38

3.4K 122 5
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 38

Sa lahat ng nagtatanong tungkol kay Jaff,
buhay po siya. Iba na yung plot ng
Barumbadong Virgin at walang swapping ng
identity na naganap kaya huwag kayong
malito. Lahat ng eksena ni Jaffy noon ay si
Jaffy talaga iyon. Walang JAFF. Kahit ang
tumira sa condo ni Jacob, si Jaffy talaga
iyon. Na-cut na ang ibang eksenang lalo na
ang ibang eksena nila ni Jacob. Sa lahat ng
nagtatanong tungkol sa point of view ng
pamilya nila noong nawala si Anndy, nasa
story nina Jaffy at JM pero hindi ko pa
naisulat. Hahaha. Salamat sa pag-unawa.

Unedited...

"Huwag kang mag-alala, hindi ako babalik sa
isla," wika ni Anndy kay John Matthew. Nasa
veranda sila, nag-uusap tungkol sa ama ng
kaniyang anak.
"Kaya mo namang buhayin ang anak mo na
walang ama. Nandito naman kami. Mahal
namin si Dale at hindi namin siya
pababayaan," ani John Matthew at
napatanaw sa swimming pool. Naliligo sina
Dale at ang mommy nila.
"I know. Pero hindi ba't mas masaya kapag
buo ang pamilya namin?" tanong ni Anndy.
"Pero mas delikado ang buhay ninyong mag-
ina. Killer ang ama ng anak mo at paano
kung bigla na lang pasukan ng demonyo ang
utak niya at pagbabarilin kayo?" nag-
aalalang tanong ni John Matthew.
"He won't do that," wika ni Anndy na
salubong ang kilay, "Matagal na niya sana
akong pinatay. Mabait siyang tao!"
"Ilarawan mo sa amin ang mukha ng lalaking
'yon para mahanap namin at malaman ang
records niya," sabi ni JM. Pang isang daang
beses na yata niya itong natanong kay
Anndy. Kailangan nila ng mukha ng
kidnapper nito.
"Wala kayong makukuha sa akin," seryosong
sagot ni Anndy.
"Anndy, huwag ka nang tumanggi. Makipag-
cooperate ka na lang!" napipikon na sabi ni
John Matthew dahil ang tigas pa rin ng ulo
ni Anndy.
"Ba't ko gagawin 'yon? Papatayin ninyo ang
ama ng anak ko!"
Napahilamos si JM, "Do you think, kayang
gawin 'yan ng pamilya? Kung inosente siya,
dapat matuto siyang humarap sa amin."
"Ayaw ko nang pag-usapan," blangkong
sagot ni Anndy. Para ano pa? May Jaff
naman si Zero at higit sa lahat, hindi na siya
kilala nito. Or baka kilala pa naman pero
tuluyan na siya nitong nakalimutan, "Hindi
na rin mahalaga pa iyon. Masaya na kami ni
Baby D kahit na wala na siya."
Tumayo siya at napatingin sa kapatid,
"Pasok na ako sa loob, Kuya JM."
Hindi sumagot si JM. Kinuha lang nito ang
sigarilyo sa bulsa kaya tuluyan na niyang
iniwan.
Kakapasok lang niya sa elevator nang makita
ang ama palapit kaya hindi muna niya isinara
hanggang sa nakapasok na ito.
Walang nagsalita sa kanila. Tinatamad din si
Anndy na kausapin ang ama kaya mas
minabuti niyang huwag magsalita.
Paglabas ng elevator, naunang lumabas si
Anndy pero napahinto siya nang sabihin ng
amang mag-uusap muna sila sa conference
room kaya sumunod siya rito.
"Ano ho ang pag-usapan natin, Dad?"
tanong ng dalaga nang maupo sa tapat ng
mesa nito.
"Kailangan ko ang sketch ng mukha ni Zero,"
seryosong sabi ni Dylan kaya natigilan si
Anndy.
"P-Para ano?" tanong niya nang makuha ang
buwelong sumagot.
"Kailangan niyang magbayad sa kababuyang
ginawa niya sa 'yo sa loob ng mahabang
panahon!" ani Dylan.
"Hindi niya ako binaboy!" giit ni Anndy.
"Pero ninakaw ka niya sa amin at higit sa
lahat, ginahasa ka pa niya!" Tumaas na ang
boses ni Dylan. Hindi pa rin niya matanggap
na ito ang kapalarang sasapitin ng anak. Ne
minsan, hindi niya pinalo si Anndy. Pinalaki
niya itong parang isang prinsesa. Inalagaan
at iningatan na mas higit pa kaysa sa
pinakamahal na diyamante't ginto sa buong
mundo.
"Oo, kinidnap niya ako pero kahit kailan,
hindi niya ako ginahasa. Gusto ko iyon dahil
mahal ko siya," paliwanag ni Anndy.
Naunawaan niya ang ama niya. Kung siya rin
naman, gusto rin niyang patayin noon si
Zero pero hindi na niya nakagawa dahil sa
halip na kamuhian, ay minahal niya ito.
"Baby? Nabubulagbulagan ka lang. Marami
naman diyang iba pero huwag naman ang
mamamatay tao. Paano kung lahat tayo,
patayin niya?"
"Hindi ho niya iyon gagawin!" giit ni Anndy.
"I'm just protecting our family! Ayaw ko
nang may mangyari pang masama sa atin at
higit sa lahat, ayaw ko nang traidurin!"
Nalaman nilang ang malapit lang pala sa
kanila ang pinuno ng nagpakidnap kay Anndy
at ngayon ay nasa bilangguan na ang mga
ito.
"Dad, hayaan na po natin siya. Hindi na niya
tayo gagalawin at ama pa rin siya ng anak
ko," malungkot na sagot ni Anndy,
"Magpasalamat na lang tayo dahil ibinigay
niya si Dale sa atin."
"Hindi ako magiging kampante hanggat hindi
ko nasigurado ang kaligtasan ninyo at
hanggat malaya siya, hindi ko masasabing
malaya na tayo!" giit ni Dylan. Paano kung si
Ann ang papatayin nito? Minsan na silang
napasok kaya hindi niya hahayaang may
mangyaring masama sa buong pamilya niya.
Sa ngayon, si Zero ang mahigpit nilang
kalaban.
"Leave him alone!" wika ni Anndy.
"Uuwi ang mga lola mo, sila ang
maghahanap kay Zero," seryosong sabi ni
Dylan at pinaikot ang swivel chair.
"S-Sina L-Lola Angel?" nauutal na tanong ni
Anndy. Ang kapatid ng Lolo Demetrio niya.
"Yes, uuwi sila nextweek. Sila ang
magtatapos ng laban," sagot ni Dylan kaya
napanganga si Anndy.
"D-Daddy, please, leave him alone! Hayaan
na ninyo si Zero," naiiyak na pakiusap ni
Anndy pero umiling si Dylan.
"Sa ayaw at sa gusto mo, magbabayad
siya!" giit ni Dylan kaya wala sa sariling
tumayo si Anndy. Kailangan niyan makausap
si Zero. Kailangan nitong makalayo pero
paano?
Malapit na siya sa pintuan nang may
maalala.
"Dad? Magsho-shopping kami ni Dale this
week," paalam niya.
"Bawal kayong lumabas," ani Dylan.
"Bibili lang kami--"
"Kapag sinabi kong bawal, bawal! Ayaw
mong ipaalam ang mukha niya, puwes, hindi
kayo makakalabas!" giit ni Dylan.
"Haist! Gusto kong lumabas! Gusto kong
mamili ng damit ng anak ko!' nakalabing sabi
ni Anndy.
"Kung gusto mo talaga, magdala kayo ng
bodyguards at isama mo ang mga kuya
mo," ani Dylan.
"Salamat na lang!" naiinis na sabi ni Anndy
saka lumabas na ng silid.
"Ma'am? May bisita ho kayo sa baba,"
magalang na sabi ng isang katulong nang
makasalubong niya. Lima ang lahat ng
katulong nila ngayon na may iba't ibang
tungkulin maliban sa driver at hardinero.
"Sino ho? Wala akong ganang humarap sa
kanila," tinatamad na sagot ni Anndy.
"Sina Ma'am Jaff po at ang kakambal niya,"
magalang na sagot ng katulong.
"M-May iba pa ba siyang kasama?" tanong
ni Anndy na umaasang kasama nila si Zero.
"Matangkad na lalaki po," magalang na
sagot nito.
"Okay, fifteen minutes!" sagot ni Anndy at
mabilis na tumakbo papasok sa kuwarto
para mag-ayos.
Pagbaba niya, hindi siya nabigo. Nasa sala
ang kambal na Garcia kasama si Zero.
"Good morning!" nakangiting bati niya sa
tatlo kaya napatingin ang mga ito.
Nagkasalubong ang mga mata ni Zero pero
wala siyang mababasa sa mga mata nito.
"Morning!" masiglang bati ng kambal at
tumayo saka nakipagbeso-beso sa kaniya.
Gusto niyang magtaray kay Jaff pero
pinigilan niya ang sarili dahil hindi naman
nito alam ang tungkol sa kanila ni Zero.
Naupo siya sa harapan ng tatlo.
"What brought you here?" nakangiting
tanong ni Anndy na sinubukang maging
kampante sa harapan ng tatlo. Halos
magkamukha lang sina Jaff at Jaffy.
Parehong medyo pahaba ang hugis ng
mukha. Ang pinagkaiba lang, mas fierce ang
mukha ni Jaff. Si Jaffy naman ay pa-sweet.
Parehong marunong makipaglaban pero mas
matinik lang si Jaff dahil gamay na nito ang
trabaho dahil ito ang palaging sumasabak sa
misyon. Si Jaffy? Si John Matthew lang ang
ginagawa nitong misyon. Pagiging stalker at
paghahabol lang sa binata ang alam.
"Gusto naming hingiin ang sketch ni Zero,"
sagot ni Jaff.
"For what?" Gusto niyang matawa. Seryoso?
Kung alam lang ng mga ito. Napasulyap siya
kay Zero. Tahimik lang ito habang nakaupo
sa tabi ni Jaff.
"Ano kaya ang nasa isip nito?" curious na
tanong ni Anndy sa sarili. Pero paano kung
hindi nga ito si Zero? No, nakikilala ito ng
puso niya at alam niyang si Baby Z niya ito.
"Utos ng daddy mo," sagot ni Jaffy kaya
napataas ang kilay ni Anndy.
"Wala kayong mapapala sa akin!" giit niya.
Nakita niyang papalapit ang ama niya at si
John Matthew.
"Magandang umaga po," magalang na bati
ng kambal saka tumayo at humalik sa pisngi
ni Dylan.
"Magandang umaga," seryosong sagot ni
Dylan at naupo sa tabi ni Anndy.
"Hello, baby ko," nakangiting bati ni Jaffy
kay John Matthew.
"Maupo ka na," sabi ng binata kaya
napasimangot si Jaffy.
"Princess? Magske-sketch sila ng mukha ng
kidnapper mo," sabi ni Dylan.
"No!" madiing sagot ni Anndy at napatingin
kay Zero nang lumambitin ang braso ni Jaff
dito.
Kung puwede lang sanang durugin ang
dalawa gamit ang kamao niya.
"Para tapos na," sabat ni John Matthew.
Kumakati na rin ang mga kamay niyang
dumapo sa pisngi ng kidnapper ni Anndy.
"I can't! Masaya na siya sa buhay niya kaya
mag-move on na tayo! Masaya na kami ni
Dale!" seryosong sagot ni Anndy para
isampal kay Zero na hindi na niya ito
kailangan, "Maraming lalako riyan at kaya
kong maghanap ng pamalit sa kaniya!
Huwag na natin siyang guluhin pa dahil
nagbabagong buhay na ang tao!"
Hindi niya inaalis ang mga mata kay Zero.
Bahala na kung may makapansin sa kaniya.
Kulang na lang ay masampal niya ito ngayon
din. Kung aaminin na lang kaya niya sa mga
ito na nasa harapan na nila si Zero para
matodas na ang ugok na ito? Kapal ng
mukhang humarap sa kaniya.
"Inilalagay mo sa panganib ang buong
pamilya natin!" galit na sabi ni Dylan.
Tumayo si Anndy nang hindi na niya nakaya
pa ang ginagawa ni Jaff kay Zero at ang
malagkit na tinginan ng mga ito. Nasasaktan
siya. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan
lang niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni JM.
"Sa banyo!" sagot ni Anndy at tinalikuran na
ang mga ito.
"Bumalik ka kaagad! Hindi pa tayo tapos!"
pahabol ni Dylan.
"Ang tigas ng ulo ni Anndy. Pasensiya na,"
paumanhin ni Dylan sa tatlong kaharap.
"Okay lang po," nakangiting sagot ni Jaffy at
napasulyap kay John Matthew. Kahit kailan,
hindi talaga siya magsasawang pagmasdana
ng mukha ng binatang matagal na niyang
kinababaliwan.
"Excuse me, CR lang po ako. Kanina pa ako
naiihi," paalam ni Jaff.
"Samahan na kita?" tanong ni Zero.
"Salamat, honey, pero dito ka lang. Kaya ko
na," sagot ni Jaff at tumalima na.
Nag-usap silang apat pero si Jaffy lang
naman ang panay sagot. Tahimik lang si
Zero na nakikinig sa kanila.
Napasulyap si Zero sa dalagang kakabalik
lang at naupo sa tabi ni Dylan. Hindi ito
umiimik pero makahulugang nakatingin sa
kaniya.
"Mabuti naman at nakabalik ka kaagad! Ang
tagal mo!" reklamo ni Jaffy sa kakambal
nang bumalik at naupo kay Zero.
"Sorry," mahinang sagot ng dalaga at naupo
sa tabi ni Zero at ipinulupot ang mga kamay
sa braso n binata.
"Hayaan ninyo. Kapag payag na si Anndy,
ipapaalam namin sa inyo," sabi ni JM na wala
namang magawa kung ayaw ni Anndy.
Napasulyap siya kay Jaff na hinalikan ang
kasintahan sa mga labi habang nakahawak sa
magkabilang pisngi nito. Matagal. Walang
hiya talaga ang magkambal. Kahit si Jaffy,
ganiyan din ang ginagawa sa kaniya kahit na
maraming tao kaya siya na lang ang
nahihiya.
Napasulyap siya sa kapatid na biglang
tumayo at tumalikod.
"Saan ka pupunta, Anndy?" tanong ni Dylan.
Hanggat maari, ayaw niyang maging bastos
ang anak sa mga bisita.
"Rest," tipid na sagot ng dalaga saka mabilis
na tumungo sa elevator.
"Hayaan na po natin siya, baka napagod
lang siya," nakangiting sabi ni Third at
napasulyap sa dalagang nasa elevator na
pero bago pa nito naisara ang pinto,
nagkasalubong pa ang mga mata nila.
"Alis na po kami," paalam ni Jaffy at tumayo
na.
"Kailan kayo babalik?" tanong ni John
Matthew kaya napangiti si Jaffy.
"Miss mo na ako kaagad? Miss you too,"
pagpapa-cute ni Jaffy kaya sumeryoso ang
mukha ni John Matthew na namumula ang
pisngi.
"Umuwi na nga kayo at huwag na kayong
bumalik!" pagtataboy ni John Matthew.
"Suplado! Mabait ka lang kung may
kailangan ka!" sagot ni Jaffy at sinimangutan
ang binata, "palibhasa hindi na--"
"Shut up!" sigaw ni John Matthew na mas
lalong namula ang mukha.
"Okay, pero kapag buntis ako, pakasalan mo
ako!" sabi ni Jaffy at padabog na hinabol
ang dalawang nasa pintuan na.
"Third!" tawag ni Jaffy nang nasa garahe na
sila.
"Ako na ang gagamit ng ducati at kayo na
sa kotse ko," makahulugang sabi ni Jaffy at
nakipagpalitan ng susi sa binata.
"Kiss mo 'ko!" sabi ng dalagang naka-abre
siete sa braso niya.
"Puwede bang huwag mo akong halikan
kapag nandito tayo?" seryosong pakiusap
ng binata saka binuksan ang pinto na agad
namang pumasok ang dalaga. Napatingala
siya sa bintana ng kuwarto ni Anndy, nakita
niya ang dalagang nakatingin sa kanila kaya
ini-start na niya ang sasakyan. Hanggat
maari, ayaw niyang magsayang ng
pagkakataon.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon