25

3.1K 107 2
                                    


.
Ang Kidnapper kong Gwapo

Chapter 25
by: sha_sha0808

Unedited...
Shit!" galit na sabi ni Zero at malakas na
sinipa ang pinto.
"Bahala ka!" galit na sabi ni Anndy na
masamang nakatingin sa nakasarang pintuan.
Kagaya ng inaasahan niya, na-unlock ni Zero
ang seradura pero hindi niya ito mabuksan
dahil tinali pa niya ito sa kabinet at nilagyan
ng mesa para hindi matulak ni Zero kahit na
alam niyang mabuksan naman nito kapag
sinadya. Sa lakas pa naman ba ng binata,
impossibleng hindi nito masira ang pinto
kapag ginusto.
Nahiga si Anndy at natulog. Bahala itong
matulog sa kuwarto ng Ligaya nito.
Hindi na muling tinangka pa ni Zero na
pumasok kaya pinatay na ni Anndy ang ilaw
at nagtalukbong ng kumot matapos buksan
ang electric fan.
Alas singko ay napabangon na siya. Nasanat
na siya sa tuwing magtiktilaok ang manok,
nagigising na siya.
Pumunta siya sa CR at naghimalos saka
kinuha ang mesa sa likod ng pinto at
binuksan.
"Magdamag siyang pinaligaya ng mukhang
tikbalang na 'yon!" naiinis na sabi ni Anndy
at binuksan ang pinto. Papakainin na niya si
Bhabz kina Aleng Marimar.
Pagkasuot niya ng tsinelas matapos isara
ang pinto, napatigil siya nang makita si Zero
na nakahiga sa mahabang upuan na nasa
tapat ng pintuan nila.
"Psh!" ani Zero at tumayo nang makita si
Anndy sa harapan niya.
Pumasok siya sa cottage at diretsong nahiga
sa kama.
Sinundan ni Anndy ang binata sa loob.
Nakapikit na ito.
"S-Sa labas ka ba natulog kagabi?" tanong
ni Anndy pero hindi sumagot ang binata
kaya naupo si Anndy sa kama. Ilang minuto
pa'y naghihilik na si Zero kaya lumabas ang
dalaga saka pinuntahan ang biik.
Pagkatapos niyang magpakain sa alaga,
bumili muna siya ng gulay kay Aleng Rosa.
Laswa ang naisipan niyang lutuin. Sitaw,
saluyot, kalabasa at talong para may sabaw
naman sila.
Alas diyes na ay tulog pa rin si Zero.
Natatakot naman siyang gisingin ito kaya
tahimik na naupo na lang siya sa upuan at
pinagmasdan ang binatang natutulog.
Pagdilat ng mga mata ni Zero, si Anndy
kaagad ang nakita niyanv nakapikit sa upuan.
Tumayo siya at nilapitan ito. Nakatayo lang
siya sa harapan ni Anndy at malayang
pinagmasdan ang maamo nitong mukha.
Gumalaw si Anndy at agad na tumayo nang
makitang titig na titig si Zero sa kaniya.
"L-Luto na ang pagkain, brunch na tayo,"
wika ni Anndy at tumayo saka napasulyap
kay Zero pero blangko pa rin ang mukha
nito na para bang may ginawa siyang
kasalana.
"M-Maghilamos ka na, ihahanda ko lang ang
pagkain mo," sabi ni Anndy at tumalikod kay
Zero saka napakagat sa ibabang labi. Narinig
niya ang pagsara ng pinto ng CR kaya
inihanda na niya ang pagkain sa ibabaw ng
mesa.
"Kain na tayo, Zero," yaya niya nang lumabas
ang binata habang nagpupunas ng mukha
gamit ang puting tuwalya. Walang salitang
naupo si Zero sa tabi niya. Nilagyan ni Anndy
ng kanin ang plato nito kahit na hindi naman
niya ginagawa ang bagay na ito. Bakit ba
pinaparamdam ni Zero na may kasalanan siya
sa pamamagitan ng pananahimik nito?
Nakailang subo na si Anndy pero wala pa
ring boses na namutawi sa bibig ni Zero
kaya tumigil siya sa pagkain.
"Alam kong may mali ako pero naiinis talaga
ako sa 'yo kahapon ata ayaw kitang makita
isinara ko ang pinto! Isa pa, doon ka naman
talaga kay Ligaya natulog kagabi, 'di ba?"
Isang malalim na buntonghininga ang
pinakawalan ni Zero saka tumigil sa pagkain,
"Nagugutom ako, Anndy."
"Nagugutom ka? Pero bakit gusto mong
kainin ang luto ni Ligaya?" sumbat ni Anndy.
Masama talaga ang loob niya sa ginawang
pagbalewa ng luto niya ni Zero.
"Haist! Pati ba naman sa pagkain, puro ka
Ligaya?" salubong ang kilay na tanong ni
Zero.
"Kasi puro ka rin naman Ligaya! Araw-araw
nagkikita kayo kaya ayaw mong pumuntahan
kita! Kung sabagay, nakakahiya naman pala
sa pangalan niya, teacher siya pero kabit
lang? Nakaka-low moral!" sagot ni Anndy.
Nawalan na siya ng ganang kumain.
"Tsk! Kinain ka na ng selos mo," mahinang
sabi ni Zero at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Hindi ako nagseselos!" tanggi ni Anndy.
Siya? Magseselos? Para ano? Inaalagaan
lang niya ang dignidad at pride niya.
"Hindi ka nga nagseselos," wika ni Zero.
"Talaga! Para ano na magselos ako? Akala
mo naman ang guwapo mo!" wika ni Anndy.
Kapal ng mukha nitong Zero e. Feeler pa.
"Nang matapos silang kumain, niligpit ni
Anndy ang mga plato at dinala sa labas para
hugasan. Sa labas ang lababo nila at sa
labas din ang uling na saingan.
"Si Zero?"
Napalingon si Anndy sa nagsalita. Napahigpit
ang pagkakahawak niya sa plato nang si
Ligaya ang nakita.
"Bakit mo hinahanap ang asawa ko?"
"Wala ka na roon!" nakataas ang kilay na
sagot ni Ligaya.
"May karapatan akong malaman dahil asawa
ko lang naman ang hinahanap mo!" sagot ni
Anndy at tinapos ang pagbanlaw sa
sinabunang plato.
"Maliban sa pagiging asawa, katulong ka rin
pala ni Zero? Kaya pala hindi ka niya
maiwan-iwan, may asawa na, may katulong
pa!" pang-iinsulto ni Ligaya kaya kulang
napahigpit ang hawak ni Anndy sa baso.
Kapal ng mukha ng gurong ito! Baka hindi
siya makapagpigil at sa mukha nito basagin
niya ang basong hawak.
"At least inasawa niya, at hindi maiwan-
iwan. Hindi kagaya mo, hanggang ngayon,
umaasa ka pa rin na pakasalan!" sagot ni
Anndy.
"Pinakasalan ka lang ni Zero dahil wala
siyang choice dahil bata ka pa pero alam
natin pareho na ako pa rin ang mahal niya!"
mahina pero may diin na sagot ni Ligaya.
May kaunting kirot na dumaan sa puso ni
Anndy pero hindi siya nagpahalata. Aaminin
niya, tinamaan siya lalo na't ipinaparamdam
sa kaniya ni Zero na mahal pa rin nito si
Ligaya.
"Ikaw ang mahal pero ako ang pinakasalan
kaya sa mga mata ng mga tao ay akin na
siya!" matapang na sagot ni Anndy at
binigyan ito ng nakakalokong ngiti para
kunwari, panalo siya. E ano kung bata?
Palibhasa gurang na ito. Paano ba niya
mapapalayas itong Ligaya na 'to?
"Akin na ang minahal mo nang sobra kaya
kung ako sa 'yo, Ligaya? Humanap ka na
lang ng iba kaysa sa maging kerida!"
"Pero hindi ako ikaw, Princess! Kahit kailan,
hindi magiging ako ikaw!" pagmamalaki ni
Ligaya.
"Tama! Hindi ikaw ako kaya kahit kailan,
hindi magiging sa 'yo si Zero!"
nakapamewang na sagot ni Anndy. Pareho
silang napatingin sa pinto nang lumabas si
Zero.
"Zero!" bati ni Ligaya at tumakbo palapit sa
binata.
"Bakit nandito ka, Ligaya?" walang ganang
tanong ng binata. Nagulat siya nang yakapin
siya ni Ligaya.
"Hindi ka kasi pumasok," malungkot na
sagot ng dalaga, "Oh my ghad! Ang init mo.
May lagnat ka ba?"
"Wala ito. Masama lang ang pakiramdam
ko," sagot ni Zero at napasulyap kay Anndy
nang pabagsak na inilapag nito ang balde na
may lamang tubig.
"Uminom ka na ba ng gamot? Ang init mo
talaga," wika ni Ligaya, "may gamot ka bang
iniinom?"
"Magiging okay rin ako," sagot ni Zero.
"Hindi ka ba inaalagaang maayos ng asawa
mo? Bakit nagkakasakit ka?" tanong ni
Ligaya at sinipat ito sa leeg. Ang init talaga
ni Zero. Napapansin din niya ang pananamlay
ng binata.
"Kapal mo, Ligaya! Inaalagaan ko 'yan!"
depensa ni Anndy. Hindi niya alam na may
lagnat pala si Zero. Malay ba niya dahil hindi
naman nagsasalita ang mokong. Ne ayaw
nga siya nitong kausapin.
"Inaalagaan mo e, ba't nagkasakit?" nanlilisik
ang mga matang tanong ni Ligaya.
"Aba, inaalagaan ko 'yan pero hindi ko
naman maco-control ang bacteria sa
katawan niya!"
"There's always a prevention, my dear!"
"Prevention your ass!" sabat ni Anndy.
Mukha nito! Pabida e. Sarap dikdikin.
"Tama na!" saway ni Zero. Mas lalong
sumasakit ang ulo niya sa dalawang babae.
Imbes na makapagpahinga siya, mas
dinagdagan pa nila ang sakit na
nararamdaman niya. Sana ay pumasok na
lang siya kanina.
"'Yang walang kuwentang asawa mo ang
pagsalitaan mo!" sabat ni Ligaya.
"Yang kerida mo ang itaboy mo!" ani Anndy.
"Cottage ko 'to at pag-aari ko ang lupang
inaapakan mo!" taas noong sagot ni Ligaya.
"Ang lupa mo, itong resort ninyo, kaya kong
bilhin kasama ang pariwarang buhay mo!"
sigaw ni Anndy. Ang yabang nito. Akala mo,
ang yaman-yaman, e kakarampot lang
naman ang ipinagmamayabang nito.
"Kaya mong bilhin?" Tumawa nang malakas
si Ligaya, "E, gamot pa nga lang, hindi mo
na kayang bilhan si Zero, lupa pa kaya?"
Napaupo si Zero sa upuan habang hinihilot
ang sintido.
"Wala kang silbing asawa, Princess! See? Sa
pangalan ka lang mayaman pero pagdating
sa pera, wala ka!" Natatawa na lang siya.
Napaka ambisyosa pala ng asawa ni Zero.
Nakatira lang sa Maynila, akala mo kung
sinong milyonarya na kung umasta.
"Ikaw na mayaman! Sa 'yo na ang
kayamanan pero sa akin si Zero!"
pagmamalaki ni Anndy. Kala nito, papatalo
siya?
"Iiwan ka rin niya balang araw kasi mahirap
ka lang, Princess!" siguradong sabi ni
Ligaya, "Prinsesang walang kaharian!"
"Walang kaharian pero may prinsipe!" agad
na sagot ni Anndy, "Tumahimik ka na nga!
Sampalin kita ng milyones, makikita mo!"
"Haist! Tama na! Wala kayong magagawa?
Doon kayo sa dagat magsigawan!" saway ni
Zero.
"Umalis ka na, Ligaya!" pagtataboy ni
Anndy.
"Lupa ko 'to kaya ikaw ang lumayas dito!"
depensa ni Ligaya kaya padabog na pumasok
si Anndy sa cottage.
"Akala mo kung sino!" wika ni Ligaya at
lumapit kay Zero, "may paracetamol ako,
uminom ka."
Bumukas muli ang pinto at parang tigreng
lumabas si Anndy na may bitbit na balisong
kaya napatayo si Zero.
"A-Ano ang gagawin mo?" natarantang
tanong ni Ligaya.
"Aalis ka? O ipapadala ko na lang ang pugot
na ulo mo sa bahay ninyo?" walang
kakurap-kurap na tanong ni Anndy at
napahigpit ang hawak ng balisong.
"Princess, bitiwan mo 'yan!" wika ni Zero.
"Hindi mo pa tantantanan ang asawa ko?"
galit na sabi ni Anndy nang humawak pa si
Ligaya sa kanang braso ni Zero.
"Kyaaaah. Ipapakulong kita!" tili ni Ligaya at
tumakbo palayo sa kanila.
Naglakad papasok si Zero nang sila na lang
ni Anndy kaya sinundan siya ng dalaga.
"Layuan mo si Ligaya!" wika ni Anndy na
madilim ang mukha.
"Hindi kita tunay na asawa at higit sa lahat,
hindi kita mahal!" seryosong sagot ni Zero
na madilim na ang mukha. Natigilan si Anndy
at nabitiwan ang matalim na hawak. Parang
sa kaniya itinarak ni Zero ang balisong gamit
lamang ang matatalim na salita nito.
Mas lalong sumama ang hitsura ni Zero nang
makita ang sakit sa mga mata ni Anndy.
"Mahal mo na ba ako, Anndy?" malamig ang
boses na tanong ni Zero.
Umiling si Anndy, "Hindi ko kayang
magmahal ng masamang tao."
"Isang mapanghusgang sagot mula sa may
pamilyang mamamatay tao," ani Zero.
"Hindi gano'n kasama ang pamilya ko!"
depensa ni Anndy na ikinangisi ni Zero.
"Okay," sabi ni Zero at pinagmasdang maigi
ang dalagang kaharap. Bata pa ito at kaunti
pa lang ang kaalaman pero nakikitaan na
niya ito ng katapangan. Para itong pusang
handang lumaban sa tigre kanina nang
lumabas at may hawak na patalim.
"Seryoso ako, layuan mo si Liga--"
"Tama na ang pagseselos, Anndy! Huwag mo
akong mahalin dahil hindi ko kayang suklian
ang pagmamahal mo!"
"Kung hindi mo kaya, bakit mo ako ginalaw?
Bakit mo ginamit ang katawan ko?" naiiyak
na tanong ni Anndy.
"Lalaki lang ako, kailangan ko ng parausan,"
seryosong sagot ni Zero kaya napanganga si
Anndy. Ang dumi niya! Iyon kaagad ang
pumasok sa isip niya. Parausan lang siya?
Ang laking insulto iyon bilang isang Lacson.
"Masyadong maganda naman ang parausan
mo," sagot ni Anndy nang makapa ang hiya
sa sarili, "Kapag dumating ang araw na iiwan
na kita, isinusumpa kong hindi lang luha ang
tutulo sa mga mata mo, Zero!"
Lumabas si Anndy kaya mag-isang naiwan si
Zero sa kuwarto. Pabagsak na inihiga niya
ang katawan sa kama. Mula nang kidnapin
niya si Anndy, nagkandaleche-leche na ang
buhay niya.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon