6

3.1K 114 7
                                    

Ang Kidnapper Kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

Unedited...

"Bakit mo pinasabog ang tanker?" naiinis na tanong ni Anndy. Nasa isang bahay sila ng kakilala ng binata.
Sarado ang bintana na
may makapal na kurtina.

"Dahil wala na akong bala. Bullet proof ang isang van kaya wala akong choice kundi pasabugin iyon dahil kung hindi, maabutan
nila tayo," walang ganang sagot ng binata habang binubuksan ang emergency kit na nakuha sa cabinet. Maliit lang ang bahay,
maliit ang sala at isa lang ang kuwarto. Nasa labas ang maliit na saingan at CR. 300
daang metro din ang layo ng iba pang
bahay.

"Mali pa rin iyon na mandamay ka ng ibang tao para lang mabuhay," naiinis na sagot ni
Anndy at inunat ang mga paa. Hindi na niya sinulyapan dahil maiiyak lang siya. Ayaw
niyang makita ang nangyari sa mga paa.

Masakit. Mahapdi. Makirot.
"Kung hindi ko ginawa iyon, tayo ang
sasabog dahil sa mga bala ng kalaban!" giit ng lalaki at naiinis na tumayo nang wala sakit ang hinahanap. Tumungo siya sa kuwarto at pagbalik ay
may dala na itong bagong kutsilyo.

"A-Ano ang gagawin mo?" tanong ni Anndy pero hindi siya sinagot.
Tumungo ang binata sa kusina at matapos ang labinlimang minuto, bumalik ang binata
na bitbit ang basang kutsilyo na pinakuluan.

Naupo ito sa tabi ni Anndy at binuhusan ng
alcohol ang kutsilyo.
"P-Papatayin mo ba ako?" kinakabahang tanong ni Anndy.
"Pakihawak nitong salamin," pakiusap ng binata at inabot kay Anndy ang round
mirror na kasing laki lang ng plato.
"A-Ano ang gagawin mo?"
"Tatanggalin ang bala sa balikat ko," tugon ng binata at tinanggal ang damit na ipinulupot niya kanina.
"P-Punta tayo sa doctor," suhestiyon ni Anndy pero agad na itinikom ang bibig nang isang nakakamatay na tingin ang ipinukol ng binata sa kaniya.
"Sa ganitong sitwasyon, naiisip mo pa
talagang pumunta tayo sa doctor? Where are your brains, Anndy?" mahinang wika nito
na nagtagis ang bagang.
"Hawakan mo ang salamin para makita ko ang loob ng sugat." Utos ng binata kaya kahit na nanginginig ang mga kamay, sinunod ito ni Anndy. Topless ang binata kaya nakikita ni Anndy ang magandang
hubog ng katawan nito.

"T-Teka..." natarantang sabi ni Anndy nang idiniin nito ang kutsilyo sa balat, "m-masakit 'yan."
"Hindi naman ikaw ang masasaktan," sabi ng binata at inilagay ang malinis na damit sa bibig saka hiniwa ang braso gamit ang matalim na kutsilyo.
"H-Hindi--" Anndy.
"Ugh!" daing ng binata dahil sa sobrang
sakit. Wala pa namang anethesia kaya
ramdam niya ang pagkapunit ng balat.
"Ugh!" ungol niya at namimilipit sa sakit saka mas diniinan ang pagkagat sa damit na nasa bibig habang napapasulyap sa salamin
para makita ang bala.
"D-Dapat isinalang m-mo muna sa apot ang kutsilyo," nanginging ang boses na sabi ni Anndy pero wala ang mga mata sa katawan
ng kaharap. Parang hinihiwa rin ang balat niya sa ginagawa nito lalo na't tumutulo ang dugo mula sa sugat. Ang lansa kaya naduduwal siya.
Tinanggal ng binata ang nakabusal sa bibig.

"Hindi ako namatay sa bala pero sa
infection, papatayin mo ako!" sagot ng lalaki at inayos ang kamay ni Anndy para makita niya sa salamin ang bala. Ilang beses siyang
napamura dahil sa sobrang sakit, pero wala siyang choice.
"Anndy!" may diin na sabi niya nang
nabitiwan nito ang salamin. Mabuti na lang dahil nasalo niya nang mawalan ito ng malay dahil sa dugong nakita nang hiwain niya ang
kaniyang braso.
Nagdilat ng mga mata ang dalaga nang maramdaman ang malamig na bagay sa kaniyang mga paa kaya agad na bumangon siya. Nasa loob na siya ng kuwarto. Walang
ibang gamit dito sa loob kundi ang higaan at isang cabinet lang.
"A-Ano ang ginagawa mo?" tanong niya sa binata habang pinupunasan ng basang tela ang kaniyang mga paa.
"Baka magka-infection ka, kailangang
mahugasan ang mga sugat mo," sagot nito na nakaupo sa silya kaya inayos ni Anndy ang pagkakaupo. Ang mga paa niya ay sa lap ng binata.
"M-Marami akong sugat," naiiyak na sabi niya nang sa wakas ay tiningnan ang mga paa. Ang dating malinis at malambot na mga paa ay puro sugat na lalo na sa apakan.
Naiiyak siya nang makitang natanggal ang kuko sa hinliliit ng kanang paa.
"Babalik din 'to sa dati," sabi nito at
hinugasan ng betadine solution
"Ouch!" daing niya at hinila ang mga paa.
Ang hapdi.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon