21

3.6K 114 2
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

Chapter 21
by: sha_sha0808

Unedited...
"Ang tagal naman niya!" naiinis na sabi ni
Anndy, 'New year na new year, umalis siya!"
Malapit nang magtatlong linggong hindi
umuuwi si Zero. January 1, umalis ito para
pumunta raw sa Maynila at hanggang
ngayon, wala pa ito.
"Baka marami lang inaasikaso," ani Tiyo
Pablo.
"Sa Maynila nga ba? o sa bayan lang kasama
si Ligaya?" tanong niya. Hindi maiwasang
mag-isip siya ng ganito. Ang sabi ni Zero,
magtatrabaho ito sa resort nina Ligaya.
Baka naman doon nga ito pumunta.
"Sa Pebrero pa mag-uumpisa ang paggawa
ng cottage nina Ligaya. Maghintay ka lang,"
depensa ni Pablo sa pamangkin. Sigurado
siyang sa Maynila pumunta si Zero.
Masyadong marami lang itong
kinakailangang gawin sa Maynila. Isa pa, ang
layo ng nilalakbay nito.
"Sure ka, Tiyo Pablo? Wala siya kay Ligaya?"
pangungulit ni Anndy. Sino ba ang
matutuwa? Matapos nang may nangyari sa
kanila, lumayas ito at ilang linggo pang
nawala.
"Oo, sure ako kaya huwag kang mag-alala,"
nakangiting sabi ni Pablo at napatingin sa
biik, "ang laki na ng baboy ninyo, ano ba
ang gagawin ninyo sa kaniya? Kakatayin o
ibebenta?"
"Waah! Hindi ko siya ipapakatay. Ayaw kong
ibenta! Dito lang si Bhabz!" sabi ni Anndy.
Ayaw talaga niya, kawawa lang ang alaga
niya kung kakatayin lang ito.
"Ikaw ang bahala. Pero hindi tayo
makakabawi kapag ayaw mong ibenta o
ipakatay. Ang mahal ng pagkain ng baboy,"
sabi ni Pablo pero umiling si Anndy.
"Hindi ko talaga ibebenta," aniya.
"E di gawin mo na lang inahing," suhestiyon
ni Pablo.
"Manganganak siya?" tanong ni Anndy.
"Oo," sagot ni Pablo.
"Hala! Dadami sila? Sige, sige. Gusto ko
po!" natutuwang sabi ni Anndy. Alam niyang
nalulungkot ang alaga dahil wala itong
kasama.
"Kausapin mo si Zero kapag dumating dahil
balak yata niyang ibenta," wika ni Pablo.
"Sige po. Ahm... Tiyo Pablo? Ano po ba ang
trabaho ni Zero? Killer po ba talaga siya at
kidnapper?" usisa ni Anndy.
"Bakit mo natanong?"
"Curious lang po. Sayang naman kasi may
hitsura naman siya tapos magiging masama
lang siya. Ang dami namang matinong
trabaho kaysa sa pagiging masama," sagot
ni Anndy.
"May dahilan si Zero kung bakit niya
ginagawa ito," sagot ni Pablo at tumayo.
Hanggat maaari, ayaw niyang makipag-usap
kay Anndy tungkol sa bagay na ito dahil si
Zero lang ang tunay na nakakaalam ng lahat
at labas na siya roon.
"Tiyo Pablo? Salamat po at hindi mo ako
sinasaktan," sabi ni Anndy. Kung ibang
kidnapper lang ito, baka ginahasa na siya ng
magtiyuhin. Hindi niya iyon kaya. Okay lang
kapag si Zero, nakaya niya pero kapag ibang
lalaki pa, magpapakamatay na lang siya.
"Hindi ko kayang manakit ng babae,"
nakangiting sabi ni Pablo, "Pasok lang ako,
magsasaing."
Naiwan si Anndy na nakatingin sa malayo
habang papalubog na ang araw.
"Kailan ka kaya uuwi?" tanong ni Anndy sa
hangin. Ang sabi ni Zero, walang exact date
raw ang pag-uwi nito. Basta may
mahalagang bagay lang siyang aasikasuhin sa
Maynila.
Habang kumakain, nagkukuwentuhan sila.
Kaya hindi na raw nag-asawa ito dahil wala
itong perang ipakain sa magiging pamilya
niya.
"Matulog ka na, baka inaantok ka na," sabi
ni Tiyo Pablo.
"Mamaya na po, gusto ko pang makinig ng
drama," sabi ni Anndy.
"Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Pablo na
ngingiti-ngiti. May dala siyang de-bateryang
radyo at nawili si Anndy sa pakikinig lalo na
sa drama.
"Hindi naman po," sagot ni Anndy. "Mundo
Mystiko" ang title ng pinapanood niya.
Iyong tungkol sa mga engkanto. Weekly,
iba-iba ang tema. Ngayon ay tungkol sa
lalaking kukuha ng anting-anting mula sa
puso ng saging. Tuwing kabilugan ng
buwan, pagsapit ng alas dose, may lalabas
na puting anting-anting at kailangan masalo
niya iyon gamit ang bunganga pero ang mga
katunggali naman niya sa pagsalo ay mga
engkanto lalo na ang tikbalang.
"Tiyo Pablo? Totoo po ba ang anting-
anting?" inosenteng tanong ni Anndy habang
tutok ang tainga sa radyo na nasa ibabaw ng
mesa. Nakikinig din si Pablo.
"Depende sa paniniwala ng tao. Dati, sabi ng
lolo ko, may anting-anting na kuwentas daw
ang lolo niya. Na noong tiyempo hapon,
sinasalo lang ng damit niya ang mga bala,"
sagot ni Pablo. Ewan lang niya kung totoo o
kuwentong barbero.
"Talaga po?" bulalas ni Anndy, "may lahi
kayong engkanto?"
Baka tama ang hinala niyang anak nga ng
duwende at kapre si Zero? Na baka
nawawala ito dahil umuuwi sa kaharian nito?
Tumawa si Pablo, "Wala. Tao pa rin naman
ang mga ninuno ko. Anting-anting lang pero
hindi pa naman ako nabubuhay ng panahong
iyon kaya wala akong patunay na totoo nga
ang kuwento nila."
"Ay, akala ko may pagkamaligno kayo,"
sagot ni Anndy.
Matapos ang drama, umakyat na siya para
matulog. Nagtalukbong siya. Ngayon yata
siya nakaramdam ng takot. Ini-imagine niya
na may nakatinging tikbalang o engkanto sa
bintana nila. O baka naman tusukin siya ng
duwende. May punso pa naman sa ilalim ng
bahay nila.
Ilang oras siyang balisa pero sa awa ng
Diyos, nakatulog na siya bago pa sumapit
ang hating-gabi.
"Hmmm?" ungol ni Anndy at agad na
dumilat ang mga mata. Nanaginip siya na
kinuha siya ng mga duwende at dinala sa
kaharian nila.
"Kyaaah!" tili niya nang may makapang
kamay sa bewang.
"Pch! Ang ingay mo!" bulong ni Zero at
hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ni
Anndy.
"Z-Zero?" nauutal na wika ni Anndy at
humarap sa binata. Nakapikit ito habang
nakayakap pa rin sa bewang niya. Hinawakan
niya ang magkabilang pisngi nito at pinisil.
"Ikaw nga! Nandito ka na! Kailan ka
dumating?" tanong niya. Umaga na,
maliwanag na sa labas kaya kitang-kita niya
ang guwapong mukha nito.
"Inaantok ako," sabi ni Zero habang
nakapikit pa rin. Niyakap niya si Anndy at
isiniksik ang mukha sa dibdib ng dalaga,
"Let me sleep, Baby A."
Natahimik si Anndy. E? Tinawag siyang Baby
A kahit hindi ito lasing?
"Z-Zero?" nakangiting tawag niya sa binata
pero umungol lang ito at mas lalo siyan
niyakap.
"P-Puwede bang Baby Z din ang itawag ko
sa 'yo?"
Dumilat si Zero at tumingala kay Anndy.
Umangat ang katawan niya para magpantay
ang mukha nila.
"Bahala ka," sagot ng binata at pinagmasdan
ang inosenteng mukha ni Anndy. Malayo
kaysa sa Anndy na una niyang nasilayan.
Todo makeup noon, magara ang gown,
mamahalin ang sapatos at puno ng
kumikinang na diyamante ang katawan
habang bumababa sa hagdan habang
pinupuri at kinaiinggitan ng lahat ng
kababaihan. It was her thirteenth birthday.
"Baby Z? May pasalubong ka?" masiglang
tanong ni Anndy na nakatitig sa mga mata ni
Zero. Kusang gumalaw ang kanang kamay
niya. She traced his pointed nose with her
middle finger. Matangos ang ilong niya pero
mas matangos ang ilong ni Zero. Napuna rin
niyang kakapagupit lang nito.
"Ako, ayaw mo?" nakangiting tanong ni
Zero.
"Gusto," wala sa sariling sagot ni Anndy kaya
gumalaw ang kaliwang kamay ni Zero at
pumasok sa blusa niya.
"Pagod ako. Pero para sa 'yo, ibibigay ko
ang pasalubong ko," pilyong sabi ni Zero at
nilalaro ng mga daliri ang kanang nipple ng
dalaga.
"Z-Zero..." sambit ni Anndy nang
makaramdam ng kakaibang kiliti dulot ng
ginagawa ng binata. Expert ito. Alam nito
kung ano ang dapat na gawin. Bumaba ang
mukha nito nang itaas ang blusa niya.
"Z-Zero--k-kuwan..." natarantang wika ni
Anndy nang maramdaman ang mainit na dila
nitong dinidilaan ang kanang nipple niya.
Hindi niya alam ang gagawin nang
napahawak sa ulo ng binata. Itutulak ba
niya? O idiin lalo sa dibdib niya.
"Miss me?" nakangising tanong ng binata
nang tumigil habang nakatingala sa kaniya.
Ibinuka ni Anndy ang bibig pero agad na
naitikom nang walang sasabihin.
"B-Baby," nauutal na tawag ni Zero nang
muling ipinantay ang mukha kay Anndy.
Gumalaw si Zero para pumaibabaw sa
katawan ni Anndy pero agad na napatalikod
na para bang walang nangyari nang marinig
ang pagbukas ng pinto.
Hinatak ni Anndy ang blusa pababa at agad
na tumayo.
"M-Maghahanda lang ako ng breakfast
natin," kinakabahang sabi ni Anndy. Para
silang mga batang nahuli na may
ginagawang milagro. Nang makababa siya,
sinubukan niyang umakto nang maayos sa
harap ni Tiyo Pablo.
"Morning po," magalang na bati niya kay
Tiyo Pablo na may sukbit na itak sa gilid ng
bewang.
"Magandang umaga rin. Nandito na pala si
Zero," sabi ni Pablo. Alam niyang noong
isang araw pa itong nasasabik na makita ang
pamangkin niya.
"Oo nga po. Ipaghanda ko lang siya ng
makakain niya. Pagod pa yata siya kaya hindi
ko na muna ginising," sagot ni Anndy at
napatalikod para hindi siya nito mahalatang
nagsisinungaling.
"Ah, oo nga. Kaninang dumating 'yan, pagod
na siya sa biyahe. Mamaya, makapag-usap
din kayo niyan pagkagising niya."
"Oo nga po. Nang magising ako, nagulat ako
dahil nandito na pala siya. Ne hindi man lang
niya ako ginising," ani Anndy at pumunta sa
kusina.
"Ganiyan naman 'yan. Pasulpot-sulpot lang,"
wika ni Pablo.
Pinagmasdan niya ang dalagang naghuhugas
ng kaldero sa kusina. Napailing siya. Si
Anndy lang yata ang natuwang inuwian ng
kidnapper niya. Guwapo ang pamangkin niya
at matikas. Kahit sa Maynila ay habulin ito
ng babae kaya hindi malabong mahulog ang
loob ni Anndy rito. Ang kaso, mayaman ito
at mahirap lang sila. Langit at lupa 'ika nga.
Kilala niya si Zero, hindi ito basta-bastang
nahuhulog sa mga babae. At kung ano man
ang balak niya kay Anndy, sigurado siyang
hindi mabuti ang kahihinatnan.
Mabait ang dalaga. Magalang at mukhang
napalaki nang maayos kahit na mayaman.
Sana lang, magbago pa ang isip ng
pamangkin niya. Sana lang, hindi umabot sa
puntong ang bala mismo ni Zero ang kikitil
sa buhay ng dalaga.
"Anndy? Aalis muna ako. Nauubusan na tayo
ng kahoy," paalam ni Pablo.
"Sige po, matagalan ka po ba?" tanong ni
Anndy at nilingon ito.
"Hindi naman. Kukuha lang ako ng kahoy at
dito ko na bibiyakin," sagot ni Pablo.
"Ingat po," pahabol ni Anndy nang lumabas
na si Pablo.
Mapatapos niyang magsaing, tinuyo niya ang
basang kamay ng basahang damit na
nakasabit sa pintuan.
"Zero!" nagulat na sabi niya nang makitang
nakaupo ito sa punong-hagdan at nakatitig
sa kaniya.
"Great actress, Anndy," nakangiting wika ng
binata. Narinig niya ang pag-uusap ng
dalawa at hindi niya mapigilang mapangiti
kanina habang nakikinig sa mga pinagsasabi
ni Anndy.
"Matulog ka muna. Akala ko ba, pagod ka!"
pagsisinuplada ni Anndy para pagtakpan ang
kahihiyan.
"Mamaya na. Gusto ko munang kumain. May
mga pasalubong ako sa 'yo. Sana
magustuhan mo," sabi ni Zero at itinuro ang
mga supot sa mahabang upuan.
"Talaga? Salamat!" tuwang-tuwa na
pasalamat ng dalaga at isa-isang binuksan
ang mga supot.
Nakatingin lang si Zero kay Anndy. Para
itong batang masaya habang binubuksan
ang mga pasalubong niya.
"Kailangan pa kita, Anndy," bulong niya.
Marami pa siyang katanungan sa buhay na
hindi pa nabibigyan ng kasagutan. At kung
ano man iyon, sigurado siyang si Anndy ang
susi ng mga tanong na iyon. Hanggat hawak
niya si Anndy, walang Lacson ang
makakagalaw sa kaniya. Higit sa lahat,
makakaganti siya sa pamilyang ne minsan,
hindi tinulungan o subukang iligtas ang mga
magulang niyang pinatay sa harapan mismo
niya, ang mag-asawang Patch at Lee
Lacson. Ang lolo't lola ni Anndy.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon