Ang Kidnapper kong Gwapo
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 23
Unedited...
"Malayo pa ba?" tanong ni Anndy sa binata
habang naglalakad sila.
"Medyo," sagot ni Zero at hinintay ito.
Matapos nang mangyari sa kanila sa batis,
umuwi sila na para bang walang nangyari.
Hindi na naulit pa hanggang ngayon pero
tabi na sila ni Anndy kapag matulog.
Ilang metro pang paglalakad ay nakarating
sila sa maliit na paaralan.
"M-May school din pala rito?" tanong ni
Anndy.
"Oo, hanggang high school lang," sagot ni
Zero at nagpakad patungo sa isang
classroom. Lahat ng batang nasa labas ay
nakatingin sa kanila na para bang
manghang-mangha.
"May artista!" tili ng isang batang babae
kaya pinagkaguluhan sila ng mga ito.
"Z-Zero," sabi ni Anndy at nakahawak sa
laylayan ng damit ng binata. May dalawang
batang lalaki kasi na humawak sa kamay
niya.
"Hey, huwag ninyong saktan si Ate ninyo,
okay?" mahinahong sabi ni Zero.
"Hindi po," magalang na sagot ng bata
habang nakatingala sa kanila.
"Magaling," nakangiting wika ni Zero at
ginulo ang buhok ng bata.
"Zero!" masiglang bati ni Ligaya nang
lumabas sa classroom.
"Magandang umaga," bati ni Zero.
"Magandang umaga rin," nakangiting bati ni
Ligaya at humalik si pisngi ng binata pero
napalis ang ngiti nang mapasulyap kay
Anndy.
"Halika sa opisina," yaya ni Ligaya at hinila
ang kanang kamay ni Zero.
"Malandi!" bulong ni Anndy na nasa likuran
ng dalawa. Ang bigat ng mga hakbang niya
habang nakasunod sa mga ito. Si Zero
naman, nakangiti pa habang nakikipag-usap
kay Ligaya. E di sila na ang masaya.
Napatigil si Anndy nang papasok na sana
siya sa pinto ay isinara ito ni Ligaya.
"Bastos! Tinaguriang teacher pa naman!"
galit na bulong niya at naupo sa silyang nasa
labas ng opisina. Maliit lang ang paaralan.
Anim na classroom lang at kaunti lang ang
mga estudyante. Ang iba ay sobrang luma
pa ng mga damit at ang iba ay pudpod ang
dulo ng tsinelas o di kaya'y itinaho lang ng
alambre.
"Anndy, huwag kang umalis, diyan ka lang,"
sabi ni Zero nang bumukas ang pinto.
"Enjoy!" sagot ni Anndy na hindi nakatingin
kay Zero. Silang dalawa lang ang nasa silid
at hindi siya mapakali sa naiisip na ginagawa
nila. Siya na asawa, sa labas tapos ang
kerida, sa silid kasama ang asawa niya.
Magaling!
"Ate? Bulaklak po," magalang na sabi ng
batang lalaki at binigyan siya ng isang
pumpong ng pulang santan.
"Wow, para sa akin ito?" nakangiting sabi ni
Anndy at inabot ang bulaklak.
"Opo," sagot ng bata na nakatayo sa
harapan niya.
"Salamat, ang ganda," puri ni Anndy at
inamoy ang santan kahit na wala naman
itong bango.
"Ikaw rin po, maganda," nahihiyang sabi ng
bata kaya tumawa si Anndy.
"Guwapo ka rin naman," saad ng dalaga kaya
napansin niya ang pamumula ng pisngi nito.
"Taga ciudad po ba kayo?" tanong ng
batang babaeng lumapit sa kaniya. Ang
ibang nahihiya kanina ay nagsilapitan din.
"Oo," sagot ni Anndy.
"Wow! Ibig po bang sabihin, mayaman ka?"
tanong ng cute na batang nakaponytail ang
buhok habang nakatingala.
"Nakakakita po kayo ng malaking building?"
tanong ng batang lalaking pinakamatangkad
sa kanila.
"Ano po ang hitsura ng Maynila?"
inosenteng tanong ng batang babae na
magulo ang mahabang buhok.
"Marami po bang ilaw roon?" tanong ng
naka-ponytail.
"Gusto ko rin pong lumuwas ng Maynila!"
sabi ng batang lalaking umabot sa kaniya ng
bulaklak.
"M-Maganda naman," tipid na sagot ni
Anndy habang pinagmamasdan ang mga ito.
"Sana makapag-aral kami sa Maynila,"
malungkot na sabi ng batang naka-ponytail.
"Oo nga. Gusto kong doon na ako
makapagtrabaho para yumaman na kami
tapos pagawa kami ng cementong bahay!"
puno ng pag-asang sabi ng matangkad na
batang lalaki.
Malungkot na nakatingin si Anndy sa mga
ito. Simple lang ang pangarap nila, at iyon
ay makarating sa Maynila. Ang akala ng mga
ito, kapag taga ciudad ka, mayaman ka na.
"Ayaw n'yo bang manatili rito?" tanong ni
Anndy. Sabay na umiling ang karamihan sa
kanila.
"Gusto ko po sa Maynila para maiahon sina
Inay at Itay sa kahirapan," sagot ng batang
lalaki.
Hindi alam ng dalaga o malungkot o
matutuwa sa narinig. Puno ng pag-asa ang
mga mata ng bata habang nagkukuwento sa
kanilang mga pangarap sa buhay.
"Mas masarap mamuhay rito," sagot ni
Anndy. Simple lang. Walang problema,
kaunti lang ang gulo.
Bumukas ang pinto at lumabas sina Zero at
Ligaya.
"Si Ligaya lang talaga ang delubyo sa
bayang ito," bulong ni Anndy.
"Halika na," yaya ni Zero.
"Class, balik na kayo sa classroom," sabi ni
Ligaya kaya nagsitakbuhan na ang mga ito
pabalik sa classroom.
Tumayo si Anndy.
"Zero? May matutuluyan ka ba?" tanong ni
Ligaya, "Ang layo naman yata ng sa inyo
kapag umuwi ka pa araw-araw."
"Kahit malayo, uuwi si Zero dahil alam
niyang naghihintay ako," sabat ni Anndy
nang hindi na makatiis.
"Maghahanap ako ng boarding house,"
sagot ni Zero kaya natigilan si Anndy. Hindi
na ito uuwi? Mananatili na ito rito sa bayan?
"May isang cottage na hindi ginagamit sa
resort, puwede mo iyong magamit
pansamantala," nakangiting sabi ni Ligaya
kaya nagpupuyos ang kalooban ni Anndy.
"Puwede bang dalawahan?" tanong ni Zero
kaya sinamaan siya ng tingin ni Anndy.
"Pang isahan lang e," sagot ni Ligaya.
"Kasama ko si Princess kaya hindi puwede,"
sagot ni Zero.
"Isasama mo ako rito?" masayang tanong ni
Anndy.
"Oo," sagot ni Zero.
"Isa lang ang kama kaya hindi puwede!"
sagot ni Ligaya na pinipigilan lang ang
sariling magsungit.
"Mag-asawa naman kami kaya kasya kami
kahit gaano pa kaliit ang kama,"
makahulugang sabat ni Anndy kaya tinaasan
siya ng kilay ni Zero.
"Kung hindi talaga puwede, maghahanap na
lang kami ng boarding house ng asawa ko,"
sagot ni Zero.
"Huwag na. Kasya naman siguro kayo kaya
okay lang," labag sa kaloobang wika ni
Ligaya. Ang akala niya, tuluyan nang masolo
si Zero at mapalapit rito pero bitbit pa rin
niya ang asawa nitong mukhang walang alam
sa buhay.
"Ano ba ang natapos mo at baka puwede
kang makatulong sa asawa mo?" tanong ni
Ligaya kay Anndy, "kasi mag-asawa na kayo.
Bilang babae, hindi ka ba nahihiyang sa
bahay ka lang at naghihintay kung kailan
palamunin ni Zero?"
Natigilan si Anndy. Ano ba ang pinapamukha
nito sa kaniya? Na palamunin lang siya ni
Zero?
"Wala akong natapos," sagot ni Anndy na
nanliit sa sarili. Dapat second year na siya
sa susunod na pasukan kung hindi lang siya
kinidnap ni Zero.
"Magtatrabaho si Princess kapag pumayag
na ako," sabat ni Zero, "Mauna na kami,
Ligaya, mamimili pa kami bago umuwi,"
paalam ni Zero at hinila na palabas si Anndy.
"Bitiwan mo nga ako!" nakasimangot na sabi
ni Anndy at hinila ang kamay kay Zero
habang naglalakad sila sa kalsada.
"Ano ang mga gusto mong bilhin?" tanong
ni Zero.
"Bakit? Porket teacher siya, insultuhin na
niya ako? Pakialam niya kung ayaw kong
magtrabaho?" galit na sabi ni Anndy na
hindi pinansin ang tanong ni Zero.
"Huwag mo na ngang bigyan ng kahulugan
ang sinabi ni Ligaya," wika ni Zero.
"Mainit talaga ang dugo niya sa akin dahil
mag-asawa na tayo! Kung ayaw niya sa akin,
mas lalong ayaw ko sa kaniya! Kayo na ang
bagay! Siya na ang propesyunal!"
"Anndy naman, tama na! Huwag mo na
kasing patulan! Wala naman siyang sinabing
masama!" wika ni Zero.
"Nang-iinsulto siya sa akin! Sinasampal niya
ako ng pinag-aralan niya! Hindi ako tanga,
Zero!" giit ni Anndy. Okay lang sana kung
iba ang nagsabi sa kaniya ng ganito pero
mula sa ex ni Zero? May iba talaga e.
"Halika na nga! Bibili pa tayo ng pagkain ng
alaga mo at bigas!" sabi ni Zero at hinila na
ang nagmamaktol na dalaga. Para talaga
siyang yayo nito.
---------------
"Bakit ba kasi hindi mo maiwan-iwan 'yang
biik na 'yan!" galit na sabi ni Zero. Paalis na
sila patungo sa bayan dala ang ibang gamit
nang hilain ni Anndy ang biik.
"Kasi aalis din si Tiyo Pablo! Walang
magpapakain sa kaniya rito! Kawawa naman
si Bhabz kaya isama na natin!" giit ni Anndy
na ayaw bitiwan ang tali ng alaga.
"Wala tayong malalagyan niyan doon! Resort
iyon, Anndy! Bawal ang baboy!" Namumula
na ang mukha ni Zero sa inis. Halos
himatayin siya nang makita ang baboy na
pinasuotan pa ni Anndy ng kulay pink na
damit nito.
Nagagago na siya kay Anndy lalo na sa
pagiging isip bata nito.
"Lilinisin ko siya araw-araw, papaliguan
basta isama lang natin siya, Zero, parang
awa mo na," naiiyak na pakiusap ni Anndy.
Kapag hindi ito pumayag, luluhod na talaga
siya sa harapan nito.
"Isama na ninyo, puwede naman yata 'yan,"
sabi ni Pablo. Kanina pa siya nabibingi sa
dalawa.
"Bahala ka! Pero kapag bawal 'yan sa resort,
ipapakatay ko talaga 'yan mamaya!" giit ni
Zero at binuhat na ang dalawang malaking
bag. Ang iba ay si Pablo na at si Anndy
naman ang naghihila sa biik.
Habang nasa jeep, hindi maiwasang
mapatingin ng ibang pasahero sa baboy. Si
Zero na lang ang nahihiya sa pinaggagawa ni
Anndy.
"Ang cute naman," puri ng babae na
nakatingin sa biik.
"Salamat po," nakangiting pasalamat ni
Anndy.
Nang dumating na sila sa cottage na
tutuluyan, itinali ni Anndy sa maliit na puno
ang baboy.
"Anndy, ipasama natin kay Tiyo Pablo
pabalik 'yang lintik na baboy!" sabi ni Zero
habang nakatingin sa baboy na hinihingal sa
pagod.
"Huwag! Lilinisin ko siya, promise!" tanggi ni
Anndy.
"Bibilhan kita ng aso o pusa pero huwag ang
biik na 'yan! Wala siyang kulungan!" ani Zero
na kulang na lang ay lalabas na ang kaluluwa
sa galit. Ang tigas ng ulo ni Anndy.
"Gawan mo," pakiusap ni Anndy kaya
napahilamos sa mukha si Zero.
Napatingin sila kay Pablo na bumalik sa
kanila.
"Zero, may kulungan ng baboy si Marimar,
puwedeng doon na muna 'yang alaga ninyo
dahil hindi na nila ginagamit. Ayusin mo na
lang," sabi ni Pablo na ang tinutukoy ay ang
kaklase nito noong elementarya na nasa
labas lang ng resort ang bahay.
"Talaga, Tiyo Pablo? May bahay matutuluyan
na si Bhabz?" tuwang-tuwang tanong ni
Anndy
"Oo," sagot ni Pablo at sinamahan si Anndy
kina Marimar. Si Zero naman ay nagpaiwan
para humupa ang galit.
Pagbalik ng dalawa, agad na nagpaalam si
Pablo na uuwi dahil maglalayag ng lambat
pa raw ang mga ito kinabukan.
Tahimik na inayos ni Anndy ang mga damit
nila sa nakahandang cabinet habang si Zero
ay lumabas at nanigarilyo.
Nang matapos siya ay naupo siya sa kama.
Maliit lang ang cottage. Pagpasok mo ay
kama na kaagad tapos may maliit na CR
lang sa kaliwa. Dito ang rin ang paliguan
nila.
May maliit na mesa para kainan nila ni Zero.
Bumili sila kanina ng dalawang kaldera, apat
na plato, apat na baso, dalawang mangkok
at kutsara't tinidor. May dala silang uling na
binitbit ni Tiyo Pablo. Sa labas na lang sila
magluluto.
Nahiga si Anndy dahil sa sobrang pagod.
Nakapikit siya nang maramdaman ang
pagbukas ng pinto.
"Zero? Ang lambot ng kama!" masayang sabi
niya at iginulong ang katawan. Matapos ang
ilang buwan, ngayon lang ulit nakahimlay
ang likod niya sa malambot na kama. Of
course, mas triple ang lambot ng water bed
niya sa bahay nila pero dahil nga ilang
buwan siyang nagtiis sa banig, sobrang na-
appreciate niya ito.
"Ngayon ka lang ba nakahiga sa malambot
na kama?"
Napadilat si Anndy nang boses ng babae ang
narinig. Agad na napabangon siya nang
makita si Zero kasama si Ligaya.
"Nagugutom ka na?" tanong ni Zero na
nakatingin kay Anndy.
"Hindi naman," pagtataray ni Anndy at
inayos ang pagkakaupo.
"Sarap na sarap ka sa kama, firstime?"
nakangising tanong ni Ligaya. Ang pobre
naman pala ng napangasawa ng lalaking
minahal niya. Sana lang ay matauhan si Zero.
"Hindi naman," sagot ni Anndy at sinalubong
ang nakakainsultong ngiti ni Ligaya, "pero
firstime kong mahiga sa kama na kasama si
Zero."
Namutla si Ligaya kaya umarko ang sulok ng
kanang labi ni Anndy, "Salamat pala sa pag-
provide ng malambot na higaan namin ng
asawa ko, mabuti ka talagang kaibigan!"
"A-Alis na ako, Zero," nagmamadaling
paalam ni Ligaya saka lumabas na. Tumayo
si Anndy at hinayaan ang nagbabagang mga
mata ni Zero. Huwag lang talaga siyang
hamunin ni Ligaya dahil baka sapian siya ng
pinagsanib puwersang kaluluwa ng Lola
Patch at pinsan niyang si Mandy.

BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
ActionKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?