10

3.2K 127 5
                                    

Ang Kidnapper Kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Unedited...

"Dito lang kayo matulog, abutan kayo ng gabi kapag umuwi pa kayo," sabi ni
Laurence.
"Oo nga, 'tol. Hindi kaya mahirapan ang asawa mo? Medyo malayo pa ang lakarin ninyo mamaya," pagsang-ayon ni Jason namanghang nakatingin pa rin kay Anndy.

"Princess, dito na lang kayo matulog,
mahirap sa daan, maraming ahas,"
pangungumbinse ni Laurence.
Napatingala si Anndy kay Zero na hinihintay ang desisyon ng binata. Alam niya ang rason
ng pananahimik nito mula pa kanina, si Ligaya. Kaya pala ganoon na lang ang reaksiyon ni Ligaya nang makita si Zero, may relasyon pala ang dalawa.
"May tutulugan ba kami sa bahay ninyo?"
tanong ni Zero kay Laurence.
"Oo naman. Ang isang kuwarto, para sa mga bisita iyon," sagot ni Laurence, "payag na kayo? Marami pa ang palabas mamaya, tiyak
mag-ienjoy si Princess."
Medyo naasiwa si Anndy. Sa bahay nila. Princess din ang tawag ng mga lalaki tapos dito, princess pa rin.
"Sige," pagsang-ayon ni Zero. Napasulyap siAnndy kay Ligaya, biglang nagniningning
ang mga mata nito. Si Zero, wala lang.
"Mabuti naman at magdi-disco pa tayomamayang!" masayang sabi ng kaibigan niLigaya.

Tinatamad na silang maglaro sa perya kaya nag-ikot-ikot sila sa plaza at nanood ng palaro.

"Uy, may horse racing!" masayang sabi ni Liwayway na pinsan ni Ligaya kaya naupo sila sa ilalim ng anahaw para panoorin ang
karera.

"Ligaya, ang tagal na ni Laurence na
nanliligaw sa 'yo, wala ka bang balak na sagutin?" tanong ni Jason. Mula pa nang bata sila, masugid na manliligaw na nito si Laurence pero nang dumating si Zero, ito
ang sinagot ni Ligaya.
"Manood na lang tayo mg karera, kasali ang tatay ko!" pag-iiwas ni Ligaya.

"Nagugutom ka na?" tanong ni Zero kay Anndy na isa-isang binubunot ang damo sa inuupuan nito.
"Hindi pa," sagot ni Anndy.
"Laurence, pasyal muna kami ng asawa ko," paalam ni Zero.
"Ayaw ninyong manood?" tanong ni Ligaya na nakatingala kay Zero. Dati, siya ang kasama ng binata. Dati, kamay niya ang hinahawakan nito pero ngayon, ibang babae
na.

"Bibili lang kami ng damit ni Anndy para may pamalit siya mamaya," sagot ni Zero at hinila si Anndy palayo sa mga ito.
Tahimik na nagpahila si Anndy dahil alam niyang umiiwas lang ang binata kay Ligaya.

Sigurado naman siyang apektado ito sa nangyayari sa kanila.
Pumasok sila sa tindahan, palinga-linga si Anndy dahil sa dami ng tao sa paligid.

"Gusto mo ng bestida? Ibibili kita," tanong ni Zero.
Napatingin si Anndy sa mga damit na naka- hanger. Maninipis ang mga ito pero maganda naman ang tabas. Naalala niya si
Christine, mahilig din silang mag-experiment
ng mga damit noon at ipinapasuot sa
malaking barbie.

"Kumusta na kaya ang bestfriend ko? Sana okay lang siya," bulong ni Anndy sa sarili.
"May pera ka pa ba?" pabulong na tanong niya kay Zero.

"Pili ka lang, mayroon pa naman," sagot ng binata at kinuha ang tatlong tshirt.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon