37

3.1K 114 4
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 37

Unedited...

"Lumabas ka na riyan!" naiinis na sabi ni
Anndy sa anak na nagtatago sa likod ng
mesa. Nagbibihis siya para sa birthday party
ng Mommy Ann at Tita Yna niya. Pasado
alas dos na ng hapon at marami-rami na
ang mga bisita sa baba.
"Huwag mong hintayin na lapitan pa kita!
Magbihis ka na!" sabi niya pero hindi pa rin
lumalabas ang anak kaya lumapit na siya sa
mesa.
"M-Mommy!" naiiyak na sabi ng tatlong
taong batang lalaki nang pingutin ng ina
ang kanang tainga nito.
"Sa susunod na magtago ka, siguraduhin
mong hindi lumalabas ang mahabang tainga
mo!" nakasimangot na sabi ni Anndy. Paano,
nagtatago nga ito pero ang kanang tainga,
nakalabas naman.
"A-Ang bad mo, Mommy!" naiiyak na sabi
ng anak at napahawak sa namumulang
tainga.
Napangiti si Anndy. Ang cute nito tingnan.
Parang nasa party lang at naka-costume ng
pang-duwende dahil sa damit na kulay
green.
"Baby? Sorry na. Nagmamadali lang kasi si
Mommy," paumanhin ni Anndy saka yumuko
at hinalikan sa pisngi ang anak.
"Ayaw kong bumaba," nagtatampong sabi ni
Dale.
"Baby D, kailangan mong magbihis kasi
birthday party ngayon nina Grandma?"
pakiusap niya. Tamad talaga 'to sa parties.
Kahit nga sariling party, hindi ini-enjoy.
"Basta, maraming candies?" tanong ni Dale
at umakyat sa malambot niyang kama saka
tumalon-talon.
"Yes, maraming candies," sagot ni Anndy.
May mga candies naman para sa mga bata.
Nakahanda na ang mommy nila para diyan
dahil sa makukulit na anak nina LL.
"Okay! I'm in!" sabi ni Dale na para bang
binata na saka tumalon-talon ulit sa kama.
Kinuha ni Anndy ang isusuot nito saka
inilapag sa kama.
"You know how to dress, right?" tanong
niya na naka-crossed arms habang
nakatingin sa anak.
Tumigil si Dale at dinampot ang damit.
"I-I'm a bigboy now," pagmamalaki nito at
hinubad ang damit.
"You wanna wear pampers?"
"No!" mabilis na sagot ng anak saka
pinanlakihan ng mga mata ang ina.
"Just kidding, Baby D."
"Mom? When will I see my daddy?"
inosenteng tanong ni Dale habang
nakatingala sa ina. Tapos na nitong paisuot
ang black tuxedo at pantalon na lang ang
hindi pa.
"Soon," mahinang sagot ni Anndy. Haggang
ngayon, hindi pa sila nagkikita ni Zero buhat
nang lisanin niya ang isla.
"Kumusta ka na kaya? May iba ka na bang
mahal?" pabulong na tanong niya saka
tinulungan na ang anak sa pagsuot ng
pantalon.
"Behave, okay? Huwag kang humiwalay kina
Kuya Gab mo, okay?" bilin niya na ang
tinutukoy ay ang kambal na anak nina LL at
GV.
"Okay, I like Kuya Luis and Kuya Gab," sagot
ni Dale kaya napangiti si Anndy.
"Really? Why?"
"''Cause they're cool!" sagot ng anak na
tumutulis pa ang mga nguso.
Kinuha ni Anndy ang suklay at sinuklay ang
medyo may kahabaang buhok ng anak na
lagpas hanggang tainga. Sinadya niyang
huwag pagupitan para matakpan ang tainga
nito.
"Mom? Bakit ayaw mong ipakita ang tainga
ko?" tanong ni Dale na inaayos ang buhok
para matakpan ng makapal na buhok ang
patulis na tainga.
"Because it is special," nakangiting sagot ni
Anndy, "Mas maganda kapag huwag nating
ipakita sa mga bisita."
"Okay," sagot ni Dale at kinuha ang baril-
barilan saka itinutok sa ina.
"Can I bring this?" tanong ni Dale at inipit sa
bewang ng pantalon ang maliit na laruang
baril.
"Okay," pagpayag ni Anndy at lumabas na.
Itim na bestida ang suot niya katerno ng
itim na sapatos saka itinali niya ang buhok.
Habang palabas ng elevator, may
kalalakihang napatingin sa kaniya kaya
napasimangot siya.
"Anndy?" nakangiting tawag ni Barbie
Shairra.
"Barbie!" nakangiting sabi niya at sinalubong
ang kaibigan na ngayon ay buntis na.
"Gosh, I missed you!" masayang sabi ni
Barbie saka niyakap si Anndy. Ang tagal na
nilang walang kontak sa isa't isa at wala na
siyang balita rito.
"Missed you too!" sabi ni Anndy at gumanti
sa yakap nito. Mabait si Barbie at
hinahangaan pa rin niya ito sa magandang
mukha. Isa pa, ang haba pa rin ng kulay mais
at maalon-alon na buhok nito na parang sa
barbie doll.
"Hey, guys!" tawag ni Christine habang
papalapit sa kanila. Kakapanganak lang nito
kaya medyo balot na balot pa ang katawan
sa long sleeved na damit.
"Mommy? Can I go there?" nakatingalang
tanong ni Dale habang hinihila ang damit ng
ina.
"Kyaaah. Ang cute niya. Kaninong anak?" tili
ni Barbie habang pinagmasdan ang cute na
batang lalaki na inosenteng nakatingala sa
kanilang tatlo.
"Anak ko," pag-amin ni Anndy. Wala nang
rason para i-deny niya ang anak. Tama na
ang pananahimik nila ni Dale sa ibang bansa
ng mahigit tatlong taon, "Baby? Huwag
kang lumayo, okay?" pagpayag niya kaya
mabilis na tumakbo ang anak palapit sa mga
pinsan. Ang daming bata. Sa anak pa lang
nina Sky, puno na ang children's playground
nila.
"M-May asawa ka na?" nagtatakang tanong
ni Barbie. Si Christine ay malungkot na
nakatingin kay Anndy. Alam na nito ang
lahat dahil kay Lee Patrick pero hindi pa niya
napakinggan ang side ng dalaga.
"Yes, that's why umalis ako ng bansa,"
maiksing sagot ni Anndy. Alam niyang
matanong si Barbie pero wala siyang balak
na magkuwento.
"Oh? Ang guwapo siguro niya dahil ang pogi
ng anak mo. Ipakilala mo naman kami ni
Tintin," puri ni Barbie Shairra.
"N-Nasa Japan pa siya," sagot ni Anndy at
nagkatitigan sila ni Christine.
"Ahm? Guys? Maupo muna tayo. Barbie?
Pag-usapan natin ang baby shower mo,"
pag-iiba ni Christine ng usapan.
"Sige. Excited na akong makita ang baby
ko!" tuwang-tuwa na pagpayag ni Barbie
saka pumunta sa bakanteng mesa kaya
medyo naging kalmado na si Anndy. Sana
lang ay walang ibang magtatanong sa kaniya
mamaya tungkol kay Dale.
Nag-uusap silang tatlo ng kung anu-ano
nang lumapit sina Ann at Yna sa kanila.
"Okay lang ba kayo rito?" tanong ni Yna.
"Opo, Tita," sagot ni Christine.
"Mabuti naman. Ang mga asawa ninyo,
bantayan ninyo lalo na si Lee Patrick," bilin
ni Ann kay Christine at napasulyap kay
Anndy. Alam niyang sa likod ng mga ngiti
ng anak, nalulumbay ito. Sa kanilang
pamilya, si Anndy lang ang walang asawa
"Opo," sagot ni Christine. Umalis na ang
dalawa. Nagpapasalamat na lang sila dahil
hindi twins, triplets o quadruplets ang mga
anak nila. Ang kukulit pa naman ng mga ito
"Guys, lipat daw tayo sa mahabang mesa,"
sabi ni Christine nang makitang sumenyas
ang Tita Kimberly nila na lumapit sa kanila
kaya tumayo silang tatlo at lumapit sa
pamilya.
"Hi, guys!" masiglang bati ni Jaffy nang
lumapit sa kanila kasama si John Matthew.
"Jaffy? Nasaan ang kakambal mo?" tanong ni
Lance Leonard.
"She's coming. Alam naman ninyong maarte
'yon," natatawang panuya ni Jaffy sa
kakambal at napasulyap sa dalawang taong
papalapit, "Oh, she's here."
"Good afternoon, guys!" nakangiting bati ni
Jaff habang naka-abre siete ang kanang
kamay sa braso ng matangkad na lalaki na
may mahabang buhok.
Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni
Anndy nang tumingala sa matangkad na
binata. Humaba lang ang buhok nito pero
hindi siya puwedeng magkamali.
"Zero," usal niya habang titig na titig sa
binatang kaharap.
"May we know kung sino ang kasama mo?"
tanong ni Jairah kay Jaff.
"Oh, I forgot. Guys, si Third, boyfriend ko,"
taas noong pagpakilala ni Jaff.
"Magandang hapon," nakangiting bati ni
Third sa mga kaharap.
Hindi inaalis ni Anndy ang mga mata sa
binata. Hindi siya puwedeng magkamali, si
Zero ang kaharap. Humaba ang buhok,
nakabihis ng maayos at mamahalin ang nasa
katawan pero si Baby Z pa rin niya ito. Pero
bakit? Bakit boyfriend na ito ni Jaff? Alam
ba nitong labis siyang nangulila sa mga
yakap nito?
Hinila ng binata ang silya at pinaupo si Jaff
saka naupo naman ito sa tabi ng dalaga
kaharap si Anndy.
"Third? Sounds familiar," tanong ni Jairah.
"He's a surgeon," sagot ni Jaff kaya
napakunot ang noo ni Anndy. Paano
nangyari?
"Kumusta na ang sugat mo? Nakuha mo ba
ang bala? Hindi ka ba mauubusan ng
dugo?" tanong niya kahit na kinakabahan
siya. Para siyang nagnakaw ng pandesal sa
panaderya at bago nakatakas ay dumating
ang may-ari kaya heto, nakikipag-usap
muna siya bago humanap ng tiyempong
makaiskapo.
"Natanggal ko na ang bala, tinahe ko na
rin," sagot nito. May absorbable suture sa
kit kanina kaya ito ang ginamit niya para
tumigil ang pagdurugo.
"M-Marunong kang mag-suture?"
"May konting kaalaman," sagot ng binata.
"Nag-aral ka ba?" Napansin niya ang halos
kumpletong medicine kit kanina.
"Hindi," sagot ng binata.
Napayuko si Anndy sa naalala. Marunong si
Zero magtahi ng sugat at sa mga halamang
gamot kaya alam niyang ang Zero niya ang
kaharap. Doctor ba talaga ito? Pero bakit
hindi nito tinanggal ang bala sa balikat niya?
Bakit hindi siya nito iniligtas?
"Anndy?" nagtatakang tanong ni Lee Patrick
nang biglang tumayo siya. Lumikha ng ingay
ang silya niya kaya napatingin ang pamilya
sa kaniya.
"I need to go to powder room," nakangiting
paalam niya saka tinalikuran ang mga ito at
mabilis na pumunta sa powder room.
Pagpasok niya, saka lang niya inilabas ang
kanina pang pinipigilang mga luha. Iyak lang
siya nang iyak. May mga kumakatok pero
hindi niya pinagbuksan. Nangako si Zero na
babalikan siya pero bakit hindi siya nito
hinintay? Bakit siya nito ipinagpalit sa iba?
"A-Alam kong may rason ka," luhaang sabi
ni Anndy habang nakatitig sa salamin. Sira
na ang makeup niya kaya naghilamos siya at
pinahidan ang mukha at binura ang lahat ng
makeup. Inayos niya ang sarili bago
lumabas.
Lumapit siya sa mesa. Nandoon pa rin si
Zero pero nakikipag-usap kay Jaff habang
nakangiti.
Naupo si Anndy at kunwari ay wala si Zero
sa harapan niya. Basta si Zero ito. Kahit na
mahaba ang buhok, bumubukol pa rin ang
matulis na tainga nito.
"Mommy!" tawag ni Dale habang patakbong
palapit sa kanila.
"Kaninong anak ang cute na batang 'yan?"
tanong ng pinsang si Keana.
"Anak ko po," sagot ni Anndy at binuhat si
Dale para maupo sa kandungan niya kaharap
sina Zero.
"May anak ka na? Kaya pala tumungo ka sa
Japan!" nakasimangot na sabi ni Keana.
Pinsang buo niya sa ina si Anndy pero hindi
niya alam ang nangyari dito.
"Oo," sagot ni Anndy habang nakatitig sa
mukha ni Zero na naka-focus sa pagkain.
"Ang pogi," puri ni Keana.
"Salamat, kamukha ng ama," sagot ni Anndy.
Lahat sila ay napatingin kay Dylan nang
tumayo ito at walang pasabing iniwan sila.
"Baby!" sabi ni Anndy nang pumadausdos si
Dale sa hita niya para pumasok sa ilalim ng
mesa.
"Dale? Labas ka riyan!" saway ni Anndy at
hinawi ang table cloth para makita ang anak
pero nasa kabilang side ng table na ito.
Napalunok siya nang makita ang dalawang
kamay na humila sa anak para hatakin ito
palabas.
"Got you!" nakangiting sabi ni Third habang
hawak si Dale at pinaupo ito sa lap niya.
"He likes you," nakangiting sabi ni Jaff
habang nakatingin kina Third at Dale kaya
napayuko si Anndy. Puwede ba? Puwede ba
niyang mayakap muli si Zero? Bakit hindi
siya nito hinintay?
"Baby D? Halika rito kay Mommy, baka
magalit si Tito Third mo," sabi ni Anndy kaya
bumaba ang bata at umikot patungo sa
kaniya.
"Pasensiya ka na, Third, na-miss lang kasi
niya ang ama niya," paumanhin ni Anndy at
nginitian ito.
"Okay lang," sagot ni Third at ipinagpatuloy
ang pagkain.
Napataas ang kaliwang kilay ni Anndy. Ayan
na, lumusot na ang matulis na dulo ng
kanang tainga nito sa manipis na buhok.
Magpalit man ito ng pangalan, hindi pa rin
nito mapapalitan ang duwendeng anyo.
Basta si Zero ang kaharap nila ng anak.
Tapos.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon