43

3K 99 3
                                    

Ang Kidnapper kong Gwapo

Chapter 43
by: sha_sha0808

Unedited...
"Siya ang nagpadukot sa 'yo!" sabi ni Dylan
kay Anndy nang pumasok sila sa
investigation room. Nanghihina na ang
senador na naghahangad ng malaking
kapangyarihan sa bansa. Anak ito ng dating
alumni ng fraternity na tinanggalan ng
permit dahil sa paglabag ng batas ng
kanilang kapatiran.
Iniwan ni Dylan ang anak sa mastermind ng
nagpadukot sa kaniya.
Walang ibang gamit sa loob kundi ang maliit
na mesa at dalawang silya. Hinila ni Anndy
ang isang mesa at naupo sa tapat ng
senador na nasa 60 na ang edad.
"Bakit mo po ako pinadukot?" tanong ni
Anndy.
"Mahalaga pa ba iyon?" tanong ng matanda.
"Mahalaga po iyon. Buhay ko ang nakataya
at marami na ring namatay sa ginawa
ninyo," sagot ni Anndy. Thanks kina Jaffy at
Kuya JM niya dahil nahuli ang mga salarin.
"Kapag pera ang pag-uusapan, hindi mo na
maisip ang buhay ng ibang tao," sagot nito.
"Sir, hindi po pera ang pangunahing rason
kung bakit sasaya ang tao. Kundi
pagmamahal sa puso natin," sagot ni Anndy.
Iyon ang bilin ng Lola Patch niya noon pa
man.
"Nasabi mo lang 'yan dahil may
kapangyarihan at pera kayo," sagot ng ex-
senador. Pinalaki siya ng kaniyang ama para
gumanti sa mga Lacson. Nawalan ng
trabaho ang ama niya noon. Pati
pangkabuhayan nila ay naglaho na parang
bula dahil nalubog sa utang ang pamilya
nila.
"Sir? May batas po tayo at sana
maintindihan ninyo na sinunod lang ng Lola
Patch ko noon ang patakaran. Ang lumabag
ay nararapat lang na bigyan ng parusa,"
pagpaintindi ni Anndy.
Tumahimik ang matanda. Patay na sana
itong babae kung hindi lang nakialam ang
isang traidor na tauhan niya. Ang problema,
matagal na palang patay si Bornok at
pinalitan lang ng lalaking iyon.
"May isa akong tanong, bibigyan ko ng
pabuya ang anak mo kung masagot mo,"
sabi ni Anndy. Baka sakaling ito ang may
hawak ng kasagutan sa lahat ng katanungan
nila ni Zero.
"Ano?" walang ganang sagot ng lalaki.
"Sino ang mastermind sa pagdukot kay Zero
para i-trained na gumanti sa aming mga
Lacson?" tanong ni Anndy at nakipagtitigan
sa matanda.
"Sino si Zero?" clueless na tanong ng
kaharap ni Anndy.
Napahilamos ang dalaga. Walang bakas ng
pagdadrama ang mga mata ng kaharap.
Nakasama lang nila pero hindi nga nito kilala
si Zero.
"Salamat na lang po," sabi ni Anndy saka
tumayo. Malapit na siya sa pintuan nang
malakas na tumawa ang matanda.
"Do you think, ako lang ang may galit sa
pamilya ninyo? Marami kami!" nakakalokong
ngiti ang sumilay sa mga labi ng matanda.
Humarap si Anndy at matamis na nginitian
ang matanda, "Inggit ho tawag diyan,"
pagtatama niya bago lumabas.
Sinalubong siya ng ama at sabay silang
lumabas. Sa hindi kalayuan ay mga
bodyguards nila kaya napabuntonghininga si
Anndy. Mula noon, ayaw na talaga niyang
may nakabuntot at nakabantay sa bawat
galaw niya.
Nasa likuran siya ng ama nakaupo at sa
likuran din niya ay ang dalawang guards
kaya pakiramdam niya, nasa loob siya ng
isang saradong garapon, walang pag-asang
makatakas.
Pagdating sa bahay, binuhat niya ang
pusang sumalubong sa kaniya at ikiniskis ang
ulo sa mga binti niya. Ang cute nito. Parang
tiger ang mukha na kakulay ng ina nitong
black and brown.
"Mommy? Akin po 'yan," sabi ni Dale habang
nakatingala sa ina at gustong hawakan ang
pusa.
"Ayaw ko," biro ni Anndy at niyakap ang
pusa. Natatawa siya nang makita niyang
lumabas ang dulo ng tainga nito sa buhok
na para bang humaba dahil galit ito sa
kaniya.
"Akin po," naiiyak na sabi ni Dale at tatalon-
talon pero hindi niya maabot ang pusa dahil
itinataas ng ina.
"Kiss muna kay Mommy," sabi ni Anndy at
yumuko kaya mabilis na ginawaran siya ng
halik sa pisngi ng anak.
Nang mahawakan na nito ang pusa, agad na
tumakbo palabas si Dale para dalhin sa
pinsan ang hawak na pusa. Natatawa siya
habang pinagmasdan ang tumatakbong
anak. Patay na naman ang mga ito kapag
makita ng Kuya Lance Leonard niya na
pinaglalaruan nila ang alaga nitong kuting.
"Ate Jaffy!" wika ni Anndy nang makitang
papasok si Jaffy kasunod si Jaff kaya napuno
ng pag-asa niyang makita si Zero pero wala
ang binata.
"Hi," nakangiting bati ni Jaffy at humalik sa
pisngi ni Anndy. Ganoon din ang ginawa ni
Jaff.
"Napadalaw kayo?" tanong ni Anndy. Gusto
sana niyang itanong si Zero pero baka may
makarinig sa kanila at magduda pa.
"Gusto ko lang makita si JM kaya naisipan
kong dumaan," nakangiting sagot ni Jaffy.
"Wala ho yata si Kuya," sagot ni Anndy.
"Ganoon ba? Anyway, babalik na lang kami
ni Jaffy sa makalawa," makahulugang sabat
ni Jaff. Nandito lang naman sila para ipaalam
kay Anndy na sa makalawa na ang araw na
itatakas nila ito.
"Sige po," sagot ni Anndy na nakuha ang
nais ipahiwatig ng kambal.
"Tabi!" mabilis na tinulak ni Jaff si Anndy sa
sofa at sinalo ang maliit bolang muntik nang
tumama sa mukha ni Anndy.
Napatingin si Anndy sa maliit na bolang
nakadikit sa dingding dahil sa maliit na
punyal na nakatusok sa bola.
Clap! Clap! Clap!
"Magaling!" nakangiting puri ni Erin habang
pababa ng hagdan, "Mabilis ang mga kamay
ng kambal ni Jim."
"Magandang hapon po," sabay na bati ng
kambal kina Lulu at Erin at humalik sa pisngi
ng dalawang matanda.
"Magandang hapon sa kambal na maganda,"
nakangiting bati ni Lulu. Ang ganda ng mga
anak ni Jim Garcia. Nagmana ang mukha at
katawan sa ina pero ang liksi at utak naman
ay sa ama. Salamat na lang dahil hindi nila
namana ang well? Katalinuhan ng ina?
"Ang ganda n'yo pa rin po," puri ni Jaff na
puno ng paghanga ang mga mata, "Para
kayong hindi tumatanda."
"Age is just a number," wika ni Erin at naupo
sa sofa, "Maupo muna kayo."
"Huwag na po. Pauwi na kami. Dumaan lang
talaga kami para kay John Matthew," tanggi
ni Jaffy.
"Hanggang ngayon, hindi mo pa rin siya
nahuhuli?" nakangiting wika ni Lulu. Boto
siya kay Jaffy para sa apo. Ewan nga niya
kung bakit ayaw patulan ni JM si Jaffy. E,
ang ganda at sexy naman nito.
"Bakla yata ang apo ninyo, Lola Lulu,"
pabirong sabat ni Jaff kaya tumawa ang
dalawang matanda. Kinikilabutan ang ibang
assasin sa tatlo pero hindi sila dahil kilala
nila ang mga ito. Hindi sila pumapatay ng
mga taong walang kasalanan sa kanila.
Ngayon lang siya nagkaroon ng kaunting
kaba dahil kakalabanin nila ito alang-alang
kay Zero. Matalik niyang kaibigan si Zero
mula noong nagdadalaga na siya at kahit
mali man ang ginawa ng kaibigan, kailangan
niyang sumugal para maprotektahan ang
binata.
"Huwag kang mag-alala, kapag umabot pa
kayo ng trenta, tutulong na kami," wika ni
Lulu kaya naglumiwanag ang mga mata ni
Jaffy.
"Talaga po?" tuwang-tuwa na sabi ni Jaffy
na para bang nakahanap siya ng kakampi.
"Yes, kami ang bahala," pilyang sabi ni Lulu
at kumindat kay Jaffy. Sa kanilang
magkapatid, ito ang pinakapilya sa lahat.
Nagpaalam na ang kambal kaya umakyat na
si Anndy sa kuwarto niya.
Kakapalit lang niya ng damit nang may
kumatok sa pintuan kaya pinagbuksan niya
ito.
"Puwede ba tayong mag-usap?" seryosong
tanong ni Erin kaya kinabahan si Anndy.
"Hintayin kita sa conference room."
Bumalik si Anndy sa tapat ng dresser at
naupo saka sinuklay ang mahabang buhok.
Nang matapos siya ay mabibigat ang mga
hakbang na naglakad siya patungo sa
conference room.
Nakaupo si Angel sa tapat ng mahabang
mesa kaya naupo si Anndy sa silyang nasa
harapan nito.
"A-Ano ho ang pag-uusapan natin, Lola?"
tanong ni Anndy na hindi niya kayang
tumingin sa mga mata nitong puno ng
tapang.
"Gusto ko nang bumalik sa bahay," panimula
ni Angel, "Hinahanap na ako ng mga anak at
asawa ko kaya ituro mo na sa amin kung
saan ang kidnapper mo."
"H-Hindi ko ho alam," sagot ni Anndy at
iniwas ang mga mata. Hindi niya aaminin
kahit na torture-in pa siya ng mga ito.
Hinding-hindi niya ipapahamak si Zero.
"If I were you, ipagtapat ko na kung sino
siya," wika ni Angel pero umiling si Anndy.
Clueless pa rin sila tungkol kay Zero lalo na
sa mukha nito. Pero sigurado silang
dinadalaw nito si Anndy minsan kaya buntis
na naman ang apo na hindi alam nina Dylan.
Tumayo ang matandan at lumapit sa bintana
saka hinawi ang makapal na kurtina kaya
mas lumiwanag ang buong silid. Napasulyap
si Anndy sa nakatalikod na matanda.
Makurba pa rin ang katawan nito sa fitted
blue jeans at itim na tshirt tapos nakapusod
ang mahabang buhok.
"L-Lola Angel, maniwala ho kayo. Hindi
masaman tao si Zero. M-Mahal po niya ako
at magbabagong buhay na po siya,"
pangungumbinse niya sa matanda. Kahit na
ganito ang mga ito, alam niyang may
malambot pa rin silang puso lalo na itong si
Angel.
"Kaya handa mong isakripisyo ang pamilya
mo para lang sa kaniya?" tanong ni Angel at
hinarap si Anndy na malungkot ang mga
matang nakatingin sa kaniya.
"M-Mahal ko rin po kayong lahat," sagot ni
Anndy.
"Minsan, hindi mo makukuha ang dalawang
bagay. Kailangan mo talagang mamili ng
isa," saad ni Angel.
"P-Pero walang kasalanan si Z-Zero,"
umiiyak na sabi ni Anndy, "Biktima lang siya
ng p-panlilinlang."
"Oh, girl. Stop crying, hindi makakabuti sa
kalusugan mo ang umiyak," sabi ni Angel.
"L-Lola, si Z-Zero po. D-Dinukot din siya
noong bata pa siya at ginawang assasin para
maghiganti sa atin," umiiyak na paliwanag ni
Anndy. Kailangang maintindihan nila si Zero
dahil hindi naman talaga ito masamang tao.
"For short, kalaban natin siya," sagot ni
Angel na muling lumapit kay Anndy at naupo
sa harapan nito.
Umiling si Anndy, "K-Kung bibigyan mo po
siya ng pagkakataon, m-magbabagong
buhay po siya kasama kami ng anak namin."
"Paano magbagong buhay ang may
masamang budhi na assasin?" nagdududang
tanong ni Angel, "Pumapatay siya ng mga
inosenteng tao para mabuhay. Nangki-
kidnap ng mayayaman para magkapera."
"H-Hindi totoo 'yan!" Tumaas na ang boses
ni Anndy, "Tayo. M-May masamang baho rin
naman po ang pamilyang 'to! May pinatay
rin naman sina Lola na inosenteng tao!"
"How dare you para paratangan ang pamilya
mo para lang sa Zero na iyan!" Napahampas
si Angel sa mesa bago tumayo.
"S-Sina Lola Patch at L-Lolo Lee, pinatay
ang mga magulang ni Zero sa harapan nila
pero wala man lang silang ginawa!" sumbat
ni Anndy at tumulo na naman ang mga luha.
Hindi siya makapaniwalang magagawa ng
grandparents niya ang hindi tumulong sa
mga nangangailangan. At sa harap pa mismo
ni Zero.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?"
naguguluhang tanong ni Angel.
"P-Pinatay nila ang mga magulang ni Zero
pero sina L-Lola Patch, nakatingin lang sa
mga nangyayari mula sa sasakyan. N-Ne
hindi man lang sila tumulong. N-Ne hindi
nila naisip na nasa harapan lang sila ng isang
bata. N-Nagmamakaawa si Z-Zero na
tulungan sila pero hinayaan lang ni Lola. O
baka sila mismo ang may pakana ng lahat?"
humihikbing pagsabi ni Anndy. Kung siya
ang nasa kalagayan ni Zero, baka
nagpakamatay na siya kapag patayin ang
mga magulang niya sa harapan.
Sumeryoso ang mukha ni Angel sa nalaman,
"Huwag ka nang umiyak, bumalik ka na sa
kuwarto mo. Tapos na ang usapan natin."
"P-Pero Lola--"
"Makakalabas ka na, Anndy!" matigas ang
boses na sabi ni Angel kaya tumayo si
Anndy.
"Sana bigyan ninyo ng pagkakataon si Ze--"
"Tinangka ka niyang patayin, gusto niyang
maghiganti sa pamilya natin kaya mahigpit
na kalaban pa rin siya ng mga Lacson!"
"H-Hindi ninyo kami mapaghiwalay ni Zero!"
matapang na sabi ni Anndy at pinahidan ang
mga luha.
"Lumabas ka na at magpahinga," ulit ni
Angel, "Salamat sa impormasyon, Anndy."

Ang Kidnapper Kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon