5

4.1K 150 4
                                        


Sorry sa format... Wala na akong time ayusin e.  Ganito na siya, walang space. 😭😭😭😭 Unawain nyo na lang. Hirap maglipat ng stories.


Ang Kidnapper kong Gwapo

Chapter 5 (rooftop)
by: sha_sha0808

Unedited.

"Bakit mo ba ako palaging pinipilit na
kumain?" naiinis na tanong ni Anndy. Hindi
niya ginagalaw ang pagkaing ibinigay sa
kaniya ng lalaki kaya inayos na lang nito ang
bendahe sa sigat niya sa braso.
"Masakit pa?" tanong ng binata.
"Hindi na, sanay na akong masaktan."
Para siyang baboy na nakakulong dito sa
maliit na silid. Dadalhan lang ng pagkain
kapag kainan na.
Isang linggo na silang narito pero ne
minsan, hindi siya pinapababa kapag walang
kailangan. Bababa lang siya kapag maligo at
gagamit ng CR.
Napasulyap si Anndy sa binatang nakatingin
sa malayo. Ang tangos ng ilong nito at dahil
payat, mahaba rin ang leeg tingnan.
"Marami talaga ang mapanlinlang sa
mundo," bulong ni Anndy. Walang emosyon
ang mukha nito at ang tahimik pa. Siguro
kung hindi niya ito kidnapper, at kapag
magkita sila sa ibang paraan, hindi niya
iisiping masamang tao ito dahil mabait ang
awra. Isa pa, hindi ito bagay rito ang
descriptions ng ibang writer sa kanilang
nobela. Papasa itong portrayer ng
antagonist na may badboy image sa isang
istorya pero alam niya ang katotohanan sa
likod ng pinto ng kaniyang mga mata. Isa
itong halimaw na walang habas sa pagkitil
ng buhay!
Napatingin ito sa kaniya kaya iniwas ni
Anndy ang mga mata. Natatakot siya hindi
dahil sa matalim na pagtitig nito. Natatakot
siya dahil sa pagiging malamig ng mga mata
ng binata, parang mga mata ng isang patay,
walang kabuhay-buhay.
"Wala ka ba talagang balak na isauli ako?"
malungkot na tanong niya. Araw-araw ay
nakikipagsapalaran siya dahil baka magbago
pa ang desisyon nito.
"Ang pagsauli sa 'yo ay para na rin akong
nagpatiwakal!" sagot ng binata. Bata pa si
Anndy, 18 years old pero alam niyang
matapang ito. Ang iba, mas pipiliing
magpakamatay na lang sa ganitong
sitwasyon pero ito, hindi. Araw-Araw itong
nangungulit sa kaniya na iuwi na pero hindi
siya papayag. Ayaw niyang mauwi sa walang
kuwentang bagay ang pinaghirapan niya.
"Hindi naman kita ipapahamak, promise,"
saad ng dalaga at itinaas pa ang kanang
kamay.
"Magpalakas ka, aalis tayo mamayang gabi,"
seryosong sabi ng binata. Napansin niya ang
pagkunot ng noo ng babaeng kaharap,
"Aalis na tayo rito, mahirap gumalaw ang
mga daga kapag may nakaabang na mga
pusa sa labas ng kanilang lungga."
Alas dos pa lang ng hapon kaya may oras pa
sila. Gagamitin nila ang kadiliman para
makapagtago sa mga kalaban.
"Okay," pagpayag ng dalaga saka hindi na
kumontra pa. Kailangan niyang makatakas
bago sumapit ang gabi. Hihingi siya ng
tulong sa kapitbahay o kukumbinsihin niya si
Andoy na tulungan siya.
"Matulog ka muna, mahaba ang biyahe
natin," sabi ng binata saka lumabas na.
Muling nahiga si Anndy at napatingin sa
kinakalawang at butas-butas na yero.
"Daddy? Mommy? G-Gusto ko nang umuwi,
miss ko na mga kuya ko," naiiyak na sabi
niya. Sana mahanap na siya ng mga
magulang.
Hindi siya nakatulog kagabi kaya mabilis
siyang hinila ng antok.
"Anndy!" bulong ng binata sa tainga ng
dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Anndy
nang pagmulat ng mga mata ay agad na
tinakpan ng binata ang bibig niya.
"Sssh... huwag kang maingay," bulong nito
habang ang isang kamay ay naka-silent sign
saka dahan-dahang tinanggal ang kamay sa
bibig ng dalaga.
"Ano ang nangyayari?" bulong ni Anndy at
bumangon nang marinig niya ang ingay at
hiyawan ng mga tao sa labas. Ang mga mata
ay nag-iiyakan din. Napasulyap siya sa
wristwatch ng binata. Alas singko 'y medya
na ang oras. Mahigit tatlong oras din siyang
nakatulog.
"Nasa labas sila," bulong nito kaya nanlaki
ang mga mata ng dalaga. Kahit hindi nito
sabihin, alam na niya kung sino ang
tinutukoy nitong sila.
Napasilip siya sa maliit na siwang ng
kuwarto.
"Oh my gosh!" bulong niya at napatakip sa
bibig saka napaharap sa binata habang
nanlalaki ang natatakot na mga mata.
Natatakot siya.
"Kalma," bulong ng binata at muling sumilip
sa maliit na butas. Marami sila. May mga
matataas na baril at nakatakip ang mga
mukha.
"P-Papasok sila..." bulong ni Anndy nang
sumilip sa isang butas at nakita niyang
pinapasok ng iilan ang bawat bahay habang
may tatlong lalaking nakabantay.
"Halika." Hinila niya si Anndy palabas ng
kuwarto na hanggat maaari, hindi sila
nakakalikha ng ingay. Sarado naman ang
pinto. Nag-text si Andoy na nasa talyer na
may pumapasok na mga armado rito sa
loob ng squatters area pero huli na nang
mabasa niya dahil nakatulog siya.
Maingat na binuksan niya ang pinto ng
kuwarto ni Andoy at lumapit sa bintana
habang hawak ang kamay ni Anndy.
"Kailangan ko ang kooperasyon mo," sabi
niya pero hindi kumikibo ang dalaga.
Nararamdaman niya ang panginginig ng mga
kamay nito kaya mahinang sinampal niya sa
kanang pisngi. Natauhan naman ito.
"Makinig ka, huwag kang lumikha ng ingay
kung hindi, patay tayo, maliwanag?" bulong
nito kaya tumango ang dalaga. Isinuot ng
lalaki ang ski mask.
Maingat na binuksan niya ang bintana at
inalalayan si Anndy na umakyat para
lumabas. Magkadikit-dikit ang mga bahay
kaya dikit-dikit din ang bubong. Napatingin
siya kay Anndy, nakapaa lang ito. Summer
shorts na panlalaki at puting tshirt na malaki
sa katawan niya.
"Shit!" napamura siya nang marinig ang
kalampag sa baba, "bilis!" Utos niya kaya
lumabas si Anndy. Sumunod siya rito.
"Dahan-dahan," bulong niya. Pagapang na
gumagalaw sila ni Anndy sa kabilang side ng
bubong. Isa lang ang labasan ng area na ito.
Sa dulo ng mga bahay ay mataas na bakod
at high way na kaya rito sila dadaan. Tatalon
na lang sila sa bakod. Si Anndy ang
problema niya mamaya pero bahala na.
Panaka-nakang sumisilip siya sa kabilang
sidem sa maliit na iskinita, nasa baba ang
mga kalaban. Hindi naman nila sinasaktan
ang mga tao.
"Wala ba? Nandiyan lang 'yan, suriin ninyong
maigi!" Utos ng lalaking may pinakamalaking
katawan sa kanila. Napakagat sa ibabang labi
si Anndy habang ipinagpatuloy ang
paggapang. Mahirap dahil pamin-minsan,
tumutunog ang yero lalo na kapag luma.
"Sa bubong! Tingnan ninyo! Baka sa bubong
sila dumaan!" sigaw ng isang may dalagang
shotgun kaya napalingon si Anndy sa binata.
"Huwag kang gumalaw," bulong nito at
hinawakan ang kamay ng dalaga. Alam
niyang nakatingala ang mga lalaki sa bawat
bubong ng bahay. Isang maling galaw lang,
patay na sila!
"Wala yata e!" sabi ng isa.
"Aaaah!" tili ni Anndy nang bumigay ang
yerong pinapatungan niya dahil sa sobrang
luma kaya napatingin ang mga kalaban sa
kanila.
"Fuck!" pagmumura ng binata habang hawak
ang kamay ni Anndy para hindi mahulog.
"B-Bitiwan mo na ako!" naiiyak na sabi ng
dalaga.
Bang!
Bang!
"Shit!" Tumayo ang binata at mabilisang
hinatak paakyat si Anndy nang may
bumabaril na sa kanila.
"Takbo!" wika niya at patakbong hinihila si
Anndy. Pinapasundan naman sila ng bala ng
mga kalaban kahit na hindi sila nakikita.
Basta sinusundan lang ang mga yabag nila
sa yero.
Ne hindi na inalintana ni Anndy ang mga
nakausling pako sa bawat bubong na
maapakan. Basta tumatakbo lang siya
habang hinahabol ng bala ang dinadaanan
nila.
"Talon!" Utos ng lalaki dahil malayo ang
agwat ng susunod na bahay. Magkahawak-
kamay sila kaya nang tumalon siya ay
napatalon din si Anndy.
"Aray!" daing ni Anndy nang hatakin siya ng
binata dahil nadudulas ang katawan niya sa
yero dahil pahiga ang bagsak niya nang
tumalon sila.
"Tayo!" wika ng binata sabay hatak patayo sa
dalaga, "Fuck!" pagmumura nito nang
makaramdam ng pagkangilo sa kanang
braso.
"Takbo lang!" hiyaw niya na pinapauna sa
pagtakbo si Anndy habang nakayuko sila.
"Ugh!" daing ng binata nang matamaan na
naman sa likod ng balikat pero hindi pa rin
tumitigil sa pagtakbo. Mahirap gumanti sa
pagpaputok dahil marami ang sibilyan.
"W-Wala na..." natarantang sabi ni Anndy na
tumigil sa pagtakbo dahil sa mataas na
bakod na ang dulo ng pinakahuling bubong.
"Tumalon ka!" Utos ng binata pero nag-
alinlangan si Anndy lalo na nang makita ang
duguan nitong braso at balikat.
"Tumalon ka kung ayaw mong ratratin nila
ng bala ang katawan natin!" Sabay hila kay
Anndy para tumalon nang sunod-sunod na
putok ang narinig.
"Aww!" daing ni Anndy nang bumagsak sila.
Napamulat siya ng mga mata. Nasa ibabaw
siya ng binata at buhay pa siya. Buhay sila.
"Awww! Umalis ka!" daing ng binata dahil
mas lalong dumugo ang sugat niya sa bigat
ni Anndy. Agat na tumayo ang dalaga at
tinulungan siyang makatayo.
Napatingin ang lalaki sa ducati na ginamit
noong isang linggo. Alam ni Andoy na dito
ang lusot niya.
"Sakay na!" sabi ng lalaking paika-ika
habang lumapit sa ducati.
"K-Kaya mo pa?" nag-aalalang tanong ni
Anndy. Natatakot siya para sa binata. Paano
kung maubusan ito ng dugo?
"Ikaw ang magmaneho." Utos ng binata saka
hinubad ang tshirt at itinali sa sugat na nasa
braso para mapigilan ang pagdurugo.
Dumaan lang ang mga mata ni Anndy sa
katawan nito. May abs ito, marami pero
agad na iwinaksi niya sa utak. Hindi siya
puwedeng mag-isip ng ganiyang bagay lalo
na sa sitwasyon ganito. Sumakay siya at
inistart ang ducati. Napatingin siya sa
binata. Pagkakataon na niyang iwan ito pero
may kung anong bumubulong sa utak niya
na hindi puwede. Sinalag nito ang mga bala
na para sa kanilang dalawa kaya ang sama
niya para iwan ito sa ganitong kalagayan.
"Damn! Imaneho mo na!" sabi ng binata at
mabilis na sumampa sa likuran ng ducati.
May dalawang itim van na mabilis na palapit
sa kanila.
Bak to back sila ni Anndy. Sa unahan ang
dalaga habang siya ay sa likuran nakaharap.
Hindi diretso ang pagpatakbo ni Anndy kaya
nang magpaputok ang nasa unahang van,
hindi sila natamaan. May mga motorista na
umiwas at tumagilid ang pagpatakbo sa
malapad na kalsada.
Binunot ng binata ang dalawang glock 19 na
puno ng bala. Binuhat niya ang dalawang
kamay na may parehong baril at inasinta ang
bintana ng isang van.
Bang! Bang! Bang! Bang!
Apat na sunod-sunod na putok ang
umalingawngaw pero hindi pa rin tumigil
ang van dahil bintana lang ang natatamaan.
Hindi pa rin natatamaan ang driver nito.
Sa abot ng makakaya, pinatakbo ni Anndy
nang sobrang bilis ang motorsiklo. Firstime
niyang magmaneho sa ganito kabilis na lara
bang nasa isang championship lang siya ng
racing competition at buhay ay kapalit
kapag matatalo siya. Buhay pa ang binata sa
likuran niya. Gumaganti pa ito ng paputok
sa kalaban. Isa pa, nararamdaman niya ang
mainit na balat nito sa likod niya. Sinasadya
niyang huwag paikis-ikis ang pagpatakbo
para hindi sila matamaan.
"Bingo!" wika ng binata pero hindi lumingon
si Anndy.
Napalingon ang binata sa unahan nila ni
Anndy nang tumigil ang isang van dahil na-
flat-an ng gulong dahil sa pagbaril niya.
May tigtatlong bala na lang ang mga baril
niya. May tanker truck sa unahan nila at
isang puting kotse na nakipagsabayan sa
truck kaya mahihirapan silang mag-overtake
sa dalawa dahil sakop nila ang kalsada.
Mukhang naggigitgitan ang dalawa.
"Talunin mo ang kotse!" sigaw ng binata.
"What?" sigaw na patanong ni Anndy. Hindi
niya narinig ang sinasabi nito. Ibinaling niya
ang ulo sa kaliwa para marinig ang binata
pero naka-concentrate ang mga mata sa
unahan.
"Yaaah!" tili ni Anndy nang may dumaan na
mabilis na hangin sa kanang tainga niya.
Biglang nabasag din ang right side mirror
ng ducati.
"Puta! Tumalon ka sa kotse! Double-hin mo
ang speed niya para makatalon ka!" malakas
na sigaw ng binata.
"Susubukan ko!" sagot ni Anndy at mahigpit
na hinawakan ang handle ng ducati. Full
speed na siya kanina pa kaya pinalinya niya
ang motor sa puting kotse. Saktong medyo
bumagal ang pagpatakbo nito dahil malapit
na sa traffic lights kaya pinalipad niya ang
motor sa ibabaw ng kotse. Ilang segundong
nasa ere sila at halos ganoon din katagal na
hindi siya nakahinga at tumigil na yata ang
pagtibok ng puso niya.
Isang malakas na pagtunog ang nalikha nang
bumagsak ang ducati nila sa cemento ng
kalsada. Pati yata utak niya ay naalog din sa
lakas ng impak pero hindi pa rin tumigil ang
pagmaneho niya. Wew! Muntik na iyon.
Ilang metro na ang layo nila sa sa dalawang
sasakyan. Sa dalawang balang natitira,
sinigurado ng binata na ang tanker truck ng
Shell ang matamaan niya.
Boom!
Kasabay ng pagsabog ng truck ay ang
pagsabog din ng kasabayan nitong kotse
kaya nasarado ang kalsada.
"Flat na ang gulong natin," sabi ni Anndy na
humina na ang pagpatakbo at nilingon ang
umaapoy na mga sasakyan. Ang iingay rin
ng mga busina sa kabilang lane ng kalsada.
"Hanggat tumatakbo pa, huwag mong itigil,
maneho lang hanggang sa maging ligtas
tayo!" seryosong sabi ng binata at
napadaing dahil ngayon lang niya
naramdaman ang hapdi at sakit dulot ng
mga tama ng bala sa braso at balikat.

A/n:
Salamat sa mga nakaintindi ng isinulat ko at
I feel you sa mga hindi.😀

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon