Ang Kidnapper kong Gwapo
by: sha_sha0808Chapter 13
Unedited...
"Ito na lang ang sardinas na natira?" tanong
ni Anndy habang dinidilaan ang kutsara at
muling ipinasok sa lata ng 555 sardines para
makuha ang kanin na inilagay ni Zero sa loob. Kanina pa ito nagrereklamo na wala na
raw sabaw kaya iyon nga ang ginawa ni
Zero.
"Wala na," sagot ng binata. Ito na nga ang sardinas ang pinaulam niya dahil wala silang
ulam ngayong tanghalian. Ayaw naman nitong kumain ng gulay.
"Aalis na pala ako mamaya," paalam ni Pablo sa dalawa.
"Mangisda ka na naman po? Ilang araw?" tanong ni Anndy at uminom ng buko juice.
"Isa o dalawang linggo, depende," sagot ni Pablo at napasulyap kay Zero.
"Kakatay tayo ng manok para may pambaon kayo," sabi ni Zero. Malalaki na ang alagang
manok nila kaya puwede nang katayin."Kakain tayo ng manok?" masiglang tanong
ni Anndy. Mula nang dumating siya, minsan
lang siyang kumain ng manok kaya nami- miss na niya. Ang sarap kasing magluto ng
mag-tiyo tapos ang sarap pa mg karne ng native na manok.
"Sige, huhuli ako mamaya," sabi ni Pablo. Sabay-sabay na lumaki ang mga alagang
manok. Siguro nasa trenta na ang lahat ng puwedeng katayin. Lima kasi ang inahin
nilang sabay na nangitlog.
Si Anndy na ang naghugas ng plato habang ang dalawang lalaki ay nanghuli ng manok.
Nang matapos na siya sa paghugas ay
lumabas siya."Okay na ba?" tanong ni Anndy kay Zero na
bitbit ang sakong nilagyan g manok.
"Lima lang ang kakatayin natin," sagot ni Zero para may pambaon ang tiyuhin sa laot
ng ilang araw. Iaadobo na lang nila at
lagyan ng luya at ang iba ay tinola para sa kanila ni Anndy.
Naupo si Zero sa papag para magpahinga.Napasulyap siya kay Anndy na sinisilip ang laman ng sako.
"Huwag mong buksan, kapag makawala 'yan
mamaya, ikaw ang manghuli sa kanila," saway niya kaya muling tinalian ni Anndy ang
dulo ng sako saka lumapit sa kaniya at
naupo sa tabi niya.
"Anong klaseng pangluto natin sa kanila?" tanong ni Anndy. Excited siya.
"Adobo ang apat at tinola ang isa," sagot ni Zero.
"May maitutulong ba ako?" tanong ni Anndy.
Naaawa siya sa dalawa. Si Tiyo Pablo ay nasa
balon at naliligo dahil nahulog sa putikan at
si Zero naman ay puno ng pawis.
"Magpakulo ka ng tubig sa malaking kawali," sagot ng binata.
"Sige!" Agad na tumalima si Anndy pero
bumalik naman dahil papainumin muna niya
ang alagang biik. Kaninang umaga,
pinaliguan nito kaya ang linis na tingnan ng
alaga.
"Dito ka muna, Anndy, kukuha lang Ang akong papaya at asuete," paalam ni Zero.
Medyo malayo pa ang puno ng azuete kayanatagalan siya. Pagbalik niya sa bahay, walana ang sako na may manok.
"Si Anndy ho?" tanong niya kay Pablo nanagbibiyak ng panggatong na kahoy.
"Nasa likod-bahay," sagot ni Pablo. Hinayaan lang niya ito dahil hindi naman nanggugulo
sa kaniya. Ang dami kasing tanong minsan.Kung ano ang tawag sa ganito, at kung
bakit ganiyan. Sobra pa yata sa bata kung makapagtanong.
"Puntahan ko lang," paalam ni Zero at
umikot sa bahay. Nakaupo si Anndy na parang tumatae ang posisyon. Nagtataka siya kung ano ang ginagawa nito dahil hindi
niya makita.
"Ano 'yan?" tanong ni Zero kaya agad na napatayo si Anndy dahil sa gulat at
nabitiwan nito ang hawak na itak.
"K-Kuwan... Pinatay ko na ang manok," sagot ni Anndy. Napatingin si Zero sa manok
na nakatali ang mga paa nito."Nasaan na ang ulo niya?" seryosong tanong ni Zero. Pugot na ang ulo ng manok at
tumutulo pa ang dugo mula sa leeg nito. Sa talim ba naman ng itak na ginamit ni Anndy, mukhang nahulaan na niya ang ginawa nito.
Isang hampas lang, putol na kaagad.
"Itinapon ko na sa apoy," sagot ni Anndy. Pumasok si Zero sa loob ng bahay, paglabas
niya ay may bitbit na siyang matalim na kutsilyo at mangkong na may kaunting tubig at asin. Inilapag niya sa mesa at kumuha ng
isang manok sa sako.
"Hawakan mo itong pakpak at paa," sabi ni Zero kay Anndy. Ginawa naman ng dalaga.
Tinanggalan ni Zero ng kaunting palahibo sa leeg ang manok at hinawakan sa ulo gamit
ang isang kamay. Ang isa naman ay may hawak na kutsilyo na hihiwa sa leeg.
"Kyaaah! Huwag!" tili ni Anndy at ibinaling ang ulo sa likod. Nangingilo siya habang hinihiwa ni Zero ang leeg ng manok at sinasalod ng platito ang dugo nito.
Gumagalaw pa ang manok na para bang nagmamakaawang huwag patayin kaya naaawa si Anndy.
"Huwag ka ngang maarte! Nakapatay ka na ng isa!" saway ni Zero.
"Pero hindi naman ako nakatingin nang itakin ko ang leeg ng manok," depensa ni Anndy, "t-tama na, patay na siya," pakiusap
ni Anndy at hinila ang manok mula kay Zero na hindi na gumagalaw.
"Palibhasa sanay siyang manggilit ng leeg ng tao," bulong ni Anndy at napahawak sa dibdib. Naalala na naman niya ang ginawa ni
Zero noong gabing itinakas siya mula sa mga kasamahan nito.
Mabuti na lang dahil lumapit si Pablo sa kanila at ito na ang humawak ng kinakatay na manok. Si Anndy naman ay nilublob sa kumukulong tubig na nasa kawali ang napugutan niya ng ulo para madali lang matanggal ang balahibo. Dinampot niya ang manok na nauna nilang
ginilitan ni Zero at inilagay sa kawali.
"Kyaaaah!"
Napatingin ang dalawang lalaki kay Anndy sa
lakas ng tili nito.
"Shit!" sambit ni Zero. Nasa malayo na si Anndy, hinahabol ang manok habang nakapaa lang. Buhay pa pala ang manok at sa gitna ng kawayanan sumuong.
BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
AcciónKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?