47

4.2K 119 7
                                    


Ang Kidnapper kong Gwapo

Chapter 47 ( Finale )
by: sha_sha0808

Unedited...
"Dad? Bakit hindi ninyo sinabi na wala na
pala si Zero sa hospital?" naluluhang tanong
ni Anndy nang pasukin ang ama sa opisina
nito kasama si Dale.
"Lolo? Si Daddy ko po?" inosenteng tanong
ni Dale habang nakatingala sa lolong
nakatingin sa labas ng glass window ng
opisina.
"Umalis na," sagot ni Dylan.
"S-Saan siya nagpunta?" tanong ni Anndy.
Imposibleng iiwan sila ni Zero. Mahal sila
nito. Kaninang dumating sila sa hospital,
kulang na lang na magwala siya dahil hindi
niya mahagilap ang binata. Ang sabi ng
nurse, kagabi pa raw na-discharge si Zero.
"Layuan mo siya, Anndy," seryosong sabi ni
Dylan at naglakad palapit sa kanila habang
nakapamulsa.
"I can't! Dad naman! Iniligtas niya ako at
mahal namin ang isa't isa! Hindi mo ba kami
puwedeng hayaang maging masaya? May
apo ka na sa kaniya. Accept it na siya ang
nagligtas sa unica hija mo! Siya ang ama ng
apo mo!" giit ni Anndy. Lalaban na talaga
siya. Hindi dahil sa wala na siyang
kuwentang anak pero para kay Dale,
ipaglaban niya ang karapatan na magkaroon
ng buong pamilya.
"Hindi puwede," seryosong sagot ni Dylan at
naupo sa swivel chair saka humarap sa mag-
ina.
Nanghihinang naupo si Anndy at hinayaan
lang si Dale na maglaro sa sahig ng kotse at
baril.
"A-Akala ko, okay na ang lahat. A-Akala ko,
tanggap na ninyo siya bilang kabiyak ng
puso ko, pero bakit? Bakit may ganito pa
rin?" naguguluhang tanong ni Anndy.
Minsan, ang ama pa nga niya ang
naghahatid sa kaniya sa hospital para
maalagaan niya si Zero.
"Are you aware na may mahigpit na kalaban
ang pamilya natin mula pa noon?"
seryosong tanong ni Dylan at binuksan ang
isang folder.
"A-Ano ho ang ibig mong sabihin?"
kinakabahang tanong ni Anndy.
Inabot ni Dylan sa anak ang pulang folder.
Napatingin muna si Anndy sa mukha ng
amang salubong ang kilay bago tumitig sa
folder.
"Open it," wika ni Dylan kaya nag-
aalinlangang binuksan ni Anndy ang folder.
Family tree.
Isang family ng isang pamilya, ang angkan
ng pamilyang Angeles.
Napalunok muna ng laway si Anndy bago
niya binasa ang nakasulat.
Tumulo ang mga luha ni Anndy nang
malaman ang lahat-lahat.
"H-Hindi po 'to totoo," nanghihinang saad
niya at pinahidan ang mga luha.
Si Zero, apo siya ng half-brother ni Baron
sa ama. Hindi totoong Perez si Zero kundi
isa siyang Angeles dahil half-brother lang
din ni Tiyo Pablo ama ni Zero. At sa angkan
ni Baron, si Zero na lang ang tagapagdala
ng apelyido nila. Si Zero na lang ang
bubuhay sa angkan ng mortal na kalaban ng
Lola Patch niya.
Napasulyap siya kay Dale. Inirapan sila ng
anak niya habang nakatulis ang nguso.
Mahigpit na magkalaban ang mga Lacson at
Angeles dahil kina Patch at Baron. Dating
manliligaw ng Lola Patch niya si Baron pero
nang piliin ni Patch si Lee Lacson, mas
nangibabaw ang galit sa puso ni Baron at
kung anu-ano na ang pinaggagawa nito sa
pamilya nina Patch at Lee. Umabot pa sa
puntong inilagay ni Baron sa panganib sina
Lulu at Erin kaya abot hanggang langit ang
galit nila kay Baron.
Panay na ito at sina Erin, Lulu at Angel ang
pumatay sa matandang iyon pero isinumpa
ni Patch sa harap ng mga anak na papasin
nila ang angkan ng mga Angeles lalo na ang
masamang ugat ni Baron.
"P-Pero bakit h-hindi sinabi sa akin ni
Zero?" naiiyak na tanong ni Anndy at
pinahidan ang mga luha. Lumapit si Dale sa
kaniya at kumandong kaya niyakap niya nang
mahigpit ang anak.
"Kasi balak talaga niyang iwan ka," sagot ni
Dylan.
"H-Hindi 'yan totoo!" Sunod-sunod na iling
ang ginawa ng dalaga, "Mahal niya kami ng
mga anak niya."
Tumayo siya at binuhat si Dale, "Uuwi na po
kami."
"Kalimutan mo na siya, magsimula kang
muli. Nandito lang kami, Anndy. Hindi ka
namin pababayaan. Alam mo 'yan,"
malungkot na sabi ni Dylan.
"Si Zero ang kailangan namin ng mga anak
ko sa panahong ito," mahinang sagot ni
Anndy saka lumabas sa opisina ng ama.
Napahilamos si Dylan ng mukha nang sumara
ang pinto. Kinuha niya anh folder na iniwan
ni Anndy at napatitig dito.
"Hindi puwede!" bulong niya. Hindi
puwedeng si Anndy ang magsilbing mitsa sa
angkan ni Baron. Hindi puwedeng ang unica
hija niya mismo ang bubuhay sa pamilyang
gusto na nilang ibaon.
"Fuck!" bulong niya. Kapag nagkataon,
dalawa na sila ni Hael. Pero for Christ's
sake, lalaki si Zero at dala niya ang apelyido
ni Baron.
"Lola Patch," bulong niya nang sumagi na
naman sa isip ang yumaong lola.
Napatingin siya sa folder. Nakita niya lang
ito sa silid ng lola niya nang maghalungkat
siya.
Sulat kamay ito ng Lola Patch niya.
Sigurado siya rito. Ibig sabihin, si Lola niya
mismo ang gumawa ng family tree ng
kalaban.
"Paano niya inireto si Anndy kung alam
niyang apo ni Baron?" tanong ni Dylan na
mas lalong nagpasakit sa ulo niya.
Kinuha niya ang telepono at tinawagan si
Lola Angel niya ukol sa nalaman.
Matapos nilang mag-usap, napahilamos siya
sa mukha. Alam na nila ito noon pa, bago pa
mamatay ang Lola Patch niya. Ang sabi ng
Lola Angel niya, bago pa man kidnapin ni
Patch si Zero, alam na nitong si Zero na lang
ang natitirang Angeles sa pamilya ni Baron
kaya sinigurado nitong huwag madamay ang
bata.
Hindi rin alam ng mga lola niya kung bakit
sinagip ni Patch si Zero noon. Kahit ang
paggawa nitong tigabantay kay Anndy, wala
rin silang idea. Nang aminin na lang ni
Anndy kay Angel na ang batang hinasa ni
Patch ang kumidnap sa kaniya, saka lang
nilang napagtanto na iyon pala ang plano ni
Patch noon pa man para kay Zero.
-------------------
Sakay sa ducati, nagawang tumakas ni Anndy
sa mansion. Hinigpitan niya ang pagkakatali
sa helmet saka pinaharurot ang sasakyan.
Apat na buwan na siyang buntis pero hindi
pa naman malaki ang umbok sa tiyan.
"Hahanapin kita, Zero!" bulong ni Anndy.
Hindi mahalaga sa kaniya ang nakaraan o
angkan ni Zero. Mas importante sa kaniya na
mamuhay ng mapayapa at masaya kasama
ang binata.
Hindi na siya iiyak. Ubos na ang mga luha
niya. Pasado alas dose na ng gabi kaya wala
nang tao sa kalsada. Hindi na nga niya alam
kung saan siya patungo. Umaasa na lang
siya na sana makauwi siya sa isla. Sigurado
naman siyang nandoon lang si Zero.
"Shit!" bulong niya at napahinto nang
makita ang itim na sasakyang humarang sa
kalsada na makakasalubong sana niya.
Napahigpit ang pagkakahawak niya sa
manibela at matalim ang mga matang
nakatingin sa kotse. Maliwanag ang paligid,
bilog ang buwan at may ilaw ang mga poste
sa paligid.
Umatras siya pero apat na ducati ang nasa
likuran niyang bigla na lang nagsisulputan
kaya bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso.
Nakaramdam siya ng kaba hindi para sa
kaniya kundi para sa munting anghel na nasa
sinapupunan niya. Binunot niya ang baril na
nasa bewang. Kahit ano ang mangyari,
ipagtanggol niya ang anak nila ni Zero.
Lalaban siya.
Brooom! Broom!
Napatingin si Anndy sa motorsiklong
tumalon sa kotseng nasa tapat niya at
bumagsak sa harapan niya at iniharang ang
motorsiklo laban sa kalabang nasa unahan.
"Z-Zero..." naiiyak na bulong ni Anndy. Kahit
na naka-helmet at nakatalikod ito, hindi siya
puwedeng magkamali. Kabisado niya ang
katawan at bawat galaw ng kasintahan.
Napansin niyang inihanda ni Zero ang mga
kamay para bunutin ang armas sa bewang.
"Anndy!"
Napatingin siya sa lalaking bumaba sa kotse
at tumawag sa kaniya.
"D-Daddy?" hindi makapaniwalang wika ni
Anndy na nanlaki ang mga mata. Saka lang
niya namukhaan ang kotse nilang minsan
lang gamitin ng ama. Napalingon siya sa
apat na nakasakay sa ducating nasa likuran,
ang mga kuya niya.
"Umuwi ka na!"
"Ayaw!" tanggi ni Anndy at agad na bumaba
sa motorsiklo at lumipat kay Zero.
"Dito lang ako kay Zero!" matapang na sabi
niya habang umiiyak at mahipif na niyakap
ang binata.
"Bumaba ka na, Anndy," mahinang sabi ni
Zero pero isinubsob lang ni Anndy ang
mukha sa malapad na likod niya.
"Itakas mo na ako, Baby Z. Sasama ako sa
'yo," ani Anndy.
"Kung mahal mo siya, iuwi mo si Anndy sa
mansion! Hihintayin ko ang anak ko!"
seryosong sabi ni Dylan at bumalik sa kotse
saka umalis na. Ganoon din ang ginawa ng
quadruplets.
"Halika na, Zero," umiiyak na sabi ni Anndy
pero hindi pinaandar ni Zero ang ducati.
"Bumalik ka na sa inyo, Anndy," wika ni
Zero.
"H-Hindi ako babalik sa amin. Uuwi lang ako
sa bahay ninyo. S-Sa bahay natin sa isla,"
umiiyak na sabi ni Anndy kaya pinaandar ni
Zero ang motor. Bahala na ang ducati ni
Anndy. Alam naman niyang kukunin ito ng
tauhan ng mga Lacson na nakaabang lang sa
hindi kalayuan.
Ipinikit ni Anndy ang maga mata habang
nagmamaneho si Zero.
"Z-Zero--no!" natarantang sabi niya nang
pagmulat ng mga mata niya ay pabalik sila
sa mansion.
"Z-Zero, ano ba! Ayaw kong umuwi! Parang
awa mo na, itakas mo na ako," pakiusap ng
dalaga pero tila bingi si Zero.
"Ang haba-haba ng tainga mo, hindi ka
nakikinig!" sigaw ni Anndy at hinampas ang
likod ng binata pero ipinasok nito ang
motorsiklo sa gate ng mansion.
Bumaba si Zero at binuhat si Anndy pababa.
Biglang naglupasay ang dalaga sa sahig.
"Anndy, tumayo ka na. Baka kung ano pa
ang mangyari sa anak natin," pakiusap ni
Zero pero iyak nang iyak lang si Anndy.
"G-Gusto kong sumama sa 'yo. Z-Zero,
sasama ako!" luhaang sabi ni Anndy pero
agad na tumayo nang muling sumakay si
Zero sa ducati.
"M-Mas ligtas ka kapag nandito ka sa
pamilya mo," nahihirapang wika ni Zero at
muling pinaandar ang ducati pero sumara
ang gate kaya napahigpit ang pagkahawak
niya sa manibela.
"Bakit hindi ka muna pumasok sa loob?"
tanong ni Dylan na palapit sa kanila.
"D-Daddy, pigilan mo si Zero..." pakiusap ni
Anndy pero tinitigan lang siya ng ama at
lumapit kay Zero.
"Usap muna tayo sa loob," seryosong sabi ni
Dylan kaya tinanggal ni Zero ang helmet at
walang pasabing sumama sa loob ng
mansion. Kinakabahan naman si Anndy
habang nakabuntot kay Zero. Kahit anong
mangyari, hindi niya pababayaan si Zero.
Naupo sila sa sala. Nasa harapan ni Zero ang
buong pamilya ni Anndy. Pinili ni Anndy na
maupo sa tabi ng kasintahan.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Dylan na
kay Zero ang mga mata.
"Inaayos ko lang po ang lahat ng papeles ko
para makasimula ng trabaho," sagot ni Zero.
Ang apat na kapatid ni Anndy ay salubong
ang mga kilay na nakatitig sa kaniya.
"Daddy!" masiglang sabi ni Dale habang
patakbong lumalapit sa kaniya.
"Hey!" nakangiting bati ni Zero at binuhat
ang anak saka pinaupo sa lap niya at
niyakap.
"Hindi ka namin mahagilap," wika ni Dylan na
hindi makatayo dahil mahigpit ang kapit ni
Ann sa kanang braso niya.
"Mahal ko ho ang anak ninyo at handa po
akong tanggapin ang parusa na ibibigay
ninyo pero sana po, huwag ninyong idamay
ang mga anak ko at ang tao sa isla,"
pakiusap ni Zero. Kung patayin man siya ng
mga ito, nakahanda na siya.
Kalayaan ng mga taga isla ang kapalit ng
paglayo niya kay Anndy pero nandiyan lang
siya sa tabi-tabi. Hindi man siya nagpapakita
sa kasintahan, palagi naman siyang
nakabantay para sa kaligtasan ng mga ito.
"W-Wala ho akong alam tungkol sa lolo ko.
Ne hindi nga po sa akin sinabi ng ama ko
ang tungkol sa kaniya," pag-amin niya.
Clueless siya sa isyu. Napasulyap si Anndy sa
binatang kaharap. Sobrang na-miss niya ito.
Hindi lang nito alam kung gaano siya nag-
alala sa kaligtasan nito. Natatakot siya na
baka kung ano na ang ginawa ng ama rito.
Basta mahal niya si Zero kahit na ayaw ng
pamilya rito.

"Gusto mong pagbayaran ang kasalanan ng
angkan mo sa angkan namin?" tanong ni
Dylan.
"Opo," desididong sagot ni Zero.
"Panagutan mo ang anak ko," seryosong
wika ni Dylan kaya napanganga si Anndy at
napakunot ang noo ni Zero. Tama ba ang
naririnig nila.
"H-Ho?" ani Zero.
"Panagutan mo ang anak ko. Pakasalan mo
si Anndy kung gusto mo pang makalabas
nang buhay sa pamamahay ko!" sabi ni
Dylan.
"Kyaaah! Daddy! Papakasalan ko po siya!" tili
ni Anndy saka mabilis na pumunta sa ama at
mahigpit na niyakap ito.
Naalala tuloy ni Dylan sa tuwing may
pasalubong siya kay Anndy. Ito ang palaging
ginagawa nito bilang pasalamat sa kaniya.
"Huwag mo nang pagtaguan ang anak ko,
kung ayaw mong tuluyang maubos ang lahi
ninyo!" sabi ni Dylan habang nakatingin kay
Zero. Ilang araw na nila itong pinapahanap
pero wala silang impormasyong mahagilap
kaya naisipan nilang ipain si Anndy para
lumabas si Zero. Sinadya nilang patakasin si
Anndy kanina. Hindi nga sila nagkakamali,
nasa paligid lang itong nakabantay sa
kaligtasan ng mag-ina niya.
"Handa po akong panagutan ang anak ninyo,
Mister Lacson. Hindi dahil may obligasyon
ako sa kaniya at mas lalong hindi dahil
pinagbabantaan ninyo ang buhay ko, kundi
dahil mahal ko po ang anak ninyo," buong
pusong sagot ni Zero. Walang salitang
sabay-sabay na tumayo ang quadruplets at
iniwan sila sa sala.
"Mahal din kita, Baby Z!" naiiyak na sabi ni
Anndy saka lumipat kay Zero at mahigpit na
niyakap ang mag-ama niya.
Nakangiting humarap siya sa mga magulang
na nakatayo na at nakatalikod sa kanila para
pumunta sa itaas.
"I love you too, dad. You're the best daddy
in the world. Ikaw pa rin po ang first love,
first hero and king namin ni Mommy,"
naiiyak na sabi ni Anndy.
"Halika na, baby," yaya ni Dylan kay Ann at
hinila na ang asawa palayo sa bunsong anak.
Baka kasi makita pa nito ang mga luha niya.
Ang laki na ng mga anak niya. At kagaya
niya, matigas pa rin ang ulo at may
panindigan kapag magmahal.

A/n:
Hindi pa tapos. May epilogue pa. Hehehehe.

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon