9

2.9K 120 2
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

by: sha_sha0808 Ash Simon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 9

Unedited...

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Anndy.
Matapos ang nangyari sa kanila sa saluysoy, naiilang na siya sa binata. Gusto sana niyang
itanong kung bakit nito ginagawa iyon pero nahihiya siya. Baka isipin ni Zero, nagustuhan niya ang ginawa nito.
"Fiesta sa bayan, pupunta tayo," sagot ni Zero. Minsan lang umuuwi ang tiyuhin niya dahil sumasama ito sa pangingisda at ilang
araw na nasa laot tapos diretso ang bangka sa City para magbenta ng ilang banyera ng
isda.

"Talaga? May bayan din pala rito?" tanong niya. Nasa loob lang siya ng bakuran ng
kubo kaya hindi niya alam na may bayan din ang islang ito.
"Liblib na kasi rito sa amin kaya walang gaanong tao na nakakapunta," sagot ng binata.
"Ganoon pala? Baka may makakita sa atin," nag-aalalang tanong ni Anndy.
"Huwag kang mag-alala, walang nakakakilala sa akin at wala rin namang makakakilala sa
'yo dahil walang alam ang mga tao rito tungkol sa inyo," sagot ni Zero at naghubad ng tshirt sa harapan ni Anndy kaya umiwas ng mga mata ang dalaga.

"Ibibili mo 'ko ng tinapay?" tanong ni Anndy kaya natigilan si Zero at humarap sa dalaga.
Seryoso ang mga mata ni Anndy na
nakatingala sa kaniya.
"Ibibili kita ng maraming tinapay," sagot ng binata na hindi niya alam kung matatawa kay
Anndy. Para itong bata. Kung sabagay, ilang linggo na rin silang puro gulay. Mamili na rin sila mamaya ng food supply para hindi na
pabalik-balik sa bayan lalo na ang asin at bigas.
"Okay na ba itong suot ko?" tanong ni
Anndy. Nakapantalon at puting tshirt lang siya. Medyo nangangati pa nga ang balat niya dahil hindi original ang mga suot.

Sinadyang hindi ipaalam ni Zero ang presyo. Pag-uwi niya, wala nang price ang mga ito.
Tig 200 ang pantalon at singkuwenta lang ang manipis na tshirt, tig 150 ang sapatos at sampung peso ang medyas.
"Okay na 'yan, medyo hapit lang pero okay naman," sagot ni Zero at kinuha ang jacket.
Isinara nila ang pintuan at nagsimula nang maglakad.
"Malayo ba rito ang bayan?" tanong ni
Anndy.

"Medyo," sagot ni Zero na binagalan ang paglakad dahil ang bagal ni Anndy.
"Ba't ka tumigil?" tanong ng binata.
"Kunan mo 'ko ng bayabas!" Utos ni Anndy na nakatingala sa puno ng bayabas. Hinog
na ang bunga nito at ang lalaki pa, kasing laki ng kamao niya. Ang iba ay kinakain na
ng ibon. Sana may camera siya para
makunan niya. Ang ganda e.
"Pupunta tayo sa bayan, pagbalik na lang," sagot ni Zero at hinila na ito pero nagpupumiglas si Anndy.
"Gusto ko talaga ng bayabas!" giit ng
dalaga. Natatakam talaga siya.
"May boyfriend ka ba sa Maynila?"
seryosong tanong ni Zero.
"B-Bakit mo natanong?" kinakabahang tanong ni Anndy. May gusto ba si Zero sa
kaniya? Baka obssesed ito sa kaniya kaya siya nito kinidnap?

"Buntis ka ba?"
Ilang beses na kumurap si Anndy bago bumalik ang diwa sa katawan.
"Ako? Buntis?" tanong ng dalaga sabay turo sa sarili niya, "huwag na lang! Solohin mo ang bayabas mo!"
Nauna na siyang naglakad kahit na hindi naman niya alam kung saan patungo.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon