan tapos kapag kumulo na, ilagay na ang pangunahing sangkap hanggang sa maluto. Pero mauna raw ang matigas at mahuli raw ang dahon ng kamote, sili atbp. Ganoon lang naman sabi ni Zero kapag tinola. Noong una, maalat pa ang timpla niya pero sa araw-araw niya itong ginagawa, nakuha na niya ang tamang lasa. Natulog siya. Pasado alas kuwatro na nang magising siya kaya nagsaing siya at pinainit lang ang tinola kanina. Alas sais na ay wala pa si Zero kaya kumain na siya. Bakit kaya? Ngayon lang ito na-late ng uwi. Alas singko ang uwian nila kaya bago mag-alas sais ay nandito na ang mokong. Napatingin siya sa alarm clock na nasa ibabaw ng mesa. Alas sais na kinse na pero wala pa ito kaya tumayo na siya at lumabas. Madilim na ang paligid dahil sa makapal at maitim na ulap. Nagbabadyang uulan ang kalangitan kaya tumakbo siya patungo sa tinatrabahuhan ni Zero. Tahimik ang lugar at wala nang tao. Wala rin si Zero. "Nasaan ka na, Zero?" bulong niya at iginala ang mga mata. Tapos na ang ibang cottage. Ang tagal matapos dahil pati landscape, sina Zero pa ang gumagawa. Ang mga materyales at cemento ay matagal pang dumadating mula sa Maynila na dinadala ng barge maya paputol-putol ang paggawa. Madilim na rito pero nakakaaninag pa naman siya dahil sa ilaw na mula sa poste ng resort nina Ligaya. Naramdaman niya ang pagpatak ng ilang butil ng ulan sa kaniyang balat kaya mabilis na hinanap niya si Zero. "Kung mahal mo ako, kiss me!" narinig ni Anndy na sabi ng boses babae. Kilala niya ito dahil biglang kumulo ang dugo niya at uminit ang ulo. Napatigil siya sa nakita sa pinakadulong cottage. Si Ligaya na may kahalikan. Puno ng walang lamang bote ng alak ang mesa kaya napatutop siya sa bibig. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagpatak din ng kaniyang mga luha. "Z-Zero..." bulong ni Anndy at napahawak sa haligi ng cottage para kumuha ng suporta. Kitang-kita niya ang ginagawa ng dalawa kahit na medyo madilim kaya para na ring hinihiwa ang puso niya. Ang hapdi! Nakainom ang mga ito at ne hindi man lang siya napansin dahil sa labis na kalasingan. "M-Mahal kita, Z-Zero," umiiyak na wika ni Ligaya at niyakap ang lalaking kaharap kaya mabilis na tumalikod si Anndy at tumakbo. Nakita na niya at tanga pa siya kapag pakinggan pa niya. Double kill iyon sa puso niya. Nasasaktan siya. Ang sakit! Mas masakit pa nga ito sa mga sugat na natamo niya noong naghabulan sila ng mga kalaban ni Zero. "I h-hate you!" humihikbing sabi niya at binilisan ang pagtakbo. Tila nakiisa naman ang langit sa pighating nararamdaman niya. Tila yumanig ang mundo nang biglang kumulog ng malakas at kitang-kita niya kung paano gumuhit at humalik ang liwanag ng kidlat sa malawak na karagatan mula sa langit. "T-Tamaan mo na ako! K-Kidlatan mo na ako!" humihikbing pakiusap ni Anndy at napaluhod sa buhangin. Tutal, wala na rin namang silbi ang buhay niya. Isang taon na. Isang taong nakulong siya sa islang ito na kahit gustuhin man niya, hindi na siya makakatakas. Hindi na dahil hindi lang katawan ang nabihag nito kundi pati puso niya. "Mahal kita!" malakas na sigaw niya habang naglalakad pauwi na nakapaa. Wala na ang tsinelas niya. Napigtas nang tumakbo siya, "Mahal kita, Zero! Mahal na mahal na kita!" pag-amin niya. Kahit na sisigaw man siya, walang makakarinig sa kaniya. Sinipsip niya ang tubig sa bibig. Basang-basa na siya. Ngayon lang siya naligo sa ulan at aaminin niya, ito ang naging sandigan niya dahil wala naman siyang pamilya. Walang kaibigan at walang Zero na nagmamahal sa kaniya. Isa siyang iwanan. Isa siyang talunan. Isa siyang prinsesa na tinanggalan na nga ng palasyo, inagawan pa ng prinsipe. "B-Bakit? Bakit mo ako binihag tapos hindi mo naman pala a-ako kayang panindigan? Duwag ka! Wala kang bayag, Zero! Wala!" Hindi na niya kayang iwan si Zero dahil araw-araw, mas lalo na niya itong minamahal. Ang unfair lang. Siya na nga itong luhaan, siya pa ang talunan. Paano kung iiwan na siya ni Zero para kay Ligaya? Paano kung pakasalan nito si Ligaya? Paano na siya? "A-Ayaw ko na. Palagi mo na lang niya akong sinasaktan! P-Palagi na lang si Ligaya ang inuuna niya." Kahit na basang-basa na siya, pinahidan pa rin niya ang mga luhang humahalo sa patak ng ulan. Nadapa siya at napasubsob sa buhangin pero muli siyang bumangon at ipinagpatuloy ang paglalakad. May mga sugat na nga ang mga paa niya dahil sa durog na seashells na naaapakan pero manhid na siya. Nililinis naman ng ulan ang katawan niyang puno ng buhangin kaya nanghihinang ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Siguro nakahubad na ang dalawa at kung ano na ang ginagawa. "Taksil!" sigaw niya na para bang naririnig siya ng dalawa. Sana nga. Gusto niyang manumbat pero takot siyang sumbatan din ni Zero dahil wala naman siyang karapatan dito. Pekeng asawa lang siya. Malapit na siya sa cottage nila dahil naaaninag na niya ang ilaw. "Ouch!" daing niya nang makabunggo sa matigas na bagay. Pag-angat niya ng mukha, ang hindi maipintang mukha ni Zero ang sumalubong sa kaniya. Katulad niya, basa na rin ito kaya mas lalo siyang umiyak. "Saan ka galing?" galit na tanong ni Zero pero hindi sumasagot si Anndy. Kahit na umuulan, alam niyang umiiyak ito dahil sa pagyugyog ng balikat at pamumula ng mga mata, "Saan ka galing, Anndy!" "Sa tagpuan ninyo ng babae mo!" sigaw ni Anndy at itinulak si Zero. "H-Hinintay kita pero busy ka sa pakikipaghalikan kay Ligaya mo!" wika ni Anndy at pinagsusuntok si Zero. "K-Kaya pala hindi m-mo na ako ginagalaw kasi si Ligaya ang n-nagpapaligaya sa 'yo araw- araw? N-Niloloko mo na ako!" "Bakit kita lolokohin? Asawa ba kita? May tayo ba? Nagmamahalan ba tayo?" nanginginig ang katawan na tanong ni Zero. "Hindi tayo nagmamahalan dahil ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa!" sigaw ni Anndy kaya kita niya ang pagguhit ng pagkabila sa mukha ng binata. "Masaya ka na? Hindi lang pamilya ko ang s- sinasaktan mo k-kundi ako! Z-Zero? Ang sakit, sakit! A-Ang hapdi!' buong lakas niyang sinusuntok ang binata para kahit sa ganito, makaganti man lang siya. Matatag na nakatayo si Zero at hinahayaan lang siya. "P-Patayin mo na lang ako, Zero! P-Parang awa mo na. K-Kasi sa pinaggagawa mo, araw-araw mo akong sinasaksak ng buhay. A-Araw-araw kong nararamdaman ang kirot sa bawat pagtarak ng punyal sa dibdib ko, Zero," hinang-hina na sabi niya. "Kung hindi mo na kaya, malaya kang umalis sa islang ito, Anndy. Hindi kita pipigilan," mahina pero seryosong sagot ni Zero. "P-Para malaya na k-kayo ni Ligaya? B- Bakit mo siya hinahalikan? Ang s-sakit, Zero! Ang sakit na m-makitang may kahalikan kang iba habang pinagmamasadan kita! B-Bakit parang b-balewala lang sa 'yo ang lahat?" sumbat ni Anndy. "Saan ka ba kasi nanggaling at ganiyan na ang pinagsasabi mo?" napipikon na tanong ni Zero. "Saan ako galing? Itatanong mo pa? Paano mo ako makita kanina kung busy ka sa pakipaghalikan kay Ligaya?" buong lakas na sigaw ni Anndy kaya napanganga si Zero na halos hindi makapaniwala. "Sinaktan mo na ako. Nagtagumpay ka na, Zero! Mahal na kita!" umiiyak na sabi ni Anndy. Hinawakan ni Zero ang baba ni Anndy at itinaas ang mukha nito saka madiing hinalikan si Anndy sa mga labi. Halik na mas lalong pinatamis ng katas ng ulan at katas ng mga labi nila. Gustong itulak ni Anndy si Zero pero wala siyang lakas ng loob. Nanghihina ang mga tuhod niya. Pareho silang hinihingal nang magkahiwalay ang kanilang mga labi. "A-Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Kung saan-saan na ako nakarating para mahanap ka lang?" tanong ni Zero at napalunok ng laway. Mas lalo siyang nauhaw nang magkahiwalay ang mga labi nila ni Anndy. "M-Magkasama kayo ni Ligaya, naghahalikan kayo kanina," sagot ni Anndy. Ngayon lang niya napansin, ang bilis naman niyang tumakbo, pero bakit naunahan pa siya ni Zero. Nadapa lang naman siya a. "May hinalikan akong babae sa araw na ito pero ikaw lang!" sagot ni Zero, "Pakilagay ng selos mo sa tamang tao!" Hinila na niya si Anndy papasok sa cottage. Kanina pa niya hindi naiintindihan kung ba't nagdadrama na naman ang batang ito at kung bakit nito sinabing naghalikan sila ni Ligaya, e, kanina pa niya ito iniwan kay Laurence.