30

4.2K 142 3
                                        


Ang Kidnapper kong Gwapo

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 30

Unedited...
Nakatingin si Zero kay Anndy na may hawak
na baril. Nagpa-practice ito sa pag-asinta
ng bilog na iginuhit niya sa mga puno gamit
ang puting chalk. Dalawang linggo na buhat
nang makauwi sila. Isang linggo na rin
niyang tinuturuan si Anndy. Kahit na pawisan
at magulo ang nakapusod na buhok, hindi
niya maiwasang hindi hangaan ang dalaga.
Nandoon pa rin ang childish look nito pero
mukhang maangas na kaysa sa dati.
Seryoso ito ginagawa na para bang nasa
isang mahalagang pagsusulit. Kung sabagay,
paano ito hindi seseryoso? Eh, ilang beses
na niyang masinghalan dahil kung anu-ano
ang iniisip. Sa bawat putok ng baril nito,
nagliliparan naman ang mga ibon sa gubat.
Kahit ang wild animals, nabubulabog din.
Malayo sila sa kalsada at pamamahay kaya
walang nakakarinig sa kanila. Maliban na lang
sa mga nangangaso.
"Kailangan ko ba talagang matuto nito?"
tanong ni Anndy at tinutok ang baril kay
Zero.
"Iputok mo," wika ni Zero.
"At bakit ko iputok?" tanong ni Anndy.
"Para malaya ka na," sagot ni Zero kaya
napasimangot si Anndy.
"Hindi ako mamamatay-tao!"
Lumapit si Anndy kay Zero at naupo sa tabi
nito.
"Pero kailangan mong pumatay ng tao para
mabuhay," seryosong sagot ng binata.
Umiling si Anndy, "Maraming tao na
nabubuhay nang walang pinapatay na
kapwa."
"Pero sa mundong ginagalawan mo,
pagpatay ang tanging paraan para mamuhay
nang masaya."
"Namumuhay naman tayo na walang
pinapatay," giit ni Anndy.
Kinuha ni Zero ang hawak na baril ni Anndy
at itinutok sa noo ng dalaga.
"Z-Zero..." nauutal na sambit ni Anndy
habang nakatitig sa mga mata ng binata.
Ipuputok kaya niya sa ulo niya?
"Kakalabitin ko ang gatilyo," seryosong sabi
ni Zero at idiniin ang dulo ng baril sa noo
niya.
"H-Hindi mo m-magagawa 'yan," sagot ni
Anndy at napalunok ng laway. Mahal niya si
Zero pero paano kung ito mismo ang
papatay sa kaniya?
"Hinahamon mo ba ako, Miss Lacson?"
"Z-Zero naman. Ayaw ko pang mamatay.
Gusto ko pang gagawa tayo ng babies.
Gusto ko pang--"
Click!
Mariing napapikit si Anndy nang kalabitin ni
Zero ang gatilyo. Nabibingi siya. Kahit ang
sariling pulso, hindi niya makapa. Patay na
ba siya? Kaluluwa na ba?
Pagdilat niya, ang guwapong mukha ni Zero
ang nasilayan. Baka nasa paraisong walang
kamatayan na sila?
"Huwag lang puro pagbaril sa kalaban o
kung paano mo sila matatamaan ang isipin
mo. Maging aware ka rin sa bilang ng bala
ng baril mo, dahil wala tayo sa pelikula na
hindi nauubusan ng bala kahit na libo pa ang
bilang ng mga kalaban. Sa totoong buhay,
kailangan mo ring mag-reload, Anndy."
Inilapag ni Zero ang baril sa lupa at tumayo
kaya nakahinga nang maluwag si Anndy.
Akala na talaga niya, wasak na ang bungo
niya. Ang lakas man-trip ni Zero.
"U-Uuwi na tayo?" tanong ni Anndy. Alas
tres pa lang ng hapon pero medyo madilim
na rito sa gubat dahil ang kakapal ng dahon
sa sanga ng malalaking puno.
"Aakyat lang ako ng buko. Dito ka lang,"
sagot ni Zero at lumapit sa pinakamababang
puno ng niyog.
"Ingat ka, baka mahulog ka," nag-aalalang
bilin ni Anndy habang nasa gitna na ng puno
si Zero.
Tumigil ang binata at lumingon kay Anndy.
"Kung mahulog man ako, nandiyan ka naman
para saluhin ako, 'di ba?" makahulugang
tanong ni Zero at ipinagpatuloy ang pag-
akyat.
Ngumiti si Anndy.
"Zero!" tawag niya kaya tumigil na naman
ang binata.
"Ano?"
"Nahulog ka na ba?" pabirong tanong ni
Anndy.
"Oo," sagot ni Zero kaya napanganga ang
dalaga. Parang ang puso na naman yata niya
ang lulundag sa saya? O baka naman
magkaiba ang iniisip nila? Geez! Sana ay
magkapareho lang.
-----------------------
"Alam ho ninyong mali ang gagawin ninyo!"
giit ni Zero.
"Walang makakaalam," sagot ni Mr.
Sebastian. Nasa hardin sila ng malaking
bahay ng mayor at pinag-uusapan ang
malaking proyektong ipapatayo nito.
"Pero mali pa rin ang magpatayo ng factory
ng illegal na druga sa islang ito!" giit ni
Zero.
"Walang mali kung walang makakaalam.
Tatlong taon lang naman, Zero! Walang
maghihinala dahil wala namang alam ang
mga tao! Kulang sila sa kaalaman!" giit ng
mayor. Ne hindi pa nga nakakita ang mga
ito ng tunay na marijuana at shabu.
Naikuyom ni Zero ang kamao. "Kayo ang
may kaalaman kayo ang pinagkatiwalaan
nila!"
"Pero gagawin ko naman ito para sa kanila.
Lahat ng ibibigay nila, ipapatayo natin ng
eskuwelahan at ibibili ng mga gamit
pangkalusugan. Kulang tayo sa budget. Ne
hindi nga tayo nag-iexist sa mapa ng
gobyerno! Walang tumutulong sa atin kung
hindi tayo magsumikap!"
"Sa maling paraan ang diskarte mo!"
"Sa tingin mo, may magagawa ako? May iba
pa bang paraan maliban sa offer nila?
Walang makakapasok na druga sa bayang
ito. Nasisigurado ko sa 'yo kung iyan ang
ikinabahala mo," wika ng mayor. May tiwala
siya kay Zero. Hindi man niya alam ang
background nito, alam niyang may pinag-
aralan ito.
"Pero mas marami ang buhay na masisira sa
desisyon ninyo!"
Ilang milyon ang offer ng magpapagawa ng
laboratoryo ng shabu. Sapat na para
makapagpatayo ng bagong paaralan at
kagamitan sa pangkalusugan. Malayo ang
isla sa kabihasnan kaya ito ang isa sa mga
naging target ng druglords ng bansa.
"Buo na ang desisyon ko. Makiayon ka na
lang para walang gulo," wika ni Romano.
Delikado ang babanggain nila kapag
tumanggi siya.
"Dudumihan mo lang ang islang ito!" wika ni
Zero.
"Sabihin mo lang kung magiging kalaban
kita, Zero." seryosong wika ni Romano. Siya
ang mayor sa bayang ito kaya siya ang
masusunod.
Nanahimik si Zero. Mataas ang respeto niya
sa ama ni Ligaya.
"Kung ayaw mong madamay ang asawa mo,
sumunod ka sa kagustuhan ko,"
makahulugang sabi ng mayor.
"Huwag mong idamay rito ang asawa ko!"
Tumaas bigla ang boses ni Zero. Huwag lang
talaga nitong galawin si Anndy.
"Puwes, sumunod ka sa kagustuhan ko," ani
Mayor. Wala na siyang choice. Nalaman na
ni Zero ang lahat ng plano niya kaya ang
problema na lang niya ay kung paano ito
mapapatahimik.
"Hahayaan kita pero hindi ibig sabihin,
kinukunsinti ko na ang baluktot na desisyon
mo. Pero tandaan mo, Mayor, oras na may
masamang mangyari sa asawa ko, wawasakin
ko ang lahat ng pinaghirapan ninyo!"
matapang na pagbabanta ni Zero. Hindi siya
nito kilala para banggain.
"Mahal mo talaga ang asawa mo.
Pinalampas ko na ang panloloko mo sa anak
ko kaya sana, palampasin mo rin ang plano
ko sa bayang ito!" wika ni Romano. Naaawa
siya kay Ligaya pero wala siyang magagawa
dahil ilang beses na nagmamatigas si Zero.
Na-curious tuloy siya sa kung ano ang
hitsura ng ipinalit nito sa anak niya.
"Uuwi na ho ako. Ngayon pa lang,
binabalaan na kita, hindi mo magugustuhan
ang gagawin ko sa pamilya mo oras na may
masamang mangyari sa asawa ko!"
pagbabanta ni Zero at tinalikuran ang mayor
ng kanilang bayan.
"Ano ang kaya mong gawin para sa asawa
mo, Zero?" may halong panunuya na tanong
ng mayor.
Tumigil si Zero at hinarap siya na may
blangkong mukha.
"Pumapatay ako ng tao kapag may
magtangkang gumalaw sa asawa ko!"
seryosong sagot ni Zero at lumabas na ng
gate.
Dumaan muna siya sa palengke at bumili ng
pangangailangan nila ni Anndy bago umuwi.
Magtatanghali na kaya binilisan niya para
makauwi nang maaga. Nangako siyang bago
mag-alas tres ay nasa bahay na siya. Wala
pa naman si Tiyo Pablo ngayon at si Anndy
lang ang naiwan sa bahay. Baka kung ano na
ang ginawa nito. Pero hindi naman ito
tatakas.
Pasan ang sakong may food supply,
naglakad siya pauwi ng bahay.
"Baby Z! Baby Z, tulong!"
Napatigil sa paglalakad si Zero sa lakas ng
tili ni Anndy.
"Shit!" Sa abot ng makakaya, mabilis na
tumakbo siya pauwi ng bahay. Sa tono ng
boses ni Anndy, nasa peligro ito. Biglang
sumukdol ang kaba sa dibdib niya. Paano na
lang kung nauna na ang mga tauhan ni
Mayor para pagbantaan siya o takutin si
Anndy?
"Z-Zero!"
Umiiyak na tumatakbo si Anndy palapit sa
kaniya nang matanaw siya nito.
Nanghina ang tuhod ni Zero nang makitang
duguan ito.
"Anndy!" sigaw niya. Biglang nabalot ng
kilabot ang buo niyang pagkatao.
"Z-Zero! T-Tulong!" pagmamakaawa ni
Anndy na nanginginig ang katawan sa takot.
"Anndy!" Niyakap ni Zero ang dalaga nang
tuluyan na siyang makalapit. Ramdam niya
ang takot sa katawan nito nang mapasubsob
sa dibdib niya.
Agad na binunot ni Zero ang dalang baril sa
tagiliran at pinadapa si Anndy para magtago
sa talahiban saka luminga-linga sa paligid.
Kahit ang sanga ng mga puno ay sinipat niya
kung may sniper pero wala siyang naaninag.
"Z-Zero? A-Ano ang ginagawa natin?"
natatakot na bulong ni Anndy at napahawak
sa kamay ni Zero
"Sino ang may gawa nito sa 'yo?" galit na
bulong ni Zero at hinubad ang tshirt para
ipantali sa sugat ni Anndy.
"Z-Zero..." sabi ni Anndy at tumayo pero
agad na hinila payuko ni Zero.
"Huwag kang tumayo, makikita ka ng
kalaban!" mariing sabi ni Zero at hinigpitan
ang pagkahawak ng baril. "Nasaan ang sugat
mo?" tanong niya. Huwag lang magkamali
ang mga kalaban at sa ulo nila tatama ang
bala ng baril niya.
"Z-Zero, parang awa mo na, uwi na tayo. Si
Bhabz, nanganganak na," naiiyak na
pakiusap ni Anndy. Natigilan si Zero at
napasulyap sa dalagang sobrang nag-aalala
ang mukha. Kaya pala kakaiba ang lansa ng
dugo na nasa kamay ni Anndy. Peste talaga!
Nawala siya sa konsentrasyon nang dahil
lang sa dugo na nasa kamay nito. Buong
akala na talaga niya, mula sa katawan nito
ang dugo sa mga kamay.
Tumayo siya bigla at napahilamos sa mukha.
Dinampot niya ang sakong may lamang
pagkain.
"Zero, mabaril ka ng mga kalaban!" bulong
ni Anndy at hinila ang laylayan ng damit nito
para muling dumapa. Natatakot siya.
Nilusob na ba sila ng mga kalaban? Pero
wala siyang dalang baril. Huwag naman sana
ngayon. Nanganganak pa ang alaga nila.
"Walang kalaban!" galit na sabi ni Zero at
padabog na iniwan si Anndy. Nagpipigil lang
talaga siya ng sarili dahil baka kung ano ang
magawa niya kay Anndy. Ginagawa siya
nitong tanga palagi.
"Wala ba?" Agad na tumayo si Anndy at
hinabol ang binata. Baka pinapraktis lang
siya ni Zero para maging alerto? Just in
case.
"Zero? Bilisan mo, tatlo na ang lumabas kay
Bhabz," nag-aalalang sabi ni Anndy at nauna
nang tumakbo kay Zero para tulungan ang
alaga nila sa panganganak.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon