8

3.7K 129 4
                                        

..




Nag-iiba po talaga ang format kaya pasensiya na. Hirap mag-edit. Busy ako.

Ang Kidnapper kong Gwapo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang Kidnapper kong Gwapo

Chapter 8 (Batis)
by: sha_sha0808

Unedited...
"K-Kailangan mo ng tulong?" tanong ni
Anndy nang lumabas siya, nasa likod-bahay
si Zero, nakaupo sa mahabang upuang gawa
sa kahoy, naglalagay ng dahon katas ng
malunggay sa sugat nito.
"Okay na ako," sagot ng binata.
Napasulyap si Anndy sa sugat nito. Maayos
ang pagkakatahi pero namumula pa rin ang
gilid nito.
Dinikdik niya ang dahon ng malunggay gamit
ang nilinis na bato at itinapal sa sugat saka
tinakpan ng malinis na tela.
"May kailangan ka?" tanong ng binata.
Naupo si Anndy sa malaking bato na nasa
harapan niya.
"Wala naman. Bored lang ako sa loob ng
bahay. Wala ba kayong TV?"
"Radyo, meron kaso walang baterya. Hayaan
mo, kapag pumunta ako sa bayan, bibilhan
ko para may libangan ka."
"W-Wala ka bang cellphone? Kahit na music
lang?" usisa niya. Isang linggo na sila sa
lugar na ito. Kain tulog lang ang ginagawa
niya habang si Zero ay nagtatanim ng mga
gulay sa bakuran.
"Wala," sagot ng binata, "huwag mo ring
subukang makitawag sa makilala mo sa
paligid, walang signal dito."
"Zero? Hanggang kailan tayo rito?" usisa ng
dalaga.
Tinapos ni Zero ang pagkakatali ng tela.
Napasulyap siya sa mga paa ni Anndy,
pahilom na ang maliliit na sugat nito.
"Kapag maayos na ang lahat, babalik na tayo
sa Maynila," sagot ng binata. Kampante
siyang walang kalaban na makakatunton sa
kanila sa lugar na ito.
Kinuha niya ang sigarilyong hinihithit kanina
sa kalahating bao ng niyog na ginawa nitong
ashtray at hinithit saka ibinuga ang usok
habang nakatitig kay Anndy.
Kahit na mumurahin ang suot ng dalaga,
mukhang mayaman pa rin ito tingnan. Kahit
basahan pa ang ipasuot dito, kaya nitong
dalhin.
Napatingin ang dalaga kay Zero na alam
niyang kanina pa pinag-aaralan ang mukha
niya. Hindi niya mapigilan ang sariling
humanga sa kaguwapuhang taglay ng
kidnapper niya. Sayang lang, masama itong
tao.
"Bakit mo ito ginagawa, Zero?"
"Ayaw ko ng paulit-ulit na tanong, Anndy,"
walang kabuhay-buhay na sagot ni Zero saka
inihulog niya sa lupa ang sigarilyo at
inapakan saka tumayo.
Bitbit ang kutsilyo, lumapit siya sa
halamanan. Naramdaman niya ang pagsunod
ng dalaga.
"Talbos ng kamote na naman?" tanong ni
Anndy. Araw-araw may talbos ito mg
kamoteng kinakain. Minsan, inilalagay sa
tinola pero madalas ay ibinababaw lang sa
kanin tapos lagyan ng asin, ulam na.
"Ano ba ang gusto mo? Okra?" tanong ni
Zero. Kumpleto sila ng gulay. Sitaw, bataw,
patani. Halos lahat ng gulay ng kantang
bahay kubo ay nasa palibot lang.
"Kahit ano," sagot ni Anndy. Natuto na
siyang kumain ng mga gulay. Dati, minsan
lang siyang kumakain. Mas gusto pa rin niya
ng karne. Pero dati iyon. Noong panahong
prinsesa pa siya ng lahat.
"Gusto mo ng isda?" tanong ni Zero.
"M-Mayroon ba?" nahihiyang tanong ni
Anndy pero gusto talaga niya.
"Mayroon, sa batis," sagot ni Zero,
"manghuli ako kung gusto mo." Na-miss din
niyang kumain ng isda.
"Talaga? Sama ako!" excited na sabi ni
Anndy.
"Medyo malayo ang lakarin, maiwan ka na.
Ako na lang ang aalis," sagot ni Zero.
"E? Sama ako! Sige na!" pagpupumilit ni
Anndy.
"Huwag kang magpabuhat!"
"Sige!"
Ayun, naglakad ang dalawa sa kakahuyan
para manghuli ng isda habang bitbit ni Zero
ang isang sibat.
"Malayo pa ba?" tanong ni Anndy.
Napapagod na siya sa kakalakad.
"Wala pa tayong kalahating oras,
nagpapagod ka na? Bumalik ka na nga!"
Kaya ayaw niyang isama ito dahil alam
niyang magrereklamo lang ito. Dagdagan pa
ng mabagal na paglakad ng dalaga.
"Parang nagtatanong lang, reklamo kaagad?"
sagot ni Anndy na nakasimangot. Ang tataas
pa naman ng mga punong nadadaanan nila.
Mabuti na lang dahil nakapajama siya kaya
hindi siya masusugatan ng mga matatalim
na dahon ng halamang hindi niya alam ang
pangalan.
Ilang sandali pa'y naririnig na ni Anndy ang
lagaslas ng tubig.
"Nandito na tayo," sabi ni Zero kaya
tumakbo si Anndy palapit sa binata.
"Wow!" manghang sabi ng dalaga nang
hawiin ang nakaharang na sanga ng kahoy.
Bumulaga sa mga mata niya ang saluysoy.
Sa sobrang linaw ng tubig, nakikita na nga
niya ang maliliit na bato sa ilalim.
"Saan galing 'yang tubig?" tanong ni Anndy
na tinuturo ang waterfalls na may taas na sa
tantiya niya ay 90 meters.
"Sa bundok. Ngayon ka lang ba nakakita ng
batis?" sagot ni Zero. Para itong bata.
"Namangha lang. Kyaaah. May isda!" tili ni
Anndy at itinuro ang nakitang isda sa tubig.
"Dito ka lang," sabi ng binata at hinubad
ang shorts tapos isinunod ang tshirt kaya
ang itim na underwear na lang nito ang
natirang saplot. Geez! Ayan na naman ang
abs nitong kumakatok sa mga mata niya.
Sanay naman siya sa ama at mga kapatid na
may abs pero kay Zero, bakit naiilang siya?
Iniwas ni Anndy ang mga mata bago pa siya
mahuli ng binata. Nakikita niya sa peripheral
vision ang mahahaba nitong biyas. Bago pa
umakyat ang mga mata, tumingin na siya sa
lupa. Kinakabahan siya na hindi niya mawari.
Nasa braso pa rin ito ang puting tela na
nakatakip sa sugat nito.
Nasa malayo na si Zero, bitbit ang sibat at
lumapit sa pinakailalim ng tubig. Nag-
aabang lang siya. Ilang sandali pa'y umahon
ang ulo nito at itinaas ang sibat.
"Ang laki ng isda!" napalatak si Anndy sa
nakita. May malaking isda sa dulo ng sibat
nito.
Lumapit ang binata sa kaniya at inilagay ang
sibat sa tabi niya.
"Sandali, hanap ako ng malalagyan," sabi ni
Zero.
Tuwang-tuwa naman si Anndy habang
nakatingin sa natuhog na isda habang
gumagalaw-galaw para makawala.
Nang makabalik ang binata, dala na nito ang
tingting ng dahon ng niyog na nakatali sa
dulo.
Kinuha niya ang isda at tinusok sa hasang
ang isda palusot sa bibig nito at inilagay sa
tabi ni Anndy saka muling bumalik sa tubig.
Nakasampu sila kaya sobrang natuwa si
Anndy. Hindi mainit kahit na
magtatanghaling tapat na dahil natatakpan
ng makakapal ng dahon ng malalaking puno
ang araw. Ang ganda lang. Nakakawala ng
problema. Mapayapa at nakakapanatag ng
loob lalo na't marami ang ibong kumakanta
sa paligid habang palipat-lipat sa sanga ng
kukunday-kunday na kawayan sa gilid ng
batis. Dagdagan pa ni Zero na naka-
underwear lang. Para silang sina Eba at
Adan.
"Zero? Puwede bang maligo?" tanong ni
Anndy nang mapuno na ang isang tingting
nila. Napatingala siya sa makisig na binatang
nakatayo sa harapan.
"Gusto mo?"
"Oo!" Sinabayan ni Anndy ng tango.
"Sige..."
Dahil nakapajama ang dalaga, hinubad niya
ito. Kahapon, pumunta si Zero sa bayan kaya
binilhan siya ng mga gamit. Kahit paano,
So-En naman ang binili nito para sa kaniya.
Gusto sana niyang hubarin ang tshirt pero
nahihiya siya kay Zero kaya lumusong siya na
may tshirt.
"Ang lamig!" tili niya nang hanggang bewang
na niya ang tubig.
"Halika sa gitna," yaya ni Zero at hinila ang
dalaga palapit sa gitna.
"Gusto ko roon sa ilalim ng falls," excited na
sabi ni Anndy kaya dinala siya ni Zero.
Malapit na sila nang nagulat si Anndy dahil
ang lalim ng tinapakan niya kaya lumubog
siya pero agad na hinatak pataas ni Zero na
hanggang balikat lang nito ang tubig.
"N-Nagulat ako, ang lalim na pala," sabi ni
Anndy. Marunong naman siyang lumangoy
pero nabigla lang siya sa pagkahulog.
Ang linaw ng tubig kaya akala niya,
mababaw lang sa parteng ito.
Nasa dibdib ni Zero ang mga kamay niyang
hawak pa rin nito. Napalunok siya ng laway
nang hindi kumikilos ang binata. Kahit siya,
hindi rin niya magawa. Ang kaninang
malimig na tubig, parang uminit sa bahagi
nila na kahit sa kaloob-looban ng katawan
niya ay nakaramdam.
Tumingala siya sa binata, nakayuko ito sa
kaniya at walang salitang itinulak siya sa tabi
ng waterfalls. Animo'y isang aliping nasa
ilalim ng hipnotismong sinunod niya ang
nais ipagawa ni Zero sa kaniya. Naramdaman
niya ang paglapat ng balat sa likod niya sa
malamig na bato.
Walang nagsasalita sa kanila. Nakatitig lang
sila sa isa't isa pero aware si Anndy sa
maingay na lagaslas katabing waterfalls na
nasa kanan niya.
"Z-Zero..." hiyaw ng isip niya pero hindi
nabigkas ng kaniyang mga bibig.
Namumungay ang mga mata nitong
nakatunghay sa kaniya. Natutuliro siya.
Yumuko ang binata hanggang sa magpantay
ang mukha sa leeg ni Anndy.
Napasinghap ang dalaga nang maramdaman
ang paglatay ng mainit na labi ni Zero sa
leeg niya kaya nataranta ang kaniyang isip.
Itutulak na niya ito? o hayaan sa ginagawa.
"May isda!" malakas na sabi niya nang
maramdaman ang matigas na bagay na
dumaan sa pagitan ng mga hita niya, pero
hindi tumitigil si Zero sa paghalik sa leeg
niya. Naramdaman niya ang pagngiti nito sa
pagitan ng mga halik.
"Malaki ba?" bulong ni Zero na diniin ang
mga labi sa makinis na leeg ni Anndy.
"O-Oo," hindi maka-concentrate na sagot ni
Anndy. Ang bilis ng pagtibok ng puso niya.
Naalala niya si Christine. Ito ba ang palaging
sinasabi nitong chuvachuchu? Ito ba?
Nabibingi na siya.
"Gusto mong hulihin ang malaking isdang
iyon, Anndy?" malambing na tanong ni Zero
saka hinawakan siya sa magkabilang pisngi
habang titig na titig sa mga mata ng dalaga.
Dahan-dahang inilapit ni Zero ang kaniyang
mga labi sa mga labi ni Anndy. Gahibla na
lang ang lapit nang makarinig sila ng
kaluskos mula sa damuhan kaya napalayo
ang katawan ni Zero kay Anndy.
"Sino 'yan?" tanong ni Zero.
Sumulpot ang dalawang lalaki na kasing
edad lang ng binata.
"Zero? 'Tol! Kailan ka nagbalik?" masiglang
tanong ng binatang mas payat sa kanila.
Parehong sunog ang balat ng dalawa dahil
sa araw.
"Kahapon lang," pagsisinungaling ni Zero,
"ano ang ginagawa ninyo rito?"
"Naghahanap ng bayawak," sagot ni
Laurence.
"May nahuli na ba kayo?" tanong niya.
"Isa lang," sagot ni Jason pero iniwan nila sa
punong kahoy para maligo muna. Minsan
lang sila mapadpad dito dahil tago at
malayo ang batis kaya sadyain talaga.
"Uy, sino ang kasama mo?" tanong ni
Laurence nang mapasulyap sa magandang
babae na nasa likuran ng kaibigan. Parang
dyosa ito sa batis sa sobrang ganda at kinis.
"Asawa ko," sagot ni Zero na hindi
nagustuhan ang pagtitig nila kay Anndy.
"'Tol, baka puwedeng tumalikod muna kayo,
magbibihis lang siya," pakiusap niya at
itinago si Anndy sa likuran. Naka-panty lang
ito kaya hindi niya maatim na makita nila
ang pang ibaba ni Anndy.
"Sige 'tol!" sabay na sagot ng dalawa kaya
mabilis na umahon ang dalawa saka
tinulungan ni Zero si Anndy na isuot ang
pantalon.
"Salamat, mga 'tol!" pasalamat ni Zero nang
patinsiya ay nakabihis na rin kaya humarap
na ang dalawa na manghang nakatitig kay
Anndy. Ang puti nito!
"Zero? Pasyal ka sa bahay sa Sabado, may
handa kami sa fiesta. Dalhin mo ang asawa
mo," sabi ni Laurence.
"Sige," ani Zero.
"Iwan mo ang sibat mo, hiramin muna namin
para manghuli ng isda," sabi ni Jason kaya
iniwan ni Zero sa kanila.
"Mauna na kami," paalam ni Zero at binitbit
ang mga nahuling isda kasama si Anndy.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon