Kinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 33
Unedited...
"Uuwi rin si Baby B, huwag kang mag-alala," sabi niya sa alagang biik. Nakawala ang isang anak nito kanina at hindi pa nakakabalik pa kaya pakiramdam niya, nag-aalala rin si Bhabz. "Bhabz? Kumain ka nang marami, maliligo lang ako para pagdating ni Baby Z, mabango na ako," humagikhik na sabi ni Anndy at bitbit ang balde na may sabon sa loob, pumunta siya sa balon. Magtatakip-silim na pero wala pa si Zero. Marami naman ang tubig sa drum na nasa loob ng kaniyang paliguan kaya hindi na siya kumuha pa ng tubig. Inilagay muna niya ang baril sa ibabaw ng takip ng drum para makahubad ng shorts at tshirt. Napatigil ang paghubad niya sa tshirt nang nagsiliparan ang mga ibon lalo na ang mga paniking natutulog sa dahon ng buri palm. "Zero," bulong niya. Biglang sumibol ang kasiyahan sa puso niya. Panigurado, pauwi na ang binata. "Wala nang sasaya pa kapag uwian ka ng asawa," kinikilig na sambit ni Anndy. Sa halip na maligo, nag-half bath lang siya. Tinuyo niya ang katawan at dito na nagpalit ng damit. Maong na shorts at itim na tshirt ang isinuot niya. "Siguraduhin ninyong hindi siya makatakas!" Napaupo si Anndy sa narinig. Hindi iyon boses ni Tiyo Pablo o ni Zero. Sumilip siya sa maliit na butas ng sako. Siya ang gumawa ng butas noon dahil gusto niyang silipin kung ano ang ginagawa ni Zero habang naliligo siya. May tatlong armadong lalaki na pumalibot sa bahay habang nakatutok ang baril sa loob. Ang iba ay nasa hindi kalayuan pero hindi niya alam kung ilan ba talaga sila. Napatakip siya ng mga kamay sa dibdib. Kilala niya sa mukha ang isa. Isa ito sa mga bisita ni Ligaya noong kaarawan nito. "Ano ang gagawin ko?" natarantang tanong niya sa sarili. Dinampot niya ang silver handgun. Kinapa niya ang kutsilyo sa ilalim ng drum. Talagang naglalagay si Zero dito in case of emergency. Maingat na pinunit niya ang sako sa gitna gamit ang kutsilyo para makalabas at makatakbo sa gubat. "Shit!" bulong niya nang naglikha ng kaunting tunog ang paghiwa niya sa sako. Kapag gawa sa plastic talaga, maingay. "Ano 'yon?" tanong ng lalaki at napatingin sa barung-barong na gawa sa sako. "Puntahan ninyo!" Utos ni Baldo. Napaharap si Anndy sa kanila at itinutok ang baril. Bahala na. Babarilin niya ang mga ito. "Kapag hindi ka sigurado kung ilan at nasaan ang puwesto ng mga kalaban, huwag ka munang magpaputok." Naalala niya ang mahigpit na bilin ni Zero sa kaniya kaya pinigilan niya ang sarili. Malapit na ang mga yabag nila kaya mas lalo siyang namamawis at bumilis ang pagtibok ng puso. Natatakot siya para sa buhay. "Shit!" pagmumura ng lalaki. Malapit na sila sa barung-barong nang may tumakbong baboy palapit sa kanila mula sa isang puno. "Baby B!" bulong ni Anndy nang makita ang anak ni Bhabz. Bang! Nanlaki ang mga mata ni Anndy nang makitang natumba ang alaga saka nangisay. "Baby B!" umiiyak na bulong niya. Bumalik na ang dalawa kaya lumabas siya at nakayukong tumakbo. "Baboy lang pala!" sabi ng isang medyo may katabaan ang katawan. "Gago! Tingnan mo sa loob ng barung- barong!" pagmumura ni Baldo at napatingin sa balon. "Ayun siya!" sigaw ng isang kasama at pinasundan ng putok si Anndy na papasok na sa gubat. "Ulol! Huwag mong patayin!" saway ni Baldo at mabilis na tumakbo sa kagubatan para sundan si Anndy. Takbo nang takbo si Anndy. Kung saan-saan na siya sumusuong. Kahit ang mga tinik, hindi na niya nararamdaman. Ilang beses na rin siya nababangga sa magkakadikit na kahoy pero patuloy lang siya na para bang si Satanas ang humahabol sa kaluluwa niya. Bang! Nagpaputok na naman sila. Sa tuwing makarinig siya ng putok, agad kinakapa niya ang sarili kung may tama ba siya at laking pasalamat niya dahil wala naman. "Princess, yohooooo! Uwi na tayo sa palasyo!" Ume-echo ang boses ni Baldo sa buong kagubatan habang tinatawag ang pangalan niya. Ang mga ibon ay nagsiliparan dahil sa paggambala ng mga ito. "Z-Zero..." mahinang pagtawag niya sa pangalan ng mahal habang umiiyak. Sa bawat pag-apak niya sa tuyong dahon, naglilikha ito ng ingay kaya minsan, nasusundan siya ng mga ito pero bahala na. Padilim na rin dito sa loob ng gubat lalo na't papalubog na ang araw. "Nandiyan na kami! Yohoooo!" Wika ni Baldo na medyo malayo na boses. "Ouch!" daing ni Anndy nang nadulas siya at nahulog sa bangin. Sinubukan niyang kumapit sa mga maliliit na puno pero nadudulas ang mga kamay niya kaya napapabitiw siya. Bang! Muling narinig niya ang putok na malapit na sa kaniya. Pagulong-gulong pa rin siya hanggang sa nakakapit siya sa malaking ugat ng puno kaya sinubukan niyang iangat ang katawan. Agad na isiniksik niya ang sarili papasok sa loob ng butas na natatakpan ng malaking ugat ng punong balete kaya kapag nasa itaas ka, hindi mo makikita ang butas. Sakto lang na magkasya siya pahiga. Nasa gitna na siya ng bangin at sobrang sakit na ng kaniyang buong katawan dahil sa paggulong. Puno na rin siya ng galos sa katawan lalo na sa braso. Nakahigang humihikbi siya habang nakatingin sa baba na puno ng malalaki at matutulis na bato. "M-Mommy, d-daddy," bulong niya na umaasang maririnig ng mga magulang ang munting tinig. "Gabi na, boss. Hindi na natin siya mahanap!" sabi ng boses na nasa itaas lang niya kaya napakagat siya sa ibabang labi at napapikit. Umaasa siyang huwag yumuko ang mga ito rito. Naunang nahulog ang baril niya kaya wala na siyang panlaban kung bababa ang mga ito. "Oo nga. Baka nahulog na siya rito sa bangin. Siguradong lasog-lasog ang katawan nu'n bago saluhin ng matutulis na bato sa baba," pagsang-ayon ng isa. "Hindi niya tayo matatakasan!" madiin na sabi ni Baldo. Narinig ni Anndy na papalayo na ang mga yabag ng mga ito kaya pinahidan niya ang mga luha. Dito lang siya. Hindi siya aalis dahil hinang-hina na siya. Sobrang dilim na ng paligid. Napatingin siya sa relong iniregalo ni Zero at pinailaw ito. Alas otso na ng gabi kaya sinubukan niyang lumabas gamit ang ilaw. Wala na siyang naririnig na mga yabag sa palibot. Sa tulong ng mga bato at ugat ng punong naapakan, nakaakyat siya. "Kyaah!" tili ni Anndy nang may mahigpit na humawak sa kamay niya. "Got you, baby!" Napaiyak siya nang marinig ang boses ni Zero habang hinihila siya paakyat. "Z-Zero!" humahagulgol na niyakap niya ang binata. "Sssh.. Nandito na ako, tahan na," bulong ni Zero at hinalikan si Anndy sa noo saka mahigpit na niyakap. "Z-Zero... Papatayin nila tayo," sumbong ni Anndy at isiniksik ang mukha sa mainit na dibdib ng asawa. "Hindi 'yan mangyayari hanggat buhay ako," bulong ni Zero at pinatay ang ilaw ng relo ni Anndy saka kinapa ang magkabilang pisngi nito at hinalikan siya sa mga labi. "N-Nasugatan ka ba? Saan ang masakit?" usisa ni Zero. "W-Wala..." sagot ni Anndy at muling niyakap ang binata. "T-Tahan na," bulong ni Zero. "S-Saan tayo pupunta? Z-Zero, natatakot ako," nanginginig ang mga paa ni Anndy. Kung nakaligtas sila noong una, paano kung sa pangalawang pagkakataon, hindi na sila makatakas? "Magpahinga ka muna," bulong ni Zero at binuhat na parang bagong kasal si Anndy. "N-Nasaan na sila?" tanong ni Anndy. "Wala na!" sagot ni Zero, "Pero huwag tayong maging kampante. Marami pa sila." Nang makarating sila sa pagitan ng malaking puno, tinulak ni Zero ang may kalakihang bato sa gitna at pinapasok si Anndy. "Kuweba?" tanong ni Anndy. Nang makapasok si Zero, ibinalik niya ang bato. Sobrang dilim sa loob at wala siyang makita kaya hindi gumalaw si Anndy. Binuksan ni Zero ang lighter kaya nakita ni Anndy ang loob ng maliit na kuweba. Parang kasing liit lang ng sala ng bahay nila ni Zero. Dinampot ni Zero ang flashlight at binuksan. May malaking bato sa gitna at sa gilid ay may karton at sa tabi nito ay nakarolyong banig. "Magpahinga ka muna," sabi ni Zero at binuklat ang banig. "A-Ano to?" tanong ni Anndy. "Ginawa ni Tiyo Pablo para kapag alanganin kami, may pahingaan kami," sagot ni Zero at kinuha ang mineral bottle saka ipinainom si Anndy. Inabutan niya ng biscuits ang dalaga pero tumanggi ito. "Matulog ka, bukas ng maaga, aalis na tayo," bulong ni Zero saka pinahiga si Anndy sa braso niya. "Zero? Kailan matapos 'to? G-Gusto ko nang mamuhay ng normal. Iyong masaya nating hinahatid ang mga anak natin sa s- skul. I-Iyong nagtatrabaho tayo nang marangal para sa p-pamilya natin," humihikbing tanong ni Anndy. "S-Sorry kung g-ganito ang sitwasyon natin natin. S-Sorry kung dinala ko ang buhay mo sa ganitong sitwasyon. S-Sorry sa lahat kung hindi ko kayang maibigay ang lahat ng ninanais mo," mahinang paumanhin ni Zero at niyakap ang dalaga. Kung puwede lang mabago ang lahat, babalik siya sa panahong kinidnap niya si Anndy. Mas mabuti pa sigurong isa sa quadruplets, na lang ang kinuha nila. Mas madali pa sa kaniya ang pagpatay. Pero si Anndy? Hindi niya kaya. Hindi na niya kaya dahil mahal na niya ito kahit na sakit lang sa ulo ang hatid nito sa buhay niya. "Mahal kita, Zero. Kaya huwag kang humingi ng patawad. Magbago ka lang, ayusin mo ang buhay mo, handa akong sumama sa 'yo kahit saan mang sulok ng mundo," pabulong na sagot ni Anndy bago tuluyang ipinikit ang mga mata dahil sa antok at pagod. Ngayong nandito na si Zero, alam niyang ligtas na siya. ----------------------------- Nagising si Anndy na amoy ni Zero ang sumalubong sa ilong niya. "Baby Z?" bulong niya dahil sobrang dilim ng paligid. "Nagugutom ka na?" tanong ni Zero at niyakap si Anndy. Pinailaw niya ang relo. Alas otso na naman ng umaga. Pinailaw na ni Zero ang flashlight. "Kumain ka na," sabi ng binata. Sabay silang kumain ng biscuits na matagal nang naka-stock dito. Nang medyo okay na ay maingat na binuksan ni Zero ang kuweba para makalabas. "Halika na," sabi ni Zero at binigyan si Anndy ng dalawang baril para ilagay sa bewang saka hinila palabas bitbit ang limang dinamita. Yumuko si Zero sa unahan ng dalaga. "Alam kong masakit pa ang mga paa ko, piggyback ride ka muna," sabi ni Zero kaya masayang sumampa si Anndy at niyakap si Zero hanggang sa nakarating sila sa tabing- dagat. Lumapit si Zero sa mayabong na damo at kinuha ang scooter boat na tinakpan ng mga dahon. "Ang daya! Diyan lang pala 'yan!" naka-pout na sabi ni Anndy. "It's a secret, Baby A," nakangiting sabi ni Zero at pinagmasdan ang maamong mukha ng dalaga. Sobrang natakot siya kagabi habang pauwi. Buong akala niya, hindi na niya makita si Anndy. Mabuti na lang dahil naaninag niya ang ilaw ng relo nito. Nahulog sa ginawa nilang patibong sina Baldo. Patay na ang mga kasamahan nito pero buhay pa si Baldo. Saka na lang niya balikan ito at pagbayari ng lahat ng kasalanan. Hinila niya patungo sa tubig ang scooterboat saka binalikan si Anndy sa buhangin at binuhat saka pinasakay sa scooter. 'A-Aalis na ba talaga tayo? Paano si Tiyo Pablo? Zero, sina Bhabz?" malungkot na tanong ni Anndy. "Oo, hayaan mo na. Uuwi si Tiyo Pablo bukas," sagot ni Zero. Medyo malayo na sila sa puso ng dagat kaya nakapikit ang mga matang isinubsob ang mukha ni Anndy sa likod ni Zero habang niyayakap ito nang mahigpit. Basa na sila dahil sa talsik ng tubig. "Puta--" Napaangat si Anndy sa mukha nang pasigaw na nagmura si Zero. Natatanaw nila ang dalawang scooter at isang motorboat na papalapit sa kanila. "B-Baka tagarito lang," sabi ni Anndy. "Shit!" sambit ni Zero at pinaliko pabalik ang sinasakyan. Walang ganito sa isla maliban sa pagmamay-ari nina Ligaya. "Yumuko ka, Anndy!" sabi ni Zero nang marinig ang sunod-sunod na putok na humahabol sa kanila. Paliko-liko ang pagpatakbo ni Zero para mailagan ang bala. Hindi siya puwedeng makipagpalitan ng puwesto dahil hindi marunong magmaneho si Anndy. "Gumanti ka sa kanila, Anndy!" sabi ni Zero kaya binunot ni Anndy ang dalawang baril na nakasukbit sa tagiliran nito, "Huwag mong aksayahin ang bala!" paalala ni Zero habang nakipaghabulan sa tatlong sasakyan ng mga kalaban. "Z-Zero, isa lang yata ang nakatamaan ko," sabi ni Anndy na hindi pa siya sigurado. Nag U-turn ulit si Zero para humarap sa tatlong papalapit saka inasinta ang pinakamalapit na scooterboat Bang! Bang! Bang! Bang! Apat na sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa karagatan bago nahulog ang dalawang sakay sa isang scooterboat kaya tumigil ang pagpaputok. "Lalapit tayo sa kanila, buksan mo ang lighter!" sabi ni Zero at inabot kay Anndy ang lighter mula sa bulsa ng damit niya at hinawakan ang dalang dinamita na nakasabit sa manibela. Sinalubong nila ang mga ito na mukhang naubusan na nga talaga ng bala. "Ngayon na, Anndy!" sigaw ni Zero kaya sinindihan ni Anndy ang hawak ni Zero na dinamita. Boom! Kasabay nang pagsabog ng sinasakyan ay ang pagsabog din ng mga katawan ng dalawa pa nilang kalaban. "Anndy?" tawag ni Zero. "B-Bakit?" nanghihinang tanong ni Anndy. "Talon tayo!" malakas na sigaw ni Zero habang nakatitig sa lalaking nasa motorboat na may hinahandang cannon bullet bomb na nakatutok sa kanila. "B-Bakit?" "Basta talon!" sigaw ni Zero at hinatak patalon si Anndy sa tubig saka mabilis na sumisid sa pinakailalim ng tubig nang pinasundan sila ng mga bala. Hinila niya ang dalaga sa malaking corals para makatago. Kitang-kita nila kung paano matamaan ng bala ang malalaking isda. Hinawakan niya sa pisngi si Anndy at hinalikan sa mga labi para bigyan ng hangin. Nang pareho na silang kinakapos ay hinila ni Zero ang dalaga para pumaibabaw. Saktong sa nakataob na scooter sila umahon kaya nakapagtago sila sa likuran nito para hindi makita ng mga kalaban. Paikot-ikot ang mga ito habang bumabaril sa tubig. Nang may makitang dumugo sa tubig dahil sa malalaking isdang natatamaan ay umalis na sila. Nilapitan ni Zero ang motorboat ng kalaban saka pinasakay si Anndy at muling bumalik sa isla. "O-Okay ka lang?" tanong ni Zero sa dalagang pagod na pagod. Binuhat niya ito pabalik sa kuweba. Sa ngayon, ito ang pinaka-safe na lugar para sa kanila. Nang makapasok sa lungga ay binuksan niya ang lampara at pinahubad si Anndy ng basang damit. "Z-Zero!" mariing nakakapit si Anndy sa tshirt. "Basa ka, magkakasakit ka," sabi ni Zero pero mas lalong humigpit ang hawak ni Anndy sa damit. "Baby, huwag ka nang mahiya,okay?" malumanay na sabi ni Zero. "Z-Zero-- n-namamanhid ang b-balikat ko. M-May tama yata ako," nanghihinang sabi ni Anndy kaya mabilis na pinunit ni Zero ang tshirt ng dalaga. Nanigas siya nang bumulaga sa kaniya ang dumudugong balikat ni Anndy.
A/n: Ang sakit ng ulo ko. Ne hindi ko alam kung paano ko ipakita sa inyo ang nasa imahinasyon ko. Hahaha. My ghad! Kaniya- kaniya na lang tayo ng imahinasyon basta iisa lang ang ipinupunto. Gosh. Yun na yun. Hindi talaga ako mahal ng action. Buti pa si Humor, medyo friends kami.😀 kapag makita to ng action writer, ewan ko lang. Marami siyang mapupuna lalo na ang redundancy at exact words. Okay sana 'to kung marami lang sana akong alam na action words kaso waley.