32

3.2K 104 2
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 32

Unedited...

"Baby Z? H-Hindi mo ba talaga mapatawad
sina Lola Patch? M-Malay mo, baka hindi
naman talaga sila ang nakita mo," malungkot
na tanong ni Anndy. Umaga na, pero pareho
pa silang tinatamad na bumangon. Sa
pamimilit niya, napaamin niya si Zero kung
bakit nito hinangad na makaganti sa pamilya
nila.
"M-Masakit ang mawalan ng mga magulang,
Anndy," mahinang sagot ni Zero at kinuha
ang sigarilyo sa tabi pero kaagad na inagaw
ni Anndy.
"Bawal ang panigarilyo kapag nasa paligid
ako!" wika ni Anndy na nakatunghay kay
Zero.
Dalawang taon na silang namumuhay rito sa
isla. Paminsan-minsan, umuuwi si Tiyo Pablo
pero mas madalas na nasa karagatan ito.
Ang alaga nila, tatlo na lang kasama si
Bhabz na buntis na naman. Dalawang beses
na itong nanganak kaya may naipon silang
pera. May trabaho naman si Zero sa bayan
kaya hindi nila ginagalaw ang pera.
"Pero ikaw, gusto mong mag-smoke?"
nakangiting sabi ni Zero at hinawi ang buhok
na tumatakip sa magandang mukha ni
Anndy.
"Kapag pinipilit mo ako," pilyang sagot ni
Anndy at niyakap ang binata.
"Minsan naman, nagkukusa ka," sabi ni Zero
at padapang pinahiga si Anndy sa hubad na
katawan niya.
"Kung kinakailangan lang naman," namumula
ang pinsging sagot ni Anndy kaya tumawa si
Zero.
Napatitig si Anndy sa binata. Gusto niya ang
halakhak nito. Natutuwa siya kapag totoo
ang mga ngiti nito. Minsan lang kasi itong
nakangiti. Madalas ay naiinis ang mukha
kapag may ginawa siyang hindi nito
magustuhan.
"Baby Z? Mahal mo ba ako?" tanong ni
Anndy at inihiga ang ulo sa dibdib ni Zero
para pakinggan at pakiramdaman ang
heartbeat nito.
"Araw-araw mo na lang akong tinatanong,"
sabi ni Zero at niyakap si Anndy saka
pinadausdos ang mga kamay pababa sa
bewang nito.
"Araw-araw ko kasing gustong marinig ang
sagot mo," sabi ni Anndy nang makaramdam
ng matigas na bagay sa pagitan ng mga hita
niya.
"Mahal kita, pero hindi ang buong pamilya
mo," bulong ni Zero at hinalikan si Anndy sa
leeg.
"Paano kung uuwi na ako?" tanong ni Anndy
na kahit siya, nasaktan sa naisip. Miss na
miss na niya ang buong pamilya pero bakit
ganito? Bakit pati puso niya, nabihag na ni
Zero. Ayaw na niyang lumabas sa
kinakasadlakan niya ngayon. Mas pipiliin pa
niyang makulong sa lugar na malayo sa
pamilya at walang teknolohiya basta si Zero
ang kasama.
"Desisyon mo na iyon, wala akong
magagawa," sagot ni Zero at diniinan ang
halik sa leeg ni Anndy.
"Z-Zero!"
Nanlaki ang mga mata ni Anndy nang
pumasok si Zero sa kaniya.
"Baby A? Ikaw ang magdala," malambing na
sabi ni Zero na nangungusap ang mga mata.
"Hmp! Pasalamat ka, mahal kita!" nakalabing
sabi ni Anndy at sinimulang gumiling sa
ibabaw ni Zero habang nakasuporta ang mga
kamay ng binata sa pang-upo niya.
"Aaah. M-Mahal nga lang ba? Hmmm?"
nang-aakit na saad ni Zero habang nakatitig
sa mukha ni Anndy. Thanks God at may araw
na kaya nakikita niya ang magandang mukha
ng babaeng nagpapaligaya sa katawan niya.
"G-Gusto ko rin, B-Baby Z..." ungol ni
Anndy at binilisan ang galaw nang maupo si
Zero at yumuko para angkinin ng mga labi
ang dibdib niya... "Oooh... Z-Zero..."
"I love you... Shit, f-faster Baby A." ungol ni
Zero at marahang kinagat ang kaliwang
dibdib nito habang ang isang malapad na
kamay ay naghihilod sa kanilang boob ni
Anndy.
"I l-love you-- hmmm. Z-Zero... Z-Zero...
Uhmmp!"
Tinakapan na ni Zero ang mga labi ni Anndy
para makapag-concentrate ito sa pag-drive
sa manibela niya hanggang sa pareho na
silang tumigil nang mapuno ng satisfaction
ang mga mata nila.
Bumangon si Zero at nagbihis dahil pupunta
pa siya sa trabaho para lumuha ng suweldo.
"Z-Zero? Babalik ka ba kaagad?" tanong ni
Anndy.
"Oo, ano ang gusto mong ipasalubong?"
tanong ni Zero at hinapit ito sa bewang.
"Kahit ano. Basta masarap," sagot ni Anndy
na nakatingala sa binata. Ang bango nito
kaya napalabi siya. Baka mamaya, magkita
na naman sila ni Ligaya.
"Ako? Masarap naman ako, 'di ba?"
nakangiting tanong ni Zero. Shit, bakit ba
kapag masabi na niya mapuna na ang corny
na pala niya? Si Anndy kasi. Ang daming
arte sa buhay.
"Kaya umuwi ka ng maaga para makain kita,"
pilyang sabi ni Anndy at idinikit ang maliit
na katawan kay Zero.
"Not now, Baby, aalis na ako," nahihirapang
paalam ni Zero at binigyan ng mahigpit na
yakap ang dalaga.
"Ingat ka," bilin ni Anndy.
"Baka gabihin ako. Alas singko pa ang sahod
kaya ikaw ang mag-ingat dito. Huwag mong
tanggalin ang baril sa katawan mo," bilin
niya sa dalaga kaya parang batang tumango
ito.
"Ingatan mo ang sarili mo, para sa akin,"
dagdag niya at mariing hinalikan si Anndy sa
mga labi.
Habang papalayo siya sa bahay, parang ang
bigat ng mga hakbang niya ngayon. Parang
may pumipigil sa kaniya na huwag nang
umalis. Lumingon siya kay Anndy na
nakangiti sa kaniya. Kahit siya, hindi rin niya
alam kung paano niya minahal ang isip-
batang ito. Basta nagising na lang siya na
nahulog na pala siya sa sariling patibong.
"Ingat, Zero! Hintayin kita!" narinig niyang
pahabol ni Anndy.
----------------
"Tol? Tapos na rin itong laboratoryo," sabi
ni Laurence. Kailangan niyang magpabango
sa ama ni Ligaya parq makuha ang loob ni
Mayor Romano.
"Oo nga! Makakauwi na ako sa amin!"
masayang pagsang-ayon ni Jason. Ang layo
ng bahay nila sa pook na ito. Nasa kabilang
bahagi na isla na hindi na dinarayo ng mga
tao dahil private property nina Mayor.
Nakikinig lang si Zero sa usapan ng dalawa
habang kumakain. May iilang trabahador na
hindi tagarito kaya sa mahigit na apat na
buwang pagtrabaho nila, nagmamanman siya
at kinakabisado ang bawat kilos at schedule
ng galaw ng mga karpentero.
Napatingin sila sa sampung lalaking
pumasok na pawang nakaitim na jacket.
Sigurado si Zero, kasama niya ang dalawa sa
pag-kidnap kay Anndy noon. Hindi lang siya
namumukhaan dahil kahit kailan, hindi niya
tinanggal ang takip sa mukha. At kung
matanggal man, ibang mukha ang makikita
nila. Iyong mukha ni Third na dumalo sa
13th birthday party ni Anndy noon.
"Sino si Zero?" maangas na tanong ng
pinakalider nila kaya napatingin ang mga
kababayan kay Zero.
"Ako," sagot ni Zero at tumayo.
"Pinapatawag ka ni Mayor!" taas noong wika
ng isang alam ni Zero na baril ang nakabukol
sa tagiliran nito.
Walang imik na naglakad palabas si Zero sa
silid na kung saan, kumakain silang lahat.
Kulay puti ang buong paligid na may tatlong
kuwarto sa baba at tatlo rin sa ikalawang
palapag. Ang sa itaas ay helipad na. Malaki
at malawak ang gusaling ito kung malinis na
ito at mailagay sa ayos ang lahat ng gamit.
Habang paakyat ng hagdan, nakikita niya sa
kanang sulok sa baba ang mga karton ng
lithium, hydrochloric and sulfuric acid,
acetone at lahat ng chemicals sa paggawa
ng methamphetamin o mas kilalang shabu.
Kahit nakakarton, naaamoy pa rin niya ang
tapang ng amoy ng chemicals na kakarating
lang kanina.
Nang usisain niya kahapon ang isang
kuwarto, nakita niya ang limang malalaking
hydrogenators kung saan hinahalo ang iba't
ibang sangkap ng shabu. Sa kabilang silid
naman ay dryers at malalaking ref para i-
crystalize ang ginawang shabu.
Generator ang magpapaandar ng lahat ng
kagamitan dito. Bigtime ang nagpatayo ng
ganitong laboratoryo sa bayan niya kaya
nanginginig ang kalamnan niya sa galit.
Paano ito nagawa ng mayor nila?
Pagpasok niya sa maliit na silid, pinaupo
siya ni Mayor.
"Ano ho ang kailangan ninyo?" tanong niya.
"Kilala mo si Baldo?" tanong ni Mayor.
"Opo," sagot ni Zero. Si Baldo ang dahilan
kung bakit pumayag siyang magtrabaho
rito. Nasa birthday party ito noon ni Ligaya
at pagpasok pa lang nito, namukhaan na
niya kaagad. Si Baldo ang makapagturo sa
kaniya kung saan ang lungga ng pinuno ng
nagpakidnap kay Anndy. Hindi niya akalaing
tagarito pala ito.
"Kilala na niya ang asawa mo, Zero,"
seryosong wika ni Romano kaya natigilan si
Zero.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari
dahil hindi ko pa nakikita ang asawa mo
pero mukhang may binabalak sila sa inyo,"
sabi ni Romano kaya agad na napatayo si
Zero.
"Uuwi na ako!"
"Mamaya pa ang sahod."
"Kunin ko na lang bukas sa 'yo! Kung ako sa
'yo, umalis ka na ngayon dito, Mayor,"
nagmamadaling sabi ni Zero at paglabas ay
kalmado pero malalaking hakbang ang
ginawa pababa. Kung puwede lang na liparin
niya pauwi, gagawin niya.
"Tol! Ano ang nangyayari?"
Napatingin siya sa canteen nang umingay
ang mga kasama kaya mabilis siyang
tumakbo papasok sa canteen.
Natigilan siya nang makitang nangingisay si
Jason sa sahig at namumula ang mga mata.
"Tol! Huwag ka namang magbiro ng
ganiyan!" wika ni Laurence na bahagyang
nakatawa pa nang gumulong-gulong si
Jason na naninigas ang buong katawan.
Tumayo si Jason at halos magkakabaliktad
na ang mga kamay nito habang nanlilisik ang
mga mata.
"Putsa! Pare, huwag ganiyang biro!" sigaw ni
Laurence. Palakad-lakad na nababali pa ang
mga kamay na parang zombie si Jason at
kung anu-ano ang pinagsasabi habang
sumisigaw kaya napalayo sila.
Lumapit ang isang pinakaleader ng pumasok
kaninang mga naka-jacket at tinutukan si
Jason ng hawak na baril pero kung anu-ano
ang kumpas na ginagawa ng mga kamay ni
Jason.
"Sir--" Laurence.
"Huwag kang lumapit!" mahinang pagpigil ni
Zero sa braso ni Laurence na tinitimpi lang
ang galit habang nanlulumo na nakatingin sa
kababata. Hindi niya alam na ganito pala
ang sasapitin ng kababata. Sa ipinapakita ni
Jason, malamang pinatira nila ito ng Flakka
drugs na mula pa sa ibang bansa. Ginawa
nilang eksperimento ang kaibigan niya na
parang hayop lang!
"Tirahin ko na?" nakangising tanong ng
lalaking may baril at tinutok ang dulo ng
baril sa noo ni Jason. Mahaba ang balbas
nito, maitim at malaki ang katawan, at maliit
lang nang kaunti kay Zero.
"H-Huwag! Parang awa n'yo na!" umiiyak na
pakiusap ni Laurence. Mula noon, si Jason na
ang palagi niyang kasama. Sa lahat ng
kalokohan niya. Kulang na nga lang na pati
isusubo nito, ipakain pa sa kaniya.
Bang!
Napanganga silang lahat lalo na si Laurence
nang tumalsik ang mainit na dugo ng
matalik na kaibigan sa pisngi niya.
Bumulagta si Jason at nangisay hanggang sa
nawalan nang buhay.
"Ano? May lalaban sa inyo?" matapang na
tanong ng lalaki kaya naninigas ang katawan
ng lahat. Nakatutok din ang baril ng apat na
kasamahan sa kanilang tagarito.
Naglakad palapit si Zero sa lalaki. Sa dinami-
rami, ang kaibigan pa niya ang pinaglaruan
nila.
"Gusto mong isunod kita sa kaniya?"
nanlilisik ang mga matang tanong ng lalaki
at itinutok ang baril sa ulo ni Zero.
"Hindi, uuwi na ako," walang kabuhay-buhay
na sagot ni Zero at ipinagpatuloy ang
paglalakad, "Pero bago iyon, 'yang hawak
mong baril, sa mga paa mo tatama, sa
dibdib at pang-finishing sa ulo mo!"
Tumawa ang lalaki.
"Nagpapatawa--"
Bang! Bang!
Boom!
"Subukan ninyong lumapit at itong
laboratoryo ang sasabog!" matapang na
pagbabanta ni Zero na may hawak na
control ng mga itinanim na bomba sa
palibot. Sa gate pa lang ang pinasabog niya.
"Lahat ng baril ninyo ay ilapag sa sahig!
Ngayon na!"
Napilitang inilapag ng mga ito ang baril sa
sahig.
"Ugh!" daing ng lalaking nakabulagta sa
sahig na napahawak sa dalawang binti na
parehong may tama ng baril.
Sa isang iglap lang, naagaw ni Zero sa kaniya
ang hawak na baril kanina.
Bang!
"Agh! T-Tama na!" umiiyak na pakiusap nito
nang barilin ni Zero ang dibdib niya.
Sumusuka na ito ng dugo.
"Bang!"
Lahat sila ay napatingin sa lalaking
bumulagta at dumanak sa sahig ang dugo
mula sa ulo.
"Sabi ko sa inyo, mabilis ang mga kamay
ko!" wika ni Zero matapos barilin sa ulo ang
lalaking bumunot ng isa pa nitong baril sa
bewang. Inutusan niya ang mga kababayang
itali ang mga dayuhang mukhang takas sa
bilangguan. Agad na sinunod naman ng mga
ito.
Tumingin si Zero sa lalaking bumaril kay
Jason, wala nang buhay. Yumuko siya at
nanggigigil na idiniin ang dulo ng baril sa
noo nito kaya napapikit ang mga kababayan
niya maliban kay Laurence.
"Para sa kababata kong ginawa ninyong
hayop!" bulong ni Zero at tinindakan ang
mukha ng lalaki.
Lumapit siya kay Laurence at ibinigay ang
baril sa kababata, "Patay na siya. Kung
barilin mo man siya, wala kang kasalanan!"
Matapang ang mga matang kinuha niya kay
Zero ang baril at idiniin ang dulo sa noo nito
saka kinalabit ang gatilyo.
Naglakad palabas si Zero pero huminto at
tumingin sa mga kababayang puno ng takot
at pangamba ang nakaukit sa mga mata.
Hindi sila sanay sa patayan. Oo nga't may
patayan din sa bayang ito pero hindi ganito
ka-grabe.
"Ang ginawa ninyong laboratoryo, hindi
pagawaan ng hospital equipment kundi
pagawaan ng illegal na droga na ibebenta sa
Maynila para masira ang kinabukasan ng
mga kabataan at mas lalong yayaman ang
mga pera ang sinasamba!" pagbibigay alam
ni Zero kaya napanganga ang mga kasama
nila. Buong akala nila, pagawaan ito ng mga
gamot para ibenta sa Maynila.
"Kinse minutos, papasabugin ko ang
laboratoryong ito, umalis na kayo!" sabi ni
Zero kaya nauna pang tumakbo ang mga
kababayan para isalba ang buhay.
"'Tol!" naluluhang tawag ni Laurence.
Ngumiti si Zero.
"Bantayan ninyo ang lahat ng port ng isla.
Gumawa kayo ng mga patibong sa dagat at
huwag magpapasok ng mga dayuhan."
"Zero? S-Si Jason, wala na siya,"
nanghihinang wika ni Laurence kaya
napaikuyom ni Zero ang kamao.
"Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay
niya!" madiing sabi ni Zero at napasulyap sa
mga dayuhang nakatali. Sigurado siyang
ilang tao na ang napatay ng mga ito at
patapon na ang mga buhay.
Nang medyo malayo na sila sa laboratoryo,
saka niya pinindot ang control kaya isang
napakamalakas na pagsabog ang narinig nila
at biglang yumanig ang lupa.
Malapit na sila ni Laurence sa bayan nang
napatingala si Zero sa kalangitan nang
makita ang mga ibong lumilipad mula sa
kagubatan na para bang may gumambala sa
tahimik na tirahan nila.
"Shit!" sambit ni Zero at lumitaw sa
pananaw ang mukha ni Anndy, "Laurence,
hiramin ko ang motor mo!"
Mukhang nakuha ng kaibigan ang ikinabahala
ni Zero kaya agad na itinigil nito ang
pagmaneho at bumaba.
"Maglalakad na lang ako," sabi ni Laurence.
Malapit na lang din siya sa bahay.
"Salamat!" pasalamat ni Zero at mabilis na
pinaharurot ang motor pauwi sa bahay nila
ni Anndy.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon