Ang Kidnapper kong Gwapo
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 35
Unedited...
"Baby? Hindi ka ba masaya ngayong nandito
ka na sa bahay?" malungkot na tanong ni
Ann sa bunsong anak. Limang araw na itong
nakauwi. Hindi pa nga gumagaling ang sugat
ng operasyon niya.
Hindi sumasagot si Anndy. Nakaupo lang ito
at nakatingin sa bintana.
"A-Alam kong na-trauma ka. G-Ginawa
naman namin ang lahat para mahanap ka. S-
Si Daddy mo nga, hindi na nakakatulog sa
kakaisip kung paano ka hanapin," naiiyak na
sabi ni Ann at naupo sa tabi ng anak saka
niyakap ito. Nanlulumo siya sa sitwasyon ni
Anndy. Ang daming galos nito sa katawan
lalo na sa mga paa. Hinimatay nga siya nang
makitang ibinaba ito ni JM sa helicopter na
walang malay.
"G-Gusto ko po munang mapag-isa,
Mommy," pabulong na sagot ni Anndy kaya
tumayo si Ann at pinagmasdan ang anak na
nanlalalim ang mga mata.
"Kung kailangan mo kami, mag-bell ka lang.
Huwag kang mag-alala, mahigpit na ang
security natin kaya hindi ka na makikidnap
pang muli," sabi ni Ann bago lumabas.
Iginala ni Anndy ang paningin. Matapos ang
dalawang taon, nandito na ulit siya. Kulay
pink ang kuwarto na puno ng malalaking
barbie dolls. Kahit ang kama, sina Elsa at
Anna ang desinyo. Puno rin ng mamahaling
sapatos ang mataas na shoerock.
Tumayo siya at isa-isang pinagmasdan ang
mga sapatos. Natuon ang paningin niya sa
pinakahuling sapatos na puno ng diyamante.
Ito ang huling regalo ng Lola Patch niya sa
kaniya pero nawala ang kapares nito noong
debut niya. Ilang milyon din ang halaga ng
sapatos na ito kung ibebenta lang niya.
"Saan na kaya 'yon?" tanong ni Anndy sa
sarili saka lumapit sa bintana. Hinawi niya
ang kulay pink at makapal na kurtina.
Ang kakahuyan na natatanaw niya, naging
isang malawak na hardin na ng kaniyang ina.
Ang balon, naging olympic sized na
swimming pool na. Ang banig, naging
malambot na water bed. Ang tuyo at gulay,
naging karne at luto ng tanyag na chef ng
bansa.
Marangyang kagamitan na ang mayroon
siya. Ito naman ang nakalakihan niya e. Dito
naman talaga siya. Ito ang kaharian ng isang
prinsesa. Dapat masaya siya. Bumalik lang
naman siya sa dati niyang buhay.
"Z-Zero..." bulong niya. Saka niya
namalayang tumutulo na pala ang mga luha
niya kaya napangiti siya. Ngiting mas mapait
pa kaysa sa ampalayang itinatanim niya sa
bahay-kubo nila ni Zero.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang
katulong.
"Ma'am? Magbihis na po kayo. Aalis na raw
po kayo after thirty minutes," sabi nito.
Tumango si Anndy kaya lumabas na ang
bagong katulong.
Nagpalit si Anndy ng damit. Hindi niya alam
kung saan sila pupunta. Basta sabi lang ng
mga magulang, aalis sila. Dahil itim na
bestida ang napili niya, itim na sapatos din
ang ipinares niya. Dati, tig 50 lang ang
tsinelas na pinapasuot sa kaniya ni Zero pero
ngayon, milyon na ang halaga ng sapatos
niya.
"Anndy?" tawag ni Ann nang bumukas ang
pinto, "Aalis na tayo."
Lumapit si Ann sa anak na nakaupo sa sahig.
Ngumiti siya rito. Ang ganda ni Anndy,
kamukha ito ni Dylan. Parang hindi na ito
ang Anndy na nakasanayan niya. Iyong
Anndy na walang ginawa kundi maglaro ng
barbie at makiusap na makipaglaro sa bahay
nina Christine. Dalaga na ito lalo na ang
pangangatawan.
"Aalis na po ba tayo, Mommy?" tanong ni
Anndy at tumayo.
"Oo," sagot ni Ann.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni
Anndy sa inang titig na titig sa kaniya.
"W-Wala. Proud lang ako sa baby ko,"
naiiyak na sabi ni Ann at niyakap ang anak,
"Ang tatag mo. H-Hindi ko akalaing
magiging matapang ka."
"Mom? After two years, iyakin ka pa rin?"
natatawang sabi ni Anndy na paiyak na rin.
Na-miss niya ang mommy niya lalo na ang
pagiging isip bata nito. Maliban kay
Christine, ang mommy niya ang naging
matalik niyang kaibigan.
"M-Masaya lang ako," natatawang sabi ni
Ann at pinahidan ang mga luha, "Halika na,
kanina pa tayo hinihintay ng mga kapatid
mo."
Hawak-kamay silang lumabas at tumungo sa
elevator. Ang dating hagdan sa kubo,
naging elevator na sa malaking palasyo. Ang
layo kaysa sa nakasanayan niya sa loob ng
dalawang taon kaya dapat na maging
masaya na siya. Tama, maging masaya na
siya. Wala nang barilan, wala na ang insulto
ni Ligaya, at wala na ang mga biik.
"Bhabz," bulong ni Anndy nang maalala ang
alaga. Si Ligaya, nagkabalikan na kaya sila ni
Zero? Masaya na kaya ang dalawa?
"Okay ka lang ba, baby?" tanong ni Ann
nang mapansing namumutla ang anak,
"Masakit pa ba ang sugat mo?"
"O-Okay lang po. Mom? Can I talk to
Christine?"
Pinisil ni Ann ang kamay ng anak at nginitian
ang anak, "Bawal ang gadgets sa 'yo,
Anndy."
"Please, gusto ko lang pong makausap ang
bestfriend ko," pakiusap niya. Ikinuwento na
ng mommy niya ang nangyari kay Christine
pero iba pa rin kapag makita at makausap
niya ito.
"May tamang panahon diyan. As of now,
may pupuntahan muna tayo," sabi ni Ann
kaya natahimik si Anndy.
Gusto sana niyang sabihin sa mga ito na
may mahal na siya pero bago pa niya imulat
ang mga mata after ng operation, narinig
niya ang utos ng ama sa mga tauhang
hanapin ang lahat ng kumidnap sa kaniya at
ikulong lalo na ang nakasama niya sa isla.
Hindi niya kakayaning makulong si Zero.
"Mom?" tawag ni Anndy bago pa bumukas
ang elevator. Kailangan niyang makausap
ang ina niya.
"Yes?"
"M-Mommy, m-mahal ko po si Zero. Mahal
ko po ang kidnapper ko," naiiyak na pag-
amin niya kaya natigilan si Ann.
"Mom? H-Huwag ninyo siyang saktan. G-
Gusto ko pong mamuhay kasama siya. P-
Please naman, oh!" pakiusap niya sa ina.
Biglang lumungkot ang mga mata ni Ann
habang nakatitig sa anak.
"Bata ka pa. Siya lang ang kasama mo sa
isla kaya ganiyan ang sinasabi mo."
"M-Mahal ko po siya, believe me, m-mahal
na mahal ko si Zero," pangungumbinse ni
Anndy.
"P-Pero ayaw ni Dylan sa kaniya. Masama
siyang tao. Killer siya, Anndy."
Umiiyak na umiling si Anndy, "Hindi siya
masamang tao. Mahal niya ako at kung
mamamatay-tao man siya, nagawa lang niya
iyon para protektahan ako."
"Huwag mong sabihin 'yan sa daddy mo,
matindi ang galit niya sa kidnapper mo kaya
kapag malaman pa niya, hindi lang
makukulong ang lalaking iyon kundi ipapatay
pa niya."
Bumukas ang elevator at hindi maipintang
mukha ni Dylan ang bumulaga sa kanila.
"Ba't ang tagal ninyo?" seryosong tanong
nito.
"Nag-uusap lang kami. Na-miss ko ang
bunso natin. Gusto raw niyabng bisitahin si
Tintin," sagot ni Ann na nakasimangot.
"Bawal kang magpakita sa tao nang hindi
mo kami kasama," walang ganang sagot ni
Dylan na nakatingin sa anak. Masaya siya
para kay Anndy. Kung alam lang nito kung
gaano siya nangulila sa kaniya.
"Huwag mo akong titigan ng ganiyan,
Daddy. Para kang namaligno!" nakalabing
saway ni Anndy pero natigilan sa huling
sinabi. Speaking of maligno. Naalala naman
niya si Zero. Sobrang miss na niya ang
binata. Nasanay na kasi siya na ang
guwapong mukha nito ang nakikita niya
tuwing umaga.
"Hindi lang ako makapaniwalang nandito ka
na," naluluhang sagot ni Dylan at tumalikod
sa mag-ina niya dahil baka umiyak pa siya.
"Dad? Saan tayo pupunta?" tanong ni Anndy
nang nasa sala na sila. Ang mga kapatid ay
nakaupo rin dito.
"Princess? Na-miss talaga kita!" naiiyak na
sabi ni Lance Leonard at tumayo saka
mahigpit na niyakap ang bunsong kapatid.
"Ako rin," naiiyak na sabi ni Jacob saka
nakiyakap sa dalawa.
"Iyakin ka talaga!" sabi ni JM na nakatingin
lang sa tatlo.
"Mom? Bakit hindi pa nakauwi si Kuya Lee
Patrick?" tanong ni Anndy. Ang alam niya ay
nasa Japan ang isa pang kapatid.
"Magkikita rin naman kayo bukas," sagot ni
Dylan.
"Uuwi na siya?" masayang tanong ni Anndy.
"Hindi," sagot ni Dylan kaya napakunot ang
noo ni Anndy, "Tayo ang pupunta sa kaniya."
"N-No!" mabilis na tanggi ni Anndy at
napaatras sa pamilya, "H-Hindi ako sasama
sa inyo. D-Dito lang ako!"
"Baby? Kailangan mong tumakas sa bansa.
Nanganganib ang buhay mo," pakiusap ni
Ann.
"N-No, I c-cant. I w-won't," naiiyak na
sagot ni Anndy. Hindi siya aalis.
"Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" galit na
tanong ni John Matthew. Buhat nang makita
niya ang kapatid sa kuweba, kung anu-ano
na ang pinagsasabi nito.
"Hindi ako aalis. H-Hihintayin ko si Z-Zero!"
umiiyak na sagot ni Anndy. Hindi niya
kayang lisanin ang Pilipinas.
"Siya ba ang kidnapper mo na mamamatay-
tao?" galit na tanong ni Dylan saka
naikuyom ang mukha.
"Oo, kidnapper ko siya p-pero mabait
siyang tao!" depensa ni Anndy.
"Ilang tao na ba ang napatay niya?
Nabubulagan ka lang! Masyado niyang
nabilog ang ulo mo para maghiganti sa
amin!" singhal ni Dylan na pinipigilan ni Ann
ang mga braso niya.
"P-Pumatay siya ng tao para mabuhay ako.
H-Handa niyang ialay ang buhay niya para
lang mailigtas ako. P-Para makabalik ako
nang buhay!" giit ni Anndy at pinahidan ang
mga luha. Hindi naman talaga umalis si Zero
para maghanap ng halamang gamot. Nasa
paligid lang ito. Binabantayan siya laban sa
mga armadong kalaban nila.
Nakipagsagupaan sa masasamang tao para
masiguradong hindi siya masaktan habang
wala pa ang magre-rescue sa kaniya. Sa
abot ng makakaya, ginawa ni Zero ang lahat
isalba ang buhay niya.
Napaupo siya sa sofa at humagulgol sa pag-
iyak. Ne hindi nga niya alam kung buhay pa
ito. Paano kung may tama rin si Zero? Sino
ang mag-aalaga sa kaniya?
Napatayo siya bigla.
"B-Babalik ako sa isla!" matapang na sabi
niya sa pamilya.
"No!" sabay-sabay na sagot nila.
"Nababaliw ka na ba, Anndy?" sigaw ni John
Matthew. "Babalik ka sa impiyernong lugar
na iyon?"
"H-Hindi impiyerno ang islang i-iyon!" hiyaw
ni Anndy at matapang na hinarap ang mga
kapatid, "K-Kailangan ako ni Z-Zero. B-
Babalikan ko ang asawa ko kaya ihatid na
ninyo ako, please!" pakiusap ni Anndy.
Napaupo si Ann at humagulgol sa pag-iyak.
Hindi niya maintindihan ang nangyayari.
Masyado na bang na brainwash si Anndy ng
kidnapper niya?
"Puta, Anndy!" sigaw ni Lance Leoanard.
"Dalawang taon ka naming hinanap tapos
ganun-ganun na lang 'yon? Iiwan mo kami
para sa hayop na 'yon?"
"M-Mahal ko siya! Mahal ko si Zero!" giit ni
Anndy.
"Hindi mo siya mahal! Binilog ka lang niya!"
giit ni Dylan. Narinig nilang lumapag na ang
private plane nila sa helipad. "Ano ang
ipapakain niya sa inyo ng anak mo? Mula sa
nakaw?"
"Mahal ko siya! M-Mahal ko po siya! M-
Masaya naman kami kahit na gulay lang ang
ulam ko. M-Masaya ako sa pag-aalaga ng
baboy at masaya ako na walang mamahaling
gamit! M-Masaya ako kasama siya!" sagot ni
Anndy na sumasakit ang dibdib sa pag-iyak.
Nanlalabo na rin ang mga mata niya dahil sa
mga luhang ayaw tumigil sa mga mata.
"I-Isa pa, h-hindi magnanakaw si Zero. N-
Nagtatrabaho siya nang marangal p-para
may ipakain sa a-akin kaya h-huwag ninyong
husgahan ang pagkatao niya dahil a-ako ang
nakasama niya at h-hindi kayo!"
"Tigilan mo na, Anndy!" galit na saway ni
John Matthew habang namumula ang mukha
sa galit.
"B-Babalik ako sa isla," bulong ni Anndy.
Lumapit ang ama niya sa kaniya at
hinawakan siya sa braso para patayuin.
"Umalis na tayo!" matigas na sabi ni Dylan.
"A-Ayoko. D-Daddy, p-parang awa mo na
po, k-kailangan kong makabalik sa isla,"
pagmamakaawa ni Anndy habang nakatingala
sa ama.
"Minsan mo nang sinuway ang utos ko at
ano ang napala mo? Muntik ka nang
mapahamak!" pagmamatigas ng ama at
hinatak siya palapit sa elevator pero lahat ng
madadaanan ay kinakapitan ni Anndy. Ayaw
talaga niyang sumama.
"P-Please, Daddy, a-ayokong sumama,"
pakiusap ni Anndy na mahigpit ang hawak sa
pintuan ng elevator para hindi siya
makapasok kaya binitiwan siya ni Dylan at
tinitigan siya sa mga mata.
"D-Daddy, s-sorry po talaga pero h-hindi
ko kayang iwan si Z-Zero."
"Mamili ka, Anndy," seryosong saad ni Dylan
habang titig na titig sa luhaang mukha ng
anak, "Aalis ka? o ipalaglag ko ang sanggol
na nasa sinapupunan mo?"
"A-Ano ang i-ibig m-mong sabihin,
Daddy?" nauutal na tanong ni Anndy at
biglang nabalot ng kaba ang puso niya.
"B-Buntis ka..." umiiyak na sabat ni Ann.
Maagap na sinalo ni Dylan ang anak na
nawalan ng malay.

BINABASA MO ANG
Ang Kidnapper Kong Gwapo
ActionKinidnap niya ang prinsesa ng mga Lacson pero paano niya masosolusyunan ang problema kung ayaw na nitong umuwi sa kanila? Paano nya bubuhayin ang maarte at mayamang babae kung isa lamang siyang kidnapper nito?