16

3.3K 127 2
                                    


Ang Kidnapper Kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 16

Unedited.

"Z-Zero? Kain na tayo," yaya ni Anndy sa
binatang nakaupo sa ilalim ng lilim ng
punong malapit sa biik nila.
"Mauna ka na," walang ganang sagot ni
Zero.
"Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa ginawa ko
noong isang araw? Sorry na, naawa lang
talaga ako kay Bhabz," paumanhin ni Anndy.
"Kumain ka na kung nagugutom ka na,"
sagot ni Zero na ang lalim ng iniisip.
"Bakit ba ang suplado mo? Ako na nga ang
humihingi ng sorry at isa pa, hindi naman
ganoon katindi ang nagawa ko. Parang
tumabi lang naman sa 'yo si--"
Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin nang
masakit ang mga mata nitong nakatitig sa
kaniya.
"Kakain na ako," paalam ng dalaga at
tinalikuran si Zero. Naiinis siya. Ilang araw
nang natutuyuan siya ng laway dahil ang biik
lang ang kinakausap niya.
Nang madapa siya nang habulin siya nito,
binuhat siya ni Zero pabalik sa bahay.
Natapos na siyang kumain pero hindi pa rin
bumalik si Zero kaya lumabas siya para
bigyan ng pagkain ang alagang biik.
"Pataba ka, kapag lumaki ka na, kakatayin ka
na ni Zero," malungkot na sabi niya at
binawasan ng kalahati ang pagkain ng biik.
"Mag-diet ka, kailangan hindi ka pala
tumaba para hindi ka makatay," bulong niya
at hinimas ang ulo ng baboy. Napilayan ito
dahil sa pagtalon sa hagdan nang magulat
kay Zero pero pinagtiyagaan niyang hilutin
araw-araw kaya bumalik na sa ayos ang
kanang paa sa harapan ng biik.
Nang matapos kumain si Bhabz, bitbit ang
balde at pamalit na damit, ay pumunta si
Anndy sa balon para mag-half bath.
Hanggang ngayon, hindi pa rin umuuwi si
Pablo kaya sila lang ni Zero na hindi pa rin
siya kinakausap nang maayos.
Nang magkaroon ng kalahating tubig ang
balde, binitbit niya ito sa ginawa ni Zero na
taguan niya kapag maligo. Tagpi-tagping
sako at dahon ng niyog.
Naghilamos siya at nagbihis ng damit.
Kinusutan niya ang damit at inilagay sa loob
ng balde. Bukas na lang siya maglalaba dahil
nakapaglaba na siya kanina. Kaniya-kaniya
silang laba ng damit.
Pagpasok niya, nakaupo na si Zero at
kumakain sa mesa. Tumigil ito sa pagkain at
kinausap siya, "Aalis ako bukas."
"S-Saan ka pupunta?" tanong ni Anndy.
Wala pa si Pablo. Iiwan siyang mag-isa ni
Zero?
"Sa bayan," tipid na sagot nito.
"Ano ang gagawin mo sa bayan? Marami pa
namang pagkain diyan," tanong ni Anndy.
"Kailangan ko pa bang ipaalam sa 'yo ang
lahat ng lakad ko?" seryosong tanong ni
Zero na titig na titig sa kaniya kaya
nakaramdam si Anndy ng pagkailang.
"H-Hindi naman sa ganoon pero w-wala
akong kasama rito. Paano kung pasukin ako
ng masasamang tao habang wala ka? Paano
na lang kami ni Bhabz?" tanong ng dalaga.
Alam naman niyang hindi niya ito
mapipigilan kung ayaw talagang magpapigil.
"Gusto mong sumama?" tanong ni Zero at
kumuha ng isang stick ng sigarilyo sa kaha
nito at sinindihan gamit ang lighter na
galing sa bulsa.
"S-Seryoso ka? Isasama mo ako?" tanong ni
Anndy na sinisikap na itago ang kasiyahan.
"Ayaw mo?"
"Sama ako!" mabilis na sagot niya. Tuwang-
tuwa talaga siya kapag isama ni Zero sa
bayan.
"Okay," tipid na sagot ni Zero saka tumayo
at binitbit ang plato patungo sa kusina.
Umakyat si Anndy at inayos ang higaan niya.
Sinisipag siya at gusto niyang magpasalamat
kay Zero kaya siya ma mismo ang nag-ayos
ng higaan nito. Pati kulambo, siya rin ang
nagtali sa haligi. Magkatabi lang naman sila
kaya ang sa kulambo niya nakatali ang sa
kanang kulambo ni Zero.
Wala siyang narinig na kaluskos kaya
bumaba siya at lumabas. Nakita niyang
naliligo si Zero sa balon kaya naupo muna
siya sa tabi ni Bhabz at pinatay ang ilang
lamok na dumadapo sa katawan ng alaga.
Masyado siyang nawili kaya hindi niya
naramdaman ang pagbalik ni Zero.
"Maiwan na kita, Bhabz. Baka magalit na
naman si Zero," paalam niya dahil madilim na
saka tumayo at bumalik sa loob ng bahay.
May ilaw na ang dalawang lampara nila.
"Kyaaah!" tili niya nang makapasok at nanlaki
ang mga mata. Hindi siya makakilos. Basta
nakapako lang ang mga mata niya sa
nakikitang ahas na nakalambitin sa itaas ng
pintuan sa kusina nila.
"Z-Zero, t-tulong! Tulong!" naiiyak na sabi
niya nang gumalaw ang ulo nito na
tutuklawin na siya pero hindi siya maabot.
"Z-Zero!" nanghihinang tawag niya na hilam
na ang mga mata sa luha.
"Anndy!" tawag ni Zero na mabilis tumalon
sa hagdan at hinila siya palapit dito.
"Z-Zer, a-ahas!" nanginginig na sumbong
niya habang nakaturo ang kanang kamay sa
mau kalakihang ahas na lumalabas ang dila
dahil gusto silang tuklawin.
Agad na kinuha ni Zero ang itak na
nakasabit sa dingding para patayin ang
python snake.
"Z-Zero, huwag! Kakagatin ka niyan!"
natatakot na pagpigil ni Anndy pero mabilis
na lumapit si Zero at buong lakas na tinaga
ang ahasa sa ulo. Lalaban pa sana ito pero
agad na tumilapon ang ulo kasabay ng
pagtili ni Anndy.
"Waaah!" Tumakbo si Anndy kay Zero at
napayakap sa bewang nito dahil sa sobrang
takot nang malaglag ang katawan ng ahas sa
lupang sahig nila.
"Ano ba, Anndy! Duwag mo!" reklamo ni
Zero at nagpupumiglas kay Anndy na
nakahawak sa tuwalyang nakatapis sa
bewang niya.
"Shit!" pagmumura ni Zero nang nalaglag
ang tuwalya kaya napapikit siya at naikuyom
ang kamao. Sa pagmamadali dahil sa kaba,
hindi pa siya nakabihis kaya tuwalya na lang
ang itinakip sa bewang.
Napanganga si Anndy na habang hawak ang
tuwalya. Hindi niya kasi inaasahang
matanggal ito.
"H-Huwag kang humarap, ibabalik ko ang
tuwalya sa bewang mo," wika niya pero galit
na humarap si Zero at inagaw ang tuwalyang
hawak niya saka itinapon.
"H-Hindi ko sinasadya," nauutal na sabi ni
Anndy at tumingin sa itaas ng bubong. Baka
sakaling may ahas pa siyang makikita roon.
"Hindi ka ba talaga titigil sa kalokohan mo,
Anndy?" tanong ni Zero. Sa tulong ng
lampara, nakikita niya ang pamumutla ng
dalaga.
"K-Kasi baka tuklawin ka ng ahas," depensa
ni Anndy na napako na yata sa kinatatayuan
niya. Hindi niya kayang gumalaw kahit na
nasa harapan na niya si Zero. Basta
nakatingala lang siya sa bubong.
"Huwag kang tumingin, Anndy, may
malaking ahas sa ibaba. Sa itaas lang dapat
ang mga mata," paalala niya sa sarili na
halos himatayin na sa nangyayari. Takot
talaga siya sa ahas at mas takot siya sa
alagang ahas ni Zero.
"Hindi naman ako natuklaw, 'di ba? Baka
gusto mo, ikaw ang tuklawin niya?"
mahinang tanong ni Zero na pinipigilan ang
mapasigaw.
"A-Ayoko... t-takot ako sa ahas,"
nanginginig ang boses na sagot ni Anndy
habang nakatingala pa rin sa bubong. Kahit
nangangalay na ang leeg niya, hindi siya
yuyuko.
"Bakit hindi ka makatingin sa akin? Ito
naman ang gusto mo, Anndy, 'di ba?"
napipikon na tanong ni Zero at hinakawan
ito sa braso, "tumingin ka!"
"Masakit ang braso ko!"
"Tumingin ka sabi, Anndy!"
Sa inis, bumaba ang mga mata ni Anndy sa
mukha, katawan hanggang sa gitna ng hita
ni Zero.
"O ayan, nakatingin na ako! Kitang kita ko
na ang malaking ahas mo! Pinkish ang ulo!
Maiksi lang kaysa sa napatay mong ahas
pero mas malaki naman! Ano pa ang gusto
mong gawin ko? Iitakin ko rin at putulin ang
ulo?" galit na sabi ni Anndy na dilat ang
mga mata.
"Ang bastos mo, Zero! Hindi na virgin ang
mga mata ko! Nakatingin na ako sa ahas mo!
O, ba't tulog? Siya yata ang takot e!"
Napaatras si Anndy nang masaksihan ang
paunti-unting paggising nito.
"Masaya ka na? Matulog ka na, Anndy!"
walang ganang saad ng binata at umakyat sa
higaan nila para magsuot ng damit.
Nanghihinang napaupo si Anndy sa
mahabang upuan saka umiyak nang umiyak.
Trenta minutos na siyang nakaupo lang dito
nang sinilip siya ni Zero.
"Umakyat ka na rito at matulog, maaga pa
tayo bukas," sabi ni Zero.
"H-Hindi pa ako inaantok," sagot ng dalaga
na natatakot pa rin.
"May ahas na bubulaga riyan sa 'yo sa
bintana," sabi ni Zero kaya napilitang
umakyat si Anndy at mabilis na tumalukbong
ng kumot dahil sa takot. ne hindi na kinuha
ni Zero ang ahas sa lupa.
Pinatay ni Zero ang lampara at patihayang
nahiga habang nakatitig sa bubong.
Napasulyap siya kay Anndy na nabalot ng
kumot ang buong katawan.
Matapos ang ilang minutong pakikinig sa
huni ng mga kuliglig at ng iba't ibang hayop
sa gubat, narinig niya ang mahihinang hikbi
ng dalaga.
Ipinikit niya ang mga mata. Nakita niya ang
mukha nito kaninang takot na takot dahil sa
ahas. Iyong mukhang mahina at walang
kamuwang-muwang kung paano ipagtanggol
ang sarili kapag matuklaw ng ahas.
Tumagilid siya paharap sa dalagang
nakatalukbong.
"Anndy? Hindi ko balak na takutin ka," wika
ni Zero na parang may bikig sa lalamunan at
pinilit lang ang sarili upang makapagsalita.
Mas lalong lumakas ang hikbi ni Anndy kaya
napabuntonghininga si Zero.
"Makinig ka, wala na ang ahas at ligtas ka
na, babantayan kita kaya matulog ka na."
"P-Pero natatakot ako," sagot ni Anndy at
niyakap nang mahigpit ang unan sa ilalim ng
kumot. Nagugunita niya ang ahas lalo na ang
ulo nito. Ilang sandali pa'y may ibang ahas
na naman siyang nakikita kaya mas lalong
niyakap niya ang unan. Ewan niya kung sa
aling ahas siya mas natatakot.
Naramdaman niya ang paglagitnit ng
kawayang sahig sa tabi niya.
"Dito lang ako sa tabi mo matulog,
babantayan kita kaya huwag ka nang
matakot," sabi ni Zero at nahiga sa tabi ni
Anndy. Tumigil na ito sa pag-iyak at inilabas
ang ulo sa kumot. Kahit madilim, naaninag
niya ang maamong mukha ng dalaga.
"Z-Zero?" tawag ni Anndy at humarap sa
binata, "p-puwede ba kitang mayakap kahit
ngayong gabi lang?" tanong niya.
Inilapit ni Zero ang katawan sa dalaga at
walang pasabing niyakap ito.
Umayos si Anndy at iniunan ang ulo sa
nakadipang kanang braso ni Zero para
makulong siya sa yakap nito. Ang init ng
katawan ni Zero, nagbibigay ng kapayapaan
sa kaniya. Iyong lahat ng takot ay nawala.
Noon, napapatanong siya sa isip kung ano
ang pakiramdam kapag magpayakap siya kay
Zero pero ngayon, nasagot na ang
katanungang iyon. Bakit gano'n? Imbes na
matakot sa kidnapper, kapanatagan ang
nararamdaman niya?
Ilang sandali pa, naririnig na ni Zero ang
mahinang paghilik ni Anndy. Hindi niya
kayang gumalaw. Natatakot siya na baka
magising ito.
"Damn! Hindi ako makakatulog!" bulong niya
habang nakayakap sa kaniya ang malambot
na katawan ni Anndy.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon