46

4K 115 3
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 46

Unedited....

"M-Mommy? Si Zero?" umiiyak na tanong ni
Anndy. Tatlong araw nang wala siyang balita
sa kasintahan. Ne hindi naman siya
kinakausap ng daddy at mga kuya niya.
"Okay na raw siya sabi nina Tita Angel,"
bulong ni Ann. Nagliligpit na ng gamit ang
tatlo. Uuwi na raw sila kaya labis na nag-
aalala si Anndy. Uuwi na sila? Ibig sabihin,
tapos na ang mission nila? Si Zero? Paano
na? Ang dami niyang katanungan pero
walang makakasagot dahil wala namang
kumakausap sa kaniya.
"P-Pero baka--"
"Kumain ka muna, kakausapin ka nila
mamaya," sabi ni Ann at tumayo.
"Babantayan ko si Dale, day off ng yaya
niya. Basta kumain ka nang marami para
magkaroon kayo ng lakas ni Baby."
Nang makalabas na si Ann, tumayo si Anndy.
Wala siyang ganang kumain.
Muli siyang napasulyap sa sapatos.
"Paano nagkaroon ng bomba sa sapatos ko?
Kung si Lola ang gumawa, ibig sabihin, siya
rin ang naglagay ng bomba?" bulong na
naman niya. Pero hindi naman wire ng
bomba ang pinutol ni Zero. Wires lang iyon
para mas lalong kuminang ang diyamante sa
sapatos niya.
Isa pa, walang nakakaalam na may sapatos
siya maliban sa Lola Patch at Lolo Lee niya.
Huli na nga nang malaman nilang may
iniregalo pala ang lola niya noon.
May kumatok sa pinto kaya lumapit siya para
pagbuksan ang nasa labas.
"L-Lola," naiiyak na sabi niya nang
pagbuksan ang tatlong lola. Galit siya sa
mga ito kahit na tinuruan siya ng Lola Patch
nila na huwag magtanim ng sama ng loob
lalo na sa matatanda nila. Basta,
nagtatampo siya.
"Can we talk?" tanong ni Erin at nang hindi
makasagot si Anndy, pumasok na silang
tatlo at dumiretso sa kama.
"Ow? Kaninong sapatos ito?" tanong ni Lulu
nang makita ang sapatos ni Anndy, "From
your Lola Patch?"
Hindi na nila kailangang hulaan. Basta
diamonds ang pag-uusapan, ang Mommy
Patch kaagad ang pumapasok sa isip nila.
"Yes, gift niya para sa 13th birthday ko,"
sagot ni Anndy.
Nakatayo lang siya sa tatlong matandang
nakaupo sa kama niya.
"You want to tell us something?" tanong ni
Angel na nakatingin sa dalagang nasa
harapan niyang nanlalalim ang mga mata.
"Sabi ni Lola Patch, isusuot ko ang sapatos
na iyan sa 13th birthday ko, sa last dance
pero bago paman mag-umpisa ang last
dance, ninakaw na ang left shoe ko,"
pagkukuwento ni Anndy at nagsimula na
namang tumulo ang mga luha nang maalala
ang lalaking nagnakaw.
"Si Z-Zero... Ninakaw niya ang kaliwang
sapatos to save my life dahil may bomba.
See? He saved my life. H-Hindi po siya
masamang tao. For how many times,
iniligtas niya ako. K-Kung hindi niya ako
tinakas sa mga dumukot sa akin, na gang
rape na po sana ako," pangungumbinse niya.
This is her last chance to save his life. Totoo
naman. Hindi siya sinaktan ni Zero.
"Do you love him?" seryosong tanong ni
Erin at lumapit sa sapatos na tinutukoy ni
Anndy saka sinuri.
"Y-Yes, I love him. M-Mahal na mahal ko po
siya," sagot ni Anndy saka pinahidan ang
mga luha. Bahala na kung itakwil siya ng
mga ito, basta maipaglaban lang niya ang
pagmamahalan nila ni Zero.
"Walang bomba," wika ni Erin. "If si Mommy
ang gumawa ng sapatos na ito, bakit niya
ipapahamak ang apo niya?"
Ngumiti si Lulu, "Just a test kung gaano
kasama ang isang taong puno ng galit sa
puso dahil sa maling akala."
"W-Wala hong bomba?" nauutal na tanong
ni Anndy, "T-Tinanggal na po kasi ni Zero."
"Ba't naman ipapahamak ni Mommy ang apo
niya?" ani Angel. Kahit may plano ang ina
nila, iniisip pa rin nito ang isa pang desisyon
ng tao dahil puwede niyang ma-control ang
sitwasyon pero hindi ang karapatan at
desisyon ng ibang tao. What if mali ang
akala nito? E di patay si Anndy.
"Normal wire lang ito. Your dad can fix it
para maibalik sa ayos ang sapatos," ani Erin.
"P-Pero hindi ko maintindihan,"
naguhuluhang sabi ni Anndy, "May mga
taong gustong magpapatay sa atin kaya niya
hinasa si Zero."
"Si Lola Patch mo ang dumukot kay Zero,"
diretsahang wika ni Angel na ikinabigla ni
Anndy.
"P-Paano? B-Bakit?" nauutal na tanong ng
dalaga. Para siyang sinabugan ng grabada sa
ulo sa mga nalaman.
"Para gawing protector mo," sagot ni Angel,
"Alam ni Mommy na hindi na siya tatagal.
Nabalitaan na niyang may nabubuong grupo
na maghihiganti sa pamilya pero that time,
nanghihina na si Lolo Lee kaya hindi niya
kakayaning mag-isa. Ne hindi rin niya alam
kung aabot pa ba siya kaya naghanap siya
ng taong magbabantay sa 'yo dahil wala rin
kaming balak na manatili rito sa bansa.
Noong panahong iyon, iniligtas nila si Zero.
Bata pa ito kaya madali lang na manipulahin
at higit sa lahat, nakikita ni Mommy ang
galit sa mga mata ni Zero para sa kanila,"
salaysay ni Angel.
Hindi na nito mababago ang paniniwala ni
Zero sa mga Lacson kaya ayon na lang
siguro ang ginawa ni Patch. Si Anndy ang
naging pambayad nito sa hindi pagligtas sa
mga magulang ni Zero. Kung bakit? Hindi rin
nila masasagot. Si Patch lang ang
nakakaalam ng lahat pero wala na ito.
Nanghihinang napaupo si Anndy sa tabi ni
Lulu.
"Uuwi na kami, Anndy. Na-miss ko na ang
mga anak ko," paalam ni Erin.
"P-Pero si Zero ho? N-Nasaan na po ang
asawa ko?" Labis na nag-aalala siya para sa
binata.
"Nasa hospital siya, pinapagamot dahil sa
pambubugbog nila," sagot ni Erin kaya
napaluha si Anndy sa saya. Ibig sabihin,
buhay pa si Zero.
Tumayo na ang tatlo at lumabas sa kuwarto
ni Anndy.
Mabilis na lumabas si Anndy at bumaba sa
sala.
"Where do you think you're going?" tanong
ni John Matthew na nakaupo sa sala habang
nakapatong ang mga paa sa ibabaw ng
mesa.
"Pupuntahan ko po si Zero," sagot ni Anndy.
"Hindi ka aalis!" sagot ni Dylan na palapit sa
kanila kaya nanlumo si Anndy.
"K-Kailangan po ako ni Zero."
Ilang minutong hindi nagsasalita si Dylan.
Nakatitig lang sa bunsong anak na para
bang pinag-aaralan ang bawat galaw nito
kaya napayuko si Anndy.
"Magbibihis lang ako, sasamahan kita,"
mahinang sagot ni Dylan.
Naupo si Anndy sa harapan ni John Matthew
na salubong ang kilay habang nanonood ng
TV.
"Huwag kang magalit kay Ate Jaffy,
tinulungan lang niya kami," wika ni Anndy
pero hindi kumikibo ang kapatid.
"Kuya JM--"
"Huwag kang makialam sa amin, Anndy!"
seryosong sagot ni John Matthew, "Wala
kang alam!"
"Pero wala naman talagang kasalanan si Ate
Jaffy dahil tumulong lang siya," giit ni
Anndy.
"Kapag tumulong ka, dapat mo ring
isaalang-alang ang sitwasyon mo dahil baka
may isakripisyo ka!" makahulugang wika ni
JM saka tumayo at iniwan si Anndy.
Napabuntonghininga si Anndy. Magulo pa
ang isip niya. Basta ang mahalaga ay ligtas
si Baby Z niya. Ang Lola Patch pala niya ang
dumukot at nagtago kay Zero noon.
"Salamat po, Lola," nakangiting wika niya
saka napatingala sa malaking litrato ng Lola
Patch niya noong kabataan pa nito na
nakasabit sa dingding sa likod ng TV. Ang
ganda talaga nito lalo na noong kabataan pa
nito.
"Salamat dahil sa 'yo, nakilala ko si Zero.
Thank you for sending me my prince.
Nang lumabas ang ama niya sa elevator,
tumayo siya at sumunod dito.
Walang imik na sumakay siya sa frontseat sa
tabi ng ama. Napansin niyang nakasunod sa
kanila ang isang van ng bodyguards nila.
"Dad? I-I'm sorry, but I love him," hinging
paumanhin niya. "Alam ko pong pasaway
ako pero--"
"Tama na muna, Anndy," walang emosyong
sagot ng ama, "Magpapa-checkup tayo."
"Akala ko ho ba, pupuntahan natin si Zero?"
tanong ni Anndy saka napayuko.
"Pagkatapos mong magpa-check-up, kayo
na lang ng bodyguards ang pumunta sa
lalaking iyon. May pupuntahan pa ako," ani
Dylan at napahigpit ang pagkahawak sa
manibela. Baka mapatay pa niya si Zero
kapag makita niya. Hanggang ngayon,
masama pa rin ang loob niya sa paglayo nito
kay Anndy sa kanila. Napaliwanag na sa
kanila ng Tita Angel niya ang lahat pero
masakit pa rin.
"S-Salamat po, Daddy," mahinang pasalamat
ni Anndy. Kahit paano, pinayagan naman
siyang makita si Zero kaya sa ngayon, sapat
na muna ito sa kaniya.
Pagdating sa hospital, sa clinic ng family
doctor nila siya dumiretso. Malakas pa
naman ang kapit ng baby niyang tatlong
buwan na. Napahawak siya sa tiyan dahil sa
labis na kasiyahan.
Napasulyap si Dylan sa anak na masuyong
hinahaplos ang tiyan. Parang nakikita niya si
Ann noong buntis ito kay Anndy. Nang
malaman nilang babae ang dinadala ni Ann,
halos tumalon sila sa tuwa. Puro lalaki kasi
ang quadruplets. Pero ngayon, ang nasa
sinapupunan ng asawa niya noon, isa nang
ganap na ina. Parang kailan lang, lolo na
siya.
"Sana hindi ka niya sasaktan," bulong ni
Dylan. Masakit man pero hindi na siya ang
nangunguna sa puso ng anak niya. Hindi na
ito ang Anndy na naglalambing sa kaniya
para lang mabilhan ng bagong laruang
barbie.
"Dad? Punta na ako kay Zero?" masayang
tanong ni Anndy pero agad na napayuko
nang makitang blangko pa rin ang mukha ng
ama.
"Samahan ka na nila," sabi ni Dylan at
tumalikod na kay Anndy at naunang lumabas
ng clinic.
Lumabas naman si Anndy at ginabayan siya
ng dalawang guwardiya patungo sa private
room ni Zero.
Kinakabahan siya habang palapit sa silid.
Paano kung lantang gulay na si Zero? Paano
kung na-coma ito dahil sa pambubugbog ng
pamilya niya?
"Puwede ho bang dito na lang kayo sa
labas?"pakiusap ni Anndy sa dalawang lalaki,
"Hindi po ako tatakas."
Mabuti na lang dahil sumunod ang dalawa at
hinayaan siyang mag-isang pumasok.
"Z-Zero..." sambit niya habang palapit sa
lalaking nakahiga sa kama.
"A-Anndy..." sambit ni Zero at napaupo.
"B-Buhay ka," naiiyak na wika ni Anndy.
Awang-awa siya sa binata. Puno kasi ng
pasa ang mukha nito.
"B-Baby Z," wika ni Anndy at naupo sa tabi
ng binata saka mahigpit na niyakap ito.
"Tahan na, huwag kang umiyak," bulong ni
Zero at mahigpit na niyakap si Anndy. Iyak
nang iyak kasi ito sa dibdib niya. "Ayaw
kong umiyak ka, Baby A, tahan na..."
"S-Sinaktan ka kasi nila. A-Ang sama naman
nila," humihikbing sabi ni Anndy at isiniksik
lalo ang mukha sa malapad na dibdib nito.
Nakaramdam siya ng kaginhawaan at
kapayapaan sa mainit na yakap ni Zero.
"O-Okay lang. W-Wala na iyon. Ang
mahalaga, nandito ka na. Pinayagan ka na
nilang makita kita," sagot ni Zero at
pinahidan ang mga luha. Buong akala niya,
hindi na niya makikita ang mag-ina niya.
Akala niya, susunod na siya sa mga
magulang niya sa kabilang buhay.
"Zero?" Kumalas si Anndy at hinaplos ang
pisngi ni Zero saka naiiyak na tumawa siya,
"Mabuti naman at ligtas ka. Alam mo bang
g-gusto ko nang magpakamatay nang dalhin
ka nila sa Tagaytay?"
Inayos ni Zero ang hibla ng buhok ni Anndy
na tumatabon sa pisngi nito.
"Hindi ko hahayaang mapahamak kayo," ani
Zero. Ngumiti si Anndy kaya napangiti rin
siya.
"Thanks God," wika ni Anndy na para bang
nawalan ng bara ang lungs niya, "Hindi nila
tinanggal ang tainga mo!" Umiyak ito nang
sobrang lakas na para bang may himalang
nangyari sa buhay nito.
Napa-poker face si Zero habang nakatingin
kay Anndy na tuwang-tuwa habang
hinihimas ang kanang tainga niya. Sa lahat
pa naman ba ng bahagi ng katawan, tainga
pa talaga niya ang inuna nitong usisain?

A/n:
Obviously, patapos na ito. Bahala sa mga
hindi nakaintindi. Hehehe... Sa readers na
nabasa iyon, siguro mas naintindihan nila
ito? Kasi nakasama nila nang matagal si
Patch kaya kabisado na nila ang ugali ng
matandang 'yon. Hehehe.
Baka gusto ninyong basahin, ito ang
pagkakasunod ng mga Lacson

1.Sorority Queen

2.The Assasin And Her Hot Professor

3.Fraternity King (pero mas okay kapag
nabasa muna ninyo ang Villafuerte series
bago ito pero keribels na rin)

4.SheMan

5.The Adventure of Sleeping Beauty

6.Chuvachuchu

7.Barumbadong Virgin 1.(Di pa tapos)

8.Ang Kidnapper Kong Guwapo

9.Ang Asawa Kong Barumbado

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon